[B]
Sino nga ba si "HER"?
Baka naman tambay lang yan sa kanto at isang babaeng adik na walang magawa sa buhay niya. Baka mamaya isa pala siyang babaeng naka-katol lang o nakasinghot ng zonrox. Baka naman madami na yang napatay sa pag-iisip niya. Baka nga baliw pala yan at takas sa asylum. Baka mamaya isang babae lang siya na walang magawa sa buhay niya na puno ng kadramahan..
Si HER?
Babaeng nagmahal yan. Babaeng minahal. Pero ang lagi niyang tanong, "Bakit ako sinaktan?" Babaeng sumubok magmahal. Babaeng nasubukan ang salitang, "pagmamahal". Pero baket nga ba sa kabila nun, siya pa rin ang nasaktan? Baka kasi tanga. Si HER naniniwala yan sa salitang pagmamahal eh. Naniniwala yan na balang araw may dadating na lalaking magmamahal sa kanya ng totoo at sobra. Ang korni ni HER noh? Pero hindi yan papa-pigil. Tanga yan eh. Ayaw masaktan pero ayaw din tumigil sa kaka-pangarap sa mga bagay na alam niyang imposible at hindi pwede. Tanga-tanga ni HER noh? Naiinis ka na ba sa kanya? Hayaan mo, matatauhan din yan, balang araw. Siguro hindi pa ngayon pero hayaan mo, tatalino din yan sa larangan ng pagmamahal.
Alam mo bang naniniwala din yan sa happily ever after? Sobrang korni niya talaga noh? Pero wala tayong magagawa eh. Dun siya masaya, sa nagmumukha siyang tanga. Alam mo din bang ayaw niyan ng nasasaktan siya? Pero pilit naman siyang sumisiksik sa bagay na alam niyang makakasakit sa kanya. Oo, hindi siya tanga. Sobra lang. Si HER? Nako. Yan yung babaeng ngiti ng ngiti, tawa ng tawa kahit obvious naman na hindi siya okay. Halata ng may problema siya pero hindi, hindi niya yun aaminin dahil ayaw niyang may naaawa sa kanya. Gusto niyang sarilihin lahat. Lahat ng problema. Madamot noh? Hayaan mo na, tanga siya eh. Siguro, kailangan niya ng isang taong pupukpok sa ulo niya para matauhan at magising siya sa lahat ng kaartehan sa buhay niya. Pero sa tingin mo ba magiging effective yun? Sa tingin ko hindi. Matibay sa pagpapanggap yang si HER eh. Magaling mag-peke ng mga ngiti at tawa yan. Pero alam mo kung san siya pinaka-magaling?
Sa pag-peke ng nararamdaman niya..
----------
(c) Fathomlessbeetch
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com