Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"'Teh, tae lang ako ha?"

Umirap ako kay Bea Bungingi. Siya kase ang pinaka-nakakainisan ko dito sa trabaho. Sobrang dense kase at empathetic. And lastly, inagaw nya sa akin ang ex ko!

Uhm, break na kami bago naging sila. Pero duh, she used to be my bestfriend! Ang ahas nya! Hindi niya dapat tinalo ang bestfriend niya. Well, ex-bestfriend niya.

"Oo te. Tae ka talaga!" inis na saad ko.

Ngumiti lang ito at pumasok sa restroom doon sa likod.

Nagpapakabait 'yan sakin dahil alam nyang kasalanan nya bakit kami nag-break ni Mikael. For all I know, inakit nya ang boyfriend ko habang kami pa.

Mga bakla, siya rin ang nagpakalat dito sa buong staff ng bangko na dati akong prostitute.

Gaga lang? Past is past. At saka, so what kung prosti ako dati? Wala namang masama sa pagiging prosti dahil hindi ako nananapak ng ibang tao. Hallerr? Iyon kaya ang dahilan bakit ako naka-graduate sa accounting.

Nairaos ko ang kolehiyo ko dahil sa pagpo-prosti ko. Duh.

"Ano'ng sayo?!" bwesit na untag ko nang may pumunta sa counter. Nang maalala na customer ito ay napangiti ako. Yes, professionalism si ate nyo. "Ay, good morning ma'am, what can I do for you po?"

"Utang."

Ano? Pepe ba 'to?

Ngumiti ako, iyong labas ang ngipin na maputi. "Ma'am, ano pong klase ng loan ang hinahanap niyo? Para po ba sa business, personal use, o housing?"

Nag-isip saglit si ate nyo. "Ah, personal use lang. May mga bayarin lang na kailangang asikasuhin."

"Sige po, Ma'am. Mayroon po kaming iba't ibang options para sa personal loan. Pwede ko po bang malaman kung magkano po ang iniisip niyong amount na i-loan?" Dahil magtatatlong taon na ako sa bangko ay alam ko na ang mga pasikot sikot.

Ngunit naantala ako nang dumaan si... Mikael.

Isa rin syang staff dito. Ang totoo niyan, ako ang nag-rekomenda sa kanya sa aming boss para makapasok siya dito sa bangko. Magkarelasyon na kami bago pa siya nakapasok dito.

Pero nasira ang lahat dahil sa linta.

"A-Ah... ano ulit po, ma'am?" Muli akong napabaling nang bagsakan ako ng papeles ng babae sa harap ko. Shite naman.

Nag-uusap kami ng ilang minuto nang biglang malakas na kalabog ang narinig ng lahat sa sliding door.

Lumuwa ang mga mata ko nang makitang nakabulagta na ang isang security guard na nasa entrance. Himihinga pa at hindi naman binaril pero sleeping beauty na si lola mo.

"Oh my goodness!" napatili ako nang magsipasukan ang tatlong lalaking naka bonnet at puro nakaitim, habang nakatutok ang mga baril sa aming lahat.

"Dumapa kayo kung ayaw nyong masaktan!" sigaw nong isa na medyo maputi.

"Ahhh!!" sigawan ng lahat pero sumunod rin sila. Maliban sakin.

Nanatili akong nakatayo at nanginginig.

"Ikaw!" sigaw nong isang kayumanggi at itinutok ang baril sa akin. Inilapag nya ang briefcase na itim sa ibabaw ng counter. "Ilagay mo dito lahat ng pera! Dalian mo!"

Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang kanyang damit na hapit na hapit. Shuta! Bakit naman bakat ang six pack abs nya! Grabe rin ang dede, mas malaki pa sa akin! Ano na naman 'to lord?!

"Dalian mo kung ayaw mong lumipad 'yang bungo mo!"

Nagising ako sa sigaw nya ulit. Aligagang kinuha ko ang briefcase saka nilagay lahat ng pera at walang tinira.

Kinuha na nya ito at pipihit na sana sila paalis nang bigla akong sumigaw.

"Sandali!"

Tumigil iyong kausap ko.

"Umalis na tayo, Biceps! Tumawag na si Marshmallow! Nakatunog na daw ang mga parak!" dinig kong sambit nong isa pa nilang kasama na matangkad at maputi. At shit! Tatlo talaga silang magaganda ang katawan.

Bakit naman ganyan?! Ano'ng karapatan nilang maging masarap habang naka-bonnet at may hawak na baril? Take note, mga magnanakaw pa.

"A-Ano... Biceps... may pera pa sa safe..." kinakabahang saad ko. Alam kong codenames nila ang mga 'yan dahil hindi ako bobo. Pero bakit ganyan naman? Hindi ba sila nag-isip ng cool na code name? Hanash si bakla.

Napatigil ito saka sinuri ang reaksyon ko, saka lumapit sa akin at tinutukan ako ng baril. "Ano'ng sinasabe mo?"

Ramdam ko ang lamig ng bunganga ng handgun sa noo ko pero mas nanaig ang galit sa kalooban ko.

Galit sa bestfriend ko sa pagtatraydor nito sa akin. Galit sa mga staffs dito na palagi akong ginagawang masama at pinagtutulungan. Galit sa ex ko na hindi man lang ako pinagtanggol, at hindi ako pinaglaban.

At galit sa bangkong ito dahil ilang buwan na akong hindi siniswelduhan! Puro delay! Puro na rin ako utang, anuba!

Sumulyap ako sa CCTV camera na nasa kisame malapit sa amin. Kung gagawin ko man 'to, sisiguraduhin kong hindi ako magmumukhang kasabwat. Hindi naman talaga!

Pero ayuko na dito sa bangko!

Tinignan ako ni hot robber na si Biceps. Hindi nakakapagtaka ang code name dahil malaki nga ang mga biceps. Nako po.

Bumulong ako. "Hindi mo alam kung gaano ko sinusumpa ang bangkong ito. Lalo na ang mga katrabaho kong ampapanget ng ugali."

He smirked. Oo, he smirked! Sa bonnet niyang tanging mata, ilong at bibig ang nakalabas. Pero tangina, alam kong gwapo na. Shuta.

"Bakit ako maniniwala sa 'yo?"

"Sasama ako sa inyo. Gawin nyo akong hostage! Alam kong malapit na ang mga police! Sinabe ng kasama mo diba?" Pagkukumbinsi ko.

Napatingin ulit ito sa safe na nasa likuran ko. Saka niya isininyas ang baril na kunin ko iyon.

Yes! Mukhang pumayag na siya.

Kunyare ay hindi ko gusto ang ginagawa ko. Kunyare akong napipilitang umalis sa pwesto at nagpanginig nginig ng katawan ko para mas kapani-paniwala ang acting skills.

Tumungo ako sa safe saka pinindot ang passcode. Nang bumukas iyon, kinuha ko lahat ng pera na naroon at inilagay sa ibabaw ng counter. Inilagay naman iyon ni Biceps sa briefcase, saka niya sinenyas na lumabas ako sa counter.

"Biceps! Ano pang ginagawa mo?!" galit na saad ng isang kasama niya.

"Trust me, Panda! Alam ko ang ginagawa ko!" si Biceps.

So si Panda pala 'yung isa? Siya iyong medyo malaki sa kanilang lahat pero halatang maganda rin ang katawan.

"Ayusin mo lang, pag napalpak 'to diretso tayo sa selda!" iyong isa pa.

"Tangina naman, Banana! Wag mo na akong kontrahin!" si Biceps ulit.

B-Banana? What the fuck?

Pigil ang ngiti kong sumunod, dahan-dahan habang nakataas ang dalawang kamay. Nakalabas na ako sa counter. Nakatutok pa rin ang baril sa aking noo.

Ilang sandali lang nang marinig ko ang tunog ng sirena ng police sa kalayuan.

"Oh shit!" si Banana, siya iyong moreno ang kulay. Hindi masyadong nakikita ang braso nila dahil mahaba ang mangghas ng suot na pang itaas pero syempre hindi nila maitago ang kamay nila. Pinindot nito ang earpiece. "Marshmallow, OTW!"

"Damn!" si Biceps habang palabas. Iniwan na ako nang tuluyan.

"How about me?!" inis na saad ko.

Napatingin ito sa akin bago umiling saka ibinigay kay Panda ang briefcase bago ako balikat at tinutukan ng baril.

"Sumama ka sakin!" malakas na sigaw nya para marinig ng lahat sa loob.

Finally! Kala ko iiwan na ako dito!

Tumalima ako palabas habang ang dalawang kasama ni Biceps ay nagtataka sa ginagawa niya. Ngunit agad din silang tumakbo palabas at tumungo sa isang tagong hallway malapit lang sa bangko, doon ko nakita ang isang SUV na white.

Nangunguha ng bata?

Naur... pera ang kinukuha nila.

Agad silang nagbukas ng pinto ng SUV at pumasok. Nahuli si Biceps ngunit pinasok muna ako nito, tinulak actually, bago siya sumunod.

Habol ang hininga akong napaupo.

"Mag-eexplain ako mamaya!" Inunahan ni Biceps ang lahat.

Napansin ko na naka-bonnet din ang driver nila. For sure si Marshmallow 'yon. Hindi ko alam ang dahilan bakit ganun ang codename niya, parang si Banana na nonsense ang codename.

Nang umandar ang sasakyan, mabilis itong nag-U turn saka pinaharurot palayo sa bangko.

Ngunit napamura kami nang sabay-sabay nang tumunog ulit ang serena at matagpuan namin ang sasakyan ng police na nakasunod sa amin.

Fuck! Wag niyo na silang habulin, mga mamang pulis! Hindi sila masasamang tao! In my opinion. Haha.

Pero syempre, ang ending ay naghabulan ng sasakyan ang eksena.

Napahinga lang kaming lahat nang mawala ang pagkakasunod nito sa amin.

Ilang sandali lang nang bumaba silang lahat kasama ako at lumipat kami sa isang sasakyan na nakaparada somewhere sa eskinita. Doon sila sumakay at naiwan ako.

"Hoy! Tangina! Bakit ayaw nyo ako isama!" mangiyak ngiyak na saad ko nang pagsarahan ako ng pinto ni Biceps.

Bumukas ang wingshield saka dumungaw si Biceps. Nakabonnet pa rin. "We don't know your intentions. Baka spy ka."

Hala nag english? Magnanakaw ba talaga 'to?!

"I'm not a spy! And FYI, wala na akong mauuwian!" naglumpasay na ako doon at nagwala, sinipa sipa ang sasakyan.

Dumungaw din ang isa pang kasama nila. Si Banana yata. "And how can you prove that?"

Ayan na naman sila sa pang-ienglish.

Mabilis kong kinuha ang bag ko, ito lang ang natatangi kong bitbit, at ibinigay ang cards ko sa kanila. "Ayan! Mga cards ko 'yan! SSS! National ID! BPI! Proof na hindi ako Spy! Lahat yan zero balance! And ito naman---" binigay ko sa kanila ang Eviction Notice na natanggap ko kahapon. Mangiyak-ngiyak akong sinupalpal kay Banana iyon. "Ayan! Prowebang wala na akong bahay!"

Totoong wala na akong bahay ngayon. Matagal na akong pinapalayas sa sarili kong bahay ng isang potanginang Representative ng Private Company na pinag-utangan ng mga parents ko, tapos nong hindi nila nabayaran, pumunta sila sa probinsya at iniwan ako! Tang ina nila!

Palibhasa wala silang ambag sa buhay ko! At ako ang nag-pundar sa bahay na 'yon! Tinubos ko na 'yon noon. Pero umurang pala ulit sila at ang ginawang collateral ay bahay at lupa! Bwesit.

At nakaraang linggo lang nang tuluyan na akong pinalayas sa pamamahay ko. Hays.

Sa ngayon ay nakikitira ako sa Tita kong matapobre at binibwesit araw-araw.

Well. Not anymore! BWAHAHAHAHAHHAHAHA.

"Tsk! Kawawang bakla," iiling-iling si Banana saka binuksan ang wingshield. "Pasok!"

Pinunasan ko ang uhog ko. Saka nagmadaling pumasok sa SUV. Sumiksik ako sa pagitan ni Panda at Biceps. Sarap pala sa pakiramdam dahil ang lalaki ng katawan nila.

My ghod. Lalabasan na yata agad ako sa ganito pa lang. Nakakahiya kang bakla ka.

Sinampal sampal ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Napatingin ang lahat sa akin.

"Nabaliw ka na ba?" si Biceps ang naglabas ng kanilang iniisip sa akin.

Napatawa ako. Nang malakas na malakas! "BWAHAHHAHA! Finally! Time for my villain era!"

At mas lalo pa akong tumawa. Ngunit natigil ako nang may maalala.

"Oo nga pala, kailangan nyo tatanggalin bonnet nyo?"



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com