Part 8
Nang pagkagising na pagkagising ko, Nagsaing na ako at nang matapos na sila mama magtuhog nilabas ko na at nagtinda na ako ng mga isaw
Nakaupo ako at nakatulala nang biglang dumating si kamille.
"Friend!.uy friend!"
Di ko parin napapansin, Hangang sa humarang siya sa muka ko.
"Kamille!"
"Anong iniisip mo? Bakit tulala ka? Wag mong sabihin na Si kyle parin? "
"Baliw ka ba? kyle ka dyan. Eh halos makalimutan ko na nga yung tao na yun. "
"Ahh. so may iba na pala."
"Ha? Wala ah."
"Wala ka dyan. Sige lang ganyan ka naman eh."
"Kasi kamille, Iba talaga eh"*tumingin ako nang seryoso kay kamille
"Anong iba?"
"Iba. As in alam mo yun? Iniisip ko na siya lagi umaga hapon gabi tapos, Pagtitingin ako sakanya parang natutulala ako. "
"Ay. Iba nga."
"Anong iba?"
"Iba nga kasi Inlove ka nanaman!"
"Ganun ba yun? "
"Hala? Teh, Nakalimutan mo na ba yung mga inlove moments niyo ni kyle?"
"Hindi, Ibang iba to kesa kay kyle."
"Ah so ganun? Puppy love lang yung kay kyle? Tas yan true love ganun ba?"
"Pinagsasasabi mo?"
"May bumibili ohh."
"Ay ano po yun?"
"Tatlo ngang hotdog"
"Sige po pili nalang po kayo dyan"
"Sino naman yang lucky guy na yan?"
"Wag ka maingay ha?"
"Sino?"
"Eto ohh yung hotdog ohh."
"Si loueh."
"MISS! ETO YUNG HOTDOG OH"
"Ay pasensya na po kayo. "
"Si louis?"
"Oo beh,"
"Eh, Ang tanong mahal ka din ba niya?"
"Hindi ko alam."
"Ano bang sabi niya?"
"Hindi ko pa naman sinasabi eh. "
"Bakit di mo sabihin na? "
"Balak ko ngayon pag pumunta siya."
"Pupunta ba?"
"Siguro? Baka?"
Nagulat ako nang biglang dumating si louis at nilapitan agad ako. Mukang tuwang tuwa at parang may good news na dala.
"Speaking of."
"Tumigil ka dyan kamille, Ikaw muna magpaypay dito."
"Osige sige! Goodluck!"
"Loueh? Are you already okay?"
"Yes, I'm fine. I need something to tell you."
"What? I need to tell you something too!"
"Let's go?"
"wait."
Lumapit ako kay kamille at pumasok kami sa loob ng gate namin.
"B! Ikaw muna magbantay dito ha? May sasabihin daw siya sakin"
"B!!! AYAN NAA!!!! Excited nako sainyo! "
"Bi wag ka nga maingay marinig ka nun eh, Syempre kunyare conservative muna."
"Ewan ko sayo! Basta balitaan moko ah? "
"Oo oo! Sige na bye na"
Nagbyahe kami papunta sa condo niya. Nang papasok na kami sa kwarto niya. Tinakpan niya yung mga mata ko ng kamay niya. Mukang supresa talaga to. Nang makapasok kami. Nang tanggalin niya. Unti unti kong minulat yung mga mata ko...
Pero Iba yung nakita ko. Isang babaeng matangkad na maganda ang nasa harapan ko. Mas lalo ko pang ikinagulat yung hawakan ni louis yung kamay nung babaeng yon.
"Dude. this is Eleanor. She's back! "
Nang marinig yung mga salitang yon. Kulang nalang mahimatay ako sa sobrang bigat na maramdaman ko.
"Dude? Aren't you happy? We're back!"
"I...I am.."
"Hi i'm eleanor." *Inabot yung kamay niya para makipagshake hands.
"Hello, Andrea. "
"Dude! It was amazing right? We're back."
"Yea...yeah."
"Wait a minute okay, I'll cook for you two."
"Faster baby okay?"
"Yes baby."
Baby? Baby yung tawagan nila. Bakit ganito? Hindi ba naalala ni louis na ako yung nasa tabi niya nung kailangan niya nang kasama? Hindi niya ba nararamdaman yung nararamdaman ko?
Nang tinawag na kami ni louis para kumain, Umupo na kami. Nasanay kasi ako na ako yung katabi ni louis kaya nung hihilahin ko na yung upuan nagkasabay kami ni eleanor.
"I'm sorry "
"It's okay."
Nasa tapat ko nagsusubuan. Nagtatawananan. Kinukwento pa nila saakin kung paano sila nagsimula.
"You know? Andrea? This is the first time that louis cooked for me."
Napatitig lang ako kay louis at nakatingin lang siya. Nagulat ako kasi nilutuan niya ako dati nang para saakin lang. bumalik yung tingin niya kay eleanor.
"Yes baby, This is my first time to cooked for someone."
Alam kong nagsisinungaling siya kasi nagluto na siya talaga para saakin eh. Bakit kailangan niyang ideny?
Nang matapos kami kumain, Nagpaalam nako na uuwi nako. Akala ko ihahatid niya ako. Pero sinabihan niya lang ako nang ingat.
Naghanap nalang ako ng taxi. Nasa byahe palang ako pauwi tumulo na yung mga luha ko. Naiisip ko parin kung ano yung mga nangyari kanina.
Nang nakauwi na ko, Nakita kong nagaabang si Kamille sa gate, agad akong umiyak sakanya at kinuwento ko lahat ng nangyari.
"Ganon? Ihinarap ka patalaga sa girlfriend niya?!"
"Oo."
"Ang kapal naman ng lalaking yan! Grabe naman siya. di makatarungan ginawa niya!"
"Anong gagawin ko kamille "
"Hayaan mo na yun be. Magmove on kana."
"Akala ko.. parehas kami.. akala ko..mahal niya ako..akala.."
"Shhhsh. tama na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com