Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

AMENDS THE PAST

Written by:
Sinner of the Year

"Bunso..."

Napapikit ako sa inis.

Kumagat ako ng labi upang pigilan ang inis na bumabalot sa aking kalooban. Iyon na rin ang paraan ko upang maiwasan ko ang mga masasakit na salitang posibleng lalabas sa aking bibig.

Nakatayo si Kuya Ryle sa harapan ko habang dala-dala ang malaking duffel bag na alam kong puno ng mga gamit nya.

"Ano'ng kailangan mo?" matabang na sabe ko.

Alam kong alam niya kung gaano kalaki ang kasalanan niya sa akin. Hinding hindi maghihilum ang sugat na iyon kahit lumuhod pa siya sa harapan ko.

Pinanuod ko siyang maghanap ng perpektong salitang lalabas sa bibig niya nang sa ganoon ay hindi ko siya agad pagsarahan ng pinto.

Ilang sandali lang nang tumingin siya sa mga mata ko, saka patid na umusal. "P-Pwede bang makitira-"

Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay agad ko nang isinara ang pinto. Ngunit mas mabilis ang kamay nya dahil nagawa niyang iharang iyon at sapilitang buksan.

"Bunso, sandali! Pakinggan mo muna ang sasabihin ko!" nagmamadaling saad nya habang nagpapatintero kami sa pagsara at pagbukas ng pinto.

"Ano ba! Ano pa bang gusto mo, Kuya?! Hindi pa ba sapat na iniwan mo ako sa lansangan at maging sunod-sunuran sa asawa mo'ng matapobre?!" sumabog ang galit ko. Nang hindi ko magawang isara ang pinto ay hinayaan ko nalang siyang buksan iyon. Humugot ako ng malalim na hininga saka matalim siyang tinignan. "Ano pang paliwanag ang sasabihin mo?! Kahit ano'ng sabihin mo, hinding hindi kita patitirahin sa pamamahay ko!"

Tulero siyang naghanap ng dahilan. "S-Seth... Wala na akong matutuluyan. Wala na akong titirhan. Maawa ka naman sa akin, oh..." mas lalo lang akong nainis nang tumigin sya sa akin habang nagpapakita ng nakakaawang emosyon.

Putangina. Masyado siyang magaling um-acting.

Bumwelo ako saka nagsalita. "Maawa?! Naawa ka ba no'ng iniwan mo ako sa labas ng bahay niyo ng asawa mo habang umuulan?! Naawa ka ba noong ilang buwan akong palaboy-laboy sa kalsada? Gago!"

Napakagat labi siya at umiwas ng tingin. Mabuti naman at tinablan ng hiya.

Hindi siya nakapag-salita kaya naman nainip na ako.

Isasara ko na sanang muli ang pinto nang muli niya itong harangin.

"Ano ba! Ano pa bang gusto mo!?" galit na galit na sambit ko.

"Bunso, alam kong hindi mo ako mapapatawad sa mga kasalanan ko!"

"Mabuti alam mo."

"...pero gagawin ko ang lahat tanggapin mo lang ulit ako! Gagawin ko ang lahat, bunso! Please..." nagmamaka-awang aniya. Lumuhod pa sya sa harap ko at binitiwan ang bag. Niyakap nya ang mga binti ko habang humahagulgol. "Bunso... parang awa mo na! Wala na akong matutulugan at matitirhan! Patuluyin mo ako, please..."

Napatawa ako nang mapakla habang nakatingin sa hangin. Hindi ako makapaniwala sa kakapalan ng kanyang mukha. Hindi ako makapaniwalang ibababa nya ang sarili may matirhan lang.

Iiling-iling akong bumuntong hininga, saka yumuko at sinipa sya.

Kita ko ang pagkapit nya sa binti ko kaya pwersahan kong pinadyak ang paa ko. Nang makawala sya ay tumayo ako nang tuwid saka namewang.

"Ano'ng sabe mo? Gagawin mo lahat? Tama ba ang narinig ko?" ngising demonyong saad ko.

Lumiwanag ang mukha nya at tila ba nabuhayan ng loob. Nanginginig siyang tumango nang mabilis at tumayo, pinagpagan ang sarili.

"O-Oo, bunso. Gagawin ko ang lahat! Maglinis, magluto, maglaba! Kahit ako pa ang mag-plantsa ng damit mo! Gagawin ko ang lahat!" desidido niyang usal.

Napangiti ako. Itinaas ko ang aking kanang kamay saka sinuri ang mga kuko ko. Tinuptop ko iyon habang tumatango-tango.

Nagsalita ako habang nakatingin sa aking kuko, "Kung ganoon... handa ka rin bang gawin ang kondisyon kong..."

Sinadya kong bitinin nang sa ganoon makita ko ang lahat ng reaksyon nya.

Napapalunok siyang inaabangan ang sasabihin ko. "...ang alin, bunso?"

"Pag sinabe ko bang gusto kitang chupain, papa-chupa ka ba?" nag-krus ang aking mga braso, pinanuod ang reaksyon niya.

Sayang saya akong pinanuod ang itsura niya mula sa maaliwalas patungo sa pagkalito, hanggang magsalubong ang kilay niya.

"A-Anong sabe mo..." galit na saad niya.

Hindi ko siya pinatapos, dinugtungan ko ang nakakagimbal na katagang nabuo sa isipan ko. "Kung gusto kong magpatira sa 'yo, titirahin mo ba ako? Ha?"

Mula sa galit ay napalitan iyon nang poot. Nandilim ang paningin niya. Kumuyom ang mga kamao.

Ngunit hindi ko siya hinayaang makapag-salita.

"Kung hindi mo kaya, umalis ka na," matabang na sabe ko saka isinara ang pinto. Sa pagkakataong ito, hinayaan niyang magsara iyon.

Aalis na sana ako at papasok sa kwarto para magmuni-muni, kaya nagulat ako nang pindutin niyang muli ang doorbell nang sunod-sunod.

Napa-padyak akong bumalik sa pintuan ko at salubong ang kilay na hinarap nya matapos iyon buksan.

"ANO?!" badtrip na saad ko.

This time, seryoso na ang itsura niya. Ngunit halatang namumutla iyon. Hinintay ko siyang magsalita.

Nang magsalita siya, maging ako ay kinilabutan sa sinambit niya.

Lahat kase ng sinabe ko kanina, nasabe ko lang iyon dahil sa galit at matinding emosyon. Wala akong balak tutuhanin iyon. Hindi sumagi sa isipan ko na...

"Pumapayag ako sa kondisyon mo."

...papayag siya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi. Isusulat ko next chapter kapag na-satisfy na ako sa votes

*/evil laugh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com