Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE

*************************************************************************************

To My Dear Readers,

 

            Finally I’m back and added a new chapter of this story.  Sorry if it took me a long time to update and thank you for patiently waiting.  Don’t forget to leave a comment and vote as well if you please.

            Happy reading…

 

-acheena

 

***************************************************************************************

CHAPTER FIVE

 

A part of her wanted to say YES right away but hindi niya maiwasang isipin ang gulong tatahakin pag sinagot niya si Nico.  Natigilan man siya mapangahas na ginawa ni Nico pero she came to her senses and reminded him of the reality between their families.  Magsasalita na sana si Bea nung mapukaw ang kanyang atensyon sa pagtunog ng kanyang cellphone.  Kilala niya ang ringing tone kaya nagmamadali siyang dukutin sa bag ang telepono na para bang nakukunsensya’t natatakot na baka may nakakakita sa kanila.  Nanatiling tahimik lang si Nico habang siya’y pinagmamasdan.

 

“Kuya!”  Medyo may kalakasang sambit ni Bea.

 

“O bakit parang gulat na gulat ka?  Saan ka ba?  Bakit sabi ni Manang umalis ka daw ng bahay at nagdrive?  Bakit di ka nagdala ng driver?”  Rapidong tanong ng kuya niya.

 

“Kuya, I’m an adult and I can very well take care of myself!”  Mahina pero may diing sambit ni Bea sa kapatid.  Mataman lang siyang tinitingnan ni Nico.

 

“I don’t care!  Umuwi ka na sa bahay at pauwi na din kami ni Papa.  May mahalaga tayong pag-uusapan.”

 

“It’s all about politics and ano naman ang alam ko diyan.  Besides, I’m not done yet with what I’m doing.”

 

“Umuwi ka na o baka naman gusto mong sunduin ka pa namin kung saan ka man.  Teka, ano yung ingay na naririnig ko?  Saan ka ba?”

 

Huminga ng malalim sabay napapikit si Bea habang kinakalma ang sarili.  Wala namang masamang sinasabi ang kuya niya pero naiirita lang talaga siya sa pagkabossy nito na animo’y nagmamando ng alipin.  Tiningnan niya si Nico na nakatitig lang din sa kanya at minuwestrohan ng silent sorry. Tinanguan lang siya ni Nico na tila hudyat para sabihing it’s ok.

 

“Hoy nakikinig ka ba?  Saan ka sabi eh?” 

 

“Kuya, nasa MRT ako kaya maingay.”

 

“MRT!?!  What the hell are you doing there?  Are you out of your mind?  Bakit ka sumakay diyan na walang kasama?  Hindi ka talaga nag-iisip!”  Tila nagpapanic na rin ang boses ni Martin at sige pa rin ito sa pagtalak.

 

Muling bumuntunghininga si Bea sabay iling.  She knows that if she will not go home ay talagang susugurin na siya ng kapatid kaya napagpasyahan niyang sundin na lang ito.

 

“Enough Kuya.  I’m going home na.”  At nakailang opo at hindi po pa si Bea bago tuluyang tinantanan ng kapatid.

 

Habang kausap ni Bea si Martin ay masusi lang itong tinititigan ni Nico.  Dahil sa lakas ng boses ni Martin ay dinig na dinig ni Nico lahat ng sinasabi nito at di pa rin nakaligtas sa pandinig nito nung sabihin ni Martin na umuwi na si Bea at baka may Morales na makakita sa kanya at gawan siya ng masama.

 

“I’m sorry.  Pasensya ka na sa sinabi ni Kuya at napagbintangan pa tuloy ang angkan niyo.  Hay…. I wish this stupid family feud will end!”  Himutok ni Bea dahil sa mga pangyayari.

 

Hinawakan ni Nico ang kanang kamay ni Bea habang titig na titig ito sa kanya.

 

“B, hindi mahalaga sa akin ang sasabihin ng pamilya mo.  Malinis ang intensyon ko sayo at sana bigyan mo ako ng pagkakataong mapatunay iyon.”

 

“I know Nico.  But our situation is so complicated.  Mas mabuti sigurong huwag na natin dagdagan ang gulong meron ang pamilya natin.  And yeah it would be better that we stop communicating as well.” May bahid na kalungkutang sambit ni Bea.

 

“B listen… kaya kitang ipaglaban sa pamilya mo at sa pamilya ko.  Gusto kita at gagawin ko ang lahat para makasama ka.”

 

“Nico, stop… let’s stop communicating bago pa may masamang mangyari.”  Tyempo namang nasa ayala station na ulit sila kaya lumabas na ng tren si Bea.  Sumunod pa din si Nico dito.

 

Lakad-takbo ang ginawa ni Bea sa pagmamadaling pumunta sa parking para makauwi at para na rin iwasan si Nico.  Pero di pa din nagpatinag ang huli at sinundan pa din siya nito hanggang parking.

 

Bago pa makapasok si Bea sa kotse ay hinarangan siya ni Nico at walang pasabing niyakap.

 

“Nico ano ba!  Baka may makakakita sa atin.”  Nagpupumiglas si Bea at nababanaag na din ang takot sa kanyang mukha.

 

“Sorry B.  Bago ka umalis, I need to ask you this… Do you feel the same way as I do?”

 

Hindi kumibo si Bea.  Kaya inulit ni Nico ang tanong sa dalaga.

 

“B?  Is the feeling mutual?  Answer me!”  May kalakasang sambit na ni Nico dahil na din sa pagpipigil ng galit sa sitwasyon.

 

“Oo na!  Oo gusto din kita pero takot ako at baka mapaano ka.  Kaya mas mabuting iwasan na lang natin ang isa’t isa!”  Napasigaw na sambit ni Bea at di niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha.

 

Di maiwasang mapangiti ni Nico at muling niyakap ng mahigpit si Bea.

 

“Nico ano ba!  Let me go.”

 

“You just made me the happiest man on earth B.”  At walang pasabing sinakop na nito ang mga labi ng dalaga na ikinagulat pa nito lalo.

           

“Nico…” ang tanging nasambit ni Bea na unti-unti na ring natatangay sa matamis na halik ni Nico.  Pero bigla itong natigilan nung marinig ang pamilyar na ringing tone na naman.  Mabilis siyang kumalas kay Nico at walang sabing pumasok sa kotse at sinagot ang telepono.

 

Balisa na naman si Bea nung kausapin ang kapatid at nakailang ulit niyang sinambit na pauwi na siya.  Hindi pa din umalis si Nico sa tabi ng kotse ni Bea.  Nung matapos kausapin ni Bea ang kapatid ay muli siyang bumuntunghininga at pinaandar na ang kotse.  Napukaw ang kanyang atensyon nung may marinig na mahinang katok sa kanyang bintana at natantong nandoon pa din pala si Nico kaya binuksan ni Bea ang bintana.

 

Pagkabukas ng bintana ay dumukwang si Nico at inabot ang batok ni Bea at muli itong hinalikan na muling ikinagulat ng dalaga.

 

“Drive safely honey.  Text me when you get home.  As long as it matters to you, I will fight for us.”  Ani ni Nico.

 

Natameme lang ulit si Bea at tumango na lang kay Nico at pinausad na ang kotse.  Habang nasa daan ay inuokopa pa din ang isip ni Bea kung susugal ba siya para sa kanila ni Nico o tigilan na lang niya.  Malapit na siya sa kanila pero she still can’t make her mind and she could only sigh out of desperation.  But one things for sure, she felt the same way as Nico.

 

 

PAGPASOK pa lang ni Bea sa gate nila ay natanaw na niya ang kotseng gamit ng ama’t kapatid at ng mga bodyguards ng mga ito.  Napabuntunghininga siya kasi alam niyang isang mahaba-habang balitaktakan ang sasalubong sa kanya.

 

Pero laking gulat niya nung pagpasok niya ng bahay at naririnig niya ang halakhak ng ama at kapatid at may isa pang di pamilyar sa kanya na boses na siyang nagsasalita.

 

“Oh there you are iha.  Come here.”  Nakangiting sambit ng kanyang papa.

 

Maging ang kanyang kuya ay nakangiti rin.  Kabaliktaran sa inaasahan niya base sa pag-uusap nila kanina.

 

Lumapit siya sa ama at hinalikan ito at nginitian ang bisitang di naman niya kilala.

 

“Iha, I want you to meet Diego.  He’s the only son of Congressman Dela Rama.  Diego, this is my unica hija that we have been talking about.  She’s pretty right?”  Feeling proud na sambit ng papa ni Bea.

 

“Pretty is an understatement Tito Edwardo.  Bea is a goddess.”  Papuri ni Diego kay Bea na halatang na mesmerize din pagkakita sa kanya.

 

Ewan ni Bea kung bakit she felt uneasy with this guy’s stare.  Feeling niya para siyang hinuhubaran kung makatitig.

 

“Shut-up Bea.  You’re just mad of what happened.  Get hold of yourself girl.  Mahiya ka nga’t napag-isipan mo pa ng masama ang ibang tao.”  Piping kastigo ni Bea sa sarili at tila nahiya pa siya sa masamang iniisip.  She composed herself and gave Diego a nice smile at inabot ang kamay nito na nakalahad.

 

Pero sa halip na makipagshake hands si Diego sa kanya ay dinala nito ang kamay niya sa mga labi at hinalikan.  Dun bumalik ang inis ni Bea pero di na rin siya nagpahalata.

 

“Papa, I’ll just go to my room to freshen up.”

 

“Go ahead iha but bilisan mo.  I want you to entertain Diego.  He will be a prominent figure in this household.  Right Diego?” Kumikindat kindat pa ang ama na para bang may pinapahiwatig na gustong mangyari.

 

She wanted to roll her eyes pero pinipigilan niya.  Alam niyang may pinaplano ang ama’t kapatid lalo na nung makita niya ang sarap ng ngiti ng kapatid at kinikindatan pa siya na tila ba ito pa ang kinikilig.

 

She let out a big sigh nung makalayo sa kung saan naroon ang ama’t kapatid.  Yun ang inabutan ng kanyang ina na tyempong papalabas sa kusina kasama ng mga katulong na nagdadala ng pagkain at inumin.

 

“O iha, kakarating mo lang?”

 

“Yes mom.”  Sagot ni Bea sabay halik sa ina.

 

“Have you met Diego already?”

 

“Yeah.  I’ll just go to my room.”  Walang interes na sinagot ni Bea ang ina.

 

“Are you alright?”  Pag-aalalang tanong ng ina.

 

“I’m just tired mom.  I’ll just go to my room and rest a bit.  Bababa din ako mamaya.”  Muling hinalikan ang ina bago tuluyang pumanhik sa kwarto.

 

She checked her phone the moment she entered her room and nakita niyang may ilang missed calls and text messages from Nico.

 

“Hon, are you home already?”

 

“I miss you already.”

 

“Drive safely Honey.”

 

“Call me when you get home.”

 

Ilan lang sa mga sunod sunod na messages ni Nico.  Bea felt that her head will burst kaya she tried to calm herself.  She’s still confuse kung alin ang susundin.  Ang sinisigaw ng puso o ang kapayapaan para sa lahat.

 

Wala sa isip na dinama ang mga labi nung maalala ang nangyari sa kanila ni Nico kanina.  Bigla siyang napangiti at pakanta kanta pang nagreply sa text ni Nico.  Ilang segundo lang ay tumatawag na ito at pumasok muna si Bea sa banyo at dun na nito sinagot ang telepono.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com