CHAPTER FOUR
Hi Readers,
Thank you for patronizing this story. It would be much appreciated if you'll leave a comment so that I will know what are your thoughts about the story and kung pwede din sana eh magvote kayo. :-)
- Acheena
******************************************************************************************************************
CHAPTER FOUR
“HI...”
Dahan-dahang inangat ni Bea ang tingin para matingin kung sino yung bumati sa kanya. Nasa isang sikat na bookstore siya sa Makati na paborito niyang puntahan if she wants a quite time alone with herself.
“H...hi...”Alanganing ngiti niya sa bumati. Pero di niya maiwasang lumingon lingon muna sa paligid.
“Are you afraid that your brother will see us?”
“Ha??? Yes! I mean no! No.” Ngiting sambit na rin niya.
Napangiti na rin ang kausap at lumipat ito sa tabi niya at sinisipat na rin kung ano ang mga tinitingnan niyang libro.
“This is nice. I’ve read this.” Sabay turo nito sa isang libro.
“Really? I heard good reviews too that this is good.” Kinuha ni Bea ang libro at binasa ang likod tapos isinama sa mga bibilhing libro.
Kinuha ng kausap ang bitbit niya at nagboluntaryo na itong magbibit. Napangiti si Bea at sige pa rin sa pagtingin ng mga libro habang ang kausap naman ay nagbibigay din ng opinion sa kanya tungkol sa mga nadaanang mga libro.
“You seemed to be a wide reader.”
“Yeah I love books. If I can’t sleep, ito yung pampatulog ko. I make it a point to read atleast a chapter or two a night.” Ani ng kausap.
At marami pa silang napag-usapan tungkol sa pagbabasa. When they were in the counter, nagtug-of-war pa sila sa pagbabayad ng mga pinabili Bea. At nagtugumpay naman ito.
“Can I invite you for a snack or coffee or something?”
Tiningnan ni Bea ang relo pero kunyari lang niya ginagawa yun. Ang totoo ay kinakabahan talaga siya na makita sila ng kapatid dahil alam niyang magagalit ito pagsasama siya rito.
“I don’t think it’s a good idea to go with you.”
“Why?”
“Com’mon, alam mo ang sitwasyon di ba? I don’t want another scene na pareho nung sa hotel Nico.”
“Why? Are we doing anything wrong?”
Bumuntunghininga si Bea. Tinatraydor din kasi siya ng isip kasi gusto niyang sumama rito.
“Bea, I don’t see anything wrong with us seeing each other. It’s just coffee.”
Bea was tapping her lips to think. Ganun ang mannerism niya pagnababalisa at nag-iisip. Pero laking gulat niya nung hawakan ni Nico ang kanyang kamay at hinatak siya palabas ng bookstore at sunod niyang namalayan ay nasa counter na sila ng isang sikat na coffee shop at kasalukuyang tumitingin sa menu para sa oorderin.
Parang napabalik sa huwisyo si Bea nung bigla niyang narinig ang boses ni Nico na tinatanong siya kung ano ang oorderin. She felt conscious kaya mabilis siyang nagbigay ng order. Nico felt her consciousness kaya ito na mismo naghanap ng pwesto na medyo tago sila sa mga tao.
Patingin tingin pa din si Bea sa paligid habang naka-upo na sila. Napadako ang mata niya kay Nico na nakangiting pinagmamasdan siya. Namula tuloy si Bea.
“Huwag kang matakot. Wala naman tayong ginagawang masama.”
“Di naman ako takot ah.”
“Ows! If you’re not afraid then lets transfer to another table na nakikita tayo ng lahat.” Hamon ni Nico sa kanya.
“Ha? No, I’m ok here na.” At mabilis na uminom ng kape si Bea.
Nakangiting napakibit-balikat na lang si Nico at sinimulan na ring inumin ang inorder na kape. Nagkatingingan silang muli at parehong napabulaghit ng tawa. Iyon ang naging simula ng regular nilang komunikasyon at patagong pagkikita.
“YOU mean di ka pa nakasakay ng MRT ever?”
Nico is amused to discover that Bea is indeed a princess and very sheltered by her family na hindi pa nito nasubukang sumakay sa pomosong MRT.
“Yup yup! Gusto kong sumakay kaya nun!” Parang batang nagkwekwento si Bea kay Nico sa telepono.
“Really? Hmmmnnn, kelan ka pwedeng lumabas? Pwede kitang samahan if you want.”
“Really? I love that!” Excited na sambit ni Bea at napatili pa ito. Halakhak naman ang maririnig sa kabilang linya.
Pero biglang natigilan si Bea dahil biglang bumukas ang kanyang kwarto at iniluwal ang abot-kilay na kuya niya.
“Anong nangyari sayo? Bakit ka napatili?”
“Ha? Wala Kuya, kilig lang sa pinapanuod kong soap opera.” Pagdadahilan niya at mabilis na tinago ang cellphone sa ilalim ng unan.
Napatingin ang Kuya niya sa tv at mas nagtataka ito dahil action movie naman ang nakasalang.
“Kinikilig? Eh action yan ah. Ikaw ba’y may tinatago sa akin? May mga naririnig akong umaaligid-aligid sayo si Morales. Kwidaw ka ha. Malilintikan ka talaga sa amin ni Papa pag pinapatulan mo yun. Mag-ingat ka at baka gawan ka ng masama nun.”
Gustong patayin ni Bea ang cellphone dahil alam niyang naririnig ni Nico ang sinasabi ng kuya niya pero ayaw niyang gumalaw at baka makahalata pa ito.
“Ano ba yang pinagsasabi mo Kuya. Eh yung sa grad ball at sa tv and newspaper ko lang naman nakikita si Morales ah.” May diin pang pagkakabigkas niya ng MORALES para makumbinsi ang kapatid na wala siyang kaugnayan sa mga ito.
“Mabuti na yung maliwanag ang lahat. Huwag mo kaming suwayin kung ayaw mong ibalik kita sa Amerika.” Banta ng kuya niya sa kanya.
“Subukan mo lang at tingnan ko kung anong di ka ba pagagalitan ni Mommy.”
Pinandilatan siya nito bago binalibag pasara ang pintuan. Pagka-alis ng kapatid ay mabilis na kinuha ni Bea ang telepono.
“Are you still there? Sorry sa narinig mo ha. Praning talaga ang kuya ko.”
“It’s ok. It doesn’t matter though. Tsaka bakit naman kita gagawan ng masama di ba. Ako na muna ang masaktan bago kita ipapahamak.”
“Naks naman!”
“Seryoso ako B. Sana huwag mong isipin na nakikipagclose ako sayo dahil may plano akong siraan ang pamilya niyo.”
“Alam ko naman yun. Kaya pasensya ka na ha if my family thinks that way. I just wish this family feud would end really soon.”
“Who knows maybe WE can end it.”
“Yeah right! About that MRT ride that you said... hmmmnnnn pwede siguro Friday kasi out of town sina Kuya at Papa.”
“Friday.... Friday... let me check. Tsk! Parang magkasama pa ata kami niyan ah dun kina congressman.”
“Really? That’s sad. It’s ok. I’ll try it myself na lang. Siguro naman walang masamang mangyayari sa akin.” Nilakipan pa niya ng mahinang tawa ang sinasabi.
“B, let’s resched. It might be dangerous.”
“Ok lang Nico. I need to be independent in one way or another right. So this is it. Huwag kang mag-alala, babalitaan kita on my experience.”
HUMINGA muna ng malalim si Bea bago bumaba ng kotse na pinark niya sa isa sa mga parking lot ng isang sikat na mall sa Ayala. Binasa niya ang text ni Nico na nandun ang instruction nito kung paano siya sasakay sa MRT.
Sumakay si Bea sa escalator paakyat sa bilihan ng ticket gaya ng nakasaad sa text ni Nico. Dahil byernes ay medyo marami-rami ang mga taong nakapila na hula ni Bea ay sa bilihan ng tickets. Maingat siyang pumila at naki-ayon sa agos ng mga tao para makabili ng ticket. Halatang kabado at excited si Bea sa bagong experience. She wished Nico was there with her that time para kahit papaano ay may mapagshareran siya sa kanyang excitement. Kinuha ang cellphone at napagpasyahang etext na nga lang ito para di naman siya mabagot sa pila na medyo mahaba-haba.
“Miss, huwag kang maglabas ng cellphone mo at baka nakawin yan.” Ani ng tinig ng lalaking nasa likod niya.
Dahil dun ay biglang kinabahan si Bea and at instinct ay biglang hinawakan ng mahigpit ang cellphone at biglang kinabog ang kanyang dibdib at halata ang pagkataranta niya. Nawala lang yun nung napabulaghit ng tawa ang lalaking nagsalita. Mabilis na lumingon si Bea at nanlaki ang mga mata nung mapasino ang lalaking nasa likod.
“Nico!”
Mas lumapad ang ngiti nito sa kanya at kinindatan siya.
“Akala ko ba....Umm!” Di na napigilan ni Bea na hampasin ito dahil sa naramdamang takot kanina.
“Ouch! Bakit ka nananapak?” Natatawang sambit pa rin nito.
“Eh kasi naman eh. Alam mo ba ang lakas lakas ng tambol ng dibdib ko. Tingnan mo!” At wala sa isip na kinuha ni Bea ang kamay ni Nico at nilagay sa kanyang dibdib para maramdaman nito ang mabilis na tambol ng kanyang puso.
Biglang natigilan si Nico pero sandali lang iyon at di na nagpahalata masyado kay Bea. Dun na parang natauhan si Bea at biglang binitiwan ang kamay ni Nico at tumalikod dito at tinakpan ang mukha ng dalawang kamay ang mukha.
“Huy!” Kinalabit siya ni Nico.
Pero tinatakpan pa din ni Bea ang mukha at umiiling-iling. Tanda iyon na nahihiya siya sa inasta kanina.
“Huy!” Muling kalabit ni Nico sa kanya pero di pa rin natinag si Bea sa kinatatayuan.
“Andaming nakapila sa likod o. Larga!” Bulong nito sa kanyang tainga na mas lalong nagpapa-init ng pisngi ni Bea pero di pa rin siya gumalaw.
Sunod niyang namalayan ay hinawakan na Nico ang kanyang kanang kamay at hinila siya sa ticket counter. Ito na rin ang nagbayad sa counter habang nag-eexplain sa kanya sa proseso. Hindi tiyak ni Bea kung nagrehistro ba ang lahat ng sinasabi ni Nico sa kanya. Basta ang tangi niyang naririnig ay ang mas lalong lumakas na tambol ng kanyang puso.
Biglang tumigil sa paglalakad si Bea. Bigla niyang sinipat ang lugar. Nasaan na ba siya?
“Welcome back to earth dear earthling!”
“Huh?”
Tumawa ng malakas si Nico sa naging reaction niya. Parang nagising si Bea dahil dun at mabilis pa sa alas-kwarto na muling pinagpapalo si Nico.
“Hoy tigil na. Baka pareho tayong mahulog sa hagdanan.”
Dun niya napagtanto na nasa hagdanan nga silang dalawa. Bigla siyang lumingon at inisip kung paano siya nakarating dun.
“What happened? Paano ako nakapasok dito?”
“Dahil diyan o.” Sabay turo nito sa kanyang hawak na ticket.
“Ha? Paano? I don’t remember! Nakakainis ka naman eh!” Reklamo ni Bea.
“Kasi naman eh para kang lutang kanina. Halika na nga. Maeexperience mo ulit yan mamaya.” At walang sabi na siyang hinila nito at pumila sila while waiting for the train to arrive. Magkatabi silang pumipila habang naghihintay ng pagdating ng tren.
“Bakit pala nandito ka? I thought pupunta ka din kina Congressman?”
“Masakit daw tiyan ko eh.”
“What?”
“Ssshhh basta yun na yun.”
“You’re crazy!”
“I know! I’m crazy for you!” Bulong ni Nico sa kanya.
“Gago ka talaga...” at akma na naman sanang paluin ni Bea ito pero hinawakan ni Nico ang kanyang kamay at di na ito binitawan hanggang dumating ang tren.
Pareho silang kiming nakangiti na halatang tinitimpi lang ang naramdamang kilig sa isa’t-isa. Puno ang mga upuan ng tren kaya pumesto silang dalawa sa bandang dingding na malapit pintuan. Papunta sila sa pinakadulo papuntang norte. Nanatiling nakatayo lang silang dalawa habang pabulong na nagkukulitan. Hawak-hawak pa rin ni Nico ang kamay niya. Parang nakakalimutan na rin ni Bea ang totoong sitwasyon. Mas naging puno ang tren nung tumigil ito sa Ortigas station. Dahil sa biglang pagbugso ng mga pumasok ay natulak din sila paloob kaya napayakap si Nico kay Bea.
“Are you ok?” Tanong ni Nico kay Bea.
Tumango si Bea at iniwas ang tingin kay Nico dahil naiilang siya. Muling napadikit sila nung bumukas na naman ang tren sa bandang Cubao. Para di masaktan si Bea ay ipinulupot na ni Nico ang kaliwang bisig sa beywang nito at ang ulo nito ay nakadikit na sa pisngi ni Bea. Naramdaman na lang ni Bea ang pagdampi ng bibig ni Nico sa kanyang pisngi kaya bigla siyang napatingin rito.
“B, will you be my girl?” Bulong ni Nico kay Bea na nagpalaki ng mata ni Bea.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com