Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

“WHAT is wrong with you Kuya? Nakakahiya naman yung ginawa mo dun sa loob. Nico didn’t do anything to me. We were just talking tapos bigla ka na lang nagalit.” Hindi na napigilan ni Bea ang inis sa tinuran ng kapatid sa loob. Nahihiya siya sa eskandalong ginawa nito kanina at mas nahihiya siya dahil nagkataong nagkacrush siya kay Nico Morales

“Iwasan mo ang ugok na iyon kung gusto mo na huwag gugulo ang mundo nating lahat.”

“Why?”

“He is a Morales that’s why!”

“So?” Di pa rin natitinag si Bea sa sinabi ng kapatid.

Para sa kanya eh ano ba naman ang pakialam niya kung Morales si Nico. Alam niyang arc rival ng pamilya nila ang mga Morales sa pulitaka at hindi ok ang relasyon ng parehong pamilya pero she still see nothing wrong with her being friends with a Morales lalo na’t wala naman silang hidwaan sa isa’t-isa.

“Ano ba ang mahirap intindihin sa sinasabi ko? Basta iwasan mo ang ano mang maaring maging ugnayan mo sa mga Morales! Maliwanag?”

Hindi umimik si Bea pero gayun pa man ay nagcross ang kanyang mga kilay sa inis. Nanatili siyang tahimik hanggang makarating sa bahay. Pagdating na pagdating nila ay mabilis siyang bumaba ng kotse at padabog na isinara ang pinto nito at humahagipis at nagdadabog na pumasok sa loob ng bahay at dumiretso agad sa kwarto ng di man lang binabati ang ama.

“Martin, what happened to your sister?” tanong ni Mayor Edwardo Rosario.

“Nothing Papa.”

“Anong nothing? Magdadabog ba yun kung nothing?” Di pa rin kumbinsido ang ama sa inasta ng anak.

Bumuntunghininga muna si Martin bago sumagot sa ama. Alam niya na iinit din ang bunbunan nito pagmalaman ang totoong nangyari.

“And isn’t she supposed to be attending the graduation ball of Gordo?” Patuloy ng ama. “Martin, sumagot ka!”

“Yung ugok nay un ang may kasalanan. Iniwanan ba naman si Bea at ang sa kaaway pa.”

Gaya ng inaasahan ay tumaas agad ang boses ng ama nung marinig ang salitang kaaway. Iisa lang naman ang significance nun. MORALES!

“Anong ginawa ni Morales?”

“Papa, calm down. Wala naman. Sinamahan lang si Bea sa mesa just in time sa pagdating ko kaya binitbit ko na pauwi.”

“Tama yang ginawa mo. Mahirap na at baka gawan pa ng masama si Bea. Martin, bantayan mo yang kapatid mo ha. Huwag na huwag mong palapitin kahit sino man sa mga Morales sa kanya. Sinong Morales ba tong pinag-uusapan natin?”

“Nicolas Morales Jr. Dad!” Pagkasabi nun ay bigla na namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Martin.

“The JR. Ito yung nakikita kong magiging karibal mo sa pulitaka son. Tama yang ginawa mo. O cya sige. I have to go. Dadaan pa ako kina Congressman Samonte. Putragis! Malamang magcross na naman ang landas namin ng pulpul na Governor Morales sa party.”

“Do you want me to go with you Papa?”

“Mas mabuti pa nga anak. Let’s go.”

“Aalis pa kayo?” Tanong ni Mrs. Carmen Rosario sa mag-ama.

“Yes Ma. Daan lang ako sa party ni Congressman. Baka magtampo o di kaya maungusan ako ni Morales dun.”

“Pa, bakit ba kasi napakainit ng dugo mo sa pamilyang Morales. Enough na yung awayan ng mga ninuno nyo. Tapos pati mga anak natin idadamay mo pa.” Di na mapigilan ni Mrs. Rosario na maghimutok. Magkaibigan kasi sila ng asawa ni Governor Morales bago pa sila nagsipag-asawa at dahil sa awayan ng kanilang mga asawa ay pati sila di na rin makapag-usap.

Pero tila bingi lang si Mayor Rosario at sinenyasan na nito ang panganay na anak na umalis na sila. Hinalikan nito sa pisngi ang asawa bago umalis. Napabuntunghininga na lang si Mrs. Rosario habang tinatanaw ang mag-amang umalis. Bigla itong humabol palabas nung may maalala.

“Martin, si Bea ba dumating na?”

“Nasa kwarto niya Ma. Malamang nagmukmuk yun.”

“Ha? Bakit?”

Pero di na sumagot si Martin at tuluyan ng umalis ng bahay. Muling bumuntunghininga si Mrs. Rosario at nagpasyang puntahan ang anak na babae.

“BEA… Nak…” Lumalakas na ang katok ni Mrs. Rosario sa kwarto ng anak na babae pero di pa rin ito sumasagot.

Biglang nagbukas ang pintuan at iniluwal si Bea na naka earphones pala.

“Bakit Mommy?”

“Kaya pala di mo ako narinig eh. Kanina pa kasi ako kumakatok.”

“Ah sorry po. I was listening on my ipod. Bakit po?”

“Are you alright anak?” Nababahala si Mrs. Rosario dahil nahalata nitong malungkot ang anak.

Gaya ng inaasahan ng ina ay napabuntunghininga ang anak bilang pagkumpira nito sa nararamdaman.

“Eh kasi si Kuya eh…” At dun na nagsalaysay si Bea sa nangyari kamakailan lang.

“I understand you completely Bea. Mas mabuti ngang iwasan mo na lang ang kahit na sino man na Morales para iwas tayo sa gulo. Look at me, Solita Morales is my friend way back in high school but ngayon di na lang kami nag-uusap dahil sa mga asawa namin. But don’t get me wrong ha. Ok naman kami. If we see each other sa mga functions, nag-uusap kami at sometimes nagtetext din naman.”

“I don’t get it Mom. Why waste a beautiful friendship dahil lang sa stupid awayan nila Papa. What started that feud in the first place?”

Biglang napangiti si Mrs. Rosario bago sumagot sa anak.

“Believe it or not but it because of love. Love rivalry.”

“What!” Di na rin napigilan ni Bea na mapangiti sa sinabi ng ina. “Kwento Mom please.”

Muling napangiti si Mrs. Rosario habang kinukwento ang nangyayari sa mga great grandfather ng dalawang kampo.

“Magkababata at matalik na magka-ibigan ang mga great grandfathers niyo. Magkadamay sa lahat ng bagay pero nasira lang ang friendship dahil parehong umibig sa iisang babae. Alam mo naman in olden times na pasikatan talaga ang mga manliligaw para makuha ang sagot ng nililigawan. At yun buong akala ng great grandfather mo na siya ang pipiliin dahil botong boto ang mga magulang sa kanya pero nung itatakda na ang kasal nila ay biglang nakipagtanan ang babae kay Morales. Tapos repeat the same history and this time around ay si lolo mo naman ang nanalo.”

“Wow!!! Mom don’t tell me ganun din ang nangyayari sa inyo ni Dad?”

Ngumiti ang ina hudyat ng pakumpirma sa hinala ni Bea sa pangyayari.

“Mom!!!! Sino??? Oh my, this is getting really interesting.”

“No hindi kami ang involve but another girl. Every generation is getting worst kasi nung sa mga great grandfather niyo eh bangayan lang daw. Yung sa lolo mo eh suntukan. Hay nako sa Papa mo, baril at pulitika na nga ata ang katapat eh. Recently lang eh yung kuya mo naman at si Nico ang nagkasukatan dahil sa isang babae.”

Kung kanina ay nakangiti si Mrs. Rosario ay ngayon ay nababahiran na ng pag-alala ang mukha nito. Napansin iyon ni Bea kaya hinawakan nito ang kamay ng ina.

“Mom, are you alright?”

“Ewan ko ba. Gustong gusto ko ng matapos ang hidwaan nila pero parang it’s getting worst every generation. Natatakot ako na baka isang araw na lang ay may magbabalita sa akin na either ang anak ko ay nakabaril o siya ang binaril.”

“Mom…” Niyakap na ni Bea ang ina.

“Kaya ikaw Bea, as much as possible, iwasan mo na lang na makipagsalamuha sa mga Morales. Ayokong magkagulo ang pamilya dahil dun.”

“Mom, OA naman kasi masyado si Kuya eh. Sinamahan lang ako ni Nico dahil nag restroom si Gordo and I was left alone in my table. Nagmamagandang loob lang yung tao Ma. I think mabait naman yun para gawan ako ng masama.”

“Huwag ka pa ring maging kampante anak. If you noticed, you are the only girl in the family from several generations. Natural lang na matatakot ang Papa’t Kuya mo na baka gawan ka ng masama o paghigantihan. Kaya, umiwas ka na lang anak ok?”

Naintindihan na ni Bea ang sinabi ng ina kaya itinatak na niya sa isip ang mga sinasabi nito.

“Don’t worry Ma. I’ll remember what you said.”

“Thank you anak. And by the way, I’m glad na napagpasyahan na ng Papa mo na pabalikin ka na dito. Hay ang hirap na mawalay sa anak and nag-iisang babae pa. Welcome back Iha.”

“Thank you Mom. I love you!” At niyakap na ni Bea ang ina. Niyaya niya itong bumaba para dun ipagpatuloy ang kwentuhan sa kusina over ice cream.

Gabi na nung umakyat si Bea sa kwarto at napansin niyang may message siya sa cellphone.

“I hope you are alright. It was nice meeting you Bea. – Nico Morales”

Biglang lumakas ang tahip ng dibdib ni Bea sa nabasang mensahe. Biglang nalito tuloy siya kung ano ang gagawin. Sasagutin ba niya ang text nito na siyang gustong gusto niyang gawin o huwag na para sa ikabubuti ng sitwasyon.

Pero dala ng kuryosidad na din ay di na pigilan ni Bea ang sarili na sagutin ang text ni Nico. Napa sign ng krus pa siya bago sumagot.

“Nice meeting you too. I’m alright. I got home safe.”

Naghahanda ng matulog si Bea nung muling tumunog ang cellphone. Ayaw man niya pero naeexcite siya sa sagot ni Nico.

“Great. Good night. Wait, can I see you soon?”

Nanlaki ang mata ni Bea sa sinasaad ng text ni Nico. Patay! Paano kaya niya sasabihing di pwede.

“I don’t think that would be a good idea. Family history. And baka nga it’s not even a good idea texting you na rin.”

Pumikit pa si Bea bago pinindot ang send button. Pero nagpakawala na rin siya ng isang buntunghininga pagkatapos.

“Hay bakit pa kasi magkalaban ang pamilya natin Nico. Ang gwapo mo pa man din at ang bango.” Parang tangang kinakausap ni Bea ang cellphone pero bigla siyang nataranta nung makarinig na naman ng tunog na meron na namang text na pumasok.

“Ay kabayo!”

“Why should we be involved in that stupid family feud of ours. I really want to get to know you better.” Saad ng text nito.

“Nico naman. Don’t make things complicated as it is.” Mahinang sambit ulit ni Bea na tila kinakausap ang cellphone.

Minabuti na niyang huwag sagutin ang text nito. Pero nagpadala pa din ito ng isang text bago pa ito matulog.

“Good night Bea. Dream of me.” At nilakipan pa nito ng isang malaking smile ang text.

Aaminin man ni Bea o hindi pero kinikilig pa din siya sa text nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com