Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

ISLA Ballroom, EDSA Shangri-la, 2004

It was his college graduation ball and unexpectedly ay nagkasakit ang kanyang date kaya he came alone in the party. Yung ibang babaeng nandun ay di magkamayaw sa tuwa dahil one of the most eligible bachelor is dateless.

Nasa bandang may bar silang magkaibigan naka-upo when a lovely lady wearing a pink ballgown appeared before his eyes. She looks like a debutant in her outfit to some but to him she looks really hot and very classy. Hindi niya kilala ang babae at mukhang bagong salta lang ito sa lugar nila.

Nakita niyang kasama ito ng isa sa kanyang kabarkada and hindi niya inaalis ang mga mata habang naglalakad ang mga ito papunta kung saan sila naroroon.

“Hi Guys, meet my date Bea. She’s my godsister kasi yung ka date ko biglang nagback-out at nagkahika daw.” Yamot na sabi nito sa mga kabarkada.

Nagsipag Hi ang mga kasama niya nung isa isa itong pinakilala si Bea sa kanilang lahat. Siya ang pinakahuli nitong pinakilala and when he extended his hand to meet hers. May kakaibang kuryente siyang nadarama.

“Hoy Pare, sandali lang pagshake hands. Awat na!” pukaw ni Gords sa kanya.

“Sorry pare, namesmerized lang ako sa magandang dilag na nandito.” Sabay halik ng kamay ni Bea.

Napangiti lang si Bea sa mga sandaling iyon at namumula ng kaunti.

“Ay pare, kinakapatid ko ito kaya kwidaw ka. O cya, punta na kami sa table namin. Sunod na rin kayo at tingnan mo si Madam Butterfly o, kinakawayan na tayo.”Referring to their old maid teacher na siyang organizer ng event na ito.

“Sige pare, susunod kami. Antayin lang namin yung inorder naming drinks. Nice meeting you Bea.” Sambit ni Nico sa dalaga.

“Same to you.” And she flashed him with her nicest smile na tila ba parang nagbigay buhay sa isang part eng katawan ni Nico.

“Walang hiya Pare, ang ganda ng chik ni Gordo!” sabi ni Clyde sa kanya.

Tumawala lang siya ng mahina at niyaya na itong pumunta sa kanilang table. He can’t wait to see her lovely face again.

For some twist of faith ay nag-iba ang seating arrangement nila at napwesto sila Nico two tables away from Gords and Bea’s table. Pero gayun pa man ay di iyon pumigil kay Nico na masilayan ang ganda ni Bea dahil pumwesto talaga siya sa lugar na kitang kita niya ang dalaga.

Hindi maintindihan ni Nico but this is the first time that he felt this attraction towards a woman. Siguro dahil sanay siya na ang mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. She is an epitome of the woman he wants to bring home to his family. Kailangang may gagawin siya sa gabing iyon para mas magkakakilanan silang dalawa ng maigi. Kakausapin niya si Gords na ipahiram ito sa kanya kahit isang sayaw lang.

Nung nagsimula ng lumalim ang gabi at natapos na ang program at nag-umpisa na ang sayawan at nakita niyang nag-iisa ito sa table and Gords was nowhere to be found kaya pumunta siya sa pwesto nito at sinamahan ang dalaga.

“Hi, may I?”pagpapahiwatig niya kung pwede ba siyang umupo sa tabi nito.

“Sure.” And she gave him that smile again.

“Where’s Gords?” pa-unang tanong ni Nico kay Bea para umpisahan ang kanilang conversation.

“He went to the comfort room.”

“Walang modo din itong kinakapatid mo ano, he left you here alone.” Natatawang sambit ni Nico.

“No, hindi naman. I told him to go ahead kasi kanina pa siya naiihi talaga and that I’ll be fine here. Mahaba din kasi pila sa women’s CR eh.”

“Oh I see. So parang ngayon lang kita nakita dito ah.”

“Yeah, I just arrived from the states 2 days ago and then Gordo called me and well begged me to be his date kasi daw may hika ang ka date niya.” Sabi ni Bea na medyo may halong twang ang intonation nito.

“Do you live in the States?”

“I’m studying there but I come home often. My family is here naman.”

“Kaya pala di kita nakikita. Sayang.” Mahinang sambit ni Nico.

“What did you say?” tanong ni Bea kasi di nito narinig ang sinasabi ni Nico dahil sa ingay.

“Wala, sabi ko kaya pala ngayon lang kita nakita and I’m glad to meet you.” Nilapit ni Nico ang bibig sa tenga ni Bea para mas marinig nito.

“Same here.”

“Would you like to dance?”

Pero bago pa makasagot ang dalaga ay may humila san a kamay nito.

“Stay away from her Morales.” Galit na sambit ni Martin Rosario habang hawak nito ang kamay ni Bea.

“And why would I do that Rosario ?”may pagkakadiin ang sagot ni Nico sa bastos na lalaking humila kay Bea.

“Stay away from my sister. Bea tara na. Saan ba ang gagong Gordong iyon at iniwanan ka?”galit pa rin na sambit ni Martin.

Tiyempo naman ang pagbalik ni Gordo sa mesa nila at namangha ito sa nasaksihan. Dyaske’t nakalimutan niya ang sitwasyon ng mga Morales at Rosario .

“Ikaw, nagyaya ka ng babae pero pinapapabayaan mo naman pala. Sa susunod, huwag mong yayain at baka mapahamak pa.” sabay hila nito sa kapatid palabas ng venue.

“Kuya, ano ba, you’re hurting me.”

“Quiet! Ito ang tandaan mo ha, iwasan mo ang lalaking iyan. Isa siyang Morales!”

“So what if he’s a Morales. Mabait naman ang taong yun ah.” Depensa ni Bea sa bagong kakilala.

“Can’t you put it in your thick head. He is a MORALES. The Morales na karibal natin sa pulitika! Ring a bell ha Sis?” sarkastikong sabi ni Martin sa kapatid.

Duon lang nagsink-in kay Bea ang sitwasyon. Oo nga pala, arc enemy pala ng pamilya Rosario ang mga Morales. At si Nico nga pala ay isang Morales. Somehow nanghihinayang si Bea sa nangyari dahil she finds Nico a nice guys. Bumuntunghininga na lang siyang nagpati-anod sa paghila ng kapatid paalis ng ballroom na iyon.

“Putek Pare, nakalimutan ko talaga!” paghihingi ng paumanhin ni Gordo sa naging treatment ni Martin sa huli.

“Ok lang yun pare. Naninindak lang yun. Pero don’t worry di ako takot sa kanya. Pare, can you give me Bea’s number?”

“Pare naman! That’s way too dangerous. Kita mo nga kinausap mo lang eh nagwawala na si Martin. Huwag na lang Pare.”

“Hindi ako takot sa kanya Dre. Just give me the number of Bea and rest assured that they won’t know about it.” pag-iinsist pa rin ni Nico.

Pero todo tangi pa rin si Gordo dito dahil takot ito Martin.

“Sorry talaga Dre. I know you’re a good man pero maghanap ka na lang ng iba at huwag na si Bea para parehong manahimik ang mga buhay natin.”

Bumuntunghininga si Nico tanda ng panghihinayang pero sa loob loob niya ay di siya nawawalan ng pag-asa na muling magkukrus ang landas nilang dalawa ni Bea. Matindi ang tama niya sa dalaga at determinado siyang gagawin ang lahat para makilala si Bea ng lubusan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com