Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

57



"What is it this time?" Bored na tanong ni Sam nang pumasok ng sarili niyang opisina. Ang kapal naman ng mukha ko, nauna pa ako kaysa sa may-ari ng opisina.

"Late ka, sir." I said, emphasizing on the last world.

Napatawa ito ng pagak bago napakamot sa kaniyang noo, "Just got busy last night." Sagot nito at isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ko.

"Kasama sino?" Pang-aasar ko, inirapan ako nito at pinag-cross ang kaniyang braso.

"Stop fooling around, bakit mo ba ako tinawag? And I'm your boss, bakit parang ako pa ang naging empleyado? Naka-upo kapa sa lamesa ko." Sita nito at napahagalpak ako ng tawa,

"Sandali, hinihintay ko lang si Alyssa." Ani ko bago ngumuso para ituro si Alyssa na naglalakad papuntang opisina ni Sam.

Napakunot ang noo ni Sam bago tumuro sa pinto, hindi pa rin nakakapasok si Alyssa, nakikipagchismisan habang naglalakad, "Bakit kasama siya? Is this not a conversation between us two?" Taka nitong tanong, kumunot ang noo ko bago umiling.

"Nope, sasabihin ko sa inyong dalawa." Sagot ko at uaty-utay itong tumango.

"Hi sir!" Masayang bati ni Alyssa, kumakaway-kaway pa.

"Alam mo na ba?" tanong ni Sam, kumakamot sa kaniyang kilay.

Natigilan si Alyssa sa paglalakad at nanlaki ang mata bago hysterical na suminghap, "Oh my God! Buntis ka?!"

"TARANTADO!!" Sigaw ko bago pabiro itong hinampas,

"Hindi 'no!!" Pagbawi ko, si Sam ay bahagyang napahagikhik sa tabi ko.

Ngumuso si Alyssa, "Eh ano? Ikakasal na ba kayong dalawa—"

"HOY!!" sigaw ni Sam at napahagalpak ng tawa ni Alyssa.

"Biro lang! Ito naman! Ano nga? Sige na sis, spill." Sagot nito at napa-iling ako habang humahagikhik.

"You got the first word right, but wrong man." Ani ko at napakunot ang noo ng dalawa, si Sam ay nag-ayos pa ng pagkakasandal sa lamesa para humarap sa akin.

"What... do you mean?" tanong nito at nginitian ko ito bago ipinakita sa dalawa ang daliri ko.

"Ikakasal na kami ni Engineer." Hinintay ko ang reaksyon ng dalawa, parehas na nakatulala sa akin, nakabukas ang mga labi at kumukurap-kurap.

"Sino doon?" tanong ni Alyssa at napakunot ang noo ko,

"Si Sadillo!—"

"Ay! Oo nga pala! OMG!! Really?!" Sumugod sa akin si Alyssa para tingnan ang aking kamay.

"OMG!! You two are getting married! Finally! I'm so happy for you!!" Nagtatalon ito, nang lingunin ko si Sam ay nakatulala pa rin ito, pero parang utay-utay na niyang napapagtanto ang nangyayari.

"Sam? Okay ka lang? Sam?" Pagtawag ko rito, utay-utay itong tumango bago ngumiti.

"Yes, yes I'm fine, congrats! I'm so happy for you!" ani nito bago ngumiti, I smiled back at him and nod.

"Pupunta kayo, ha! Hindi gaanong magarbo pero mag e-enjoy kayo!" ani ko at tumango si Alyssa.

Paglabas namin ng opisina ni Sam ay patuloy akong chinika ni Alyssa. Habang gumagawa, habang nagtatrabaho, kinekwento ako ni Alyssa. Ang dami na niyang tinatanong, tatlong araw palang kaming engaged ni Inin at hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa kasal pero nagtatanong na agad si Alyssa.

"Hi Engineer!" Nakangising bati ni Alyssa nang makasulong naming si Rusti at Sean sa labas ng cafeteria.

"Hello Alyssa, Hi... mahal." Bati nito sa akin, si Alyssa nan aka-angkla ang kamay sa braso ko ay may pagkurot p'ang nalalaman.

"Hi," maikli kong bati, kunyari hindi kinikilig.

"By the way, pagkasundo natin kay Lia sa daycare, ipakita na natin sa kaniya ang bahay." Ani nito at tumango ako,

"Sige lang, para rin hindi mabigla ang bata." Sagot ko at tumango ito, si Sean na kanina pa tahimik ay inaya na si Rustin na pumasok ng cafeteria habang kami naman ni Alyssa ay bumalik na ng opisina namin.

Pagsapit ng hapon ay hindi na ako gaanong dinaldal ni Alyssa, siguro ay naubusan na ng tatanungin. Bandang alas tres palang ay nakita ko na agad ang pagmumukha ni Rustin, kasama ang ibang engineer.

"Future Mrs. Sadillo," bati ng kasama niya, sinundan pa talaga nila ako sa snack area.

"Pare 'wag, kinikilig ako." Sita ni Rustin at napahagalpak ng tawa ang kaibigan nito habang ako naman ay nasamid sa juice.

"Tapos kana sa trabaho mo?" tanong nito at umiling ako bago nagpahid ng gilid ng labi.

"Hindi pa ako pwedeng umalis. Magagalit si Samuel." Ani ko at ngumuso ito.

"Kapag ako ang nagsabi hindi 'yon magagalit, tara na, date muna tayo bago sumundo." Ani nito kaya nakurot ko sa tagiliran.

"Siraulo, isang oras nalang, maghintay ka." Ani ko at ngumuso ulit ito bago tumango.

Tinalikuran ko ito para ilapag ang baso sa sink. Pagbalik ko ng cubicle ko ay natanaw ko itong nasa opisina ni Sam, nakikipagkwentuhan! Naka-upo pa ito sa sofa, nakabukaka at kumakain, si Sam na katapat nito ay ganon din, parang mga nakatamabay lang sa sala, eh.

"Blooming ka sissy." Napa-igtad ako nang bumulong si Alyssa sa tabi ko,

"Ligo lang 'yan, Aly." Sagot ko irot habang nakatutuok pa rin sa aking tinitipa sa computer.

"Ay wow, ligo lang ba talaga or..." Nilingon ko ito at nakitang nagbabalik ng tingin sa akin at sa direksyon nila Rustin.

"Both," ani ko at sumigaw ito ng pabulong bago ako hinampas-hampas sa braso.

Hindi na rin ako naka-abot ng isang oras dahil makalipas ang lampas kalahating oras ay may tumatapik na sa likuran ko.

"Tara na, uy, tara na." Parang bata na nag-aakit si Rustin sa likod ko habang pinipindot ang balikat ko.

"Tsk, isa-save ko nalang." Sagot ko habang tumitipa pa rin sa keyboard.

"Malayo pa 'yan, eh. Niloloko mo 'ko." He said that made me roll my eyes.

"Maghintay ka kasi." Ani ko rito at tumigil ito kakapindot.

Akala ko ay umalis na ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero maya-maya ay nagulat ako nang higitin nito ang swivel chair mula kung saan bago ako tinabihan.

Napapikit ako ng mariin bago huminga ng malalim, "4:15 palang—"

"Eh 5pm ang uwian nila Lia, paano tayo makakapag-date niyan?" Putol nito, animo'y bata na nagmaamktol.

Saka ko ito nilingon sa aking tabi, "Bakit ba gusto mo na mag-date tayo? Ang tatanda na natin! Buo na nga si Lia" turan ko rito, si Rustin na nakanguso at nagpapa-cute ay hindi na mapigilan ang pagtawa.

"Siyempre! Hindi tayo nakapag-date noon ng—"

"Hoy! Lagi tayong nag d-date 'no! Sinusundo pa kita sa PUP!" Putol ko rito at napahagalpak ito ng tawa.

"Iyon na nga, estudyante pa ako noon. Ngayon kayang-kaya kitang dalhin kung saan mo gusto." Ani nito at napa-irap ako.

"Kaya mo pala edi dalhin mo 'ko sa Iceland." Bulong ko habang pinapatay ang computer.

"Iceland? Tara, doon mo ba gustong ikasal?" tanong nito at nanlaki ang mata ko.

"Binibiro lang kita! Tara na nga!" ani ko bago tumayo at kinuha ang bag ko.

Hinawakan ko ito sa kamay bago hinigit patayo para pumunta sa opisina ni Sam.

"Sam, aalis na kami, kanina pa 'to nag-aaya." Ani ko nang makapasok kami sa opisina ni Sam.

Nag-angat ito ng tingin at napakunot ang noo, "Andiyan pa pala kayo? Kaninang alas dos pa 'yan nagpaalam na aalis na kayo. Akala ko umalis na kayo." Ani nito at nagparte ang labi ko bago utay-utay nilingon si Rustin.

"Atat ka talaga 'no?" tanong ko rito at humagikhik ito.

"Pero love mo?" ani nito at nahulog ang panga ko habang si Sam ay napahagikhik.

"Ewan ko sa 'yo! Tara na nga!" Muli ko itong hinigit palabas ng opisina ni Sam bago bumaba na at nag-log out sa biometrics, buti nalang maagap akong pumasok, bawi ang maaga na pag-uwi.

"Kung saan-saan mo na ako dinadala." Ani ko rito habang naka-cross ang braso sa harap ng dibdib.

Napahagikhik ito, "Relax, we're still in QC." Sagot nito at ngumuso ako, panay ang tingin ko sa orasan, gusto ko kasi na pagsapit ng alas sinko ay masusundo na naming si Lia.

"4:23 na," ani ko nang bumaba ng sasakyan, tumigil ito sa tapat ng isang street food stall.

"Alam ko, chillax!" ani nito bago ako hinawakan sa kamay para lumapit sa food stall.

"Ate dalawang order ng 6 pieces kwek-kwek, tapos dalawang kikiam, tapos isang order ng fishball, 60 pesos na rin na proben." Dumali agad ito ng order,

Nilingon ako nito, "May gusto ka pa ba?" tanong niya at umiling ako.

"Wala na, marami na ang in-order mo." Ani ko at tumango ito.

"Na aalala mo ba?" tanong nito habang naghihintay kami ng pagkain.

Napakunot ang noo ko, "Our dates back then? Oo naman," sagot ko at napangisi ito.

"Akala ko nakalimutan mo na." ani nito, nagkakamot ng batok.

Napangisi ako at bahagya itong siniko, "Kinikilig ka 'no?" Pagbibiro ko rito at umiling ito, namumula na ang tainga.

"Asus! Hindi raw! Namumula ka, Rustin." Pang-aasar ko rito,

"Tawagin mo nga ulit ako." Ani nito,

"Rustin—"

"Hindi, 'yong isa. 'Yong tawag mo sa akin dati." Putol nito at bahagya akong natigilan.

Si Rustin, umiiwas ng tingin na animo'y nakikiramdam.

Ngumuso ako, "Inin," Matagal-tagal ko na ring hindi nasasabi 'yon.

Gumuhit ang malawak na ngiti nito, "Nakaka-miss naman." Ani niya at umirap ako bago siya hinampas sa braso.

"Akala ko ba ayaw mo!" Turan ko rito at napahagikhik ito.

"Kapag nasa opisina, kapag may ibang tao." Ani nito at pinandilaan ko ito.

"Heh, wala na, sanay na ako sa Rustin, hindi na pwedeng bawiin." Ani ko rito at humagikhik ito.

"May bago akong ipo-propose na tawag." Ani nito at umirap ako,

"Mahal, iyon ang gusto mo, tigilan mo ako." Ani ko rito at napatawa ito.

Mabuti nalang at dumating na ang mga pagkain namin kaya naputol na ang pag-aasaran naming. Matapos ni Rustin na magbayad ay dinala na naming ang mga pagkain sa sasakyan, ang dami!

"Mauubos ba natin 'to lahat? Ang dami!" ani ko habang hawak-hawak sa kamay ang apat na plastic ng pagkain.

Humagikhik ito, "Mauubos 'yan, kung hindi... baka gusto ni Lia." Ani nito at napanguso ako.

"Tira ang ipapakain mo sa anak mo?" tanong ko rito at umiling ito.

"Para namang madumi ang pinagkainan natin at parang ang sama-sama kung ganon. Hindi naman tira ng kung sino-sino kaya okay lang 'yan." Seryoso nitong turan, muli akong napanguso bago tumango, may point naman, nag-iinarte lang talaga ako.

"Maganda ba?" tanong nito nang tumigil kami sa tabing dagat para kumain, halos 15 minutes nalang ang meron kami para kumain.

"Oo naman! Sobra!" Bumukas ang bubong ng sasakyan niya! Ramdam na ramdam naming ang simoy ng hangin, tapos ang ganda pa ng dagat, paanong hindi gaganda 'yan?!

"Kumain na tayo, gutom na ako." Ani nito bago binuksan ang mga plastic at tupperwear.

Parehas na pala kaming gutom, naubos namin ang proben at kikiam, ang fishball ay nakahalahati rin. Pero ang kwek-kwek ay nagtira talaga ako para kay Lia.

"Late na tayo ng 15 minutes!" Hagas kong turan habang naglalakad papunta ng classroom ni Lia.

"Hello po, good afterhoon, si Lia po?" Bati ko sa teacher ni Lia,

"Lia, andito na si mama mo." Tawag ng teacher, nang sumilip ako sa classroom ay kinukuha na ni Lia ang kaniyang bag.

"Mama! Papa!" sigaw nito habang tumatakbo,

"Ah, papa po ni Lia?" tanong ng teacher bago itinuro si Rustin.

I nod, "Yes," I shortly answered,

"Nainip na ba ang anak ko?" Tanong ko kay Lia nang yumakap sa binti ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang aking daliri.

Umiling ito habang nakatingala sa akin, "Hindi po, naglalaro naman po ako, eh." Ani nito at ngumisi ako,

"Una na po kami," Paalam ko sa teacher bago binuhat si Lia paalis ng classroom, si Rustin naman ay nakasunod dala-dala ang bag ni Lia.

"Nag-enjoy ba ang anak ko sa school?" tanong ko rito habang naglalakad kami papunta ng sasakyan ng ama.

"Opo mama, nag color po ako, tapos kumanta rin!" ani nito at gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi.

"Wow, ang galing naman ng anak ko! Bakit ka kumanta? Show your talent ba anak?" tanong ko rito bago siya isakay sa likuran ng sasakyan.

Umiling ito, "Hindi po, kanta po kasi ako nang kanta habang nagtuturo si teacher, kaya pinakanta na po ako ni teacher sa harap." Napahagalpak ng tawa si Rustin na nasa driver's seat na.

"Ah... ganun ba, anak sa susunod kapag nagtuturo ang teacher, makikinig, huwag ka munang kakanta o makikipag-usap sa katabi." Pangaral ko rito, kumurap-kurap lang ito bago tumango.

Pagkatapos kong ayusin ang seatbelt nito ay hinalikan ko na ito sa noo bago umupo sa unahan.

Nagpipigil pa rin ng tawa si Rustin, "Ang sama ng ugali mo, ha. Anak mo 'yan!" Pabulong kong sigaw rito bago siya patagong hinampas sa hita.

Hindi na ito nagsalita pa at nagmaneho na pauwi.

"Mama, wala po ba sariling bahay si papa?" Parehas kaming nasamid sa sarili naming laway ni Rustin.

"Katulad din po ba siya ni ninang Laura na lonely lang kaya siya natutulog dito?" tanong ulit ng bata, nakahiga na kaming tatlo ngayon sa queen size bed na medyo hindi pa kami kasyang tatlo, nasa gitna si Lia.

Pinipigilan ko na matawa habang si Rustin naman ay halatang nag-iisip kung ano ang isasagot sa kaniyan anak.

"Anak ganito kasi 'yan, diba... ikakasal na rin si mama at papa?" tanong nito sa anak at tumango si Lia.

"Si papa, may ipinagawa ng bahay para sa atin, pero gusto ni mama na titira tayo roon kapag kasal na kami ni mama. At si papa, siyempre gusto kayong lagi makasama ni mama kaya nakikitulog muna ako rito." Paliwanag naman nito sa anak at utay-utay akong tumango habang nagpipigil pa riin ng tawa.

"Ah, ganon po? Malaki po ba ang bahay, papa? Ano po color? Ano po hitsura niya?" Sunod-sunod na tanong ni Lia.

Si Rustin ay tumagilid muna para humarap sa gawi ng anak, ang siko nito ay nakatuon sa unan at sa palad naman nito nakasandal ang kaniyang ulo.

Pinakinggan ko kung paano ipaliwanag ni Rustin sa anak ang hitsura ng bahay. Hindi maipagkakaila na mag-ama ang dalawa dahil halos parehas ito ng mga ekspresyon at galawan ng kamay. Parehas silang excited sa pinag-uusapan nila, si Lia na excited ng tumira roon at si Rustin naman na masayang pinapanood ang anak na ma-excite.

Kinabukasan ay nauna akong nagising kaysa sa mag-ama, dahil Sabado ngayon at parehas kaming walang trabaho ni Rustin ay naiisipan ko na magluto para sa amin.

Napagdesisyunan ko na longganisa, itlog at sinangag ang lutuin dahil may natira kaming kanin kagabi. Nagpapatugtog ako at sumasayaw-sayaw pa habang nagluluto nang bigla akong yakapin ni Rustin mula sa likod.

"Excited ka ba?" tanong nito bago ako halikan sa leeg na medyo ikina-kiliti ko.

"Medyo," sagot ko at humagikhik ito bago isinandal ang kaniyang mukha sa aking batok.

"Bakit medyo lang? Ako nga sobrang excited, ilang taon kong pinangarap na dumating ang araw para mag-asikaso tayo para sa kasal natin." Ani nito at napahagikhik ako, sabi na nga ba, noong Martes na napag-usapan naming na ngayon Sabado kami magsisimulang maghanda para sa kasal ay hindi na ito makapaghintay.

"Isasama mo ba si Lia?" tanong nito at tumango ako.

"Siyempre, pero gusto mo ba na sa 'yo muna? Bakit ba kasi kailangan natin na magkahiwalay bumili ng mga isusuot natin?" tanonf ko rito,

"Para surprise! Araw-araw man akong namamangha sa ganda mo pero siyempre mas mahuhulog ang panga ko sa araw ng kasal natin." Pambobola nito, napa-ismid ako bago ito pabirong kinurot sa tagiliran.

"Tigil-tigilan mo ako, Sadillo, maghanda kana ng lamesa." Usal ko rito, napahagalpak ito ng tawa bago ako hinalikan sa pisnge at saka bumitaw sa pagkakayakap sa akin para kumuha ng pinggan at maghanda na ng lamesa.

Isinalin ko na sa serving plate ang sinangag na aking niluluto bago ito dinala sa lamesa. Wala roon si Rustin pero maya-maya ay bumababa na ito ng hagdan, karga-karga ang anak na sabog ang buhok at nagkukusot pa ng mata.

"Good morning baby!" Masaya kong bati sa bata, kahit halatang antok pa ay kumaway ito sa akin at nang ibaba ng ama sa sahig ay agad tumakbo papunta sa akin para ako naman ang kumarga rito at i-upo ito sa kaniyang bangko.

"Antok pa ba ang baby ko?" tanong ko rito habang sinusuklay ang buhok gamit ang aking daliri.

Umiling ito, "No po, pero hungry na po ako." Sagot nito at parehas kaming napahagikhik ni Rustin. Naupo na kaming dalawa at kumain na kaming tatlo.

"Anak, kay papa ka muna sasama today, mag sho-shopping kayo nila papa para sa wedding." Turan ko habang kumakain, ang alam kais ni Lia ay ako ang makakasama nito ngayong araw.

"Kami lang po ni papa?" tanong nito at nilingon ko si Rustin.

"Kasama niyo yata sila tito Mauro at Sean?" Hindi ko siguradong sagot,

Tumango si Rustin, "Kasama natin sila, Lia, may gusto ka pa ba na kasamang iba?" tanong nito sa anak at umiling ang bata.

Pagkatapos naming kumain ay si Rustin na ang nag-urong ng mga pinggan habang pinaliguan ko na ang bata. Pagkatapos maligo ni Lia ay ako naman ang naligo at nag-ayos ng sarili, naka sundress lang ako para madaling magpalit kapag magsusukat na ako ng gown.

"Si papa, anak?" tanong ko kay Lia, pumapasok kasi si Rustin sa kwarto kapag naka-ayos na ito, baka pumasok na kanina habang nasa banyo ako.

"Nasa downstairs na po siya, ready na po." Sagot ni Lia at tumango ako, kinuha ko na ang sling bag ko, ganon na rin ang sling bag ni Lia bago bumaba.

Pagkababa naming ay naghihintay na si Rustin sa may pinto, ang sasakyan nito ay naka-start na rin.

"Tara na?" Pag-aaya ko at tumango ito, agad nitong kinarga ang anak para isakay sa sasakyan habang sinasaraduhan ko naman ang apartment.

"Kasama niyo pa rin po ba sila ninang at tita, mama?" tanong ni Lia, nilingon ko ito sa rear mirror at tumango.

"Yes anak, I need help on choosing a gown, eh." Sagot ko at tumango ito,

"Mama, ikaw rin po ba ang pipili ng damit ko?" tanong nito, halatang may concern.

"Gusto mo ba na si mama ang mamili o si papa?" tanong ko rito, bahagya ko ring nilingon si Rustin na nakikinig sa amin.

"Pwede po ba na ikaw nalang po? Baka po hindi maganda ang piliin ni papa." Ani nito at napahagalpak ako ng tawa habang si Rustin naman ay napa-iling nalang.

"Sige, after ni mama mamili ng damit niya, damit naman ni Lia ang bibilhin ni mama." Sagot ko sa bata.

Maya-maya ay dumating na kami sa pagawan ng gown na si Laura pa mismo ang nag-recommend. Hindi ito ang pinagawan niya ng kaniyang wedding gown pero isa ito sa mga pinamilian niya.

"Wow ha, 5 minutes late lang." Bati ni Jax kaya bahagya akong napahagikhik nang lumapit sa kanila, ako nalang pala ang hinihintay.

"Ang atat ni Ali, pipili raw siya ng mga potential na magustuhan mo. Ang sabi ko, hayaan ka sa pamimili, ikaw ang ikakasal." Ani ni Gwen, napakunot ang noo ko bago naupo sa tabi ni Laura.

"Sana nga namili na kayo para hindi na tayo magtagal." Ani ko at pinandilaan ni Ali si Gwen.

"Sabi sa 'yo, eh." Parang bata na turan ni Ali, napahagikhik kami ni Laura bago parehas napa-iling. Tumayo na kaming lima bago namili ng mga gown.

"Bakit mas nauna pa na makapili ang bride's maid kaysa sa bride?" Takang tanong ni Gwen habang tinitingnan ang mga gown na nakasabit.

"Siyempre, hindi ko naman kailangan maging sobrang ganda, diba? Kaya kahit ano nalang sa akin." Sagot ni Ali, namimili rin,

Nakakapitong gown na yata kami pero wala pa rin akong nagugustuhan, kapag sobrang laki, sobra naman haba, kulang sa design, sobra sa design, o hindi ko gusto ang kulay.

"Ay," bahagya akong natigilan nang makita ang isang gown sa bandang likod.

Nang kunin ko ito ay maski si Jax ay napalapit sa akin, "Ang ganda, Lory!" Palirit nito sa tabi ko,

Kinuha ko mula sa sabitan ang gown at ipinakita sa mga kaibigan ko.

"What do you think?" tanong ko habang nakatapat sa katawan ko ang gown para makita kung maganda ba ito sa akin.

"Maganda!"

"Bagay!"

Sigaw ni Ali at Gwen, nagpasama ulit ako sa sales lady sa fitting room para sukatin ito, at paglabas ko ay sabay-sabay napasinghap ang mga kaibigan ko.

"I love the little slit sa chest!" Palirit ni Laura, nakatakip pa sa bibig.

"Maganda ang pagkabulad niya, okay na sa akin." Ani ni Ali at tumango ako,

"I'll take it." Napabuntong hininga ang mga kaibigan ko bago napa-upo sa sofa.

Nagpalit muna ako ng damit bago nman namili ng damit ni Lia.

"Why not get both?" Ali suggestion, I am choosing between two dress, 1 light pink and one cream color, they have different designs too but both will look good on my daughter.

"You think I should just get both?" I asked, I looked at my friends and they all nod.

"You have Rustin's card naman, diba?" tanong ni Gwen, saka ko lang na-alala na kagabi pa ng apala ibinigay sa akin ni Rusti ang card niya at sinabi na ito raw ang gamitin ko sa pagbili.

"Yaman naman ni baby daddy soon to be hubby." Panunukso ni Jax, napanguso ako bago ini-abot na sa saleslady ang dalawang gown para kay Lia.

Hindi naman kami nahirapang lima sa pag-alis dahil hindi ko naman dinala ang mga pinamili ko. Ide-deliver nalang sa araw ng kasal.

"Nagutom kayo 'no?" Pang-aasar ni Gwen, andito na kami ngayon sa mall, maglu-lunch.

Pumasok kami ng Max's at nag-order ng sari-sarili naming pagkain. Parehas kami ng in-order ni Ali na chicken sisig, sila Jax at Gwen ay um-order ng Sisig Tofu, si Laura ay manok at si Tobi naman ay may sabaw.

Nakapagkwentuhan pa kami ng ilang minute dahil medyo matagal din bago dumating ang pagkain.

"Gutom na talaga ako, pasal na." ani ni Gwen bago nauna-unang sumubo. Medyo nakakahiya pero ang cute naman niya kapag kumakain kaya okay lang.

"Medyo mabagal kana kumain, Ali, diet?" Napansin ni Laura si Ali sa tabi ko na dahan-dahan nga kung kumain, napapansin ko rin.

Umiling ito bago nagpahid ng labi, "Siguro diet, pero nagababawas lang, lumulubo ako lalo." Ani nito bago bahagyang hinimas ang kaniyang tiyan.

"Buntis ka siguro." Pangwawalanghiya ni Gwen, si Ali tuloy ay naitapon dito ang tissue.

"Sira ka, mauunahan ko pa sila Laura? Ganon!?" Irita nitong turan, pero ang Avelline ay tinawanan lang si Ali.

Pagkatpos naming kumain ay dumaan kami sa department store dahil bumili ng bagong relo si Tobi, gumala-gala na rin kami. Nang mapadaan kami sa kid's section ay doon kami nagtagal, bukod sa akin na ipinamili ng mga damit at laruan si Lia ay napansin naming si Laura na tumitingin-tingin sa baby section.

Nilapitan namin ito ni Ali bago parehas siniko nang bahagya.

"Expecting?" tanong ko rito, hawak-hawak nito ang baby clothes.

Utay-utay itong umiiling, "Still in trying stage." Sagot nito at napa-singhap si Ali.

"You two just got married last month, there's plenty of time for you two. You don't even need to have a baby immediately anyways." Ani ni Ali at tumango ito bago ibinaba ang baby dress.

"Right, maybe not too soon nalang." Ani niya at tumango kami ni Ali bago kaming tatlo umalis sa baby section.

Nagbayad na kaming apat, si Jax lang ang walang binili. Paglabas naming ng department store ay nag-akit ang Gabriella sa SuperMarket, doon na ito may bibilhin.

"Balak niyo ba magtayo ng sari-sari store?" Panunukso ni Tobi sa kaibigan, pangalawang cart na ito ni Jax, punong-puno iyong una.

"Sira ka, para lang sa kusina namin 'to." Ani niya at nagkatinginan kaming lima,

"Ilang beses ba kayo kumain sa isang araw?" Pangagago ni Gwen,

Nilingon kami ni Jax, nakasimnagot habang hawak-hawak ang kahon ng all purpose flour.

"Lima, tatlong meal, dalawang snacks." Sagot nito at nahulog ang panga ko,

"Grabe, ang healthy living niyo naman, kumpleto ang kain niyo. Ako nga ma-swerte na ang one meal a day." Ani ni Gwen at napahagalpak kami ng tawa.

Habang nakasunod kay Jax ay napagdesisyunan ko na rin na mag-grocery, lalo na at tatlo kaming kumakain sa apartment. Naghanap-hanap din ako ng mga pagkain na hindi pa nasusubukan ni Lia dahil ang gusto ng ama nito ay may mga bagong pagkain na nasusubukan ang anak.

"Paano mo iu-uwi 'yan?" tanong naming kay Jax, andito na kami sa labas ng mall at kasunod ang ilang staff ng supermarket, mahigit tatlong bag ang pinamili ni Jax.

"If you want pwede kang sumabay sa amin ni Jiro." Alok ni Laura,

Umiling si Jax, "Susunduin ako ng close van." Sagot nito at utay-utay kaming tumango. Si Tobi na isinabay si Gwen ay naunang umalis, si Ali ay sinigurado muna na okay lang kami ni Jax bago umalis, kasabay na sinundo ni Jiro si Laura.

"Jax, andiyan na si Rustin, una na ako. Okay ka lang dito?" Paalam ko kay Jax nang makita ang paparating na sasakyan ni Rustin.

Ngumiti ito bago tumago, "Okay lang ako, una kana, ingat kayo!" sagot nito, nang tumigil sa harap ko ang sasakyan ni Rustin ay agad lumabas si Lia para yakapin ang tita Jax niya.

"Nag-enjoy ka ba kasama ang papa mo ngayon?" tanong nito sa bata at tumango si Lia.

"Yes tita, kayo po, nag-enjoy po kayo?" tanong ni Lia, ngumisi si Jax bago tumango.

Nagpaalam na kami kay Jax bago sumakay ng sasakyan at umuwi na.

Pag-uwi namin ay agad kong ipinakita kay Lia ang mga pinamili ko, agad din nitong isinukat ang mga damit at sapatos na binili ko habang si Rustin ay inaayos ang mga pinamili ko sa grocery.

"Maganda ba, anak?" tanong ko rito at nagtatalon ito sa saya.

Ako na ang nag-ayos ng mga basura sa sala dahil si Lia ay tumakbo sa gawi ng ama nito.

Sa kapaguran ay nakatulog na ako sa sofa at paggising ko ay gabi na, nag-aakit na ang mag-ama ng hapunan.

"Pagod?" tanong ni Rustin habang kumakain, bahagyang nakasara pa ang mga mata ko ay utay-utay akong tumango.

Hindi na ako pinaglinis ni Rustin ng pinagkainan, si Lia nalang ang inasikaso ko sa kwarto para linisan at palitan ng damit.

Nakahiga na kami sa kama ni Lia nang pumasok si Rustin, bihis na rin, madalas itong maligo sa banyo sa baba.

Inayos nalang nito ang hinubad na damit bago nahiga.

Umupo si Lia sa kama, "Goodnight papa!" ani ng anak nito bago halikan ang ama sa pisnge.

Nakita kong ngumiti si Rustin at inayos ang nagulong buhok ng anak.

"Goodnight anak, tulog kana, pagod ka kanina." Ani nito at tumango si Lia bago nahigang muli.

Pinatay ko na ang ilaw ay nahiga, kakapikit palang ng mata ko nang kulbitin ako ni Rustin sa ulo.

"Mhmm?" Ungot ko,

"Goodnight," bulong nito, napangisi ako, "Goodnight din." Maikli kong sagot,

"Walang I love you?" tanong nito at bahagya akong napangisi,

"I love you," sagot ko, nakapikit pa rin,

Narinig ko itong tumikhim, "I love you more future Mrs. Sadillo." Ani niya at doon ay tuluyang kumawala ang ngiti sa labi ko.

"Tse, matulog ka, matagal pa." ani ko at narinig ko itong suminghap. "Isang linggo nalang 'no." 



A/N: Epilogue next? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com