Can Only Wait [ONE SHOT]
DEDICATED TONG STORY NATO SA BESTFRIEND KO, NA SI MARIA CHLOE MAE DULATAS :) AT SA MANLILIGAW NIYA NA SI CHRISTIAN CLAVERIA, OH WELL 3 OR 4 YEARS NA ATA SIYANG NANLILIGAW EH , SANA NGA SAGUTIN NIYA NA EH .. BOTO KASI KO :)
____________________________________________________________________________
Handa ka bang maghintay sa bagay na alam mo naming walang kasiguraduhan? Handa ka bang maglaan ng oras sa taong hindi mo alam kung meron ka bang halaga sa kanila o wala? Handa ka bang tumaya? Let me tell you a short story of mine
Tandang tanda ko pa lahat , there's a time of my life where everything is about waiting for this perfect timing. I don't know but maybe ganun lang talaga ako.
"ui" isang text ang receive ko habang ako ay nagsusulat ng report ko para sa klase kinabukasan, ako nga pala si Christian Sanchez , 18 , studying Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa Unibersidad ng Pilipinas.
"yes, sino to?" yan ang reply ko sa nagtext saken , di kasi nakaregister yung number niya eh so isa lang naman ang ibig sabihin nun. I did my report, ate my dinner and almost ready to sleep ng biglang may nagtext saken, baka siya na yung nagreply.
"oh , sorry ngayon lang nakapagreply nalowbat kasi ako I'm Chloe and you are?" yan ang nakasaad sa text niya which is naguluhan ako, siya ang unang nagtext saken diba?
"ah Chloe?" like di ko naman siya kilala, wala akong kakilalang Chloe ang pangalan
"oh sorry, nanghula lang ako ng last 2 digits ng number and I'm glad you replied." I don't know kung scam ba to hindi naman siya nagsabi ng nanalo ako ng pera
"oh I see, ganyan ka kabored?" yan ang reply ko, hindi talaga ako nakikipag usap sa hindi ko naman kakilala but that night I guess she changed that.
"yes hahaha, nah Emyll gave your number to me pero hindi niya sinabi kung sino ka so may I ask your name?kasi hindi mo naman sinagot kanina " ah onga pala hindi ko nasabi ang pangalan ko
"Christian" I replied inaantok na ko kanina nawala bigla
"ohh sabi niya you're Christina." Natawa ako dun, siraulo talaga tong si Emyll pinamigay na nga number ko, ginawa pa kong babae
"oh I see " and so on, ayun nakatulog ako ng halos madaling araw na, it's strange na hindi ako nainis habang katext ko siya , somehow I felt relief, na para bang nakahanap ako ng kaibigan through her.
*at school
Naglalakad akao sa corridor ng nakita ko si Emyll na kakaiba yung ngiti saken
"wag mo kong simulan." Sabi ko sa kanya tapos nilapag ko na ang gamit ko sa upuan.
"like? You should be thankful for me bro, kasi pinamigay ko yung number mo ahhaha" and he laughed hysterically at me.
"at tuwang tuwa ka pa sa ginawa mo, sino ba yun si Chloe?" out of the blue question, wala lang gusto ko lang itanong curios ako eh
"makikilala mo rin siya." Yan ang sabi ni Emyll saken
"hello goodmorning , I'm Chloe Hernandez nice to meet you." And out of the blue niya rin inabot ang kamay ko , hindi ko alam but nakipagshakehands ako.
"Christian." Pakilala ko sa kanya
"Emyll" sabay ngumiti ng nakakaloko.
"shut it couz, sabi mo Christina, Christian naman pala" sabi nito sabay hampas kay Emyll
"so magpinsan kayo?" tanong ko sa kanila
"yes " sagot ni Chloe.
At dun ko siya nakilala, ang babaeng siguro masasabi ko na malaki yung impluwensya sa buhay ko. ang mga taon ay dumaan na parang araw lang ang lumipas, ang dating katext , kaklase ay naging matalik na kaibigan ko na. and I know na my feelings nako para sa kanya impossible naming hindi like she's everything I've been looking for,, but how like? How can I say it to her? And then there I decided to wait for the perfect timing. I am now 21 years old, graduate nako at may stable na trabaho, si Emyll, same kami ng pinagtatrabahuan, si Chloe lang ang naiba, she took the leap sa Italy. Pangarap niya yun so who am I para pigilan siya close kami but we don't have label, label na sana matagal ko na palang kinlaro dapat sa kanya. Alam niya naman siguro na may feelings ako sa kanya noh? Or maybe not. Mahirap palang itago yung nararamdaman mo noh?hindi naman ako nagmamadali, or naghiintay pa rin ako ng perfect timing? I don't know pero sa paglipas ng panahon mula ng nakilala ko siya di ko alam na napana na pala ko ni kupido ang masama dun parang ako lang ang pinana niya si Chloe hindi .
"ui." May nagtext saken bigla, pauwi nako ngayon galing work. Wala na kaming communication ni Chloe , since she left wala nagbago ang takbo ng buhay ko, nawala yung nakasanayan ko eh, pero si Emyll we're still friends.
"yes? Sino to?" ui parang familiar to ah di naman sa assuming ako pero sana siya to
"Chloe dude, la nakalimot agad taon lang lumipas eh." Yes thank you lord! Siya nga walang duda kaya di lang ako nagreply, tinawagan ko pa agad.
"san ka?" agad kong tinanong sa kanya syempre .
"dito sa bahay niyo, may sasabihin kasi ako excited pa naman ako kaso wala ka pala sabi ni tita nasa work ka pa daw so I tried texting you." Yan ang boses na hinding hindi ko makakalimutan.
"pauwi nako, wait mo ko diyan." Yan ang sinabi ko at agad agad nakong umuwi , so this is it, I might regret this later pag hindi ko pa nasabi sa kanya, isang taon din hinintay ko.
*1 message received from Emyll
Kinuha ko yung cellphone ko, may text si Emyll, Maya ka na bro uunahin ko muna si Chloe. Saka ako nagtatatakbo papuntang bahay.
"nak may mga bisita ka." Yan ang salubong saken ni mama, hindi naman sinabi ni Chloe na kasama niya pala si Emyll kaya siguro napatext.
"kaya nga ma nagmadali akong umuwi." Saka ako dumiretso ng sala at dun ko sila nakita.
"Chris." Tumayo mula sa pagkakaupo si Chloe at nakita ko ulit ang mga ngiti na namiss ko, pero parang may iba.
"Yow" sabay kaway ng kasama niya saken, hindi siya si Emyll.
"kala ko si Emyll yung kasama mo." Napangiti nalang ako ng bahagya kasi hindi ko alam ang sasabihin ko eh
"nope, hihihi si Rex nga pala, nagmadali talaga kaming pumunta dito kakababa lang namin galing pa kami sa airport, gusto ko kasing makilala niyo siya ni Emyll surpriseeeeee~ Boyfriend ko " sabay ngiti niya, yung ngiti na para bang sobrang saya niya
"BRROOOOO!" hingal na sigaw ni Emyll
"aww too late.." napabulong nalang siya sa sarili niya
"nice meeting you Chris nga pala." Yan nalang ang nagawa ko at inabot ko ang kamay ko sa kasamang lalaki ni Chloe, ano pa bang magagawa ko?
" matagal kayong kinukwento saken ni Chloe, how you guys met and pano ang naging bonding niyo nung college days " sa lahat ng pinagkwentuhan naming halos wala nakong marinig hindi ko alam pero dapat pala siguro hindi nalang ako umuwi, dapat hindi nalang ako nagreply non, na sana wala nalang akong nagging load nung gabing yun.
And that's it, I know hindi ko nasabi sa kanya yung nararamdaman ko and that's my fault, kasi nasaken naman lahat ng time but I never took the chance na magsabi sa kanya ng nararamdaman ko. Can I only wait? Can I wait for things to happen? Do I have no other choice but to wait? And then it came to me , one thing I learned from this is That I have a choice, and that is to make things happen. And now Chloe is Happy with Rex, Emyll is also happy With his lovelife, at ako? I'm already with someone. I did things to make this happen. And that is having a courage to do so.
-END
_____________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT/BE A FOLLOWER :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com