Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Di Bale Na Lang (ONE-SHOT)

NO PLAGIARISM | ALL RIGHTS RESERVED | ONE SHOT

"Di Bale Na Lang"

Written by: FATHOMLESSBEETCH | Zee 

June 07, 2013 (original date) September 26, 2013 (revised)

xxxx

Heto nanaman ako nakatulala dito sa classroom. Hindi ko alam kung baket pero gulong-gulo ang isip ko ngayon. Maeghan's question to me 3 days ago is still hanging on my mind. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang tanong niya sakin. Nakakainis nga eh. Hindi naman ako ganito. Hindi ako ganito, dati..

"Kara, what if ma-fall ka sa kanya?"

That's the question of Maeghan to me 3 days ago. I just don't know why it bothered me so much. Isang tanong lang 'yan, pero hindi ko alam kung baket hindi maalis sa isip ko. Ma-fall? sa kanya? That's just so impossible. I know, hindi ako ma-ffall sa kanya. Heartless? i'm not. It just that, hindi ako handa sa mga bagay na ganyan. I know how to love, i felt how to be loved. Pero ngayon? stone-hearted is my name. At may pinag-usapan kami kaya alam kong hindi ako ma-ffall sa kanya..

Ako si Kara. And I know, I won't fall in love with him. Not with anyone, not with him. I just can't bear to lose him if i did. I just can't bear to see our friendship, drifting apart kapag na-fall ang isa sa amin.

Hindi, hindi ako ma-ffall kay Kyle. Hindi ako ma-ffall sayo..

"Kara!" Agad akong bumalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses mo. Napatitig lang ako sayo habang paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga tanong ni Maeghan. Is there any possibility na ma-fall ako sayo? Meron nga ba? No. There can't be.

"Oh, natulala ka nanaman sa pogi kong mukha." You said with full of arrogance in your voice. That's the thing I hate about you. Your conceited-jerk side. Pero kahit gaano ka pa ka-conceited, wala naman akong pake. Kaibigan kasi kita. Who would've have thought na magiging close tayong dalawa? I'm a meticulous type of girl. At ikaw? isang easy go lucky na lalaki. Who would've think, mag c-click pala tayo? Dahil sa friendship na nabuo sa pagitan nating dalawa, nag-umpisa ang mga tuksuhan ng mga kaibigan mo at kaibigan ko. Nandyan ang kaliwa't-kanang issue nating dalawa. Pero we don't give care. Why? cause we both know na hanggang kaibigan lang talaga.

Alam nga ba natin 'yun?

"Kyle, layas nga dyan." Inis kong sabi sayo habang tinitigan ko na lang ang physics book ko. Hindi naman tayo magkaklase pero naging habit mo na ang pag punta dito sa room namin, before the class start. Lagi ka namang ganyan. Pagdating na pagdating mo dito sa school, dito agad sa room namin ang diretso mo. Pero bakit nga ba?

Kasi magkaibigan tayo..

Pero 'yun nga ba ang dahilan?

"Wag ka ng masungit. Umagang-umaga naman oh! Tara, punta na tayo sa ground." Aya mo sakin. Ten minutes pa naman bago mag start ang school ceremony, pero inaya mo na agad ako. Kaya naman inayos ko na lang ang physics book ko at tumayo na din. Pinauna mo naman akong lumabas at sabay tayong bumaba sa hagdan. We talk about random stuff. Ganyan ka naman eh. Ganyan naman tayo. Basta't tayong dalawa ang magkasama, no dull moments. No awkward feelings..

Wala nga ba?

When you're around, wala naman akong kakaibang nararamdaman. Kaya nga para sakin, napaka-imposible na mahulog ako sayo. Ramdam ko rin naman na wala kang nararamdamang kakaiba sakin. Para sakin kasi, ikaw pa rin yung lalaking, hindi pa nakaka move-on sa ex girlfriend mo. I don't know but deep inside me, there's this feeling na mahal mo pa rin siya. I don't feel jealous. In fact, i kinda feel the pain you've been feeling. Yung iniwan ka. Yung iniwan ka niya sa ere.. 

Nakarating naman na tayo sa ground at sinamahan mo pa ko sa section line namin at umalis na din para pumila sa line niyo. Napa-tingin na lang ako sayo habang lumalakad ka palayo. I don't feel anything weird. I don't. Napa-iling na lang ako at pilit na kinakalimutan ang tanong ni Maeghan. Masyado lang siguro akong na-bother sa tanong niya, kaya napapa-isip ako. I know, walang mahuhulog samin ni Kyle. We both knew that. 

Alam nga ba namin?

"Hoy Kara!" Agad akong napa-balikwas at nakita si Maeghan sa harap ko na naka-kunot ang noo habang nakatingin sa kung saan ako nakatingin kanina.

"Baket ka nanggugulat? Epal mo ha." Sabi ko kay Maeghan at inilipat ko ang tingin ko sa harapan.

"Asus. Tulala ka kasi. Sino ba ang tinitignan mo dun?" Tanong niya na hindi ko naman pinansin. Minsan talaga, nakaka-irita ang babae na 'yan. Pero kahit ganyan yan, matalik na kaibigan ko 'yan. I won't allow na mawala sakin ang babae na 'yan. She's not a friend to me. She's a bestfriend-sister for me. Siya at si Kyle lang ang halos ka-close ko. I told you, i'm meticulous when it comes to choosing friends. Madami akong kaibigan, pero ilan lang ang pinagkakatiwalaan ko. TRUST? Big word. That's why sometimes, i'm better off alone.

"Hay nako Kara, ang asar mo talaga kausap. Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Para kang lutang na ewan." Sabi niya habang pumila na sa may harap ko. 

"Wala akong iniisip. Wala lang talaga ako sa mood ngayon." Sabi ko at tumingin sa kaliwa at nakita kong nakatingin ka. Ngumiti lang din ako sayo at tumingin na ulit sa harap.

"Don't tell me, yung tanong ko sayo ang iniisip mo?" 

"H-hindi." Sasagot pa sana siya pero nagsalita na ang mag le-lead ng ceremony kaya umayos na siya. Hindi ko alam kung baket iniisip ko pa rin 'yun samantalang alam ko namang, wala dapat akong isipin sa pagkakaibigan namin ni Kyle. Sa pagkakaibigan nating dalawa..

Wala nga ba? 

Natapos ang flag ceremony kaya naman bumalik na ulit kami sa kanya-kanya naming room. Nag umpisa na ang klase pero masyado pa rin talagang occupied ng tanong ni Meg ang isip ko. Is that because, na-ffall na ko sayo? No. I know it's not the answer. Maybe i'm afraid. Afraid that our friendship might vanish in just one wrong move..

***

Uwian na kaya naman nagmadali kami ni Meg na ilagay ang mga gamit namin sa locker. Pagkatapos ay lumabas na agad kami at naglakad papunta sa gym para puntahan si Kyle. Habang naglalakad kami sa hallway, agad umakbay sakin si Meg. Alam ko na yung mga ganyang kilos niya. May itatanong nanaman 'yan..

"Baket?" Tanong ko sa kanya habang diretso lang akong naka-tingin sa daan.

"Na-fall ka na sa kanya no?" Agad akong napahinto sa tanong niya at tinitigan siya ng masama. Ako? Na-fall? Hindi. Imposible.

"Meg, alam mong hindi. Wag mo ng ipilit 'yan dahil hindi naman totoo at hindi rin 'yan mangyayare. Are you getting me? Cause seriously, paulit-ulit ka na lang." Sabi ko sa kanya at lumakad na ulit. It really annoys me na paulit-ulit siya ng tanong when in fact, she knows na hindi naman ako ma-ffall kay Kyle.

"Kasi Kara, i'm starting to doubt you. Alam mo na. Iba na yung way ng tingin mo sa kanya. Seryoso ka bang hindi?"

"I'm serious, Maeghan. Hindi."

"Eh what if pag siya na yung na-fall sayo?" 

"Alam mo ang sagot ko dyan, Meg.."

"Kawawa naman siya.." Bulong ni Meg pero hindi ko naman narinig kaya lumakad na lang ako at nakarating din kami sa gym. Sakto naman na kalalabas lang ni Kyle sa shower room kaya tumakbo siya papalapit samin.

"Tara na?" Tanong mo naman. Hindi na ko sumagot sa tanong mo at nauna na lang maglakad. Hindi ko alam pero naiinis ako. Hindi ko alam kung baket o kung kanino. I'm just pissed at something for no aparent reason. Paglabas naman namin ng campus agad kaming sumakay ng jeep tatlo..

"Sorry Kara." Sabi ni Meg at niyakap ako. Nginitian ko lang siya bago siya tuluyang bumaba na. Naiwan naman kami ni Kyle. Mas mauuna siyang bumaba dahil sa susunod na block na yung bahay nila.

"Hulog, salo, hindi? Una na ko, Kara." Naguluhan naman ako sa sinabi mo. Hulog, salo, hindi? at anong kalokohan mo naman 'yan? Hindi ko na namalayan na nakababa ka na pala at umaandar na ulit ang jeep.

Agad naman akong napa-tingin sa cellphone ko at nabasa ko ang text mo. Group message ata.

From: Kyle

Hulog, salo, hindi? sana, hulog, salo, oo na lang..

Ano bang kalokohan 'yun? Hindi ko talaga ma-gets. Huminto naman agad ang jeep at bumaba na ko. Alas-sais na rin pala ng gabi. Kumain lang ako at nagpalit ng damit tska ako nahiga. Paulit-ulit kong binabasa yung text mo.

Hulog, salo, hindi? 

Siguro nga, baliw ka na..

****

Maaga akong nakarating dito sa school at heto nanaman ako sa classroom. Ako pa lang ang tao dito kaya naman nakadungaw lang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang ibang studyante na naglalakad sa hallway..

"Hulog, salo, hindi?" Agad akong napa-tingin sa likod at nakita kita. Ayan nanaman yang hulog, salo, hindi na kalokohan mo. Kagabi ko pa 'yan iniisip, pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin niyan o kung may ibig sabihin nga ba 'yang kalokohan mo na 'yan eh.

"Anong hulog, salo, hindi?" Hindi ko na napigilang tanungin ka dahil kinakain na talaga ako ng curiosity ko. Hindi mo naman ako pinansin at pumunta sa katabing upuan ko at umupo sa mismong arm chair.

"Hindi mo alam ang ibig sabihin niyan? Tss. Matalino ka. Alam kong alam mo yan." Sabi mo na lalong nagpagalo sa isipan ko. Hindi ko alam kung naka-drugs ka ba o kung ano. You're starting to be creepy. In fact, ngayon ka lang nagkakaganyan..

"Alam mo Kyle, ang creepy mo."

"Hulog, salo, hindi? Sige Kara, una na ko. Pero aasa ako. Aasa ako na sana hulog, salo, oo ang maging kalabasan ng gagawin ko.." Sabi mo pa at lumabas na leaving me dumbfounded. Halos mapasabunot na ko sa buhok ko sa sobrang kakaisip kung ano ba 'yang mga pinagsasabi mo.

Nag flag ceremony pero lutang pa rin ako. Hanggang sa nag lunch break na. Sabi mo hindi ka makakasabay dahil may urgent meeting kayong mga basketball varsity kaya naman si Maeghan ang kasama ko ngayon dito sa school rooftop. Dito kasi ang tambayan natin. Dito rin kita unang nakilala.. Unang nakausap..

"Kara, lutang ka nanaman." Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko ng pitikin ako ni Maeghan sa noo. Letche.

"Masakit. Letche ka. Problema mo?" Tanong ko at kumain na. Hindi ko alam kung baket ako parang naiirita na naiinis na ewan. Mood swing? IDK. 

"Ikaw problema ko. Para kang lutang na tanga. Problema?" Tanong niya.

"Wala. Teka, alam mo ba yung ibig sabihin ng hulog, salo, hindi?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko dapat itatanong pero wala. Nilalamon na ko ng matinding kyuryusidad.

"T-teka.. P-paano mo nalaman y-yan?" Napa-kunot naman ang noo ko dahil bigla-bigla siyang nag s-stammer. Seriously?

"Baket, alam mo ba kung ano ibig sabihin niyan?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at huminga ng malalim.

"Hulog, salo, hindi? Ano nga ba ang ibig sabihin niyan Kara?" Pasulyap mong tanong sakin. Hindi ko alam kung bakit parang nagiging creepy ang lahat ng tao ngayon. 

"Kaya ko nga tinatanong diba kasi hindi ko alam. Duh." Hindi ko nanaman mapigilang mag maldita. Hindi ako perpekto at santa. Hindi ako ang tipo na magbabait-baitan kung ang totoo naman ay hindi ako ganun.

"Hulog. Pag may nahulog sayo, hahayaan mo lang ba siyang mahulog at masaktan? Salo. Kung mahuhulog siya sayo, handa ka bang saluhin siya o hahayaan mo lang siya na mahulog lang at masaktan? Hindi. Yan, yan ang sagot na iniisip niya ngayon. Pero sana magbago. Sana mabago at maging hulog, salo, oo na lang. Matuto kang makiramdam. Baka kasi hindi mo alam, nahulog ka na ng hindi mo alam at nasalo ka na niya. Pero malay lang naman. Masyado ng matagal Kara." Sabi niya at tumayo na. Nag mistulan akong naka-tulala at pilit pinapasok ang mga sinabi niya. Sino, sino ang nahulog? sino ang sumalo?

"Mamaya. Sa Park. After class. Hihintayin ka niya." Sabi ni Meg at tuluyan ng lumakad palayo. And for the second time, i was left dumbfounded. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Mas lalo lang gumulo lahat.

****

Pagkatapos kong mag isip at maiwang naguguluhan sa rooftop, bumaba na rin ako at dumiretso dito sa room. Tinatawag ako ng mga teacher dahil lutang daw ako pero sinasabi kong "Ok lang ako." Kahit ang totoo niyan, gulong-gulo ako.. 

"Mamaya. Sa Park. Afrer class. Hihintayin ka niya." Naalala kong sabi ni Meg. Sino ang naghihintay sakin? Ayoko sanang pumunta pero heto nanaman ang kyuryusidad sa katawan ko. Hindi naman siguro masama kung pupunta ko dyan. Hindi rin naman siguro ako papapuntahin ni Meg diyan kung mapapahamak lang ako.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng klase ay nagmadali na kong lumabas at dumiretso sa Park. Wala naman akong naabutan na tao dahil bihira lang ang pumupunta dito tuwing dismissal time. Nasan yung naghihintay sakin? Meron ba o niloloko lang ako ni Maeghan? Umupo lang ako sa isang bench at nag-isip..

Iniisip ko kung na-fall na ba ko. Pero alam ko sa sarili ko na hindi. Hindi talaga. Alam kong minsan nagiging denial ako sa feelings ko but this time around, i'm sure. I'm sure na hindi pa ko na-ffall kung kaninuman. Kay Kyle? Alam kong imposible, alam kong malabo, at alam kong hindi. The time i considered you as my friend, that's the time i set my limitations. Alam ko sa sarili kong hindi ako ma-ffall sayo. Hindi..

"Hulog, salo, hindi?" Agad akong napatingin kung saan nanggaling ang boses ng nagsalita at nakita kita. Naka-ngiti ka sakin pero ngiting may halong kaba. Hindi ko alam kung baket para sakin, napaka-transparent mo ngayon. Pero madalas, isa kang napaka-complicated na lalaki. Alam kong madami pang bagay ang hindi natin alam tungkol sa isa't-isa. Pero alam kong yung closeness natin ay mahirap ng buwagin. Mahirap ng kalimutan yung binuo nating pagkakaibigan.

I know, there are lots of moments sating dalawa na iisipin nilang parang "tayo" kaya nga rumors are all around us. Pero hindi tayo nagpapa-apekto. 

Hindi nga ba?

Matagal na rin ang pinag samahan nating dalawa. Kahit ako sa sarili ko, hindi ko kakayanin na mawala ka sakin. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko kung sakali. Kaya nga ayokong may ma-fall ni isa sa ating dalawa. Dahil alam ko sa sarili ko na kung mangyare man 'yun, mawawala ang pagkakaibigan natin..

Ako kasi yung tipo ng babae na pag may naging kaibigan na lalaki at na-fall sakin, ako na mismo ang kusang umiiwas. Baket? dahil takot ako. Takot ako na mahulog din. Takot ako na mas masaktan ko sila dahil hindi ko masusuklian ang nararamdaman nila sakin..

"Anong ginagawa mo dito?" Tanging nasabi ko na lang habang papalapit ka sakin.

"Ikaw ba yung sinasabi ni Maeghan na naghihintay sakin?" Tanong ko pa sayo.

"Ako nga."

"Kyle, ang creepy mo. Baket mo ba ko hinihintay?"

"Hulog, salo, o hindi, Kara?" Tanong mo. Agad nawala yung ngiti mo sa mukha at nabalot na ng kaba. Hindi ko alam kung baket nagiging transparent ka sa harap ko ngayon. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. Isa kang komplikadong lalaki..

"Hulog, salo, o hindi? Seriously Kyle? Anong klaseng tanong ba 'yan?" Tanong ko sayo. Bakas ang inis sa tono ng boses ko dahil hindi ko na mapigilang mainis. Naguguluhan na kasi ako. Sobra.

"May gusto lang naman akong malaman,"

"What?"

"Mahal na kasi kita Kara. At umaasa ako na sana nahulog ka na rin sakin. Na sana saluhin mo ko dahil na-fall ako sayo. At sana, oo ang sagot mo. Oo dahil mahal mo na rin ako.." Halos mapatulala ako sa sinabi mo. You're hoping.. 'yan ang nararamdaman ko habang sinasabi mo 'yan sakin..

Pero kasi..

"Kyle.."

"Pasensya na ha? Hindi ko na kasi talaga mapigilan na itago pa sayo.." Sabi mo habang isang mapaklang ngiti ang pumorma sa mga labi mo. Nasasaktan ako.. Nasasaktan ako para sayo dahil...

"Kyle, alam mo namang--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla ka na lang sumagot.

"Oo nga pala. Ikaw nga pala si Kara. Pasensya na nakalimutan ko yung usapan nating dalawa na walang dapat ma-fall.." Hindi ko alam kung baket mo nasabi 'yan. Hindi ko pa nakakalimutan 'yang naging kasunduan natin. Sorry Kyle, sorry..

"K-kyle.."

"Don't. Sige Kara...

...Di bale na lang.."

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com

Tags: