Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER FIVE

CHAPTER FIVE

NAGING palaisipan na rin kay Tere ang mga kinikilos ni Migoy.  Kung siya ang papagawin ng sariling konklusyon ay may kakaibang patingin si Migoy sa kanya.  Pero sabi naman ng kabilang panig ng kanyang utak ay kaibigan lang ang turing ni Migoy sa kanya at sadyang malambing lang ito na tao.  Tsaka isa pa eh meron itong Tiffany di nga ba?

            “Tiffany!  Tiffany!  Tiffany!!! Kahit kailan talaga panira ka ng moment ko!  Wala bang isang pagkakataon na hindi ka kasali sa kwento!”  Litanya ni Tere habang pinanggigigilan ang hawak na tabloid na may kuha na magkasama sina Migoy at Tiffany.

            “Tere, huwag ang tabloid ang pagdiskatahan mo.  Nagseselos ka lang eh.”  Tudyo ni Jennfer sa kanya.

            “Ha?  Wala ah.  May langgam lang kaya tinitiris ko.”

            “Langgam ha o si Tiffany.  Huwag ka na magkaila dahil nabasa ko na din ang tabloid nay an kanina at nakita ko diyan ang picture nina Migoy at Tiffany.  Teka lang ha, natanong mo ba ke Migoy kung ano ang score niya at ni Tiffany?”

            “Hindi!”

            “Bakit?”

            Kibit balikat lang sinagot ni Tere pero halatang nanunulis ang bibig.

            “Bakit nga hindi mo tanungin?” 

            “Atey naman.  Ano ang rason kung bakit ko siya tatanungin aber aber?”

            “Peace of mind?”

            “Peace of mind?  Para naman saan aber?”

            Ay nahalata ko na aber lang naman ang favorite word mo Ning!  Peace of mind para pwede mo siyang totoong mahalin.”

            “Atey!  OA ka!”

            “Weeh!  Ako pa ang OA!  Di nga Tere, ano ba talaga kayo ni Migoy?  Huwag ka ng magkaila sa akin dahil alam kong sa daming beses niyo ng magkasama ay mas lumalim pa ang pagtingin mo sa kanya.  Tingnan mo o, parang taga atin na rin yun mokong na yun.  Di alintala ang kasikatan at nakikipagkulitan sa mga kuya mo.  Huwag mo pala pauwiin yan agad mamaya kasi nakita kong pinapainom ni Jason.”

            Biglang natuon ang pansin ni Tere kung saan nakapwesto si Migoy kasama ng mga kapatid niya at nakita nga niyang tinatagayan ito ni Jason kaya mabilis pa sa alas kwatro siyang rumagasa kung saan ang mga iyon para pigilan.  Pero hinawakan siya ni Jennifer.

            “Hep hep hep, di pa tayo tapos mag-usap ha.  To be continued.”  Sambit nito bago siya pinakawalan.

            “Kuya!  Tama na yan!  Magdidrive pa yan pauwi.  Baka madisgrasya na naman yan!”  Awat niya sa pagtagay ni Jason sa baso ni Migoy.

            “Bunso, huwag ka ngang killjoy!”  Sabay iwas ng lapad sa kamay ni Tere.

            Ngumiti lang din si Migoy at akmang tatanggapin pa ang alok na alak ni Jason.  Pero desidido talaga si Tere na agawin iyon at nagtagumpay siya.  Pinandilatan nito ang kapatid at kinuha ang baso ni Migoy at sinalinan iyon ng tubig. 

            “Haizzt!  Ano ba yan Migoy, di pa nga kayo kinasal eh under ka na nitong si Bunso!”

            Mas lalong nanlaki ang mata ni Tere sa tinuran ng kapatid.  Mainit na naman ang pakiramdam ng kanyang pisngi dahil sa sinabi nito.  Para dismulado ang reaksyon ay biglan niyang binatukan ang kapatid.

            “Aray ko!  Hinayhinay naman bunso.  Ke liit liit mong babae eh ke lakas mo namang mambatuk!”

            “Ikaw kasi kung ano ang sinasabi mo.”

            “Nako Migoy, pagmag-aasawa na kayong dalawa eh dapat e apply mo ang taktika mo sa korte na defense.  Tingnan mo nga ang isang ito’t napakamaton!”

            “Kuya tumigil ka na ha!  Di ka na nakakatuwa!”  Umiinit na talaga bunbunan ni Tere sa biro ng kapatid.  Di nga niya alam kung nagbibiro ba ito dahil seryosong seryoso ito eh.

            “Pareng Jason, huwag kang mag-alala, susundin ko lahat ng gusto ni Tere para di na aabot sa batok ang lahat.  Aray ko!”  Natatawang sambit ni Migoy at hinimas himas ang braso dahil pinalo iyon ni Tere.

            “Isa ka pa.  Sumakay pa sa kalokohan ng retarded kong kapatid.  Tumayo ka na nga diyan at baka malasing ka at madisgrasya ka ulit.  Malapit na kaya ang comeback game mo.  Tayo!”

            “Yes Dear!”  Kunyari’y isang maamong tupang sumunod si Migoy sa sinabi ni Tere kaya mas lalong naghalakhakan ang mga kapatid niya na mas lalong ikinainit ng mukha ni Tere.

            “Kasalan na yan!”  Tudyo ni Jennifer na rin.

            “Atey, kasal agad agad!  Kaloka ha!”

            “Oi Pareng Migoy, huwag mong kalimutan ha, sa susunod na linggo na yung wedding namin ni Jennifer.  Linggo yun at may laro ata ang team niyo.  Ok lang na kahit sa reception ka na lang makakapunta basta di ka mawawala ha.”  Ani ni Kuya John ni Tere.

            “Oo Pareng John.  Pupunta ako.  Sige mga pare, mauuna na ako.  Nag-aalburuto na si Kumander na pauwiin ako!”

            “Tse!  Kumander ka diyan!  Bilis!!! Uwi na!” 

            Kunyari ay galit daw si Tere pero sa kaibuturan ng kanyang damdamin ay kinikilig siya ng sobra-sobra at napapansin iyon ni Jennifer kaya kinikindatkindatan siya ng magiging bilas.  Pina-ikot lang niya itong ng mata at hinatid na si Migoy kung saan nakapark ang sasakyan nito.

            “Migoy, sigurado kang ok lang sayo mag drive?”

            “Yes Kumander!  Aray ko!”  Natatawang sambit nito kasi pinalo na naman niya ang braso nito.

            “Kumander ka ng kumander dyan.  Pektusan kita diyan eh.”

            “Huwag po!  Huwag po!  Di pa nga tayo kinakasal eh inaander mo na ako!”

            “Kasal ka diyan.  Nek nek mo.  Hala sige na uwi na!”

            Pero bago pumasok si Migoy sa sasakyan nito ay bigla nitong kinabig si Tere at niyakap.

            “Migoy, ano ba!”  Nagpapanic na sambit ni Tere.  Di niya inaasahan ang inasta ng lalaki.  Although sa loob loob niya ay kinikilig siya.

            “Thanks for the wonderful time Tere.  You just don’t know how happy I am today.”  Nung pakawalan siya nito ay hinalikan pa nito ang kanyang pisngi na mas lalong ikilaki ng mata ni Tere.

            Parang nawala sa huwisyo si Tere at bumalik lang siya sa mundo nung naramdaman niyang hinawakan ni Migoy ang kanyang pisngi.  Pisngi!  Nako ang init init ng pisngi niya kaya mabilis niyang iniwas ang mukha.

            Napangiti si Migoy at pumasok na ito ng sasakyan.  Ibinaba pa nito ang bintana at kinawayan siya bago tuluyang umalis.

            “Magtext ka please pag nakarating ka na sa inyo ha.”

            “Yes Kumander!”

            “Sira!”

            Tinanaw muna ni Tere ang papalayong sasakyan ni Migoy bago ito bumalik ng bahay.

            “Ay kabayo!  Atey nakakagulat ka naman!”  Gulat na sambit nito nung pagtalikod niya ay si Jennifer agad ang bumungad.

            “Ang sweet naman ni Ka Migoy Kumander Tere!”

            “Atey ha!”

            “O ngayon sabihin mo sa akin kung ano yung nasaksihan ko kanina ha?”

            “Wala nga yun sabi eh.”

            “Weeeh!  Aminin mo na kasi.  May intindihan na ba kayong dalawa ha?”

            “Wala nga sabi… Ewan ko!”

            “Ay nag-iba na ang sagot.  Ewan ko na!  Hmmmnnn I smell something fishy.”

            Di umimik si Tere at biglang napalitan ng lungkot ang mukha niya.  Napansin iyon ni Jennifer kaya inakbayan siya nito.

            “Bunso, hinayhinay lang ha.  Liwanagin mo muna ang lahat bago ka tuluyang mag fall kay Migoy.  Aminin mo man o hindi pero alam ko na hindi lang simpleng paghanga ang naramdaman mo sa kanya.  Baka nga siya din eh ganun na rin naramdaman pero may humahadlang lang.”

            “Oo!  Walang iba kundi si Tiffany!  Hay kahit kailan talaga siya ang laging ending ng happy moment ko kay Migoy Atey!”

            “Napansin ko nga.  Halika na nga.   Tara na sa bahay at patigilin na natin yung tatlong itlog sa pag-iinom.”

            Makalipas ang isang oras at nasa kwarto na niya si Tere ay tumunog ang kanyang cellphone at galing kay Migoy ang text na kanyang natanggap.

            “Nasa bahay na po ako Kumander.  Good night and sweet dreams.  Mwah3x!”

            Napangiti at kinikilig si Tere habang nirereplyan ang text ni Migoy.  Naka-ilang kulitan pa sila na text bago tumigil para matulog.  Dahil sa masayang pakiramdam ay di pa makatulog si Tere kay minabuti niyang e on ang tv para dalawin ng antok.

            Biglang napalis ang kanyang ngiti nung nakapaskel sa tv ang mukha ng taong bangungut ang turing niya.

            “Tiffany!!! Kahit kailan talaga agaw eksena ka!  Hmnmmp! Makatulog na nga!”  Sabay patay ng TV at nagtalukbong ng kumot.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com