CHAPTER IX
Cass's POV
"Tumahimik nga kayo, I did it cause Shawn forced me to. I didn't want to do it in the first place anyways."
Tumigil ako sa pagnguya at utay-utay umangat ang aking ulo mula sa pagkakasubsob sa aking pagkain. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig, naramdaman ko ang pagsikip ng lalamunan ko at animo'y nanghina ang mga kamay ko. Nagtagpo ang mga mata namin ni Faye at kitang-kita sa mga mata nito ang malungkot nitong ekspresyon.
"Hoy...!" may maliit na boses ang nanggaling sa isa sa congress.
Nanahimik ang lahat na animo'y nakakabingi ito. Umikot ang paningin ko at nakita na nakatingin ang ilan sa congress sa gawi namin. Nang dumaan ang tingin ko kay kuya Haze ay umiinom ito ng tubig na para bang hindi niya naisip kung ano ang kaniyang sinabi.
Sinipa ako ni Marga sa paahan at agad akong umiling bago muling nagbaba ng tingin sa aking pagkain. Ang kaninang maingay at masaya na paligid namin ay nabalot ng mabigat na katahimikan.
Bahagya akong napa-ubo, "Okay lang," bulong ko at nabasag pa ang boses ko habang pinipigilan na mabuo ang mga luha.
Sumisikip ang dibdib ko at kung hahayaan ko ang emosyon ko ay maluluha na ako anumang oras.
Nabalot ako ng hiya. Iyon ang nararamdaman ko, hiya. Nahihiya ako sa kaniya at sa mga kaibigan niya.
This entire time... Was I being a burden to him? An annoyance? A disturbance? And I was too captivated by my feelings and delight every time he picked me up to realize the reality. That he is just being pushed and has no option but to send and pick me up.
Dinampot ko ang baso ko bago pinilit na uminom ng tubig kahit hindi na ako halos makalunok.
"But I grew to enjoy it." Bahagya kong naibuga ang tubig kong ini-inom bago lumingon sa gawi ni kuya Haze na ngumunguya.
Nilingon ako ni Faye at nakaguhit ang malawak na ngiti sa labi nito.
"I enjoy picking up Cass because it gives me an unusual feeling. Normally, my afternoon would be rather dull, but I become thrilled as the clock hits 3 o'clock." Dagdag pa nito, pinipigilan ko ang ngiti ko kaya napakagat ako sa labi ng baso ko.
May tumikhim na isa sa congress, "So... happy ka naman sa paghatid-sundo mo kay Cass?" tanong ni kuya Edward.
Tiningnan ko si kuya Haze at tumango ito habang ngumunguya, "Oo naman," sagot nito at naramdaman ko ang pagkurot ni Faye sa aking tagiliran.
Nakita kong lumingon sa amin si kuya Howard, Lucas at Xandro na mga nakangisi. Potcha, halata na ba masyado?
"Bakit ang tahimik niyo kanina? Kinakabahan ako sa inyo, eh." ani ni kuya Haze at napatawa ako ng pagak.
Napatawa si kuya Lorenzo, "Wala, ang seryoso kasi ng sinabi mo, akala namin seryosong usapan." ani nito at tumango ako bago nagpatuloy sa pagkain.
"Sus, kayo?! Seryoso?! Gago! Don't fuck with me, Lorenzo!" Napatawa nang pagak si Faye na agad napatakip sa bibig, ako naman ay napapikit nang mariin, nagpipigil rin ng tawa. Ang lutong ng mura ni kuya! Pero ang attractive pa rin! Pwede po bang ako naman ang murahin mo!
Humagalpak ng tawa ang congress at kaming tatlo na nakahiwalay ay napatawa na rin. "Oh ano? Nakahinga kana ba? Masaya na ulit? Paiyak kana kanina, eh." ani ni Faye at napabuntong hininga ako bago sumubo ng spaghetti.
"Okay na, okay na ako." sagot ko bago masayang kumain.
Habang kumakain ay lingon ako nang lingon sa table nila kuya Haze. Kasama nito si kuya Shawn at Howard pero halos nakadikit na ang table nila sa kabilang table.
Pinagmamasdan ko nanaman siya, madalas siyang tahimik na kumakain at hindi nagsasalita. Pero may mga minuto na humahagalpak naman siya ng tawa. Napapasigaw rin ito kapag nakikipagtalo kay kuya Lorenzo at kuya Lucas. May mga minuto na ibang-iba na Haze ang nakikita ko sa Haze na madalas kong nakakasalamuha.
It was as if I see a side of him that I never knew. A funny and goofy one, a childish Haze.
"Kaninong kwarto ba tayo?" Nag-iimpis na kami ng pinagkainan nang tanungin ni kuya Lucas si kuya Shawn na nasa tabi ko lang, abala sa pag-aayos ng mga natirang pagkain.
"Hindi ba sa kwarto nila Haze? Si Haze naman ang g na g." sagot ni kuya Shawn, tahimik lang ako na nagpupunas ng lamesa pero ang totoo ay nakiki-chismis na tayo. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
"Ah sige, dadalhin na namin yung ibang natirang pagkain." sagot ni kuya Lucas bago umalis, sakto naman na kakatapos ko lang na magpunas. Sila Marga at Faye ay inaantay na ako sa may entrance ng lobby area.
"Kuya, una na po ako." Paalam ko kay kuya Shawn matapos itapon ang tissue na ginamit ko. Saktong binubuhat ko na ang bag ko nang bigla itong ibaba ni kuya Shawn.
"Cass, can I just say thank you?" ani nito at agad akong napalingon sa likuran ko para harapin si kuya Shawn.
Napangiwi ako, "Para saan kuya?" Natatawa-tawa kong turan, he held both of my shoulder and looked straight to my eyes.
Nagbiro ako na naduduling at natawa ito, "Hey, I'm being serious." Nag-ayos ako ng mata at tumango, "Ah okay okay, sorry." ani ko at bahagya nitong itinagilid ang ulo, nakatingin pa rin sa mga mata ko.
"Thank you for being there for Faye and Marga specially to Faye of course. You've been a great friend to my sister and I've watched that through the years." ani nito at napakunot ang noo ko. Bakit parang ang seryoso naman ni kuya? Namama-alam na ba ito? Paalis ba ng bansa 'to? May taning naba buhay niya?
"And I appreciate that, I know I'm not always there for my sister to watch over her but you're there for her all the time. My sister may tend to be childish sometimes but you have such patience for her." he calmly said in such a soothing voice and I can actually feel that he's actually genuine on what he's saying.
"Don't loose your patience on her, okay?" ani niya at tumango ako, "Siyempre naman kuya, si Faye pa." sagot ko at ngumiti ito.
"Pero matanong ko kuya, mamamatay kana ba at namama-alam kana?" Pabiro kong tanong dito at napahagalpal ito ng tawa.
"What?! No! I was just saying thank you! Ikaw naman, bawal ba magseryoso?" ani nito at napahagalpak din ako ng tawa. "Ay sorry! Akala ko naman kung ano! Akala ko nga aalis ka, eh!" turan ko at napatawa ito, may pagpalakpak pa siya na nag-echo sa buong lobby.
"Sa tingin mo ba aalis ako ng bansa?" tanong nito at nagkibit-balikat ako, "Pwede naman," sagot ko at tumawa ito. Nang humupa ang pagtawa nito ay napapapamulsa ito.
"Can I hug you? I just feel really thankful." he asked, I smiled at him before nodding and spreading my arms to give him a hug.
"Of course, kuya." he took a step forward and I felt his body touched mine. His body feels warm and comforting, I didn't think kuya Shawn would give good hugs.
He placed his chin on my shoulder and I feel his hand caressing my back. Though I was struggling to tiptoe as he's much taller than me, the hug is actually very soothing.
The hug lasted for almost half a minute before he pulled away, he smiled at me and fixed some few strands of my hair. "Sige na, your friends are waiting for you." ani nito at tumango ako bago isinakbat ang bag ko. I waved him a goodbye and run towards Faye and Marga's direction who are both busy on their phones. I walk passed by congress and some were looking at me. I shyly smiled at them before dragging Faye and Marga out of the lobby.
It was the next day and us three woke up late than usual. I actually woke up around 6am but decided to sleep again since it's Saturday. We woke up around 11am and decided to order food for brunch.
"Anong gagawin natin ngayong hapon?" tanong ni Marga habang kumakain. Inayos ko ang salamin ko, "Mag-aayos ako ng reviewers---"
"Ah hindi! Gagala tayo!" Putol sa akin ni Faye at napasimangot ako, "Huy! Oo nga! Tara sa convenience store namin sa subdivision! Dali!" Bigla akong hinampas ni Marga sa braso. "Ano namang gagawin natin doon?" Taka kong tanong, tatambay lang? Mag-aaksaya ng oras?
"Kakain, libre tayo dun siyempre, amin yun, eh." sagot nito at napa-ismid ako, "Marami tayong pagkain dito--"
"Doon nakatira si kuya Haze." Natigilan ako sa pagsasalita sa sinabi ni Marga, "Suki nga siya sa store namin, eh. His house is two blocks away from the store, pwedeng-pwede nating daanan." Dagdag pa nito, napatikom ako ng bibig at napa-ayos ng upo.
Napahagalpak ng tawa si Faye, "Ayan, diyan ka magaling!" Pang-aasar nito at naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge.
"Ano ba kayong dalawa! Nakaka-asar kayo!" Pagmamaktol ko at humagalpak ng tawa ang dalawa.
Magkatapos namin magtanghalian ay naligo na kami at nag-ayos para umalis. Alas dos na nang makarating kami sa store, hindi ako madalas dito dahil bukod sa medyo malayo ay hindi rin naman madalas dito si Marga.
"Sa likod lang po kami," ani nia Marga pagkapasok namin ng store. Sa likod ay may staff quarters kung saan may mga lamesa kaya pwede pa rin akong gumawa ng mga pwede kong gawin. May kama pa nga at doon nagkulitan si Faye at Marga habang ako'y nagpapaka busy.
Bandang alas singko ay hinainan kami ni Marga ng pastries galing sa tinda nila at saka lang ako tumigil sa ginagawa ko.
"Anong oras tayo maglalakad-lakad?" tanong ko at napatawa ang dalawa, "Ito naman! Hindi ka nga nagpaka-imik-imik kanina tapos bukang bibig mo ngayon si kuya Haze?" ani ni Faye at nanlaki ang mata ko.
"Aba, wala naman akong sinabi na kuya Haze, ah!" turan ko at inikutan ako ng mata ni Faye, "Wala ka mang sabihin na pangalan, alam naman namin na yun ang pakay mo!" Pagtataray ni Faye at ako naman ang umirap.
"I mean... oo! Kaya nga nahigit niyo ako dito, eh." turan ko at suminghal ang dalawa.
"Grabe ka naman, yun lang pala talaga ang dahilan mo." Pag-iinarte ulit ni Faye, "Aba, hindi naman masusukat nito ang pagkakaibigan natin." ani ko at napatawa ang dalawa.
Pagkatapos kumain ay inayos na namin ang mga gamit ko bago lumabas ng store. Pagkalabas ay agad akong hinigit ng dalawa paliko.
"Dito, dito ka." ani ni Marga habang hawak-hawak ang braso ko.
Natigilan ako bigla, "Huy! Wait!" tumigil kami sa paglalakad, "What if bigla siyang lumabas tapos makita tayo? Iisipin niya stalker tayo!" Nag-panic ako bigla, "Hindi 'yan! Sabihin natin na binisita lang natin store nila Marga." ani ni Faye, "Hindi ba ang defensive kapag ganun?" tanong ni Marga at tumango ako,
"Oo nga! Hindi naman niya tayo tatanungin kaya kapag bigla nating sinabi ang defensive natin." Pagsang-ayon ko,
Natahimik kaming tatlo nang panandalian bago ako naka-isip ng ideya, "Ganito nalang kapag lumabas siya bigla, kunyari na nag-uusap tayo na ngayon lang tayo nakapunta sa store ni Marga." ani ko at tumango ang dalawa, "Sige sige, ganun nalang." Nagpatuloy kaming tatlo sa paglalakad.
Hindi ko alam kung anong hitsura ng bahay ni kuya Haze pero napapaligiran kami ng malalaki at magagandang bahay. Halatang pangmamayaman ang taga rito at walang duda na sa ganitong bahayan nakatira si kuya Haze.
"Ayan, ayan! Cass! Yung kulay grey na gate!" Malayo palang kami ay may itinuturo na si Faye. Binilisan namin ang paglalakad para makadaan agad.
"Ang laki," bulong ko nang makalapit kami, hindi mo halos magtanaw ang loob dahil sa naglalakihan at nagtatataasan na gates. Sa pailang-ilang butas ay natanaw ko ang fountain sa loob, mahabang driveway at may mga sasakyan pa sa loob.
Napa-igtad kaming tatlo nang bumukas ang gate, "Guys alam niyo ba na ngayon lang ako nakapunta sa..." Napatawa si Marga at Faye nang hindi naman pala si kuya Haze ang lumabas kundi isa sa mga katulong nila kuya Haze.
Binilisan nalang naming tatlo ang paglalakad at nang makalayo-layo ay napahagalpak ng tawa.
"Kainis kayo! Nakakasura!! Kinabahan ako doon! Akala ko si kuya Haze!" Pagmamaktol ko sa dalawa na halos gumulong na sa kalsada sa kakatawa. Napasapo ako sa mukha ko sa sobrang kahihiyan bago napahilamos.
"Ano ba naman 'yan!" Napapadyak ako sa lupa, "Akala ko naman---" I was caught off guard nang may mga motor na maiingay at nagsisigawang mga nagmamaneho nito.
"Fuck you, Haze! You play so dirty!"
"Aww! Such a crybaby Adrian!!"
Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang paparating ang tatlong motor, sa unang motor ay si kuya Edward at Howard, si kuya Lucas at Adrian sa pangalawa, ngunit sa pangatlo ay parang nawala ako sa ulirat.
It was kuya Haze driving his motorcycle, behind him is kuya Xandro holding a basketball. He's wearing a wide smile on his lips while wearing nothing on top. In short, he's topless revealing his tanned and sweating upper body.
My heart felt like it skipped a beat when our eyes met, it was just a quick glance but I know he saw me. As if the time stopped when our eyes met.
Nang makalayo sila ay hindi ko na ito nagawang habulin ng tingin at nanigas na ako sa aking kinatatayuan.
I was standing there in silence for few seconds, trying to process what I just saw.
"Huyyy!!" It was Faye who broke the silence. "Grabe! Ang hot pala ni kuya Haze!" Palirit nito, nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko habang naka-awang ang mga labi.
I couldn't agree more on what Faye just said, his body was indeed hot.
"Hoy! Ang bastos niyong dalawa!" Napa-igtad ako nang hampasin ako ni Marga,
Napahilamos ako sa aking mukha bago nagbuga nang hangin. "Alam niyo..." nanuyo yata ang aking lalamunan.
"Tara na, okay na, nakita na natin." ani ko sa dalawa, bahagya ko pang sinampal ang aking pisnge para magising-gising.
Maglalakad na sana kami paalis nang may mapansin ako sa kalsada kung saan dumaan sila kuya Haze. I run towards it and pick it up, and as I saw how the keychain looks like, I am sure it belongs to kuya Haze.
"Ano 'yan?" Lumapit sa akin ang dalawa, I showed them the keychain, it's an airplane keychain together with a metal piece with his name 'Haze' and initial 'A' engraved on it.
"Nahulog 'to mula sa susi ng motor niya." ani ko at nagsimula nang maglakad habang hawak-hawak ang keychain. I was holding it as if my life depends on it, as if it was so fragile and I was holding kuya Haze's hand.
When we got home, Faye and Marga said they will be the one cooking dinner, while waiting, I was playing with the keychain in my left hand while holding my phone on the other.
I was having second thoughts whether to message kuya Haze that I have his keychain or not.
I was contemplating and nervous, I don't know what exactly to say or how do I tell him that I have one of his stuff.
I glanced at my friends and saw the both of them having a great time, and for some reason, I had the urge and confidence to send my message.
To: Alonzo Haziel
hello kuya! I think you dropped this kanina po noong nag mo-motor kayo.
I sent him a picture of the keychain and wait for his reply. I stared at my phone for few seconds before turning it off and wait. Until I wait, and I wait and wait until it's already time for dinner.
Until taking a shower, I'm still waiting, while waiting for my friends to finish showering, I'm still waiting. Until it's finally time to sleep.
I was tucking myself in bed when my phone buzzed that made me jolt up and immediately open it up.
From: Alonzo Haziel
uh yes, that's mine, can I have it by Monday?
To: Alonzo Haziel
of course po! I'll give it to you by Monday po, where do we meet po sa Monday?
From: Alonzo Haziel
lobby
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang nagpipigil ng ngiti at kilig. I can't believe we're actually talking through chats right now.
I thought that would be the end of our conversation until my phone beeped again.
From: Alonzo Haziel
bakit ka pala nasa Greenwood kanina?
My eyes grew wide as I read his message. What do I say?!
To: Alonzo Haziel
Pumunta po kami sa convenience store nila Marga
From: Alonzo Haziel
ah yes, they own that store nga pala, madalas ako doon kapag umuuwi ng bahay.
To: Alonzo Haziel
You like convenience store a lot po 'no?
From: Alonzo Haziel
hahahaha, hindi naman masyado
I felt my eyelids to get heavy and I even let out a yawn, as much as I want to talk to him more, I have nothing in mind and I'm already sleepy.
To: Alonzo Haziel
sige po kuya, see you sa Monday, I'll sleep na po, goodnight!
From: Alonzo Haziel
gudnight
Maaga akong nagising kinabukasan, maganda rin ang umaga ko dahil sa pag-uusap namin ni kuya Haze kagabi. Kaya naman sinisipag akong magluto ng almusal. Kaso pagkabukas ko ng ref namin ay kulang na pala kaming itlog, iyon pa man din ang isa sa mga paborito kong pang-almusal.
Nagluto nalang ako ng hotdog at spam, ang dalawnag itlog na natitira ay aking binati para gawing omellete.
Alas otso ay ginising ko na ang dalawa para kumain.
"Pupunta nga pala ako ng grocery pagkatapos kumain." Paalam ko sa dalawa, napakunot ang noo ni Marga, "Bakit? Ang dami naman nating pagkain, ah?" tanong nito at tumango ako, "Oo nga, pero yung iba ay wala na, kagaya ng itlog, paubos na rin ang mga rikado natin, mabilis lang naman ako." ani ko at tumango ang mga ito.
Pagkatapos namin kumain ay nagprisenta na ang dalawa na maghuhugas ng pinggan para ako'y makaligo na, kaya naman hindi na ako tinanghali at naka-alis agad.
Sa grocery store ay hindi lang itlog at mga rikado ang binili ko. Bumili na rin ako ng mga pagkain na parang binubulong ng sikmura ko.
"Puro softdrinks ang nasa ref namin," bulong ko habang naghahanap ng pineapple juice. Sakto dahil may isa pa nang makarating ako sa mga tetra pack ng juice.
Dadamputin ko na sana ito nang may makasabay akong umabot dito, "Ay sorry po," agad kong ini-urong ang kamay ko at tumingin sa tao.
"Kuya?" animo'y lumiwanag ang mukha ko, pinagtaasan lang ako nito ng magkabilang kilay bago dinampot ang pineapple juice.
"Here," inilahad nito sa akin ng juice, "Po?" Nagtataka kong turan, "You need it more, you need healthy drinks." ani nito at nagparte ang mga labi ko bago tumango at inabot ang juice.
"Thank you po," ani ko at tumango lang ito bago akma akong tatalikuran nang tawagin ko ito.
"Kuya Haze?" tawag ko rito, tumigil ito sa paglalakad bago humarap, "Mhmm?" he raised both his brows, nahihiya akong ngumisi bago napakamot sa aking batok, "Yung keychain niyo po pala, sayang hindi ko dala, bukas nalang po." I tried to make a conversation, I saw how he slightly bit his lower lip before nodding, "Sige," he shortly replied before turning his back at me once again and walked away.
Napabuntong hininga ako, "Ang tipid talaga sumagot." bulong ko bago inilagay sa cart ko ang pineapple juice.
Sakto naman dahil sa pagbabayad ay muli ko siyang nakita sa katabing counter. Sabay rin kaming natapos. I was struggling with the box I'm holding and my wallet when kuya Haze suddenly snatched the box from my hand.
"Uuwi kana?" tanong nito, bahagya pa akong nagulat, "Opo, ikaw po ba?" tanong ko pabalik, "Sumabay kana," ani nito bago dire-diretso naglakad palabas, ako naman itong napahabol sa kaniya. Paglabas namin ng store ay nakita ko itong lumapit sa blue na sasakyan, iba ito sa ipinapangsundo niya sa akin dati.
Inilagay niya sa likod ng sasakyan niya ang mga kahon, "Get it," ani nito at saka lang ako sumakay sa loob.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob at walang nagsasalita. Napakunot ang noo ko nang pumasok ito sa isang ice cream shop drive thru.
"Two Cookies n Cream please, large." ani nito at nanlaki ang mata ko, nagmaneho ito paunahan at nagbayad, pinanood ko siyang magmaneho paikot ng drive thru hanggang sa matanggap na niya ang mga in-order niya.
"Here," he handed me one, "Init kasi ng panahon," ani pa nito, napakunot ang noo ko habang sumubo ng ice cream. Hindi naman gaano kainit, tsaka air-conditioned naman doon sa grocery store.
Pagkababa ko ng dorm ay kinuha ni kuya Haze ang pinamili ko sa likod ng sasakyan niya at pinasok pa ito hanggang loob ng dorm.
"Ihahatid pa ba kita sa taas?" tanong nito at agad akong umiling, "Naku kuya, 'wag na po, okay na po ako, kaya ko na 'yan." sagot ko at pinagtaasan ako nito ng kilay, "Sure ka?" tanong nito at tumango ako, tumango rin siya bago ako tinalikuran at umalis na.
At siyempre, ikinweto ko kay Faye at Marga ang nangyari. Detalyado pa at may mga parteng pauli-ulit. Ilang oras namin itong pinag-usapan. Ganun naman ako kahit sa mga simpleng interaksyon namin ni kuya Haze, ilang segundo lang kaming magkakatinginan pero ilang oras naming papag-usapan.
Kinabukasan ay maaga akong bumaba ng lobby para sana abangan si kuya Haze. Nang makasalubong ko si kuya Shawn ay agad ko itong hinarang.
"Kuya Shawn, si kuya Haze po kaya?" tanong ko rito, napakunot ang noo nito bago bahagyang tumagilid ang ulo, "Ang alam ko ay hindi pa siya bumabalik ng dorm." sagot nito at napa-awang ang labi ko,
"Pero baka nasa canteen na, tara." ani nito at tumango ako bago sumama rito papuntang canteen.
Pagkadating namin doon ay naglalaro sila kuya Haze ng mobile games, "Kuya Haze?" tawag ko rito pero hindi agad ito lumingon, si kuya Adrian ang nagtaas ng ulo, "Haziel tawag ka." ani nito,
"Ano?" Nakatuon pa rin ang attensyon ni kuya Haze sa cellphone niya, "Yung keychain niyo po." Akala ko ay mag-aangat manlang ito ng ulo pero hindi, tumango lang ito, "Ah, salamat salamat." ani nito, patuloy ang pagpindot sa cellphone niya.
Ipinatong ko nalang tuloy sa lamesa ang keychain bago umalis at pinuntahan na ang aking mga kaibigan.
"Hindi ka pinansin?" tanong sa akin ni Faye, nakaka-ilang oras na kami sa ospital at ngayon lang kami nagka-oras para magkwentuhan, tumango ako habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko, "Oo, busy, di manlang nag-angat ng tingin." malungkot kong turan, napa-cross ng braso si Marga, "Grabe naman siya, bipolar ba siya at iba-iba ang mood niya? Kahapon ang bait-bait sa 'yo, tapos ngayon hindi ka manlang pansinin? Nakakainis! 'Wag mo nga muna pansinin yun!" Naiinis na turan ni Marga, napasinghap ako bago nagkibit balikat, "Alam niyo, hayaan niyo na, okay lang naman."
It wasn't actually okay, I was actually bothered the rest of our shift. Ang gulo kasi, naguguluhan ako kung paano ba makitungo si kuya Haze sa mga tao. Ganun ba talaga siya? Mabait tapos biglang di manlang mamansin, kahit tingin lang, oh!
Hindi ko siya lubusang kilala at sa totoo ay hindi ko alam kung paano ko siya lubusang makikilala. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kapag may nagtanong sa akin kung ano ko siya. Masasabi ko ba na kaibigan kung ganun niya ako pakitunguhan?
Kakilala? Hanggang doon nalang ba talaga? Kakilala lang? Acquaintance? Minsan kaibigan, madalas ay hindi.
Alas tres ng hapon at pauwi na kami, naglalakad kami sa hallway ng ospital nang biglang bumukas ang isang pinto at iniluwa si kuya Xandro.
"Ay, si kuya Xandro pala ito." ani ni Faye, nagtaas ng magkabilang kilay si kuya Xandro bago bahagyang ngumiti, "Dito nga pala kayong tatlo," ani nito at tumango kami nang sabay-sabay na parang mga bata.
"Anong ginagawa mo rito, kuya Xandro? May sakit kaba?" tanong ni Faye at napatawa si kuya Xandro bago umiling.
"We own the hospital, Mendoza Medical Hospital." ani nito at nahulog ang panga naming tatlo, "Ay oo nga pala!" Napamasahe sa noo si Faye, napatawa ako nang bahagya na agad din tumigil nang lumabas naman sa pinto si kuya Haze, naka-itim na t-shirt lang ito na naka tuck-out. Naka all black siya kaya naman ang lakas nanaman ng dating niya.
Mukha siyang nagulat nang makita naming tatlo, "Oh," lumingon ito kay kuya Xandro, "Tara na ba?" tanong nito sa kaibigan, siyempre ako, hindi nakapag-pigil at tinitigan lang siya.
Lumingon sa amin si kuya Xandro, "Pauwi na ba kayong tatlo? Sumabay na kayo sa amin." Alok nito, nagkatinginan kaming tatlo, iiling na sana ako nang agad magsalita si Marga, "Ay 'wag na po, mag je-jeep nalang kami." ani nito at agad kaming tumango ni Faye.
"Sumabay na kayo, magagalit si Shawn sa amin kung hindi pa namin kayo isasabay." Sa ngalan ni kuya Shawn ay pumayag na kaming tatlo na sumabay sa kanila.
Ang buong biyahe namin pauwi ay sobrang tahimik. Pero kaming tatlo sa likod ay nag-uusap sa group chat. Natatawa si Faye dahil alam naman namin na ang balak nga namin ay umiwas muna at hindi pansinin si kuya Haze pero mapaglaro ang tadhana at nagkita pa talaga kami sa ospital at inihatid pa kami nila kuya Haze.
Ibinaba kami nito sa harap mismo ng dorm at nagpasalamat kaming tatlo bago ito umalis, may mga klase pa yata sila.
It was around 8 in the evening. Me and my friends just finished eating dinner. I was busy working on my notes when my phone suddenly rang.
At first I was confused on who might be calling at this time. Until I saw the caller's ID. I already felt the electricity rush inside my body. Why would they call at this point?
As I pick up my phone, my hands are already trembling.
"Faye?" Tawag ko kay Faye habang nakatingin sa phone ko, "Lalabas lang muna ako." Paalam ko rito bago humaripas ng takbo palabas ng kwarto.
Nasa hallway ay halos kapusin ako ng hininga, naka-ilang hingang malalim muna ako bago sagutin ang tawag.
"Hello--"
[Bakit ang tagal mong sumagot?] Napapikit ako nang mariin, "Ano po kasi... nasa banyo ako noong tumawag kayo." sagot ko rito at narinig kong suminghal ito.
Pumasok na ako ng elevator, [How's school? How's your clinical?] tanong nito, I forced a smile, "Okay lang po, kaya ko po." sagot ko, [That's good, you need good grades para makapasok ka sa mga medical school dito sa US.] ani nito at napa-awang ang labi ko.
"Ahm... yes po," I couldn't think an answer for that, [Did you know that your sister is doing well at her school? She's the top of her class, dapat ikaw rin.] I hang my head low and forced another smile, "I know that, ma, I know my sister is smart." sagot ko rito, I was tapping my feet on the elevator floor, waiting to reach the ground floor.
[Kaya dapat ikaw rin, ang samang tingnan kung matatalino ang kapatid mo at ikaw ay hindi. You don't want to be a disappointment naman, diba?] I nod, the tears started building up in my eyes,
"Yes ma, I don't want that." sagot ko rito, bumukas na ang elevator door at humaripas na ako ng takbo palabas ng building. Instead I went to the nearby garden where not much people stay at this time.
[Nagpaplano na kami ng papa mo kung saang med school ka ipapasok dito sa states. We want the best for you but at the same time we don't want to spend that much on your med school incase you fail and end up in nothing, sayang lang.] Mas naramdaman ko ang pagsikip ng lalamunan ko at hindi na napigilan pa ang aking pagluha.
[Hindi kita nasusubaybayan sa pag-aaral mo diyan, paano kung nagpapabaya ka pala? Mahihirapan kang mag doktor kapag ganiyan. Kaya siguro ayaw mo sumama sa US dahil hindi mo na magagawa ang mga pinaggagawa mo diyan. Napapabarkada ka siguro, may boyfriend kana ba?] tanong nito at umiling ako, sinusubukan ko na hindi humikbi para hindi malaman ng ina ko na umiiyak ako. "Wala po," It almost came out as a whisper.
[Sabi mo eh, pero ikaw rin, kung may bo-boyfriend ka, ikaw rin ang gagawa ng sarili mong desisyon, kung magpapabaya ka, ikaw rin ang mahihirapan. Hindi kami ng papa mo, lalo na't hindi ang ate mo.] Parang may kung anong sumusuntok sa dibdib ko habang pinapakinggan ang mga katagang sinasabi ng sarili kong ina mismo.
I cried there silently hearing my mother compare me to my sister. Hearing her doubt me and my skills. Hearing her underestimate me, her youngest daughter.
Kahit siguro anong sipag ko, kung hindi niya ako napapanood at nakikitang nag-aaral ay hindi siya maniniwala na ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko.
[After your 4th year, diretso ka agad dito, para makapag-summer class ka rin, gusto ko na--]
"Ayaw kong mag-aral sa US." I couldn't stay quiet anymore, I need her to stop.
Kahit kailan ay hindi ko pipiliin na ganito ang mapakinggan araw-araw. Kung gaano ka supportive sila Faye at Marga sa 'kin, ganito naman ako kung i-pressure ng sarili kong ina.
[Ano? Anong pinagsasabi mo? Cassandra dito ka mag-aaral ng med school! Ano bang gusto mo diyan sa Pilipinas?! Ang ganda-ganda ng buhay dito! Andito kaming pamilya mo, bakit mo pipiliin na diyan mag-aral?! So you can party around?! Dahil hindi ko makikita kapag nagpapabaya ka at--]
I had to end the call. For my own sanity and good. I had to end the call at my mother. Hindi ko kayang pakinggan ang ganun. Lalo na kung araw-araw. Baka gabi-gabi lang akong umiyak. Sa totoo lang ay alam ko naman na mas maganda ang magiging buhay ko doon sa San Francisco.
Lahat ay maibibigay nila sa akin, hindi naman sila madamot, talagang... masakit lang magsalita. Lahat nga ng hingin ng ate ko ay ibinibigay nila at ganun din ako.
Pero anong gagawin ko sa mga bagay kung araw-araw naman nilang ipapamukha sa akin na mas magaling ang ate ko at kahit kailan ay hindi ko siya mapapantayan?
Ipinatong ko sa isang flower box ang cellphone ko bago napatakip ng mata at doon ay napahagulgol. Alam ko naman na walang makakakinig sa akin kahit nasa bukana lang ako ng garden, busy ang lahat mag-aral habang andito ako, umiiyak.
Ilang minuto na akong andoon, ang mga luha ko ay hindi pa rin tumitigil. Sa tuwing iisipin ko kung gaano ako hindi sapat sa mata ng mga magulang ko at kahit anong gawin ko ay hindi sasapat sa kanila ay muling bumubuhos ang emosyon at luha mula sa aking mga mata.
Masakit na ang mga mata pati na rin ang aking ulo. Basa na rin ang kwelyo ng t-shirt na suot-suot ko dahil ginagamit ko itong pamunas.
Hindi ko na namalayan ang pagtigil ng motor sa harapan ko. Nagulat nalang ako nang may nagsalita,
"Gosh, may tao pala!" Agad kong inalis ang takip ng mata ko bago dinampot ang cellphone ko para ilawan ang tao sa harap ko.
Si Kuya Haze.
Nag flashlight din siya sa akin kaya naman nasilaw ako, "Cass?" Nagmulat ako ng mata at nakita ang kaniyang reaksyon, naawa ba siya?
"Anong nangyari sa 'yo?" Ibinaba ko ang cellphone ko bago nagpahid ng mata, "Wala po, wala." ani ko bago tinatakpan ang mata ko, narinig kong humakbang ito palapit kaya naman napa-hakbang ako paurong.
"Are you crying? Exam ba 'yan?" May pagbibiro sa boses niya kaya bahagya akong napatawa bago umiling.
Narinig ko itong bumuntong hininga at inalis ko na ang kamay ko sa aking mga mata. Nakita ko itong naka-pameywang habang pinagmamasdan ako.
Hala 'wag! Maga mga mata ko!
"Why are you crying?" he sounded concerned,
Napasinghot ako bago lumunok ng plema, "Kasi po... ano... pinapasunod ako ng magulang ko sa San Francisco pagkatapos ng college para doon mag-aral. Pero ayaw ko nga, eh! Lagi lang nila akong ico-compare sa ate ko! Ayaw ko ng ganun! Mas masaya ako dito! Mas gusto kong kasama mga kaibigan ko! Mas gusto ko dito!"
I was throwing a tantrum in front of kuya Haze, in front of the guy I like. I may appear always cheerful and jolly, but here I am now, showing my complete other side, my broken self right in front of a guy who I barely know and who barely knows me.
Muling nag-unahan ang mga luha sa pisnge ko na agad kong pinahid gamit ang likod ng kamay ko.
"Here," Inagaw ni kuya Haze ang kamay ko bago ibinagay ang panyo niya, "Use that instead of your hand." ani nito at hindi na ako nahiya para gamitin ito pangpahid ng luha at sipon.
Nag-angat ako ng tingin kay kuya at nakitang nakatingin lang ito sa akin. Ilang segundo rin ang lamipas na ganun, nagpapahid lang ako ng luha habang pinagmamasdan ako ni kuya Haze.
Nang tamaan ako ng hiya ay saka ako natigil, "Sorry po," paghingi ko ng tawad.
Hindi agad sumagot si kuya Haze at napatingin pa rin sa akin, nang bigla siyang magsaltik ng dila, "Halika ka nga, nakaka-awa ka d'yan." Hinawakan niya ako sa pulso bago hinigit sa motor niya.
"Here," Ia-abot niya sana sa akin ang helmet niya nang tanggihan ko ito, "Ikaw na po ang magsuot niyan, sa 'yo 'yan, eh." ani ko at napakunot ang noo nito.
Nagulat ako nang bigla nitong hubarin ang hoodie na suot niya, "Ito nalang, kahit 'yan lang." ani nito at nahihiya akong tumango bago ito sinuot, amoy na amoy ko siya rito.
Pagkasakay ko ng motor ay hinawakan niya ang kaliwa kong kamay bago iniyapos sa kaniyang beywang, "Hawak," ani nito kaya naman pati ang kanan ay iniyapos ko na sa kaniya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero sa bawat pagtama ng hangin sa aking mukha ay dinadama ko. Alintana kung may luha pa bang pumapatak ay hinayaan ko lang ang sarili ko na damhin ang lamig ng simoy ng hangin.
Itinungo ko ang ulo ko nang maramdaman ang muling pagpatak ng mga luha. Isinandal ko sa likod ni kuya Haze ang aking noo at doon ay muling umiyak.
Hindi ko napansin kung gaano kami katagal nasa biyahe pero tumigil si kuya Haze sa harap ng isang 7/11, iba sa 7/11 malapit sa school.
Nanatiling nakatungo ang aking ulo habang hinihintay na bumaba si kuya Haze ng kaniyang motor. Pero nagulat ako nang bigla ako nitong harapin bago isinuot ang hood sa aking ulo.
Wala siyang sinabi at tinalikuran lang ako bago naglakad papasok kaya sumunod nalang ako.
Naupo ako sa malapit na table at hinayaan si kuya Haze kung ano man ang gusto niyang bilhin. Matapos ang ilang minuto ay bumalik ito na may dalang supot.
"May table sa likod, mas gusto mo ba doon?" tanong nito at agad akong tumango bago siya sinundan.
Pagka-upo ay agad niyang inilabas ang iba't-ibang uri ng ice cream, "You can cry again, cry until you want, cry until you feel better." ani nito at para akong bata na napahikbi habang nagbubukas ng ice cream.
Kagaya ng sabi niya ay umiyak lang ako nang umiyak, wala naman itong tunog at tanging pailan-ilan na hikbi lang ang lumalabas sa aking mga labi. At siya, naka-upo lang siya sa harap ko, kumakain ng ice cream, pinapanood ako. Akala ko ay magpapaka-busy ito sa kaniyang cellphone pero hindi, nakapatong ang kaliwa niyang braso sa lamesa habang ang siko ng kabila ay nakatukod sa lamesa.
"Are you comfortable to talk about it?" tanong nito matapos ang ilang minuto, nakakatatlong ice cream na rin ako.
"Sinabi ko na po yung gusto kong sabihin." ani ko habang binubuksan ang bote ng tubig na hindi ko mabuksan-buksan, nanghihina na yata ako,
Inagaw nito ang bote ng tubig bago binuksan, "Ah, okay, yung pag-alis mo." ani nito bago inabot sa akin ang bote, "Do you want me to say something or not?" tanong nito at umiling ako bago bahagyang napangisi, "'Wag na po, wala rin naman yun magagawa." sagot ko at tumango ito.
Nagpahid ako ng luha bago nag-angat ng tingin sa kaniya, there our eyes met. Unlike the other time our eyes would meet, his eyes doesn't seem to be emotionless at this point, instead, I can feel how concerned he is.
"Uwi na po tayo?" Pag-aaya ko at tumango ito, "Let's get you home, with your friends." ani nito bago tumayo. Siya na rin ang kumuha ng mga basura namin at nagtapon.
Nakasandal lang ako sa likod niya sa biyahe namin pauwi. Nilalanghap ang amoy niya at ang init ng katawan niya habang nakayapos sa kaniya.
He also feels like... home. A comfort person? I feel comfortable with him right now, and how he talked to me while I was crying, he's not really doing any comforting but I do feel at ease with him.
Naghihintay kami na bumukas ang elevator nang bigla ako nitong tapikin sa balikat kaya napaharap ako sa kaniya.
He scratched the back of his head, "Did you enjoy the drive kanina?" tanong nito at napangiti ako bago tumango, "Yes po, ang relaxing." sagot ko at tumango ito,
"Next time, if you feel like crying again, just tell me, okay? We'll drive further until you forget about your problems then I'll buy you a lot of ice creams, until you feel okay again."
-------
a/n: medyo naluha ako rito HAHAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com