CHAPTER V
Cass's POV
It's kuya Haze again, walking pass by me at the canteen. Without smiling, looking or even glancing at me. It's been 3 days since we met at his mom's office and since he bought me that ice cream. I thought... I thought that's a start of a new chapter. I though things would change between us.
But no, nothing changed. It's still the same, he still walk pass by me at the campus. He doesn't even spare me a glance or anything. It's as if I'm not even there.
A sigh escaped my lips, I've been spending those two days almost alone. I would only see my friends after school or at the dorm. DPRT, or Disaster Prevention and Response Team, an organization in the university is having a fire drill and seminar tomorrow.
Kuya Haze is one of the heads while Marga and Faye are members of the club. Even Simon and Matt are, while ate Sav is also a head and the whole congress.
I facepalmed, "Bakit kasi hindi ako sumali sa org na yun?!" Panghihinayang ko, noong mag thi-third year kasi kami, ipinangako ko sa sarili ko na focus nalang ako sa pag-aaral. Kaya nga Acads Org lang sinalihan ko. Hindi naman ako binalitaan nila Faye na sasali sila sa DPRT, sayang naman. Si Marga, under ng department ni kuya Haze, panigurado nagkakasama sila sa mga meeting.
Sinundan ko ng tingin kung nasaan sila kuya Haze, malayo ang table nila mula sa akin. A-Anim lang silang magkakasama ngayon, at gaya ng dati, tahimik lang ito kumain. Hindi rin ito lumilingon, si kuya Shawn pa ang lumingon sa may gawi ko at agad din nag-alis ng tingin.
Mag-isa akong umuwi ngayong araw na 'to. Sabi kasi nila Faye at Marga ay may-aasikasuhin pa raw sila sa DPRT. Dahil medyo delikadong umuwi ng gabi ay maliwanag palang ay naka-uwi na ako. Ginugol ko nalang ang oras ko sa pag-aaral. Nag a-advance review na ako dahil ayaw ko naman na i-cram ang pagre-review. Ang hirap din naman na kung kailan malapit na ang exam ay saka lang ako mag-aaral.
Madilim na nang mapagtanto ko na wala pa rin ang mga kaibigan ko. Nag-message ako kay Marga at sinabi nitong nasa study area na raw sila ng dorm. Dahil medyo naboborya na mag-isa sa kwarto ay bumaba ako ng study area dala ang mga reviewer.
"Cass!" Malayo palang ay nakasigaw na agad si Faye, kumaway ito sa akin at kumaway rin ako. Naglalakad ako palapit sa kanila nang biglang mag-angat ng tingin ang iba nitong mga kasama sa lamesa. Doon ay nakita ko si kuya Haze. Ay, DPRT pala lahat ng 'to.
"Dito lang ako," ani ko sabay turo sa pinakamalapit na lamesa sa akin. Doon ay naupo ako at nag-aral nanaman.
Maya-maya ay dumating sila kuya Lorenzo, Xandro at Howard, may mga dalang supot ng Mcdo.
"Kumain na muna kayo," Narinig kong turan ni kuya Howard, ipinamigay na nito ang mga pagkain sa DPRT na kasama nila.
Nagbaba na ako ng tingin sa reviewer ko dahil hindi naman ako kasahog sa mga pagkain na yun. Mukhang magluluto nalang ako ng noodles mamaya sa kwarto para sa hapunan ko.
Ilang minuto ang lumipas, medyo maingay rin sila habang namimigay ng pagkain. Nagulat ako nang biglang may lumapag na pagkain sa lamesa ko, nang mag-angat ako ng tingin ay si kuya Howard ito.
"Ano po 'yan?" Taka kong tanong dito, bakit niya ako binibigyan ng pagkain? Hindi naman ako katataspulong sa DPRT.
Ngumiti ito, "Pinapabigay ni Haze," ani nito at nanlaki ang mata ko. Ha?
"Po? Hindi naman po ako kasama sa DPRT." ani ko at ngumiti ulit ito bago nilingon si kuya Haze na kumakain ng burger, nang magbalik ito ng tingin sa akin ay nagkibit balikat ito.
"Awan, sabi niya, eh." ani nito at tumango ako. "Pasabi po kay kuya 'thank you'." ani ko at tumango si kuya Howard bago umalis.
Sinundan ko ito ng tingin at nakitang tinapik ito si kuya Haze sa braso at may sinabi pa. Nag-angat ng tingin si kuya Haze kay kuya Howard bago tumingin sa gawi ko nang mabilis lang at agad naglayo ng tingin.
Nagpipigil ng ngiti ay inilapit ko sa akin ang rice meal na ipinabigay ni kuya Haze. Masisikmuraan ko kayang kainin ito? Eh yung brownies nga na ibinigay niya sa akin noon ay halos ayaw kong galawin kung hindi pa magbabanta si Marga na siya ang kakain nito.
Alas nuebe na ng gabi nang matapos sila sa kanilang ginagawa. Inaya na ako nila Faye at Marga sa kwarto at pagod na pagod na ang dalawa.
"Hoy, kumain kana manlang ba? Busy na busy ka sa pag-aaral." ani ni Faye nang maka-upo sa sofa, tumango ako habang inaayos ang ibang gamit sa kwarto.
"Kumain na ako, pinabigyan ako ni kuya Cap kanina ng chicken." ani ko at biglang napabangon si Faye.
"Totoo ba?! Si kuya Cap?!" tanong nito at tumango ako, may malawak na ngiti sa labi.
"Oo, noong ipinamimigay nila kuya Howard yung pagkain, binigyan ako, pinabibigay raw ni kuya Cap." ani ko at napatili ito, "OMG Cass! Iba na 'yan!! Malay mo... nahuhulog na rin pala sa 'yo si kuya!" ani nito at napahagikhik ako habang umiiling.
"Sira ka pala, eh! Nahuhulog na sinasabi mo? Eh hindi nga ako pinapansin!" ani ko at napasimangot kami parehas.
"Legit ba? Hindi pa rin nag re-reach out? Kahit smile? Lingon?" tanong nito at umiling ako. "Wala, nada. As in, parang ngang walang nangyari noong sabado, eh. Lampasan lang kapag nagkakasalubong, ganun." sagot ko at napasimangot ito lalo.
"Hayaan mo na, at least, diba, binigyan ka ng pagkain kanina." ani nito bago gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi kaya parehas nanaman kaming napapalirit at kinilig.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok tatlo dahil may aasikasuhin pa ulit sila sa DPRT. Nag-stay naman ako sa canteen habang nagpapalipas ng oras. Buong araw kaming walang klase ngayon dahil sa Fire drill.
Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likuran ko, si kuya Shawn pala. "Hi Cass, si Allison ba? Nakita mo?" tanong nito, napa-angat ako ng tingin.
I gave him a slight smile bago umiling, "Dumiretso na po sila ni Marga sa quarters ng DPRT." sagot ko at tumango ito bago ako tinapik sa balikat, "Thank you, goodluck sa review mo." ani nito bago agad napatakbo, napangiti lang ako bago nagpatuloy sa pagbabasa.
Alas nuebe ng umaga nang biglang tumabi sa table na kina-uupuan ko ang buong congress, silang LAHAT!
Hindi tuloy ako mapakali, hindi ko alam kung aalis ba ako pero may kwek-kwek pa kasi akong binili at mahirap kung dala ko ito paalis.
I tried to play it cool, I tried to brush it off while stealing some glances at kuya Haze. Pero parang nahiya ako bigla nang tatlo sa congress ay lumingon sa akin nang sabay-sabay. I even made eye contact with kuya Edward na agad din nag-alis ng tingin.
Matapos yun ay may humagikhik sa kanila, sinubukan kong silipin sila habang nakatungo at nakitang ang mga ito ay hawak ang kani-kanilang cellphone, nasilip ko pa sa isa na Messenger ang nakabukas pero wala naman akong nabasa.
Sinusubukan ko nalang na maging mahinahon at huwag magpahalata na nahihiya na.
Nagsalita bigla si kuya Lorenzo, malakas, "Bakit parang ang saya ni Haze ngayon? Kas... i ba matatapos na ang pagdudusa niya?" Narinig kong turan nito, si kuya Lucas na halos katabi ko ay rinig na rinig ko ang tawa habang ang iba ay may mga sinabi pa na hindi ko na gaano naintindihan dahil mas pinili ko na mabingi nalang muna at hindi na makinig sa kanila.
Napalingon ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Si Faye pala, nagpapadala ng miryenda sa quarters nila. Mabuti nalang at ubos na ang kinakain ko kaya mabilis akong naka-alis, halata na siguro na humahangos ako pero gusto ko nalang talagang umalis sa table na yun sa mga oras na 'to.
Pagkabili ko ng pagkain nila Marga ay napansin ko na wala na ang congress sa lamesa, dumiretso na rin ako papuntang building kung nasaan ang quarters nila.
Pagkadating ko sa building ay nalito ako kung saan nga ba ang quarters nila, sumandal muna ako sa balcony ng 4th floor habang hinihintay ang reply ni Marga.
Habang tumititingin-tingin sa paligid at naghihintay ay biglang lumabas mula sa elevator si kuya Haze kaya bigla akong nataranta. Agad akong tumalikod sa gawi niya at ala-alang may ginagawa sa cellphone.
Napa-igtad ako nang magsalita ito bigla, "Hinahanap mo ba yung quarters?" tanong nito, napapikit ako ng mariin bago ito humarap at nahihiyang ngumiti.
"Opo, may pinapadala po kasi sila Marga, pwede po ba na kayo--"
"Andito, halika." ani nito bago naglakad papunta sa isang pinto. Agad naman akong napahabol dito at sumunod sa kaniya pagpasok.
Nagulat ako nang lahat ng tao sa loob ay lumingon sa amin nang sabay-sabay.
"Oh, Haze, saan ka galing?" tanong ni kuya Edward bago ako tiningnan, hindi nakalampas sa akin ang gumuhit na maliit na ngisi sa labi nito.
Napakamot si kuya Haze sa ulo, "May pinuntahan lang, si Cass nga pala, may ibibigay raw kila Marga." ani nito bago ako itinuro at naglakad papunta sa mga kaibigan nito. Bigla namang tumayo si Marga at nagtatakbo sa akin.
"Hi! Thank you ng marami!" ani nito bago kinuha ang mga pagkain sa kamay ko, "Bayaran kita mamaya!" ani niya bago tumakbo paalis, naiwan akong natameme.
Ang ibang congress ay nakatingin pa rin sa akin, si ate Sav ay nakatingin din sa akin at may nakakalokong ngiti.
Nahihiya akong nagpaalam at mabilis na lumabas ng quarters.
After lunch nang magsimula ang seminar about fire prevention. Lahat kami rito ay 3rd year mula sa iba't-ibang coures. Nasa dulong parte rin ako dahil hindi rin naman ako nakikinig. Naglalaro lang ako sa iPad ko kaya nakakahiyang pumwesto sa unahan.
Dalawang oras ang nakakalipas, nakita kong namimigay na ng miryenda ang mga DPRT, doon yata ako nabuhayan ng loob. Nakita kong papalapit na si kuya Haze sa gawi ko, may hawak-hawak na mga pakete ng Lemon Square. Napa-ayos ako ng upo sa pag-aakalang ito ang magbibigay sa akin ng miryenda pero anong laking pagakdismaya ko nang maubos ang dala nitong Lemon Square.
Napasimangot ako at napasandal sa bangko. Napa-igtad ako nang may biglang tumapik sa balikat ko, nang lingunin ko ay si kuya Shawn ito at napapatawa. Inabutan ako nito ng dalawang Watataps.
Napatawa ito, "Nakita ko yung disappointment mo noong umalis si Haze." ani nito bago naglakad paalis, napasapo ako sa noo ko sa kahihiyan. Ano ba naman 'yan!? Nakita pa niya yun!?
Alas tres ng hapon nang umalis kami sa event hall at lumipat sa field. This time, mag e-extinguish naman ng apoy. Nakita ko sila kuya Haze na inaasikaso na ang mga Fire Extinguisher, gusto ko man siyang makita ng malapitan pero ayaw kong lumapit sa sinindihan nilang apoy na nagbubuga ng maraming usok.
Kung sino-sino sa mga 3rd year ang nakasubok na pumatay ng apoy. Mukhang masaya pero hindi ako pwede.
Napapaypay ako sa sarili ko sa sobrang init, alas tres ng hapon at andito kami ngayon, nasa initan at may apoy pa.
Napatawa ang lahat nang hindi mapatay-patay ng isang estudyante ang apoy, bahagya akong humakbang paunahan para silipin ito. Nagulat nalang ako bigla nang may humigit sa damit ko at inabutan ako ng fire extinguisher.
"Subukan mo!" Itinulak ako nito papalapit sa apoy. Dahil hawak ko na rin ang fire extinguisher ay wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa apoy.
Napatakip agad ako sa bibig at ilong ko nang humangin at sa akin pumunta ang usok. Habang papalapit nang papalapit sa apoy at usok ay naririnig kong sumisigaw sila Faye at Marga, pati na rin si Simon.
"Cass may asthma ka!!!"
"Cass 'wag na! Iba nalang!!"
"Cassandra! 'Wag na!!"
Naramdaman ko na ang painikip ng dibdib ko habang tinatanggal ko ang lock ng extinguisher, kasabay nito ay ang paglanghap ko ng usok. Bago ko pa man mabombahan ang apoy ay umubo na ako nang umubo at hindi na makahinga nang maayos. Gustuhin ko man na huminga ng malalim pero hindi ko na magawa, pakiramdam ko ay kalahati lang ang naihihinga ko.
Natagalan ako sa pagpatay ng apoy dahil sa pagsakit ng dibdib ko. Pinipilit kong huminga ng malalim pero ang sakit. Nang mapatay ko ang apoy ay nagluluha na ako. Kinabahan ako nang lumabo ang paningin ko. Hindi ko nagawang makapaglakad agad at nanatiling nakatayo sa gitna habang tuluyan ang paglabo ng nakikita ko. Ang huli ko nang natandaan ay bigla akong bumagsak sa lupa, kasunod ang malalakas na pagsigaw.
But one thing I saw is Kuya Haze who was running towards me together with other people. Si kuya Haze lang ang namukaan ko dahil ito ang pinakamalapit sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako sa clinic ng univeristy, hindi na nakakagulat yun. Pero ang nakakagulat ay si kuya Haze na nakatayo sa tabi ko at inaayos ang bag ko. Hala! Bakit niya pinapaki-alaman 'yan?! Baka makita niya yung FLAMES na ginawa namin ni Faye!
"Kuya?" Tawag ko rito at agad niya akong nilingon.
He look so worried, "Bakit hindi mo sinabi na may asthma ka? Tapos bakit kapa tumuloy sa usok kung alam mong may asthma ka naman?" tanong nito, bakas sa boses nito ang pag-aalala.
"May senior po kasi sa akin na tumulak at nagbigay ng extinguisher kaya hindi na ako nakatanggi." sagot ko rito at napakunot ang noo niya.
"Sino? Natandaan mo ba yung mukha?" tanong nito at agad akong umiling ako,
Utay-utay siyang tumango, "How do you feel right now?" tanong nito, sinubukan kong huminga ng maluwag at nagawa ko naman.
"Okay na po, nakakahinga na ako ng maluwag." sagot ko at tumango siya.
"Madalas ka bang atakihin ng asthma?" tanong nito at umiling ako, "Hindi naman po, matagal na nga akong hindi inaatake, eh. Siguro kanina ay dahil na rin sa init kaya ako nahimatay." sagot ko at tumango ito,
Pinag-cross nito ang magkabila niyang braso, "Magpahinga ka mamaya pagka-uwi mo, take some rest." ani niya at umiling ako bago napamasahe sa ulo.
"Kailangan ko pa po mag-review." Nakita kong pinagtaasan ako ni kuya Haze ng kilay.
"Review? Lagi ka nalang nag re-review, para ba 'yan sa mid terms?" tanong niya at tumango ako,
"Schema na 'yan." ani niya at napakunot ang noo ko, "Schema? Ano po yun?" Taka kong tanong, napatawa ito bago napakamot sa batok.
"Schema, ano, yung... hindi mo na siya kailangan i-review kasi alam mo na yun. Basic, ganun." sagot niya at napatawa ako, "Naku kuya, walang schema-schema sa med." sagot ko at napatawa siya, "Ay, sorry, may ganun kasi sa amin." ani nito at napangisi.
Once again, the air felt... comforting. Hindi kagaya kanina sa canteen na parang pinagpapawisan ang kamay ko sa kaba. O di naman kaya ay kanina sa quarters nila. This time, it felt... just right. It felt okay, it felt... nice to be with him, talking with him. I feel relaxed and not anxious at all.
Bumuntong hininga ito, "But really, magpahinga ka muna. Baka kaya ka rin nahimatay dahil sa pagod." ani niya at hindi ko napigilan ang mapangiti, ayan nanaman, kinikilig nanaman ako.
Tumango ako, "Opo, magpapahinga na po, doc." sagot ko at tumawa ito, "I should be the one calling you that, ikaw ang magdo-doktor sa ating dalawa." ani nito at napangiti ako.
"Edi anong tawag ko sa 'yo? Cap?" ani ko at napangisi siya, "Ikaw bahala," maikli nitong sagot, ilang segundo kaming natahimik at iyon na ang tapos ng pag-uusap namin ngayong hapon.
Nagpamulsa ito sa pantalon niya bago tumingin sa orasan, "You've been out for almost 3 hours, tapos na ang fire drill. Hintayin mo nalang ang mga kaibigan mo." ani nito bago isinara ang bag ko, na-alala ko nanaman yun. May nakita kaya siya doon?
Tumigil siya nang humarap sa akin, he smiled, "Pahinga ka," Nagulat ako nang bigla ako nitong tapikin sa ulo. Did he just gave me a head pat?!
"Una na ako, bye." Bigla nalang siyang umalis, tinalikuran ako at lumabas ng clinic. Iniwan akong natameme at nawala sa ulirat.
He just gave me a head pat! Head pat!
Ako na nahimatay dahil sa asthma ay bigla nalang napatayo at nagtatalon sa kilig. Mga ipit na sigaw ang napakawalan ko dahil hindi ko magawang sumigaw nang malakas. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge. Para nanaman akong kinakapos ng hininga. Pero ito yung tipo ng kapos na hininga na pipiliin ko araw-araw.
Kinakapos ako ng hininga dahil sa kilig! Sinong hindi kikiligin doon?! Head pats! That was our first physical touch!
"Cass! Kamusta ka!?" Napalingon ako sa pinto nang hagas na pumaosk sila Faye at Marga.
"Bakit ka nakatayo?! Dapat nakahinga--"
"Binigyan ako ng head pat ni kuya Haze! Head pat!" sigaw ko rito at napakunot ang noo ng dalawa,
Napasabunot ako sa buhok ko, "Andito siya kanina! Nag-usap nga kami, eh! Tapos noong paalis na siya, he gave me a head pat!" I had to re-enact what kuya Haze just did.
Napasapo sa noo si Marga bago tumawa, "Magaling na yung kaibigan natin, kinikilig na." ani nito at napatawa ako bago umirit sa kilig.
Tinulungan ako ng dalawa na magdala ng gamit. Si Faye ang may dala ng bag ko habang si Marga naman ay inaalalayan ako. Sumakay na rin kami ng tricycle pauwi dahil ayaw akong paglakarin ng dalawa.
Pagka-uwi ay agad ako nitong pinagpahinga, iyon pala ay una pa silang makakatulog kaysa sa akin. Habang ako ay hindi makatulog at inaalala pa rin ang nangyari kanina.
He talked, smiled and laughed with me. That's just a big improvement and progress. Dati laging monotone ang boses niya. Ngayon medyo iba na, medyo may tono na! Tapos yung ngiti niya! Mas gumagwapo siya lalo! Bagay na bagay sa kaniya ang ngiti niya. Mas lalo akong nahuhulog!
Alas otso na nang magutom ako kaya naman nag-order na ako para sa aming tatlo. Habang hinihintay ang order ay naligo na rin ako para maging presko. Nang dumating ang pagkain ay hindi ko na ginising ang dalawa at bumaba nalang mag-isa.
"Thank you po!" ani ko sa rider pagkatanggap ko ng pagkain, dahan-dahan na naglalakad papasok ay napatigil ako nang muntikan ko na makabungguan si kuya Haze.
"Oh, bakit hindi ka nagpapahinga?" tanong nito at napangisi ako, kinakausap pa rin niya ako, akala ko sinumpong lang siya kanina sa clinic.
"Kumuha lang po ako ng pagkain, nakakagutom kaya, nakakatamad pa magluto." sagot ko at tumango ito,
"Kamusta na pakiramdam mo?" tanong niya,
'Ito, may nararamdaman pa rin para sa 'yo.'
"Okay na po ako, super okay na." sagot ko at gumuhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi bago tumango. Bahagyang umingay ang supot na dala ko dahil inayos ko ang pagkakahawak dito.
Napatingin siya sa dala ko, "Ihahatid na kita sa kwarto niyo." ani nito at nanlaki ang mata ko. Hala kuya! 'Wag kang ganiyan! Baka manghina yung kamay ko bigla at mahulog lahat ng 'to!
"Tsaka nga pala, naiwan mo yung clip mo kanina sa canteen, sayang hindi ko dala ngayon." ani niya at nagparte ang labi ko, iyon pala yung sinasabi kong parang may nawawala sa akin.
Napangisi ito, "Makakalimutin ka pala." Biro nito at napatawa kami parehas,
"Akin na 'yan--" akmang kukunin na sana ni kuya Haze ang paper bag nang bigla akong akbayan ni Simon.
"Cass, how are you?" tanong nito, nanlaki ang mata ko at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya Haze.
"Ah... ano, oks na, pabalik na sa kwarto, kumuha lang ako ng pagkain." sagot ko rito bago binigyan siya ng maliit na ngiti.
Panira ka naman ng moment, Si! Sasamahan na ako ni kuya Haze, eh!
Tumango ito, "Akin na, ako na magdadala." bigla nitong kinuha ang supot sa kamay ko, hindi na ako nakapalag. Nilingon nito si kuya Haze, "Una na kami kuya Haze." Paalam nito bago ako hinawakan sa pulso at hinigit, bahagya akong napakaway kay kuya Haze habang hinihila ni Simon papuntang elevator.
"Bakit ka nakasimangot?" tanong nito habang nasa loob kami ng elevator.
Napasinghal ako, "Panira ka ng moment, eh! Si kuya Haze dapat ang maghahatid sa akin!" Pagmamaktol ko na parang bata, magpag-padyak pa ng paa.
Napakunot ang noo nito, "Gusto mo pa rin si kuya Vergara?" tanong nito at tumango ako, "Oo naman! Mas lalo na ngayon! Ang bait-bait kaya niya! Lalo akong na fa-fall!" sagot ko rito at narinig ko itong suminghal.
"Sino naman nagsabi sa 'yo na mabait siya?" tanong nito at napakunot ang noo ko bago siya nilingon, "Ipinakita niya sa 'kin na mabait siya." sagot ko at napabuntong hininga ito.
"Look, Cass, I just know he's not good for you. Tigilan mo na siya." ani nito at napa-irap ako,
"Bakit ba ayaw na ayaw mo na gusto ko si kuya Haze?" tanong ko rito, nilingon ako nito, I saw how his eyes softened. "Cause you're important to me and I don't want you to get hurt. You're not just a friend but more than that, Cass."
-----
A/n: if you're from my Facebook post na namatay si Haze sa apoy, I'm so sorry HAHAHAAHAH, na-isip ko lang kasi bigla na wharif imagination lang ni Cass si Haze or nag ha-halucinate lang pala siya? HAHAHAH eme
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com