Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER VI


Cass's POV

"Cause you're important to me and I don't want you to get hurt. You're not just a friend but more than that, Cass." 

I was stunned with what Simon said, or maybe the tone of his voice. He was serious... or sarcastic. This was the first time he used that tone to me that actually send shivers down my spine. Is he mad at me? 

He let out a sigh before massaging his forehead, "Cass, I--" 

"What do you mean, Si? More than that? More than what?" I cut him off, confused, what he's saying is not making any sense to me.  

He stared at me for few seconds before letting out another sigh, "More than a friend. You're more than just a friend to me, Cass. And I just want the best for you." he replied and my lips parted. 

"How more than friends?" I asked again, seeking for deeper explanation. 

He look lost for a second, it was obvious he was stunned by my question. 

I saw how his tongue poked the inside of his cheeks, "More than friends but less than lovers, that's how I see you." he replied and my brows furrowed. 

"So... like siblings?" I said, raising a brow. And it hit me, of course siblings! Me and Simon had been friends since 8th grade, he was there when my parents left! He was there through my tough times during high school and even college. Of course he see me as a sibling! 

I let out a laugh before hitting him on the shoulders, "Sus! Ikaw naman! Pinapakaba mo ako! Akala ko kung ano yung ibig mong sabihin! Kapatid lang pala! Pinaganda mo lang!" I said before once again breaking into laughter while hitting him on his shoulders and arms. 

When the elevator opened, I immediately hopped out, "Uy, una na ako, ha! See you tomorrow!" I said before waving at him as the door closed. 


The next morning, I wasn't able to eat my breakfast early. It was after my first period before I get to have breakfast. And it felt like a destiny to see kuya Haze and his friends at the canteen, about to buy at the same stall as me.

A wide smile drew on my lips as I walk closer towards them, I'll be next in line from them, behind kuya Xandro who's just behind kuya Haze. I kept on looking at kuya Haze hoping he would look at me, and he did! 

My smile grew wider before slightly waving my hand, but my smile immediately dropped when kuya Haze just looked away. It was as if he just glared at me with his usual piercing eyes. 

My lips parted, magka-usap lang kami kagabi, ah. He was... nice to me yesterday and last night. Ang saya pa ng usap namin sa clinic! He was smiling and laughing while talking with me. We had a great conversation yesterday. And to me, it was a memory. 

Anong nangyari? 

"Miss? Ano po sa inyo?" Natauhan ako bigla nang tawagin ako ng tindera. Naka-alis na pala sila sa harapan ko at matagal na pala akong nakatulala rito. 

I was upset, hindi ko siya gustong makita habang kumakain, hindi muna. Kahit umupo ako sa malayo ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na lingunin siya. Kaya naman umalis nalang ako sa canteen at kumain sa ibang lugar. 

"Cass?" Miss Garcia called me, we're now at our 2nd period and we were busy taking down notes when she suddenly called me. 

"Can you please bring the projector sa aviation building, sa 2nd floor? Hinihiram kasi ni Sir Toledo. Ikaw na rin magkabit, ha? Ikaw lang kasi nakakapagpagana niyan." Utos nito, hindi ko alam kung mae-excite ba ako dahil sa aviation building ang punta ko at baka makita ko si kuya Haze o kakabahan ba ako dahil baka makita ko si kuya Haze? Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. 

Napatango nalang ako at kinuha ang projector na naka-kabit pa sa taas, mabuti nalang at abot o ito kapag sasampa ako sa bangko. 

Habang naglalakad papuntang aviation building, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, ang mga kamay ko na hawak ang projector ay animo'y nanghihina. Ang dalawa kong paa ay animo'y biglang na-tanga at hindi alam kung alin sa kaliwa at kanan ang kasunod na hahakbang. 

Nang makarating ako sa 2nd floor ay sinilip ko ang mga classroom na dinadaanan ko para hanapin si sir Toledo. At nang makita ko ito ay kinabahan ako. Nakakahiyang pumasok sa classroom ng iba, lalo na at baka andito si kuya Haze. 

Kumatok muna ako na naka-agaw ng atensyon ng lahat sa silid, agad kong nakita si kuya Haze at doon ay parang nanigas na ang mga paa at kamay ko. 

"Uh, sir, yung projector daw po." ani ko at agad tumango si sir, "Ah yes, thank you Cass, makiki-set up naman." ani nito at tumango ako bago pumasok ng silid. 

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga estudyante, sinusubukan kong silipin si kuya Haze na nasa bandang unahan ng classroom pero hindi ito nakatingin, bagkus ay nakatungo ito at may isinusulat sa kaniyang notebook. 

Mabuti nalang at hindi ko kailangang sumampa ng bangko rito, nakakahiya siguro kapag ganun. Napa-awang ang labi ko nang mapagtanto na ang pagsasaksakan ko ay mataas at hindi ko abot. Tumingkayad ako habang sinusubukang isaksak ang projector. 

"Bwiset!" bulong ko sa sarili ko, muli akong tumingkayad at imbes na maisaksak ang projector ay nabitawan ko pa ang wire. 

"Ay--" Dadamputin ko na sana ito nang may ibang kamay na dumampot dito at kasunod nito ay naramdaman ko pagdampi ng isa pang katawan sa aking likuran. Nanlaki ang mata ko at nanigas sa aking kinatatayuan. 

Putangina, sino 'to?! 

Nakita kong isinaksak nito ang projector, nang maramdaman ko ang paglayo nito sa akin ay agad ko itong hinarap. Parang umurong ang sikmura ko nang pagtaasan ako ng magkabilang kilay ni kuya Haze bago ako tinalikuran at bumalik sa kaniyang upuan. 

Natameme ako sa harap ng buong klase. 

"Cass? Okay na?" Napalingon ako kay sir Toledo bago napalunok ng laway at napatango. 

"Y-Yes po sir, okay na po." Napaharipas ako ng takbo palabas ng classroom. Nasa hagdan ako nang tumigil ako at naghabol ng hininga, napasapo ako sa dibdib ko at napakapit sa railing ng hagdan. 

"Putangina..." Hihikain yata ako, 

Napalunok ako ng laway bago muling huminga ng malalaim. What was that? What just happened? Did he just pressed his body on me? Did he just helped me? Did he just do all those right in front of his whole class? 

Napasampal ako sa magkabila kong pisnge, pinapakalma ang aking sarili. 

"Ano ba naman kasing univeristy na 'to!? Kulang-kulang ang projector!" 


Ayaw ko munang makita si kuya Haze, nakakahiya yung kanina. That was too much for me to handle. Parang puputok yung puso ko, eh. Umiwas tuloy kami sa aviation building, kahit madadaanan sana namin ay lumihis talaga kami ng daan. Mabuti nalang din at habang kumakain kami sa canteen ay wala pa sila kuya Haze. 

Pero noong paalis na kami ay dumating ang buong congress. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, aakitin ko na sana sila Faye at Marga pero nakita ko itong nag-aayos pa ng gamit nila kaya hindi agad kami maka-alis. 

Hindi ko pa rin nasasabi ang nangyari sa mga ito dahil kahit ako ay hindi pa kinakaya ang nangyari, paano pa kaya si Faye kapag nalaman na niya? 

Nang tumayo na ako ay nagnakaw ako ng tingin kay kuya Haze. Mag-isa siya sa table nila habang ang mga kaibigan nito ay bumibili ng pagkain. He was holding a hair clam, he was playing with it rather. I saw him clip it on his palm, he examined it and even look confused on the hair piece. Naglalakad na kami paalis at nakatingin pa rin ako sa kaniya, inipit niya naman ito sa kaniyang buhok kaya napatawa ako ng pagak. 

Ang cute niya, sobra! Mukhang bano siya sa clam na iyon. 


Alas tres nang matapos ang klase namin ni Marga, hindi namin kasama si Faye dahil may iba itong inaasikaso. Naglalakad kami sa canteen nang bigla akong sikuhin ni Marga. 

"Si kuya Haze, makakasalubong natin, tingnan mo na." Bulong nito at napasinghal ako, "Sira ka." turan ko rito, bahagya akong nag-angat ng tingin para tingnan ito pero tinamaan ako ng hiya. 

Naalala ko nanaman ang nangyari kaninang umaga at paniguradong alam na ito ng buong congress. Iyon ay kung hindi ito kinwento sa kanila ni kuya Haze. Pero mukhang malabo, hindi naman mukhang ma-kwneto si kuya Haze. 

Nang halos limang metro nalang ang pagitan namin ay hinawakan ko si Marga sa pulso at akmang liliko nang biglang sumigaw si kuya Lorenzo. 

"Gonzales!" Natigilan kami ni Marga at napatingin dito, tumakbo ito sa gawi namin at parehas kaming nagulat ni Marga, anong nangyayari? 

Mas nagulat ako nang kasunod nitong tumakbo si kuya Haze. Nanlaki ang mata ko at bahagyang napahakbang paurong. 

Si Marga ay biglang umurong at pumunta sa likuran ko at  pa akong itinulak paunahan. Pakiramdam ko ay nanliit ako bigla sa harap ni kuya Lorenzo at Haze. Well... matangkad naman talaga silang dalawa. 

"May ibibigay raw sa 'yo si Haze." Nakangising turan ni kuya Lorenzo, naramdaman ko ang pagpisil ni Marga sa braso ko at agad ko itong iwinaksil. 

Nakita kong nanlaki ang mata ni kuya Haze bago tumingin kay kuya Lorenzo saka sa akin, umiling ito bigla, "Hindi, ano... ibabalik ko yung clam mo." ani nito bago kinuha mula sa bulsa ng kaniyang pantalon ang clam ko sa buhok. 

Nagparte ang labi ko, ini-abot ito sa akin ni kuya Haze. "Yung sinasabi ko sa 'yo na naiwan mo." ani nito at utay-utay akong tumango. 

"Thank you po." Pinaglalaruan ko sa kamay ko ang clam nang narinig kong humagikhik si kuya Lorenzo,  "Sabi nga pala ni Haze, para-paraan ka raw para maka-usap siya, may paiwan-iwan kapa ng--" nagulat ako nang biglang takpan ni kuya Haze si kuya Lorenzo sa bibig at kinaladkad palayo. Nag-aaway pa silang dalawa, nang mabitawan ito ni kuya Haze ay agad nitong hinabol si kuya Haze habang sila kuya Howard at Adrian ay tumatawa lang sa gilid. 

Hinarap ko si Marga at nakitang nakangisi ito, "Ano? Buo na ba araw mo?" tanong nito at napakunot ang noo ko. 

"Nakakainis, hindi ko naman sinasadyang maiwan 'to, nagmamadali ako kaya ko naiwan 'to, tapos sasabihin nila na para-paraan ako!" Inis kong turan at napakunot ang noo ni Marga. 

"Hindi ba para-paraan ka naman talaga para makita si kuya Haze?" ani nito at napanguso ako, "Minsan! Pero hindi 'to! Tsaka nagkakataon lang na may naiiwan akong gamit, 'no! Kaasar!" Pinaglaruan ko ang clam sa kamay ko bago napalingon sa gawi nila kuya Haze na ngayon ay bumibili na ng pagkain. Nakakainis sila, nakaka-offend yun, ha! 


Dahil doon, iniiwasan ko na si kuya Haze. Baka sabihin nanaman nila para-paraan ako. Kaya kapag parating sila, umaalis ako. Kapag makakasalubong ko sila, lumilihis ako ng daan. Kagaya nalang noong minsan sa dorm. Naghihintay ako ng elevator at nang bumukas ito ay bumungad sa akin sila kuya Haze, Lorenzo at Xandro na nasa loob ng elevator. 

Nagpanggap tuloy ako na may kausap sa cellphone at hindi na tumuloy na sumakay ng elevator. Mamatay muna ako bago ako sumakay sa elevator na sila ang kasama. Ayaw kong isipin nila na lahat ng magiging interraction namin ni kuya Haze ay gawa-gawa ko. 


Pagkatapos ng midterms namin ay umuwi sila Marga at Faye ng kani-kanilang bahay. Friday na rin naman kaya iu-uuwi talaga nila. Siyempre ako, naiwan sa dorm mag-isa, siguro ay maglilinis nalang muna ako ng Sabado at Linggo habang wala ang dalawa. 

Napabuntong hininga ako at ibinaba ang cellphone na hawak ko bago mapatingin sa orasan. Mag a-alas nuebe na ng gabi at hindi pa ako kumakain. Kapag talaga wala sila Marga at Faye ay tinatamad ako magluto. Ayaw ko rin naman magpadeliver dahil namamahalan ako sa shipping fee. 

Nagsuot nalang ako ng hoodie bago lumabas, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko ng building. Napayapos ako sa sarili ko bago nagalakad papunta sa 7/11 para kumain. 


Bumili ako ng siopao, cup noodles at chocolate drink. Nagluluto ako ng cup  noodles sa isang tabi nang biglang pumasok si kuya Haze ng store. Napahilamos ako sa mukha ko. Tingnan mo nga naman, kung kailan ko iniiwasan, saka naman kami magkikita sa ganitong lugar. 

He looked at my direction and smiled a bit, lifting both of his brows. He, just like usual, bought himself a sandwich and a coffee this time. Kinuha ko ang tray na pinaglalagyan ng cup noodles at dinala ito sa may mga tables. Pero laking pagkadismaya ko nang okupado lahat ng lamesa. 

"Gusto mo ba kumain sa labas? Sa may hagdan?" Napa-igtad ako nang magsalita si kuya Haze sa likod ko.

Napa-awang ang labi ko, "Ahm... ano po... okay lang--" 

"Mahirap kumain ng cup noodles nang nakatayo, akin na, tulungan na kita." Putol nito sa akin bago dinampot ang cup noodles ko mula sa tray at naglakad na, agad kong ibinalik sa cashier ang tray at saka siya pinagbuksan ng pinto. 

Naupo ako sa hagdan pagkalabas ng store, dahan-dahan pa niyang inilapag ang cup noodles ko bago naupo sa tabi ko. Nahihiya akong kumagat sa sipao ko, maayos pa nga ang pagkaka-upo ko, eh. Magkadikit ang barehas kong hita at tuwid ang likod. I once again feel... nervous around him. Specially this time, I was avoiding him for a whole week, I'm sure he have noticed. 

"Iniiwasan mo ba ako?" Oh yes, he noticed, 

Naluguan ako ng siopao at nasamid, "Po?" tanong ko rito, he faced me and smiled, "You're avoiding me this week. May nagawa ba akong mali? Can you tell me?" ani nito at napa-awang ang labi ko. Lasing ba siya? Oo lasing siya, madaldal nanaman siya, eh. He's also reeking alcohol.

I bit my lower lip while debating whether I should tell him or not. Ang babaw naman kasi yata ng rason ko kaya ko siya iniiwasan. Baka pagtawanan pa ako nito. 

"Please?" ani nito, he's looking straight to my eyes. And in normal basis, I could never look straight into his eyes, but at this time, I can and I would choose to look at his eyes for a long time. 

I took a deep breath, "Na-alala niyo po noong sinabi ni kuya Lorenzo na sabi niyo na para-paraan daw ako para magkita tayo? Na-offend ako, haha." I let out a sarcastic laugh, 

I saw how his brows furrowed, "Hindi kaya yun totoo, yung mga naiiwan ko, nagkakataon lang. Tsaka minsan lang ako para-paraan, ha? Yung iba, tadhana na talaga yun!" Depensa ko, lasing naman siya, paniguradong makakalimutan niya rin ang mga sasabihin ko. 

I saw how a smile grew on his lips, "I'm sorry about that, I'm sorry to offend you. That's not what I mean, I didn't mean it as a bad thing. I was joking, I just find it cute." he apologized and I, once again, stunned. 

"Pssh, okay lang po yun." ani ko bago kumagat sa siopao ko, he shook his head, "No, it's not okay, I offended you and made you feel bad, sorry. Sorry rin if minsan baka naiilang ka sa 'min ng mga kaibigan ko." ani nito at muling napa-awang ang labi ko. 

"Sus, okay lang yun kuya, kahit minsan pakiramdam ko pinagchichismisan niyo ako? Okay lang yun! Sanay naman ako, yung mga lalaking nagustuhan ko dati? Pinagchichismisan din nila ako. Hindi na bago sa akin ang ganiyan. Sanayan lang, kaya 'wag kana mag-sorry, para yun lang." ani ko rito bago humigop ng sabaw ng noodles. 

Nakita kong tumawa si kuya Haze at napa-iling pa, "Lasing ka ba?" tanong nito at nanlaki ang mata ko, lakas ng tama! Eh siya nga itong lasing sa aming dalawa! 

Napahagalpak ako ng tawa bago umiling, "Hindi ah! I'm sober kaya!" ani ko at napatawa ulit si Haze, "Akala ko lasing ka, eh. But do you drink? Umiinom ka ba?" tanong nito at tumango ako,
"Paminsan-minsan lang kapag may okasyon." sagot ko at pinanliitan ako ng mata nito. "May allergy kasi ako sa alak, nagkaka-rashes ako." Dagdag ko at nagparte ang labi niya bago tumango na para bang naliwanagan siya sa sinabi ko. 

Napalingon ako sa paligid at nakita ang naka-park na motor sa harap namin, "Sa inyo po yung motor?" Itinuro ko ito, tiningnan ito ni kuya Haze bago tumango, "Yes, kakagaling ko lang ng bar." sagot nito at napa-awang ang labi ko bago napakunot ang noo. 

"Lasing ka tapos nagmaneho ka?" tanong ko rito, hindi makapaniwala. 

Napangisi ito, "Yes, sorry, I know it's dangerous, hindi na mauulit." ani niya at napa-irap ako bago uminom. 

"Sus, pero uulitin, tsk." ani ko at napatawa siya. 

"It's not a bar, and I'm not wasted. I just went to this restobar and only had few, hindi naman ako lasing, come on." ani nito at napatawa ako, "Sus, sabi mo, eh." ani ko rito at napatawa siya bago sumimsim ng kape. 

"Gusto mo bang sumakay? Tara, joy ride." Pag-aaya nito, nanlaki ang mata ko at agad umiling. 

"Naku, naku! Ayaw ko po! Naka-inom ka tapos ia-angkas mo ako!? Hell no! Kapag tayo na-aksidente pa! Next time nalang kapag hindi ka naka-inom" sagot ko rito at napahagalpak siya ng tawa bago napahagod ng buhok. 

Tumango ito, "Sige ha, hihintayin ko 'yang next time na 'yan." Nakangiti niyang turan, sinagot ko lamang siya ng ngiti bago kumain. 


Alam ko naman na hindi na magkakatotoo ang next time na iyon. Alam kong usapang lasing  lang talaga ito. At paniguradong limot niya lahat ng ito kinabukasan. Pero kahit ganun, at least, nagka-usap ulit kami. Kahit na lasing siya, kahit na nagkaka-usap lang kaming dalawa kapag lasing siya, kahit na pinapansin at kinakausap niya lang ako kapag lasing siya, okay lang sa akin iyon, tunay naman akong sumasaya kapag kausap siya kahit ganito. 


The next day, I woke up around 8am and I immediately have the motivation to clean the room starting from the living room to the kitchen while jamming to some music. Dahil nawiwili akong maglinis ay hindi ko na napansin ang oras, tanghali na pala, nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago naligo para maging presko naman ang pakiramdam ko. 

Inihahanda ko palang ang kawali na gagamitin ko sa pagluluto nang biglang may kumatok sa kwarto. Sino kaya ito? Si Simon? Si Matt? Isa kaya kay Faye o Marga? 

Pero wala sa apat na iyon ang kung sino man na kumatok dahil pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si kuya Shawn na may dalang plastic. 

"Kuya Shawn? Bakit ka po andito?" tanong ko rito, sino ba namang hindi magugulat, diba? Alam naman niyang wala rito ang kapatid niya. 

He smiled, "Hey, pinapadala ni Faye sa 'yo, baka raw kasi hindi ka kumain kaya nagpaluto na ng pagkain mo." ani nito nang itaas ang plastic na dala niya, na-aninag ko ang mga tupperware sa loob. 

Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko bago tinanggap ang plastic, "Hala! Salamat po! Si Faye talaga!" ani ko at napatawa si kuya. 

"Okay ka lang ba diyan?" tanong niya at agad akong tumango, "Okay lang po, naglilinis lang pero kaya naman." sagot ko at tumango ito, "Okay, tell us when you need help, nasa baba lang kami." ani nito at tumango ako bago siya tuluyang umalis. 

Pagbukas ko ng mga pagkain ay umalingawngaw ang nakakatakam na amoy sa buong kwarto. Ang sarap!! Sino kaya ang nagluto nito? Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Faye pero hindi ito sumasagot? Tulog pa kaya ito? O nakatulog? Hindi ko na siya binulabog pa at kumain nalang. 

Pagkatapos kong kumain ay ipinagpatuloy ko ang paglilinis ng kwarto. At pagsapit naman ng hapon ay inasikaso ko na ang mga gagamitin namin para sa Clinical Rotation namin. Clinical ang huling requirements namin para sa school year na ito. Magsisimula na kami next week at matatapos ko na ang mga kailangan kong tapusin. 

Hanggang kinabukasan ay inaasikaso ko ang mga papeles at iba pang bagay. Pinlantsa ko na rin ang lab coat ko at iba pang damit na isusuot ko sa ospital. 



"Anong oras ka aalis, Cass?" tanong sa akin ni Marga, nasa univeristy pa rin kami ngayon at hindi pa umaalis para pumunta sa assigned hospital namin.

"Ipapasa ko lang itong mga papel na 'to sa prof ko tapos aalis na tayo, hintayin niyo 'ko rito!" Dali-daling akong tumayo habang hawak-hawak ang mga papeles ko bago nagtatakbo paalis ng canteen. 

Nagmamadali ay pumunta ako sa Faculty building kung saan madalas nalalagi ang mga prof. I was busy reviewing the papers in my arms to see if I'm not missing any when I suddenly bumped into someone causing for some papers to scatter on the floor. 

"Hala, sorry po!" I'm already panicking and stressing, malapit na kaming ma-late at patanga-tanga pa ako. 

"Okay lang," dinadampot ko ang mga papel nang makidampot ang nakabanggan ko, I wasn't able to recognize his voice at first that's why when I lifted my head and finally see the person's face, I was shock to see kuya Haze's face inches apart from mine. 

"Kuya?" I called, he lifted his head, he slightly smiled as he also lifted both of his eyebrows. 

"Ang dami mong dala, para saan 'yan?" tanong nito bago ini-abot sa akin ang ibang papel na nadampot niya at saka kami parehas tumayo. 

"Sa Clinical po namin, start na kami this week." sagot ko rito at tumango ito, "Mhmm, okay, goodluck." ani nito bago naglakad paalis. 

Gusto ko man kiligin pero mas nauna ang pagka-stress ko kaya napatakbo na ako papunta ng faculty. 

Mabuti nalang at nakarating kami ng ospital sa tamang oras. Nakilala ko na rin ang mga doktor sa ospital na makakasama ko. Naipaliwanag at naituro na rin sa amin lahat ng kailangan naming malaman bago kami magsimula. 

Dahil unang araw palang namin, mas mabuti na mag-observe lang muna kami. Sunod lang ako nang sunod sa doktor habang may dala-dalang notebook para isulat ang mga sinasabi nito. Siguro ay iyon muna nag kakapaguran ko ngayon, ang palakad-lakad. 

Hindi na rin ako nagulat nang wala sa oras ang kain namin nila Faye at Marga, kasagsagan kasi ng alas dose ay nag ro-rotation ang isang doktor at pinili kong sumama rito para mag-observe, ganun din pala ang ginawa nila Faye at Marga. 


"Ano? Kamusta ka?" tanong sa akin ni Marga habang nasa cafeteria kami at kumakain ng mga baon namin. 

Napabuntong hininga ako bago napasubo ng pagkain, "Ito, sakit ng paa ko kakalakad." sagot ko rito at napatawa ito. 

"Ako nga rin, makapag-crocs na nga lang bukas." ani nito at napatawa ako bago tumango. 

Siguro ay nabigla ang katawan ko sa kakaibang pagod ngayon kaya naman pagkakain ay para akong lantang gulay. Bumili nalang ako ng ice cream para ganahan naman ako at hindi ko naisip na uubra pala ito. 

Hanggang alas tres lang ang schedule namin kaya naman pagkatapos ng last rotation ay nagpaalam na kami sa mga nurses at doktor at umuwi sa dorm. Pagkauwi ay pare-parehas kaming nakatulog at gabi na nang magising para kumain. 


Kinabukasan ay mas komportableng damit ang suot ko. Nakamedyas nalang din ako at naka-crocs, damang-dama ko na ang pagiging med students ko. Iba pa pala ito kaysa sa academic stress. Yung tipong quizzes and exams ang pinoproblema ko, ngayon kasama na ang pagod ng katawan.

Saktong patapos na kaming mag-almusal sa canteen nang biglang dumating sila kuya Haze, Lucas, Lorenzo at Xandro, tumabi pa sa table namin. 

Nagkatinginan kaming tatlo, halatang nang-aasar ang dalawa kong kaibigan, napangisi lang ako habang nakatungo at umiiling. 

"Tara na ba? Maaga na tayo ngayon diba?" tanong ni Faye bago napatingin sa relo niya, tumango ako at tumayo. "Tara," Pag-aaya ko, itinapon lang namin ang pinagkainan namin bago bumalik sa table at inayos ang mga gamit namin. 

Parehas kaming nagulat ni kuya Lucas nang masagi niya ang bangko kung saan nakasabit sa sandalan ang lab gown ko. 

"Ay sorry," ani nito bago agad itong pinulot. 

"Hey, baka madumihan mo ang labcoat ni Cass, gagamitin pa niya 'yan sa clinical." Napalingon kami kay kuya Haze na kumakain, nang lumingon ito ay naramdaman ko ang pag-init ng pisnge ko nang magkatinginan kami sa mata. 

It was just a quick glance but I felt different with that glance. Parang may ibig sabihin, parang may ipinapahiwatig. Yung tingin niya parang... nang-aasar ba? O... nanghaharot? 

Kagaya kahapon ay lakad ako nang lakad sa ospital. Inaaral ko na ang mga equipments na ginagamit, ang mga itinuturok, ang mga gamot. Hindi ko alam kung magagamit ko na ba agad ang mga ito pero maganda na rin na advanced ako. 

Ala una ng hapon nang ibili kaming tatlo ng miryenda ng isang doktora. Nakikita niya raw kasi sa aming tatlo ang sarili niya noong med student palang siya kaya natuwa siya sa amin. 

Dahil medyo maganda ang pakiramdam ko ngayon ay naisipan ko na i-post sa aking IG story ang kape, picture namin nila Faye at Marga, picture ko at picture ng notebook ko. 

Kalahating oras ang nakalipas at bumalik na kami sa rotation. Nagsama-sama na rin kaming tatlo sa kung kaninong doktor kami sasama. 

Alas tres at hindi muna agad kami umuwi bagkus ay namahinga sa cafeteria ng ospital. Saka ko lang nagawang magbukas ulit ng cellphone at unang tiningnan ang IG story ko. Tiningnan ko kung sino-sino na ang nakakita nito. Mga block mates ko, dorm mates, sila Simon at Matt, si Kuya Shawn, si kuya Lucas, si kuya Howard, si kuya Edward? 

"Lahat ng congress? Maliban kay kuya Haze?" Bulong ko, hindi ko naman alam na maririnig pa rin ito ng mga kaibigan ko. 

"Huh? Narinig ko nanaman ang pangalan ni kuya Haze." Pang-aasar ni Faye, napasimangot ako bago ipinakita sa kanila ang screen ko, "Buong congress naka-view sa IG story ko maliban kay kuya Haze? Ano ba 'yan! Kung sino pa ang gusto kong makakita ng story ko, siya pa itong wala." Pagmamaktol ko, 

"Naka-follow ba sa 'yo si kuya Haze?" tanong ni Marga, napa-iling ako, "Hindi ko rin naman siya fino-follow-" 

"Gaga ka pala, eh! Siyempre hindi niya 'yan makikita. Hindi naman pala naka-follow sa 'yo." Putol nito sa akin, napasimangot ako bago bumuntong hininga. 

Kagaya kahapon, pagka-uwi namin ay nakatulog muna kami. At nang magising kami ay tinamad na kaming magluto kaya naman um-order nalang kami. 

Pumunta na kami ng lobby para hintayin ang pagkain. "Cass, kukuha lang kami ng tubig." Paalam ni Faye, tumango lang ako bago umobob sa lamesa at napapikit. Kakagising ko lang pero inaantok nanaman ako. 

May mga narinig akong ingay malapit sa akin, siguro ay may tumabi sa table namin pero hindi ko na pinansin ang mag ito. 

Pagbalik nila Faye at Marga ay tinapik ako ng isa, pag-angat ko ng tingin ay nakita kong may itinuturo si Marga gamit ang kaniyang nguso. Napakunot ang noo ko bago ito sinundan ng tingin. 

Agad naman akong napabaling sa kanila pabalik nang mapagtanto na si kuya Haze mismo ang naka-upo sa likuran ko, makatalikuran kami! 

'Siraulo!' Bukang bibig ko at napatawa ang dalawa, 

"Ang sakit ng likod ko kanina, hindi ko alam kung bakit. Bigla nalang siyang sumakit." Pagke-kwento ni Marga, kanina pa niya ito nabanggit sa akin sa ospital. 

"Yung binti ko naman ang masakit sa akin ngayon. Kahapon paa, ngayon binti. Bukas? Hita naman?" ani ko at napatawa si Faye, 

"Hayaan mo na, gwapo naman yung isang intern, diba? Nakita mo ba?" tanong nito at napatawa ako, 

Biglang may umubo sa congress na naka-agaw ng atensyon ko ngunit hindi ko nilingon, kasunod nito ay may nagslita, "Ouch, sakit!" turan ng isa sa kanila, dahil si Faye at Marga ay nakaharap sa gawi nila ay inusisa ito ng dalawa bago sabay napangisi. 

'Kuya Lorenzo' Buka ng bibig ni Faye at utay-utay akong tumango. 

Nang tumunog ang cellphone ko at nag-text na ang rider. Lumabas na ako ng building para puntahan ang rider, nagulat pa nga ako dahil kasunod ko sila kuya Adrian at Xandro, siguro ay may delivery rin ito. 

"Caasandra po ma'am?" tanong sa akin ng rider at tumango ako, tumuro ito kila kuya, "Kay Alonzo po?" tanong naman nito sa kanila at tumango sila kuya. 

Ini-abot sa akin ng rider ang isang malaking supot bago ang mga inumin namin. Sabay-sabay kaming bumalik nila kuya sa loob. 

"Uy, salamat! Ang bait mo talaga!" ani ni Faye at napa-irap ako, "Sira! Hindi niyo manlang ako tinulungan!" turan ko rito at napatawa ang dalawa. 

Una kong binuklat ang mga pagkain at ibinigay sa kanila ang kung ano man ang kanilang order. Nahuli ako sa pagkuha ng inumin. "Wala ng pineapple?" Taka kong tanong, nagkatinginan si Faye at Marga bago umiling, "Sprite 'to parehas." ani ni Faye at napakunot ang noo ko, "Coke nalang 'to, eh, hindi naman ako mahilig sa soft drinks." Napanguso ako bago naupo, 

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko at agad akong napalingon sa aking likuran. 

Si kuya Haze, hawak-hawak ang isang inumin, "Palit tayo, pineapple 'to, coke dapat." ani nito at bahagyang nanlaki ang mata ko, "A-Ah... okay lang po?" tanong ko at tumango lang ito bago ini-abot sa akin ang drink, kinuha ko naman ang coke mula sa table namin, "Hindi ko pa po naiinuman," Ini-abot ko ito sa kaniya, tumango siya ng isang beses pagkatanggap nito, "Okay lang, hindi ko pa rin 'yan naiinuman." ani niya bago na ako tinalikuran, nang humarap ako kila Faye at Marga ay pare-parehas kaming nagpipigil ng kilig. 

Hindi kami nakapag-kwentuhang tatlo dahil nahihiya kami kila kuya. Sila kasi ang maiingay rito ngayon sa lobby. Nakakahiya naman na sabayan pa namin ang ingay nila, kuntento na kami sa ingay namin sa kwarto. 

"Tapos na ba kayo?" tanong ko sa dalawa, tumango ang mag ito at tumango rin ako bago inubos na ang inumin ko. Inilagay na namin sa supot ang mga pinagkainan namin at oras na para itapon ang mga ito. 

"Samahan na kita," ani ni Marga at umiling ako, "Hindi na, magaan lang 'to." ani ko bago tumayo, pagkatayo ko ay siya rin namang pagtayo ni kuya Haze at Howard dala na rin ang kanilang mga pinagkainan. 

Dahil nahihiya ay bahagya akong nagpahuli para hindi makasabay ang dalawa sa paglabas at pagtatapon. Pagdating ko sa labas sa may basurahan ay nakasalubong ko na si kuya Howard, si kuya Haze naman ay nakasalubong ko nang malapit na ako sa basurahan. 

Pagdating ko sa harap ng basurahan ay namroblema ako bigla kung paano ito bubuksan dahil okupado ang magkabila kong kamay. Sinubukan ko itong abutin pero nahulog lang ang ibang basura mula sa supot kong dala kaya napasigaw ako nang bahagya. 

"Ano ba 'yan!" Inis kong turan, pupulutin ko na sana ang basura nang may tumakbo sa gawi ko at pinulot ang basura, "Ako na," napatingala ako kay kuya Haze na hawak na ang takip ng basurahan. 

Nahihiya akong ngumiti bago itinapon sa loob ang supot, "Thank you po," ani ko at itinaas lang nito ang magkabilang kilay bago itinapon ang paper cup na nahulog at isinara na ang basurahan. 

Magkasabay kaming umalis ng basurahan at sabay rin nakarating sa may pinto. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang pagbuksan ako nito ng pinto, hinawakan pa niya ito at hinintay pa akong makapasok bago isinara. 

Ramdam ko na ang pag-init ng magkabila kong pisnge at paniguradong namumula na ang buong mukha. Para nanaman akong natatanga dahil hindi ko nanaman alam kung anong kasunod na paa ang ihahakbang. Pinagbuksan niya ako ng pinto!! 

Natauhan ako nang bigla akong hawakan ni Marga sa braso, "Huy, andito na kami, oh. Kaharap mo na kami." ani nito, dire-diretso na pala akong naglalakad? Napatingin ako sa paligid at nakita ang ibang congress na napapatingin sa gawi ko habang ang iba ay nakapalibot kay kuya Haze. Nakita ko rin si kuya Lorenzo na lumingon sa gawi ko na may malawak na ngisi. 

Putangina! Nakakahiya! Nakita ba nila yun?!?

"Tara na nga!" Hinatak ako ni Faye sa braso papunta sa elevator, habang higit ng dalawa ay lumingon ako sa gawi nila kuya Haze na naiwan sa may receptionists. Nagtagpo ang mga mata namin ni kuya Haze at nakita ko kung paano  gumuhit ang maliit na ngisi sa kaniyang mga labi. 

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang ngisi na yun. Ngisi? Ngumisi siya! Habang inaasar ng mga kaibigan niya! Anong ibig sabihin nun?! May ibig sabihin ba yun!? 



--------

A/N: hindi kami mutuals ng crush ko sa IG HAHHAHAAH, kayo ba? Plus sorry if may typo, you can mention it naman sa comments, sabog na ako habang nag-eedit nito hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com