CHAPTER X
Cass's POV
After weeks of our clinical, we finally got a rest day that we deserve. Well, rest from attending our clinical rotation but not doing our requirements. It's a sleepy Monday and I'm getting ready when I saw kuya Haze's hoodie hanging by the cabinet handle.
Dinampot ko ang aking cellphone mula sa kama at tumipa ng message para kay kuya, "Uy, tagal na pala niyang hoodie ni kuya Haze, hindi mo pa ba ibabalik?" tanong ni Marga, ipinakita ko sa kaniya ang aking phone screen.
"Ito na nga diba, wait ka lang." sagot ko rito at napahagikhik ito.
to: Alonzo Haziel
Kuyaaa, yung hoodie niyo po pala? Ibabalik ko na po, what time po kayo free?
Pagka-send ko ng message ay ibinaba ko na rin ang cellphone ko at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. Habang hinihintay ang reply ni kuya ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Naghanda na rin ako ng pambaon at umalis na rin kami.
Pagdating sa university ay wala pa rin reply si kuya. Wala naman kaming klase ngayong araw pero marami ang kailangan tapusin. Kaya naman sa library na kami dumiretso at doon ginawa ang mga dapat gawin habang hinihintay pa rin ang reply ni kuya.
Mga bandang alas nuebe ay iniwan ako nila Faye at Marga dahil may aasikasuhin pa raw ang mga ito kaya naman naiwan akong mag-isa.
Mga bandang 10:30 ay natapos ako sa isa kong gawain, tiningnan ko pa kung may reply si kuya pero wala pa rin kaya napasubsob ako sa lamesa habang nakatulala sa labas.
Naramdaman ko ang paglamig ng paligid, dahil siguro masyado akong okupado ng ginagawa ko kanina kaya hindi ko naramdaman ang lamig.
"Pahiram muna ulit kuya," ibinalot ko ang hoodie nito sa may balikat ko dahil doon lang naman ako nilalamig bago muling sumubsob sa lamesa.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising ng bandang 12:30, napa-igtad ako bago napatingin sa paligid, agad kong tiningnan ang cellphone ko at nakitang may message si kuya Haze.
from: Alonzo Haziel
sge sge, kunin ko nalang sa canteen
Napatayo ako sa sobrang pagkataranta nang biglang mapansin na maayos ang pagkakabalot ng hoodie sa balikat ko. Paanong maayos na ang pagkakalagay nito kung binasta ko lang ang pagbabalot nito sa akin kanina?
Tinanggal ko ito mula sa akin at tiniklop para ilagay sa bag. Inaayos ko ang mag gamit kong nakakalat nang makita ang dilaw na sticky note sa isa kong aklat.
Bumilis ang tibok ng puso ko at agad dinampot ang papel para basahin.
'You keep it muna to keep you warm, I don't need it yet.
-Haze'
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago ipit na napapalirit. Napakapit ako sa gilid ng lamesa bago namilipit na parang sira. Nagwala pa ako na walang tunog 'wag lang masita at mapansin ng iba. Isinuot ko na rin ang hoodie ni kuya dahil medyo malamig sa labas at bahagya rin ang pag-ambon, idagdag pa na dinama ko ito ng sobra habang suot.
Kinikilig-kilig ay inayos ko ang aking mga gamit at umalis ng library. Habang naglalakad ay pansin ko ang tingin sa akin ng mga tao. Napakunot ang noo ko bago bahagyang kinapa ang puwetan ng aking pantalon, baka naman dinatnan ako at may tagos na?
Pero wala naman, hindi naman ito basa, may dumi kaya ako sa pantalon? Sa damit? Hindi na ba sila sanay sa pagmumukha ko?
"May katangahan ba akong ginawa?" Taka kong tanong kila Faye at Marga nang magkita kami sa canteen.
Napakunot ang noo ng dalawa bago umiling, "Wala naman, bakit?" tanong ni Faye at nagkibit balikat ako habang ibinababa ang aking gamit, "Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao, anong meron?" sagot ko at nagkibit balikat ang dalawa.
Bumili na kami ng tanghalian at kumain, hindi pa rin nakakalampas sa paningin ko ang mga mata ng tao sa paligid. Ano bang meron?! May nai-post ba ako sa social media habang tulog? Sumikat na ba ako sa TV? May kagagahan ba akong ginawa?
Nang matapos kaming kumain ay tumayo na kami para itapon sana ang mga pinagkainan namin nang bigla akong akbayan ni ate Sav.
Sinenyasan ako nitong lumapit sa kaniya, "Kay Haze 'yang hoodie na 'yan 'no?" bulong nito at tumango ako, "Opo, bakit?" taka kong tanong dito, napatawa ito nang bahagya, "Sabi na eh, obvious naman kasi may 'Vergara' na nakasulat sa likod." Nanlaki ang mata ko at agad napakapa sa likuran ng hoodie.
Medyo matagal na sa 'kin ang hoodie na 'to at hindi ko napansin na may 'Vergara' palang nakasulat sa may likod?
Nanlaki ang mata ko nang makitang nagbulong-bulungan ang mga tao sa paligid, "Bidang-bida ka nanaman sa chika nila, suot mo lang naman ang hoodie ni Haziel Vergara." Pagbibiro ni ate at para akong binalot ng hiya. Jusko naman, kaya naman pala, masyado kong ipinangangalandakan ang hoodie ni kuya.
Natigilan ako nang makitang naglalakad papalapit sa amin si kuya Lorenzo, Lucas, Howard at Haze. Lahat sila nakatingin sa gawi namin, si kuya Lucas nakangisi, si kuya Howard ay nag thumbs up pa.
Nang makalapit-lapit sila sa amin ay nagsalita si kuya Lorenzo, "Bagay sa 'yo Cassandra!" May nakakalokong ngisi sa labi nito habang si kuya Haze ay pinagtaasan ako ng magkabilang kilay habang nakangising naglalakad.
Napasapo ako sa noo ko habang si ate Sav ay napatawa, "Goodluck! Congrats! Nag le-level up na kayo ni Haze." ani nito bago umalis, itinapon lang namin ang pinagkainan at saka ko naman hinubad ang hoodie kahit mas naging malamig ang paligid.
Lumipas ang ilang oras at nagpakabusy lang ulit ako sa mga gawain. Sinusulit ko ang oras na wala ako sa ospital para tapusin ang mga requirements namin.
Dala ang bag ko sa aking balikat, hoodie ni kuya Haze sa braso ko at file case sa kabila ay natigil ako sa isang waiting shed papunta sa kabilang building. Bumagsak na kasi ang ulan at wala rin akong dalang payong. Kailangan ko pa naman ipasa ang mga ginawa ko.
Napabuntong hininga ako bago ibinaba ang mga hawak ko, "Pahiram ulit ako kuya Haze." ani ko bago isinuot ang hoodie ni kuya Haze.
Inaayos ko palang ang sleeves nito nang bigla may maglagay ng hood sa ulo ko, agad akong napaharap sa aking likuran at nakita si kuya Haze.
"Susugod ka ng naka-hoodie lang sa ulan na 'yan? Magkakasakit ka." ani nito na animo'y bahagya pang galit. Hindi na ako nakasagot at pinanood nalang siyang kunin ang bag at gamit ko, "Saan kaba pupunta?" tanong nito, nahihiya ay itinuro ko sa kaniya kung saang building ako papunta.
"Tara na, hatid na kita." Hinawakan ako nito sa balikat para alalayan sa paglalakad, habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Natatanga na rin ako dahil bahagya akong natitisod sa paglalakad. Napapakagat ako sa pang-ibaba kong labi at pakiramdam ko ay tatalon ang puso ko palabas, yung tipong butas ang dibdib ko dahil hindi na nakapagpigil ang aking puso.
Nang makarating kami sa building ay ini-abot na sa 'kin ni kuya ang mga gamit ko, napakamot ito sa batok, "Sa susunod... 'wag kang susugod sa ulan, mahirap magkasakit." ani nito at nahihiya akong tumango, "Opo, salamat po." ani ko at tumango ito bago ako tinalikuran, pinanood ko muna siyang maglakad at nang makalayo ay saka ako nagpapadyak at nagwala sa sobrang kilig.
"Ano kaba naman!? Oo agad! Hindi kapa nanliligaw! Oo na! Tayo na! Kainis!!"
Kinabukasan ay balik nanaman kami sa ospital. Kaunting tiis nalang naman, malapit na rin kaming matapos sa clinical. Buong araw kami pagod sa ospital, para na kaming mga regular na nagtatrabaho rito at pagdating pa ng uwian ay bumagsak pa ang ulan.
"Kainis naman! Ang hirap mag-commute kapag ganito!" Pagmamaktol ni Faye habang nasa may entrance kami ng ospital.
May mga dala naman kaming payong, iyon nga lang ay madadala ng hangin ang payong kung gagamitin namin at ang ending ay mababasa lang din kami.
Naglilibot ako ng tingin at nag-aabang ng paparating na jeep nang biglang tumigil ang sasakyan sa may tapat at bumusina. Bumukas muna ang payong bago lumabas si kuya Haze mula sa sasakyan na ikinagulat naming tatlo.
"Si kuya Haze ba 'yan!?" Halos sumigaw si Faye, tumakbo papunta sa amin si kuya Haze at bahagya pa ngang nabasa ang sapatos at pantalon nito, "Sakay na kayo." ani nito bago kinuha ang gamit ko mula sa braso ko at bumalik ng sasakyan, napatingin sa akin si Faye at Marga, parehas nakaparte ang mga labi.
Binuksan na namin ang aming mga payong bago sumunod kay kuya Haze. Si Faye at Marga ay nauna na sa likod kaya naman naupo na ako sa unahan kasama si kuya Haze.
"Kuya, bakit mo naman kami sinundo? Utos nanaman ba ito ng kuya ko? Wala na akong sakit, oh." tanong ni Faye mula sa likod, nilingon ko ito at sumenyas ako na tumahimik, may binabalak yata. Wala rin talagang tigil ang bibig ni Faye.
Nang lungunin ko si kuya ay diretso lang ang tingin nito sa kalsada. "Wala lang, boring kasi ng hapon ko. Tapos nasanay na rin akong may sinusundo." sagot nito at pinigilan ko ang sarili kong ngumiti kaya naman humarap nalang ako sa may bintana.
Nag-vibrate ang cellphone ko, nang buksan ko ito ay may message sa akin si Faye na nang-aasar kaya naman nilingon ko ito para ikutan ng mata.
Pagkatigil namin sa tapat ng dorm ay akmang kukunin ko na ang gamit ko nang bigla itong damputin ni kuya na walang pasabi at lumabas ng sasakyan. Nasa may silong kami ng dorm at dala-dala pa rin ni kuya ang gamit ko nang magpaalam sila Faye at Marga na may gagawin. Hindi ko alam kung nanandya ba silang dalawa o talagang may gagawin silang dalawa kaya kami iniwan ni kuya.
"Gutom kana ba?" Napalingon ako kay kuya, nahihiya man ay tumango ako, "Medyo po, wala kaming miryenda sa ospital, eh." sagot ko at tumango ito, "Tara street foods? Libre ko." Pag-aaya nito, dahil gutom na rin ako at opportunity ko na rin ito para makasama si kuya Haze ay pumayag na ako.
Hindi na rin naman maulan at kita na rin ang araw kaya naglakad nalang kaming dalawa palabas. Kinuha ko na rin mula sa kaniya ang gamit ko dahil nakakahiya naman.
Naglalakad kami ni kuya Haze sa sidewalk nang bigla ako nitong higitin patabi at siya ang pumalit sa pwesto ko sa may gilid ng kalsada.
Bumili kami ng kwek-kwek sa nadaanan naming nagtitinda at ini-libre niya rin ako ng footlong sa kalapit na Big Mac at doon kami kumain.
"Kamusta ang clinical?" tanong nito habang kumakain kami, napatawa ako bago napa-iling, "Pagod malala, hindi ko alam kung aabot pa ba ako ng 4th year." sagot ko rito at napatawa ito, "Kaya 'yan, ikaw pa." ani nito at napatawa ako,
"What if ikaw nalang gumawa kuya?" Pamimilosopo ko rito at napatawa ito habang nakasapo sa noo at napa-iling.
"Foodie type of person kaba?" tanong nito at napalingon ako sa kaniya at ilang segundong napa-isip, "Siguro ano po... hindi isang upuan na kain pero yung maya-maya na kain." sagot ko at tumango ito, "What's your favorite food?" tanong nito at napatawa ako, "Naku kuya! HAHAHA! Marami! Alam mo ba noong highschool, pinagsulat kami ng teacher namin sa index card ng parang 'get to know us' thing, tapos may favorite food, mukhang order yung akin sa sobrang dami!" Napahagalpak ulit ako ng tawa at ganun din si kuya,
"Siguro ano nalang... carbonara talaga, yung creamy na hindi tinipid sa sauce at sahog. Tapos kaulam ay... fried chicken na super crunchy!" Natakam ako bigla sa pinag-uusapan namin ni kuya, makapagluto nga minsan sa dorm.
"Gusto mo ba ng ice cream bago umuwi?" tanong ni kuya at napa-iling ako, "Naku kuya, tataba ako lalo sa ginagawa mo, eh." ani ko at nakita kong napakunot ang noo nito, "Sus, 'wag mo isipin ang mga ganun, kung gusto mong kumain, kumain ka." ani nito at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.
Ano ba naman 'to Lord?! Kung hindi siya ang para sa 'kin sa huli, aba'y bakit hindi?!
Paalis na sana kami ni kuya nang biglang bumuhos nanaman ang ulan. Mabuti nalang at may payong pa ako sa bag pero maliit na ito, sikip na kami ni kuya.
"Ikaw nalang ang magpayong--" "Uy! Kasya naman tayong dalawa d'yan. Sige na, magkakasakit ka kung di ka susukob, sabi mo pa naman mahirap magkasakit." Putol ko agad rito, balak ba niyang magpakadalubhasa sa lakas ng ulan na 'to? .
Wala siyang nagawa kundi ang tumango nalang at sumukob sa akin. "But let me hold the umbrella." Nagulat ako dahil inakbayan niya ako at naramdaman ko ang paghigit niya sa akin papalapit sa kaniya. Naramdaman ko ang dibdib niya sa may bandang likod ng balikat ko at ganun din ang init ng palad niya sa kabilang balikat ko habang naglalakad kami.
Pakiramdam ko nanaman ay bubutasin ng puso ko ang dibdib ko makalabas lang dahil sa sobrang kilig.
Lord, kung uulan pa man sa susunod na araw, sana yung ganito, sana yung magkasama kami ni kuya at iisa lang din yung payong. More blessings to come, Lord!
Nakarating na kami ng dorm at napansin ko na basa ang balikat ni kuya, basang-basa. "Hala kuya, basang-basa ang balikat mo!" Bahagya ko pa itong inabot para hawakan, nilingon niya ito, "It's fine," muli siyang humarap sa 'kin, "As long as hindi ikaw ang basa." ani nito at nagulat ako doon, bumabanat ba siya o sadyang concerned lang siya sa 'kin? Pero kung pinapakilig man niya ako, gumagana naman, sobra!
When our clinical rotation ended, it was a relief, of course. But that doesn't mean our 3rd year finally ended. Ang dami pa rin ganap sa school at ang pinakamalapit na event ay ang sport fest. It's one of my favorite dahil bukod sa nakakatuwang manood ng palaro ay marami ang nagbebenta ng pagkain sa loob ng campus.
"Kuya!" Sigaw ni Faye sa kapatid nito nang makitang nag jo-jogging, badminton player nga pala si kuya Shawn. Kasunod ng mga badminton players ay ang lawn tennis players at isa na doon si Simon.
"Wooh! Go Si! Kaibigan namin 'yan!" Pag che-cheer namin dito, napahagalpak pa ito ng tawa habang tumatakbo.
Naglalakad kami paalis ng canteen at nakakasalubong ang iba pang players, nakasalubong na rin namin ang mga basketball players pero bakit parang hindi ko pa nakikita si kuya Haze? Hindi ba at bali-balitang siya ang team captain ng kanilang basketball team?
Mga bandang mag a-alas nuebe na at may dadalhin akong papeles sa isa kong prof nang saka ko makasalubong si kuya Haze na nag jo-jogging mag-isa, late na 'to ah!
"Si Captain late!" Pang-aasar ko rito, napatawa ito habang tumaktakbo, "Captain mo pagod na!" sigaw nito bago humaripas ng takbo. Natigilan ako sa kinatatayuan ko bago napakagat sa pang-ibabang labi, nagpipigil kiligin.
"Ano ba naman!?" Naginig pa ang boses ko, "Parang tanga naman!"
Hindi agad ako naka-alis sa pinuntahan ko dahil nautusan pa ako ng prof kong gawin ang ibang bagay. Kaya naman inabutan na ako ng gutom doon at pagka-alis ay agad akong dumiretso sa canteen.
Bumibili ako ng ensaymada nang mapalingon sa ref at nakita ang Gatorade. "Ate, isa pa po palang ensaymada at isang Gatorade." ani ko sa tindera, pagkabayad ko ay naupo muna ako sa isang table bago nag-message kay kuya Haze.
to: Alonzo Haziel
Nag-miryenda kana kuya?
Agad din naman siyang nag-reply, pahinga siguro sila. Nakakapanibago na nakapag-seen at reply agad siya lalo na't ang kadalasang nangyayari ay laging huli itong sumagot.
from: Alonzo Haziel
d pa
to: Alonzo Haziel
Saan po ba kayo nag t-training?
Hinintay ko siyang mag-reply pero makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin siya sumasagot ay umalis na ako ng canteen at nag utay-utay maglakad papuntang gym dahil baka doon sila nag t-training.
Nang bigla kong makasalubong si kuya Shawn, "Kuya Shawn!" Tawag ko rito para maagaw ang attensyon niya, agad itong tumigil sa paglalakad at kumaway, nagtatakbo ako palapit dito.
"Hey Cass, what's up?" bati nito, "Saan po nag t-training ang basketball team ng aviation?" tanong ko rito at nagparte ang labi nito, "You mean si Haze?" tanong nito at napangisi ako bago tumango, "Ganun na nga po." ani ko at napatawa ito, "Sa basketball court, yung nasa loob ng campus, ha? Hindi sa may dorm." sagot nito at tumango ako, "Oki po! Salamat!" ani ko bago tumakbo paalis.
Pagkadating ko ng court ay hindi ko alam kung tutuloy paba ako o hindi. Kinakabahan ako dahil baka kung anong isipin ng mga tao o mga ka-teammates niya. Ilang segundo rin akong nakatayo sa may entrance ng court. I'm contemplating so much that I'm thinking of not getting inside.
Sakto na malapit lang sa entrance si kuya Haze kaya naman mabilis ko itong nalapitan, "Kuya Haze," tawag ko rito, tinapik pa siya ng isa niyang kasamahan bago ako nilingon, bahagyang nanlaki ang mata niya, "Mhmm?" ani nito,
Inabot ko sa kaniya ang Gatorade at ensaymada, "Ay, salamat po." ani nito, nang nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga kasamahan niya ay tinanguan ko lang siya bago tumakbo paalis. Habang tumatakbo ay narinig ko ang ilang sigawan sa court.
Nakakahiya naman yun!? Ano ba ang pumasok sa isip ko?!
"Hindi kayo a-attend ng meeting? Wala ba kayong sasalihang sports?" tanong ko kay Marga at Faye, may meeting ngayon ang medicine department para sa paghahanda sa paparating ng sports fest.
Umiling si Faye, "Alam mo namang hindi ako sporty, tsaka inaantok kami, tutulog nalang kami ni Marga." sagot nito at tumango naman si Marga.
"Basta ikaw, sumali ka lang sa kaya mo, sinusumpong ka pa naman ng asthma minsan." Pa-alala ni Marga sa akin, tumango lang ako bilang sagot at umalis na silang dalawa.
Sa meeting tuloy ay tahimik lang ako, mabuti nalang din at walang nag-presinta sa akin na sumali o maging head ng isang sports. Nagpalista lang din ako sa cheerdance dahil iyon lang naman ang kaya kong salihan at wala rin naman akong sports. Madilim na nang matapos ang meeting, naglalakad ako pabalik ng dorm nang makasalubong ko ang congress.
"Cass, bakit si Haze lang ang may Gatorade? Bakit kami wala?" Pang-aasar ni kuya Lucas, hindi ako nakasagot at nagparte lang ang labi, ano ba dapat ang isagot ko doon? Nakaka caught off guard naman yung tanong ni kuya Lucas.
"Galing niyo pala! Bumili kayo ng sarili niyo, ano nga, Cass?" Saway ni kuya Shawn dito at napatango lang ako.
"May sinalihan kang sports?" Napalingon ako kay kuya Haze, umiling ako, "Cheerdance lang po, tapos mag che-cheer nalang ako sa basketball namin, sa volleyball din tapos iba pa." sagot ko at nakita kong nagparte ang labi ni kuya Haze.
Utay-utay siyang tumango, "Ah... sige, goodluck sa basketball team niyo." ani nito bago naglakad, nagkatinginan ang congress bago napahabol ang iba sa kanila, naiwan si kuya Edward at Xandro, "Galingan mo mag cheer sa department natin, lalo na sa basketball!" ani ni kuya Xandro napatawa si kuya Edward bago hinampas si kuya Xandro sa balikat at sumunod na sa mga kaibigan nila.
Kinabukasan ay nakasalubong ulit namin ang mga nag jo-jogging, nakita ko rin si kuya Edward at Xandro, mga volleyball players. Nang makita ko si kuya Haze na hindi na late ay napangisi ako.
"Wow kuya Haze, hindi na late!" sigaw ko rito, humarap ito sa akin habang tumatakbo patalikod, "Baka matalo kami ng basketball ng medicine, eh." ani nito bago humaripas ng takbo.
Napahagalpak ako ng tawa pero si Faye at Marga na kasama ko ay nanatiling tahimik, "Parang sira si kuya Haze 'no? HAHAHA!" Napatawa ulit ako, hininitay lang namin na matapos ang mga nag jo-jogging at saka kami pumunta sa dapat namin puntahan.
Ginugol namin ang oras namin sa library para gawin ang mga dapat gawin. Kahit nakaka-drain na magsagot at mag research ay kinakaya ko naman. Kailangan lang talaga ng pagkain para busogin ang utak.
Bandang alas nuebe ay lumabas muna ako ng library at pumunta ng canteen para bumili ng miryenda. Doon ay na-abutan ko si kuya Shawn na bumibili nga Gatorade at pagkain.
"Hi kuya Shawn!" Bati ko rito nang tabihan ko ito sa isang stall.
"Hey Cass, kamusta?" Bati nito sa akin at napabuntong hininga ako, "Pagod mentally and physically." sagot ko at nag-hum ito, "Pahinga lang," sagot nito at napangiwi ako, "Naku kuya, di na yata sapat ang pahinga, himlay na dapat." Pagbibiro ko rito at napatawa ito.
May sasabihin pa sana ako kay kuya nang bigla akong akbayan ni Simon, "Libre naman, Gatorade lang! Gutom na ako, eh." ani nito, pawis na pawis at halatang pagod, agad ko tuloy itong itinulak, "Magaling ka pala! Pawis na pawis kapa, oh!" Turan ko rito at napatawa siya, napatingin pa sa amin si kuya Shawn dahil medyo malakas ang boses naming dalawa.
"May 7 pesos ka? Wala kasi kaming barya." Napalingon ako kay kuya Shawn, nagkukutkot ito sa wallet niya, tapos kumapa sa bulsa, "Wala miss, sorry po." ani nito,
"Ay, kuya..." kumuha ako ng pera sa wallet ko, "Sagot ko na 7 pesos mo, tapos Simon, kumuha kana ng Gatorade at sayo na rin yung sukli." ani ko bago nag-abot ng isang daan sa tindera, tinapik ko sa balikat si Simon, "Ayan ha, ini-libre kana. Kuya Shawn, goodluck po sa training, ingat din." Ngumiti ako kay kuya Shawn bago lumabas ng canteen.
Pagkatapos ng lunch ay may mga requirements kaming ipinasa at tinapos. Buong araw lang kaming busy sa library at gumagawa. Kaya naman pagdating ng hapon ay nag-aya muna manood ng basketball practice sila Faye para naman daw mawala-wala ang isip namin sa pag-aaral.
"Go Med!!" sigaw ni Faye nang makarating kami sa gymnasium, napaka-ingay talaga.
Naupo kami sa may itaas na benches para makita ang kabuoan ng gym at doon nanood. May mga dala pa kaming pagkain para ma-enjoy ang panonood.
"Uy, si kuya Xandro, oh! Hi Kuya Xandro!!" Lumingon kami sa gawi na itinuro ni Faye, doon ay nakita nga namin si kuya Xandro na nanood malapit lang sa amin. Nakita ko itong ngumiti at kumaway.
"Kain po kayo rito!" Pag-aaya ni Faye, bahagya akong napatawa nang naglakad papalapit si kuya Xandro, "Makikikain nga," hinampas ko sa braso si Marga sa binulong nito.
Inabot ni Faye ang isang Nova rito, "Hindi po ba sa volleybal kayo sumali?" tanong ni Faye rito, tumango si kuya Xandro bago tumuro sa court, "Sumali rin kasi si Edward sa basketball, nanonood lang ako, iniisip ko rin sumali." sagot nito at sabay-sabay kaming tatlo na lumingon sa court, nagulat ako dahil naglalaro nga si kuya Edward.
"Kaya niyo po 'yan, sali kayo para sa med department." ani ko bago sumubo ng pagkain, napatawa ito, "Lalampasuhin natin sila Haze, sila ang defending champion, eh." ani nito at pumalakpak kaming tatlo, "Tama, tama!" ani ni Faye, "Lampasuhin ang mga kalaban." ani ko at napatawa si kuya Xandro.
"Sige, baba muna ako, enjoy kayong tatlo." Paalam nito at nagba-bye na kami sa kaniya.
Ilang minuto kaming nanonood ng basketball nang biglang may mag message sa akin, nagulat ako dahil galing ito kay kuya Haze.
from: Alonzo Haziel
san ka?
to: Alonzo Haziel
Gym po, whyyy?
from: Alonzo Haziel
yung hoodie sana, nasa canteen ako ngayon
"Uhh..." Napatayo ako bago kinuha ang bag ko, "Pupunta lang ako ng canteen, hinihingi na kasi ni kuya Haze yung hoodie niya." ani ko at tumango ang dalawa bago nagpaalam sa kanila.
Pagdating ko sa canteen ay nakita ko si kuya Haze na nasa isang table, agad ko itong nilapitan, "Kuya, nasa dorm po kasi yung hoodie niyo, pwede po kaya na--"
"Tara, dala ko motor ko, kunin natin." Putol nito sa akin at napa-awang ang labi ko, "Sure po kayo? Need na need niyo na po ba?" tanong ko rito, tumayo ito mula sa pagkaka-upo at isinakbat ang kaniyang bag.
"Yep, sure ako." ani nito bago naglakad palayo kaya naman napahabol ako sa kaniya.
Pagdating namin sa tapat ng motor nito ay ini-abot niya sa akin ang helmet na lagi niyang pinapahiram.
"Yakap," ani nito pagkasakay ko, wait lang naman! Kaka-upo ko palang!
Ibinalot ko sa beywang niya ang kanan kong kamay, "Yung kabila, baka mahulog ka." ani nito at pati ang kaliwa ay ibinalot ko sa kaniya.
Tahimik lang kami buong biyahe papuntang dorm, medyo napapakapit ako nang mahigpit kay kuya kapag bumibilis ang takbo niya o di naman kaya ay kapag o-overtake ito nang alanganin.
Mabuti naman at nakarating ako ng buo sa dorm.
"Wala po kayong training?" tanong ko rito habang nasa loob kami ng elevator.
"Kakatapos lang," sagot niya at tumango ako, "Edi pagod na po kayo?" tanong ko at tumango siya, "Medyo, pero okay lang naman." sagot nito at tumango ako, muli kaming nabalot ng katahimikan. Hanggang sa nakarating kami sa tapat ng pinto, "Ay kuya, baka madumi po yung kwarto, pwede naman na dito nalang kayo sa labas." ani ko bago binuksan ang pinto, napakunot ang noo niya bago umiling, "Okay lang naman, gusto ko lang sana ng tubig at maki-upo." ani nito at tumango ako bago saka binuksan ang pinto.
Binuksan ko muna ang mga ilaw bago ikinuha si kuya Haze ng tubig.
"Here's your water, kuya, kukunin ko lang sa kwarto yung hoodie mo." ani ko bago ini-abot sa kaniya ang tubig,
Tumakbo ako papunta sa kwarto para kunin ang hoodie niya. Pagbalik ko sa sala ay nakita ko itong naglalakad-lakad, akala ko ba pagod 'to?
"Kuya," tawag ko rito at agad siyang napalingon, "Ito na po," ini-abot ko sa kaniya ang hoodie. "Thank you," Mahina nitong turan,
"Kamusta araw mo?" tanong nito bago muling naupo, napakamot ako sa buhok ko, "Pagod kuya, super, ikaw ba?" tanong ko rito at utay-utay itong tumango, "Pagod nga rin, eh, nakakagutom pa." sagot nito at tumango ako, "Balik kana sa kwarto niyo kuya, para makapagpahinga kana." Hindi naman sa tinataboy ko siya pero alam kong kailangan niyang magpahinga.
Napasandal ito sa sofa, "Uh... babalik kapa ba sa gym?" tanong nito at napatango ako, "Opo, kung aabot pa." sagot ko at utay-utay siyang tumango, "Gutom kana? Gutom na ako, tara magluluto?" Napakunot ang noo ko, napakaramdom naman niya!
"Sure ka kuya? Akala ko ba pagod kana? Bakit magluluto kapa?" tanong ko rito at napatawa siya bago napakamot sa ulo at tumayo.
"Therapy ko kasi ang pagluluto, it's like rest na rin. Para na rin may pagkain na rin kayong tatlo mamaya." ani nito at napabuntong hininga ako bago tumango, "Sige na nga," ani ko at napatawa ito bago tumango at tumayo na.
Nauna-una siya sa kusina namin na animo'y siya ang may-ari ng kwarto. Nagulat na rin ako dahil nagsarili siyang magsuot ng apron kaya napahilamos ako sa mukha ko.
"I'll move on my own na, ha? Just tell me if I'm doing something I shouldn't be doing." ani nito pagkatapos ilagay ang isang lutuan sa stove.
Napasandal ako sa counter at pinanood siyang magbukas ng mga cabinet para maghanap ng pasta. I watch as he cook charismatically. Yes, charismatically, mula sa paglakad niya, paggagayat, paghahalo. Ang lakas ng dating niya. Ang gwapo niya sa lahat ng ginagawa niya. Kahit nakatayo lang siya, napakagwapo pa rin niya.
Tahimik siya, hindi siya nagsasalita, but the atmosphere between us two is not awkward. It wasn't heavy, it wasn't bad, it was rather comforting. It was rather soothing and calming rather than making me feel like I couldn't breath properly like before.
Naka-upo na ako sa isang high chair at pinapanood pa rin siyang magluto, nakapatong ang ulo ko sa palad kong nakatuon sa counter nang kausapin ako ni kuya bigla.
"Sleepy na?" tanong nito at medyo nabuhay-buhayan ako, napatawa ako nang bahagya, "Medyo po, pagod lang." sagot ko at tumango ito.
"Cheerdance?" tanong niya habang naghahalo ng sauce ng carbonara.
Umiling ako at napahilamos sa mukha, "Hindi pa po, pero siguro sa mga schoolworks." sagot ko at nag-hum ito, "Mapapagod ka lang lalo sa pag che-cheer sa basketball." ani nito at napatawa ako,
"Hindi lang naman po yun doon, kuya. Yung cheerdance namin ay para doon sa competition mismo." sagot ko rito at utay-utay siyang tumango,
"So... hindi kana mag che-cheer ng basketball-"
"Siyempre mag che-cheer pa rin, sa lahat ng laban ng meds. Sport fest kaya ang pinakamasaya sa lahat ng events, tapos foundation day rin." Putol ko rito at tumango ulit ito, wala na siyang kasunod na sinabi na nanahimik na ulit kaming dalawa.
Napapatingin ako sa orasan at nakitang lampas 6pm na, hindi na ako makakabalik ng gym.
"Let's eat?" Napalingon ako kay kuya at nakita itong nagtatanggal na ng apron. Napansin ko rin ang ilang hibla ng buhok na nakadikit sa kaniyang noo dahil sa pawis.
"Ah... sige po, tara." Pag-aaya ko, tumayo na ako mula sa high chair at kumuha ng pinggan para sa aming dalawa.
Inihanda ko na ang lamesa habang siya naman ang naghanda ng pagkain.
Nilanghap ko ang amoy ng kaniyang niluluto, "Mhmm! Ang bango kuya Haze! Mukhang masarap!" Para akong bata na takam na takam, kanina ay hindi pa ako gaanong nagugutom pero ngayong nakahain na sa harap ko ang niluto niya ay nagutom ako bigla.
He chuckled, "Masarap talaga 'yan, go and try it na." ani nito at tumango ako, nauna na akong sumandok at tumayo naman ito mula sa pagkaka-upo.
"Ang sharap, kuya!" ani ko nang makatikim na ng luto niya, narinig ko itong tumawa mula sa may malayo, "Told you," sagot nito,
"Hey, Cass, ang dami niyong drinks, can I have some?" tanong nito, nilingon ko siya at nakita siyang nasa harap ng ref namin at nakabukas ito.
Napatawa ako nang bahagya, "Kahit alin kuya, ikaw bahala." sagot ko at nag-hum ito, maya-maya ay bumalik ito at may dalang isang beer.
"Ako rin, kuya! Kuha mo 'ko!" ani ko rito, umupo ito sa harap ko at pinagtaasan ako ng kilay, "Aren't you allergic to alcohol?" ani nito at napakunot ang noo ko, "Paano mo nalaman, kuya?" Taka kong tanong dito.
Napatawa siya bago sumimsim ng beer, "You told me, before, hindi mo na tanda?" tanong nito at ilang segundo ko siyang pinagmasdan bago umiling, "Nope, hindi na." sagot ko bago sumubo ng pagkain.
"Kaya please, makikikuha nalang po ako." ani ko at napatawa siya bago bumuntong hininga bago tumango at tumayo.
Ibinigay niya sa 'kin ang bukas na beer na agad kong ininom, "Thank you po." ani ko at nag-hum ito habang kumakain,
Nalingat ako sa oras at hindi napansin na gabi na pala. Nagulat nalang kami ni kuya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kasunod ang pagsigaw ni Faye.
"Hoy! Andrea Cassandra! Bakit hindi kana bumalik?!" Nagkagulatan kaming apat nang matagpuan nila kaming dalawa ni kuya Haze sa lamesa.
Agad napatakip ng bibig si Faye, "Hala, sorry po!" Parehas malaki ang mga mata ni Faye at Marga, gulat na gulat sa nakikita nila.
Narinig kong napatwa si kuya Haze bago tumayo, "Uh... una na ako, may gagawin pa pala ako." Pagpapaalam nito, nahihiya akong kumaway dito, "Bye po," Tahimik kaming tatlo na pinapanood siyang kunin ang kaniyang mga gamit pati na rin nag hoodie na dapat ay babawiin lang niya.
Kumaway pa ito sa aming tatlo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sa oras na sumara ang pinto ay bigla akong hinampas ni Faye sa braso.
"Hoy! What was that?! Ano yun?! Bakit kayo magkasama?!" Adilantada nitong tanong habang nagtatatalon sa tabi ko.
"Aray! Saglit! Wait! Ang sakit, ha!" Pagpapatigil ko rito, "Wait lang kasi!" Nag-ayos ako ng buhok,
"Diba nga dapat kukunin lang niya yung hoodie niya? Kaso... biglang nag-aya na magluluto, para raw may pagkain na tayo ngayong gabi." Paliwanag ko rito at nahulog ang panga ng dalawa,
"Paanong... nag-aya lang siya bigla na magluto? Ganun?!" tanong ni Faye at tumango ako, "Oo, yun lang," sagot ko at napangiwi si Faye,
"Pero anong ginawa niyo---"
"Nagluto! I mean siya lang, pinanood ko lang siya na magluto. Tapos kumain kaming dalawa." Putol ko agad dito,
Napakunot ang noo ni Marga, "Bakit ang defensive mo?" tanong nito at napakamot ako sa ulo,
"Eh kasi naman... baka kung anong isipin niyo." ani ko at napatawa ang dalawa, "I mean... if yung 'kung anong isipin' is... may nag g-grow na feelings sa inyong dalawa... why not diba?" Mapang-asar na turan ni Faye, napasinghal ako bago siya hinampas sa braso.
"Alam niyo, ewan ko sa inyong dalawa, kumain nalang tayo." ani ko bago kinuha silang dalawa ng pinggan para kumain.
Akala ko ay tapos na ang pagpapaliwanag ko pero mula sa pagkain hanggang sa pagtulog, nagtatanong pa rin silang dalawa tungkol sa nakita nila.
Kinabukasan ay hindi na ako dumiretso sa library kundi sa lugar kung saan kami mag pa-practice ng cheerdance. Isang bakanteng lugar lang ito sa may labas ng isang faculty ng profs. Nagsisimula palang naman kami at hindi pa namin kailangan ng malalaking space para sa formation.
Malapit nang mag tanghalian at busy kami sa pagsasayaw nang biglang dumating ang buong congress, BUONG congress. Silang walo, lahat, ay dumating sa lugar kung nasaan kami. Narinig ko pa ang ilang bulong-bulungan at pagtili ng mga kasamahan ko. Hindi ko naman na sila masisi, buong congress na ito.
"Focus guys, focus!" Pumalakpak ang isa naming senior, siguro ay nakakahalata na ang mga kasama ko ay natutulala sa congress.
Maski ako, dahil hindi ko agad nakita si kuya Haze dahil sa nagtatangkarang kuya Lorenzo, Howard at Edward. At nang makita ko ito ay parang nabuo na ang araw ko. Nawala na ang pagod ko at kaya ko na mag-practice hanggang gabi.
Pumasok ang ilan sa congress sa loob ng faculty na malapit sa amin. Habang si kuya Haze ay may kausap sa kaniyang cellphone. Ni hindi rin ito humaharap o lumilingon manlang sa gawi ko.
Pero kahit ganun ay okay lang sa 'kin, kahit hindi niya ako pansinin ay okay lang sa 'kin, basta ako ay nakikita siya.
Iyon nga lang ay madalang ko na siyang makita sa mga sumunod na araw. Naging busy na ako sa practice ng cheerdance habang ang balita ko kay kuya Haze ay minsan nasa training grounds, minsan nasa training ng basketball, o di naman kaya ay missing in action lang talaga at nagtatago yata.
Nakatapos nanaman kami ng isang araw na puro cheerdance, mag-iisang linggo na rin yata kaming nag pa-practice at masakit na ang mga parte ng katawan ko. Ginabi na kami sa practice at dahan-dahan ako kung maglakad sa lobby papunta ng elevator.
Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si kuya Haze sa harap ko at may hawak na Salonpas.
"You need this," ani nito at inabot ko ito, "Bakit po?" Taka kong tanong dito, napangisi ito, "Daig mo pa ang varsity player kung maglakad, akin na nga 'yang bag mo." ani nito bago inagaw sa 'kin ang backpack ko, medyo basa pa iyon ng pawis dahil idinikit ko sa katawan ko.
Hindi ko alam kung dahil sa pagod pero parang natatanga ako sa mga pinagsasabi at ginagawa ni kuya Haze.
Ilang segundo ko siyang pinagmasdan at nang mapalingon siya sa 'kin ay pinagtaasan niya ako ng kilay bago napatawa at napakamot sa batok.
He faced me and tilted his head a bit, as if he's examining me. I reached for my hair and fixed it a bit to at least make myself look presentable.
He then chuckled, "Take care, okay? Don't overwork yourself, I don't want you to get sick."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com