Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Rage

THEO'S POV

Sampo'ng taon ako nang unang masaksihan ko ang pambubugbog ng ama ko sa aking ina.

Kitang kita ng dalawang mata ko ang paglapat ng palad niya sa porcelanang pisngi ni Mom na ngayon ay pulang pula na.

Hindi lang iyon. Kinuha niya rin ang buhok nito saka hinila dahilan para dumausdos si Mom sa sahig.

Dinala ni Dad si Mom patungo sa kwarto nila habang hinihila niya ito mula sa buhok.

"Dad! Tama na!"

Kahit hindi pa ako ganoong nagkakaisip ay alam kong nasasaktan si Mom sa ginagawa niya. Pero wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Nang magsara na ang pinto ng kwarto nila ay doon ko na narinig ang mga hiyaw at daing ng ina ko.

Kalabog ng kwarto, ingay ng mga gamit na nagbabagsakan ang maririnig sa loob. Habang ako ay pilit na tinutulak ang pinto at gustong buksan iyon.

"Leon! T-Tama na... nasasaktan na ako..." rinig kong hikbi ni Mom.

"Tangina, Marissa! Ngayon pa ako maawa matapos kong makitang maghalikan kayo ng kumpare ko?!" boses iyon ni Dad at halatang galit siya.

Matinding kalabog ang narinig ko sa kabila habang kumakalabog din ang dibdib ko.

"L-Leon... mali ang iniisip mo!" sigaw ni Mom mula sa kabila.

"Anong mali? Mukha ba akong bulag, Ha?! Gago!" Isang matinding tunog ng paglapat ng palad ang narinig ko.

Ilang sandali nang marinig ko ang pagpunit ng damit. Saka sunod na mga hikbi at daing ni Mom kasabay ng mga yugyog sa kwarto.

"D-Dad... M-Mom..." Hindi ko man alam ang nangyayare pero batid kong ayaw ng aking ina ang mga nangyayari sa loob.

"Leon! Masakit!" hikbi niya, kasunod no'n ay ang sunod-sunod na garalgal ng kanyang pagdaing. "Ayuko na, Leon..."

"Anong ayaw mo na? Diba ito ang gusto mo? Ang kantot! Pakantot ka, 'di ba? Gusto mo ng tite? Bakit, ayaw mo ba sa tite ko ha?! Gusto mo sa kumpare ko? Tangina ka!"

Nang marinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa kwarto at patuloy na hikbi ni Mom ay saka lang ako tuluyang nanghina.

Nagpadaosdos ako sa pinto saka umiyak nang umiyak. Hanggang hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Labing anim na taong gulang na ako pero ang pang-aabuso ng aking ama ay hindi na nabago.

Oo at hindi na gaanong malala tulad noong dating bata pa ako, pero ganoon pa rin ang mga nangyayari.

Tuwing binubogbog ni Dad si Mom sa kwarto nila ay dinid na dinig ko pa rin. At ngayon ay naiiintindihan ko na ang mga nangyayari.

Seloso si Dad.

At ayaw niyang may humahalik kay Mom sa labi maliban sa kanya.

Malalim na rin ang galit ko kay Dad sa puntong ito.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na darating ang araw at ipaghihiganti ko ang mga pang-aabuso ginawa niya sa aking ina.

Sinisigurado ko 'yon.

Taong kasalukuyan nang makaalis ako sa saklaw ng pagiging teenager.

Nabawasan na ang mga gabing binubogbog ng aking ama ang aking ina... subalit hindi pa rin iyon nawala.

Sa mga tagpong ganito, tuwing natatapos gawin ni Dad ang pambubogbog niya kay Mom ay ginagahasa niya ito hanggang pareho silang makatulog.

Tuwing wala si Dad sa bahay at nasa trabaho siya ay doon lang ako nagkakaroon ng pagkakataon para aluhin ang aking ina.

"Mom, bakit hindi mo nalang iiwan si Dad?!" pinagsamang inis at galit na saad ko habang yakap ko si Mom sa kwarto nila. Kauuwi ko lang mula sa kolehiyo at agad kong niyakap ito. Ganito palagi ang tagpo naming dalawa.

"Mahal na mahal ko ang Dad mo, Theo. Hindi ko siya kayang iiwan," malungkot ang boses niya, ngunit batid kong buo ang loob niya sa sinabe niyang iyon.

"Pero, Mom! Hindi ka mahal ni Dad!" buwelta ko matapos kong kumawala sa yakap. "Kung mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan!"

Ilang beses na namin itong pinagtalunan, hindi ko na nga mabilang.

Ngumiti nang pilit si Mom saka nagpunas ng luha. "Ganoon lang magmahal ang Dad mo, anak. Huwag mo siyang pagdudahan. Saka 'wag mo akong alalahanin... 'yung studies mo ba kamusta?"

"Pero, Mom..." hindi ko sana gustong ibahin ang usapan. Pero siya na mismo ang naglipat nito.

"May singko ka ba?" natatawang tanong niya.

Bumuntong hininga nalang ako saka nagkwento ng buhay ko sa kolehiyo. Matapos iyon ay naligo na ako at nagbihis, si Mom naman ay naghanda ng hapunan.

Nang saktong alas singko nang hapon nang makauwi ang aking ama suot ang yuniporme niya.

Nasa sala kami ni Mom at nanunuod ng TV. Saktong pagbukas ng pinto nang pumasok si Dad at hinubad ang suot na helmet.

Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok nang tumayo na ako. Didiretso na sana paakyat sa kwarto, napatid lang ang aking hakbang nang pigilan niya ako.

"Theo! Wala ka talagang respeto, ano?" sigaw niya.

Nilingon ko lang siya saka tuluyang umakyat sa hagdan patungo sa ikalawang palapag.

"Theo!" sigaw niya ngunit hindi ko na pinansin.

Nasa kwarto na ako at nakahiga, nagbukas ako ng macbook para sana aliwin ang sarili. Naputol iyon nang kumatok si Dad sa pinto.

Ilang beses ko na siyang ini-report sa pulis, subalit walang nangyare.

Pamilya demonyo ang mga Razon. Kahit kabilang ako roon, ayaw ko sa pamilyang 'to.

Si Mom lang ang tanging anghel dahil maging ang pamilya niyang may alam sa pang-aabuso ni Dad ay walang mga pakialam, tikom ang bibig. Mga demonyo.

"Theodore, buksan mo 'to!"

Kahit ayuko mang gawin ay tumayo ako saka binuksan ang pinto. Naka boxer lang ako na itim maliban doon ay wala na.

Nang bumukas ang pinto, bumungad sa akin ang salubong niyang kilay.

Isang sampal ang natanggap ko.

Tiim-bagang na sinuri ko ang reaksyon niya. Inis siya sa inasal ko. Pero ganito na ako simula pa nakaraang linggo nang simulan kong magrebelde.

Pero ngayon niya lang ako sinampal. Ngayon pa lang niya ako sinampal!

"Wala ka nang modo!" singhal niya. Tutok na tutok ang kanyang atensyon sa aking pagkatao.

Ngumisi ako. "Kanino ba ako nagmana? 'Di ba sa 'yo?" pabalang na sagot ko.

Nakita ko ang pagdilim ng paningin niya, pumasok sa kwarto at isinara ang pinto bago iyon i-lock.

Doon nawala ang ngiti kong mapakla at napalitan ng takot.

Ano'ng gagawin niya? Bubugbogin niya rin ba ako tulad ng aking ina?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com