What Our Love Cost
Baon sa utang, walang tulog, walang kain, walang pera, wala pang jowa-'yan ang buhay ni Cairo, isang cardiologist. Nang mawala ang nanay niya at naglahong parang bula ang tatay niya, walang naiwan sa kaniya kundi ang milyon-milyong utang ng mga ito. Idagdag pa na nabuntis ang half-sister niya na kinailangan din niyang itaguyod at tumayong padre-de-pamilya nang wala sa oras. At sa kalagitnaan ng paghihirap at mga pagsubok ni Cairo, tama bang bumalik pa si Lukas? Ang ex-boyfriend niyang "kumalantari" sa ibang babae habang sila pa. Handa ba talaga siyang buksan ulit ang puso niya? O sa madaling salita-handa na ba talaga siyang piliin ang sarili niyang kaligayahan matapos ang ilang taong pagsasakripisyo? Lalo na kung alam nilang may makapangyarihang tao na tutol sa pagmamahalan nila.…