Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

01

Kabanata 1
Unang Pagtatagpo

GIO'S POV

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang unti-unting sumisilay sa aking paningin ang napakaganda at napakalaking mansyon na matatagpuan sa gitna ng malawak at malinis na bakuran.

Ang itim na marmol na bakod ay sobrang taas, na para bang naglalaman ito ng mga lihim na hindi basta-basta matutuklasan ng mga mata ng karaniwang tao.

"Salamat, manong..." bumaling ako sa tricycle driver na naghatid sa akin patungo sa King Cross Village. Malayo kasi ang lugar na ito mula sa syudad, kaya't kailangan ko pang sumakay ng tricycle para makapasok dito matapos bumaba sa bus sa terminal.

Nagmula ako sa kabilang bayan, na medyo may kalayuan sa destinasyon ko ngayon.

Isang saglit, naisip ko ang aking mga kapatid na laging magulo at ang mapagmahal kong ina sa aming maliit na bahay.

Pumasok sa isipan ko ang mga masasayang sandali kasama si Tito Rosen, ang asawa ni Mama, sa mga pag-inom at kwentuhan namin sa harap ng bahay.

Namutawi rin ang mukha ng girlfriend kong iniwan ko sa bayan, na nagbigay sa akin ng pangungulila. Nami-miss ko na ang kanyang malulusog na dibdib at ang halimuyak ng kanyang puke.

"Focus, Gio. Nandito ka na. Wala nang atrasan pa!" pinilit kong palakasin ang loob ko, saka ako tumingin sa mataas na tarangkahan ng mansyon. "Kaya mo 'to, boy! Hindi sila nangangain ng tao!"

Tumango ako sa sarili kong sinasabi upang magbigay ng lakas ng loob, saka ako humakbang patungo sa harapan ng gate.

Pansamantalang itiningala ko ang ulo ko upang mabasa ang mga letrang nakasulat sa itaas ng tarangkahang iyon:

𝑻𝒉𝒆 𝑫𝒆𝒎𝒂𝒖𝒓𝒚𝒔.

Humigop ako ng malalim na hininga at pinindot ang doorbell sa gilid.

Pagkaraan ng ilang sandali, bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang malawak na bakuran na mas malaki pa sa inaasahan ko. Ang tanawin ay malayo sa kung ano ang makikita kapag nakasara ang gate.

"Hello, ano'ng sadya ninyo?" tinanong ako ng isang lalaki na nasa trentas na ang edad, nakasuot ng uniporme ng pang-security at may malaking katawan.

Security guard lang ba talaga 'yan?

"Uhm, ako po 'yung nag-apply online sa inyo, sir, bilang bagong trabahador para mag-alaga sa mga kabayo," pakilala ko.

Umaliwalas ang mukha ng lalaki sa narinig. "Ikaw pala 'yan, Sir Gio Sandoval, tama?" tanong niya na may halong pagkabigla, na ikinatango ko. "Tara, pasok!"

Ngumiti ako nang malawak, pinilit na muling hilahin ang maleta na dala ko, at sumunod sa kanya papasok.

Ang ganda at linis ng paligid ay talagang kapansin-pansin. Ang mga pasilyo at corridor ay puno ng magagarbo at mamahaling materyales na mas lalo pang nagbigay sa akin ng pagkamangha.

Pagdating namin sa parking lot, bumungad sa akin ang anim na mga sasakyan na magarbo at tila may sariling kwento ng yaman. "Puta. Ang yaman!" nasabi ko sa sarili ko habang namamangha.

"Dito po tayo, sir..." sabi ng security guard, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Nang makarating kami sa magarbong pintuan ng mansyon, napansin ko ang dalawang bagong security guard na nakatayo sa magkabilang bahagi ng pinto.

Kanina pa ako nakakita ng mga tulad nila habang naglalakad kami papunta rito-mga nakasuot ng makapal na uniporme at naglalakad sa paligid.

Pinagbuksan kami ng isa sa kanila ng pinto. Nang bumukas iyon, tumambad sa akin ang isang lalaking nakahubad baro at nagmamartsa patungo sa amin.

"Nandito ka na pala!" bati niya na may ngiti sa labi.

Sinuri ko ang lalaking ito. Maaliwalas ang gupit ng kanyang buhok, may karisma at kagandahan na tiyak na nakakalaglag salawal ng mga kababaihan.

Ang edad niya ay tingin ko nasa mga kwarenta, ngunit ang kanyang katawan ay maayos ang pagkabuo, na tumatambad sa akin sa kasalukuyan.

"Gaston, pre," pakilala niya habang iniaabot ang kamay.

Nanlaki ang mga mata ko, nagmamadaling makipagkamay. Sinubukan kong laparan ang ngiti sa aking labi upang makapagbigay ng magandang unang impresyon.

Siya ang magiging boss ko at ang dahilan kung bakit ako nag-apply sa mansyon na ito.

"Gio Sandoval, sir!"

Ngumiti siya sa akin saka inakbayan ako. Nang gawin niya iyon, naamoy ko ang natural na amoy ng kanyang pagkalalaki.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting pangangasim dahil sa amoy na ito, na para bang may hindi akma sa aking nararamdaman.

Oo, ito ang mga amoy na nagustuhan ng mga dating nobya ko, maging ng bago kong nobya, lalo na tuwing magkatalik kami, pero para sa akin, ang amoy na ito ay tila hindi angkop at hindi ko matanggap. Nasusuka ako.

Kaya't minabuti ko na lang na magkunwaring hindi ako apektado at umaktong kalmado habang kami ay pumapasok sa mansyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com