Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-One

Cairo's POV

"Lux, kumpleto kana sa papers na kailangan sa application mo?" tanong ko kay Lukas habang papaakyat kami ng ramp.

Nag hum ito, "Oo, tinulungan ako ni Elora." sagot niya at tumango lang ako.

"Saan-- goodmorning sir."Bati ko nang makasalubong namin ang aming guidance councilor.

"So as I was saying, sa tingin, saang ospital ako mag internship? Los Baños o Makati?" tanong ko rito. Hindi ko siya narinig sumagot kaya nilingon ko ito.

Nagkibit-balikat ito, "Kahit saan, okay ako. May matutuluyan naman ako sa Los Baños kapag pupuntahan kita, sa Makati naman, malapit lang. " Sagot niya at tumango ako.

"Paano kung... mapalayo tayo sa isa't-isa?" tanong ko, nag-angat ito ng tingin at napakunot ang noo niya.

"Ano naman? Internship lang naman, tsaka, magkikita rin naman tayo after ng shift mo." Sagot niya at napatango ako.

"Kaya mo? Baka mapagod ka." tanong ko, tumigil ito sa paglalakad at maski ako ay napatigil.

Narinig ko itong suminghal, "Oo naman! Jusko! Trust me, Cairo! Tiwala lang, ako pa!" Bahagyang tumaas ang tono ng boses niya na medyo ikina-igtad ko.

Nakarating kami sa classroom na paroroonan namin. Pagpasok namin ay agad kaming pumunta sa gilid at doon ay naupo, magkatabi. Since malapit naman na ang graduation ay wala na kaming halos ginagawa. 

"Cairo!" Napa-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Athena.

Lumapit ito sa gawi ko at umupo sa harap ko. "So... tapos kana sa ginagawa mo?" tanong niya habang nakangiti pa ito.

Napabuntong hininga ako bago kinuha ang laptop ko at binuksan ito. Ipinakita ko sa kaniya ang ilang pages na report na matagal-tagal ko nang ginagawa.

Tumango-tango siya. "Salamat, patapos na ako, naghahanap lang ako ng motivation." ani niya na bahagya kong ikintawa bago tumango.

Umalis na siya at pinatay ko na ang laptop at itinabi ito. Aktong pag-angat ko ay tinapik ako ni Lukas sa balikat.

"Tingnan mo..." ani niya bago ini-abot sa akin ang cellphone niya.

Napakunot ang noo ko at kinuha ang cellphone mula sa kamay niya. "What the..." Nanlaki ang mata ko nang bahagya at napakunot ang noo ko.

"Genesis! Ano nanaman 'to!?" Singhal ko.

Nag-post si Genesis ng picture ng dalawang lalaking naghahalikan. Hindi ko alam kung deep kiss o peck lang ba ito, pero ang dalawang lalaki na iyon ay si Yago at Hades.

"Ano na kayang nangyayari sa kabila?" tanong ni Lukas. Utay-utay ko siyang tiningnan at nagkibit-balikat.

Nasa kabilang room kasi sila Yago at Hades. May prof din dito kaya hindi namin sila mapuntahan.

Pero malamang ay namomroblema na ang dalawa. Hindi naman kasi big deal kung may relasyon sila. Ang big deal ay 'yung picture. Iyon ang nakakabahala. Kahit sabihin na walang prof sa Facebook group na 'yon, makikita pa rin ng iba, ng mga alumni at mga lower years.

Nagsimula ang klase pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang picture. Malamang maski ang mga kaklase ko ay nakita na iyon. May mga kaklase kami na panay ang lingon sa gawi ko. Na siyang nakakapagpagkulo ng dugo ko.

Nang sumapit ang recess ay agad kaming napatakbo papunta ni Lukas sa kabilang room.

Wala na halos tao roon. Pero nang ilibot ko ang aking paningin ay doon ko nakita si Yago at Hades sa sulok.

Napatakbo ako sa kanila, "Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi kayo kumain?" Nag-aalala kong tanong. Napasandal ang ulo ni Yago sa cabinet habang ang ulo naman ni Hades ay nakasubsob sa tuhod niya.

"Ayaw na naming lumabas Cairo, pagtitinginan kami. Kanina nga nang i-post ni Genesis 'yung pictures halos lahat napatingin sa amin." sagot ni Yago, napasinghap ako bago tinabihan si Hades.

Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa likod niya at hinimas iyon.

"Nakakahiya Cai, nakita nila yun. Nakakahiya thobra. Ang daming nag-react at comment tha post. Ang dami rin nag-mention tha amin. Nakakahiya talaga thobra." ani ni Hades. Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Kung kami yun ay malamang ganito rin ang magiging reaksyon ko.

"Pero kumain kayo ng recess. Ako bahala, pagtinginan ka nila kung gusto nila, andito kami." ani ko, nag-angat ito ng ulo at doon ko nakita ang namumulang mata ni Hades sa kaka-iyak.

Lumunok ito, "Thige..." ani niya at tumayo kami.

"Ikaw ba Yago?" tanong ko kay Yago na naka-upo pa. Napa-iling ito bago napasaltik ng dila.

"Kailangan kong sumama." ani niya at tumayo. Lumabas na kami at may nakasalubong pa ang
mga kaklase nila.

Nang mapansin ko na pinagtitinginan nila ang dalawa ay sinamaan ko sila ng tingin.

Bumaba kami, nasa ramp palang kami ay agad kaming pinagtinginan ng mga nasa cafeteria. Humigpit ang hawak ko sa balikat ni Hades. Si Hades naman ay nanatiling nakatungo.

Nang tuluyan kaming makababa ay kumuha agad kami ng pagkain. Maski ako ay naiilang na sa mga tingin nila. Mga mapanlait na tingin. Pero madalas na galing iyon sa mga ibang years level. Dahil kung kapwa 4th year naman namin ay hindi naman ganoon kasamang makatingin.

Nakita na nila 'to sa prom month. Kaso nga lang ay hindi naman naghalikan sila Yago at Hades roon.

"Umakyat na agad tayo Cairo." Bulong ni Hades, tumango lang ako ay bumalik na kaming apat sa taas.

Nang matapos ang araw ay nagkita-kita kaming anim sa garden. Nauna sila Code at Grey dahil sinundo pa namin si Yago at Hades.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Code nang maupo kami sa damuhan.

"Nakita niyo naman na siguro diba?" ani ko at utay-utay tumango si Grey at Code.

"So... anong masasabi niyo?" tanong ko, humampas sa hita niya si Code at pumitik ng daliri.

"Patalsikin natin si Genesis." ani nito at napa-irap ako. Agad namang nahampas ni Grey si Code.

"Magseryoso ka." Saway ni Grey rito.

Nilingon ko si Hades na nakatitig sa kawalan. "Anong balak mo, Hades?" tanong ko, natikom niya ang bibig niya bago tumungo at nagkibit-balikat.

"Hindi ko na rin alam." Sagot niya at tumango lang ako.

"Ang ikinakatakot ko ay kapag nakarating sa mga magulang ko." ani niya, lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Nataranta ako nang biglang humikbi si Hades,  "Magagalit 'yon. Panigurado magagalit yun, baka bugbugi-"

"Hades no, 'wag mong isipin 'yan." Putol ko sa kaniya.

Alam ko 'yung pakiramdam na bugbugin ng sarili ng magulang. Alam ko yung pakiramdam at takot. Bata palang ako ay napapagbuhatan na ako ng kamay ng sarili kong ama. Hanggang n gayon ay andito pa rin yung takot at sakit sa tuwing bubugbugin ako.

"Magagalit thiya nang thobra, baka ikahiya na niya ako." Usal ni Hades habang umiiyak.

"Hindi naman siguro makakarating sa mga magulang yun." ani ni Code, sinusubukang pagaanin ang paligid.

Umiling si Hades. "Nakita ng mga lower year, tapoth thathabihin nila tha magulang nila. Tapoth 'yung magulang nila mag kwe-kwentuhan. Dadating tha mga magulang ko. Lagot ako." ani ni Hades at napabuntong hininga ako.

May point siya, ang bilis kumalat ng mga bali-balita ngayon. Mapa-chismis o anuman. Kaya hindi na rin ako magugulat kung malalaman ng magulang niya.

Pero dapat think positive!

"Hades... kung malaman man ng magulang mo. Andito kami, mga kaibigan mo." Pagpapatahan ko rito. Pinahid ni Hades ang luha niya at tumango.

"Paano kung palayathin ako? Ano nang mangyayari tha akin?" tanong ni Hades. Napasingap ako at nag-isip ng isasagot nang biglang magtaas ng kamay si Yago.

"Edi sa amin ka titira. I'm sure walang problema ang mga magulang at kapatid ko sa relasyon ko. Tuwang-tuwa pa nga si mama kapag nakakakita ng dalawang lalaki na mag-boyfriend. Ang cute raw, kaya I'm sure hindi natin problema ang magulang ko." ani ni Yago at napatango kaming lahat.

"Mabuti pa magpahinga na lang tayo. Mag re-ready pa ako para sa application ko." ani ni Lukas at tumayo ito.

Napatango ako at tumayo na rin. "Isa pa yun Hades. Dapat maganda ang maging performance natin dun. Dahil kung magalit man sila sa'yo o itakwil ka nila, at least hindi mo na po-problemahin ang internship mo." ani ko at tumango si Hades. Nagpahid ito ng luha niya bago magpatulong tumayo sa akin.

"Sige na, bye!" ani ko at naghiwa-hiwalay na kami paglabas ng gate ng garden. May sundo si Grey habang ako ay commute nalang.




Hades' POV
Bawat araw na dumadaan ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. Uuwi ako sa bahay sa Weekend. Isang araw na rin ang nakalipas nang huling beses akong nakatanggap ng tawag kila papa.

Paano kung pag-uwi ko naka-impake na ang mga gamit ko? Paano kung pagdating ko papalayasin agad ako? Paano kung pagdating ko suntok ang sumalubong sa akin?

"'Wag mo na nga masyadong isipin 'yon." Napaigtad ako nang bigla akong akbayan ni Yago.

Agad ko namang inalis ang braso niya sa balikat ko. "'Wag Yago, nakakahiya." ani ko, napakunot ang noo niya.

"Ginagawa naman natin dati yun ah?" ani niya, napayapos ako sa sarili ko at napatingin sa paligid. At nakita ang ilang mga tingin sa amin na ilang araw na naming nararanasan.

"Iba na ngayon, Yago." ani ko at tumango-tango siya.

"Sige, naiintindihan ko." ani niya,

Kumuha kami ng pagkain at tahimik na kumain sa isang tabi, "Diba uuwi ka bukas?" tanong niya at tumango ako.

Napa-igtad kami pareho nang tumunog ang cellphone ko. Halos mamutla ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Wait lang." ani ko at dinampot ang cellphone ko bago tumayo at pumunta sa pinaka-malapit ni banyo.

Doon ay sinagot ko ang tawag. Walang nagsasalita, hinga lang ang naririnig ko na mas lalong nagpa kaba sa akin.

[Bata...] nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang nakakatakot na boses ng tatay ko.

[Umuwi ka dito mamaya, isama mo 'yang lalaki mo.] 'Yun lang, 'yun lang ang sinabi ni papa bago pinatay ang tawag.

Agad namuo ang mga luha sa mata ko. Lumabas ako ng banyo at bumalik sa table namin ni Yago. Mabuti nalang ay tapos na siyang kumain at maski ako.

Agad ko siyang inakit sa classroom at nang makarating kami ay agad ko siyang hinigit sa gilid.

Doon ay bumagsak ang mga luha ko. "Alam na nila Yago... alam na nila." Napatakip ako sa mukha ko nang hindi ko na mapigilan ang mga luha ko, mabuti nalang at kami palang ang tao dito. Wala pang makakarinig sa pinag-uusapan namin.

Naramdaman ko ang mga braso niya na niyakap ako. Ang kamay niya na hinahagod ang likod ko habang ako naman ay umiiyak lang sa balikat niya.

"Ssh~ sasamahan kita, okay?" Tanong niya at tumango ako.

"Pinapathama ka talaga ni ama." ani ko at tumango lang siya. Idiniin niya ang ulo ko sa balikat niya ay doon ay muli akong umiyak.

"Kasama mo ako, hindi kita papabayaan na harapin sila mag-isa." Malambing niyang turan at tumango ako.

Natapos ang aming mga klase at uwian na. Alam na nila Cairo at Lukas, Grey at Code na uuwi ako. At alam narin nila na nalaman na ni papa.

Bakas na bakas sa mukha ni Cairo ang pag-aalala. Pero sinabihan ko sila na magiging ayos din ito. Na 'wag na silang mag-alala. Tanggap ko na, tanggap ko na agad ang kung ano mang mangyayari mamaya. Matanda na ako, malapit na ako magkatrabaho, hindi na ako bata. Kaya ko 'to.

Lumabas na kami ni Yago ng gate ng school. Dala -dala namin ang ilan sa mga gamit namin. Kasama na rin ang mga papeles para sa pag a-apply-an ko na kumpanya.

Pumara kami ng bus at sumakay na. Halos tatlong oras lang naman ang biyahe. Kaya medyo madilim na nang makarating kami.

Nag-paaalam si Yago sa magulang niya na sasamahan niya ako. Ang nakakagaan ng loob ay nang sabihin ni Yago na boyfriend niya ako at halos hindi manlang nagreact ng masama ang magulang at mga kapatid niya.

Parang normal lang, walang galit o kahit anong bahid ng sama ng loob.

"Ready?" tanong ni Yago. Huminga ako nang malalim bago naglakad papalapit sa bahay. Nang makarating kami sa harap ay agad kong nakita si papa sa bintana.

Para tuloy akong kinapos ng hininga. Binuksan ko ang gate at pinapasok si Yago. Isinara ko rin ang gate bago naglalakad kami papalapit ng pinto.

Pagbukas na bukas ko ng pinto ay nasalubong agad ako ng yakap.

Ng ate ko, si ate Ella.

"Kumusta Hades? Hindi ka ba nila inaaway? Alam kong mahirap, kasama mo ako." ani niya at doon ay tumulo ang mga luha ko.

Si ate Ella, bisexual din siya. Na-alala ko nang malaman 'yun nila papa ay nagmatigas si ate at pinaglaban ang kasarian niya hanggang sa sumuko sila papa. Pero ako, wala akong lakas na lumaban.

Bumitaw sa yakap si ate, "Kaya mo 'yan, nangyari na rin sa akin 'to. Kakayanin mo rin, okay? Paglaban mo kung sinong mahal mo." ani ni ate bago tiningnan si Yago, tumango ako.

Tumingin ako kay papa na nakapameywang at tinitingnan lang kami. "Maupo kayo." Ma-awtridad nitong turan.

Huminga ako nang malalim at tumango. Inakit ko Yago sa may sofa. "Halika." ani ko at sumunod siya.

Naupo kami sa harap ni papa. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking hita at hinihintay nalang ang sermon nito.

Hanggang sa narinig ko itong suminghap. "Saan ba ako nagkulang, iisa-isa kitang anak na lalaki. Tapos, ganito?! Malalaman ko nalang, lalaki rin ang gusto mo?! Hades naman! Ano bang nangyayari sa 'yo?! Sinong nag-impluwensya sa'yo ng ganito?! Sinong nagsabi sa'yo na tama ang ginagawa mo?" sigaw ni papa. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

"Pa... wala pong nag impluwenthya tha akin. Ako po, tharili ko, putho ko ang nagthabi na ganito ako. Na lalaki rin ang gutho ko." sagot ko, napahilamos si papa sa mukha.

"Anak ng--! Talaga naman! Sigurado kana ba d'yan Hades? Ayaw mo sa babae? Ha?!" tanong ni papa at tumango ako.

Iginapang ko ang kamay ko sa kamay ni Yago. At doon ay pinagkabit ang dalawa. "Opo pa... thigurado na po ako. Lalaki po ang gutho ko. Hindi babae, lalaki po. At ang lalaking iyon ay ang katabi ko." ani ko bago tiningnan si Yago ay binigyan ito ng ngiti.

Muli akong nagbaling ng tingin kay papa na pinagmamasdan lang kami.

Napabuntong hininga ito. "Ano pa nga ba, ayaw ko nang magkagulo pa tayo. Hahayaan ko nalang kayong dalawa." ani ni papa at nanlaki ang mata ko.

Umalis si ama sa harap namin para pumunta sa kusina at doon ay napatayo ako at nagtatalon.

"Yago! Narinig mo 'yon?! Hindi ako pinalayath! Hindi ako binugbog!" ani ko habang may mga luhang pumpatak galing sa mata ko.

Napangiti si Yago bago ako niyakap "Sabi ko naman sa'yo eh." ani niya at natahan na ako.

"Hades, dito mo na pakainin ang kasama mo." Agad kaming kumalas ni Yago sa yakap at sumunod kay ina sa hapag.

Kumain kami nang tahimik sa simula hanggang sa nagsimulang mag tanong si papa kay Yago.

"Engineering ang kinuha mong kurso? Tapos balita ko nagbokalista ka sa unibersidad ninyo?" tanong ni ama, nilingon ko si Yago at tumango ito.

"Yes po tito." sagot ni Yago.

"Hindi ka nahirapan? Ang alam ko ay mahirap ang engineering." tanong ni ama at umiling si Yago.

"Hindi po tito, ayos lang naman po." sagot ni Yago.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos ay inutusan ako ni papa na ihatid si Yago sa labas, ayaw itong patulugin sa bahay. Nagpaalam na kami sa isa't isa at sumakay na siya ng tricycle para umuwi sa kanila.

Kinabukasan ay napagkasunduan namin na magkita para maghanda para sa interview. Sa bahay nalang kami nag-aral. Pinamiryenda pa kami ni ina at hindi na ako kinakabahan. Magaan na ang loob ko.

Wala na akong problema. Wala nang gugulo sa isip ko.

Gusto ko na rin sabihin sa kanila ng personal. Na legal na kami ni Yago sa magulang namin at wala nang dapat isipin pa.



------

a/n: ayun HAHAHA sorry medyo walang balita sa akin these past days, busy eh, sorry, pero patapos na rin naman 'to hehehehe, mention errors mga ate ko 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com