Chapter Thirty-One
Hades's POV
"Yago, parang tanga, ayaw ko nga!" sagot ko kay Yago sa kabilang linya, Thursday ngayon at sa susunod na lunes ay pasukan nanaman. Kaya siya itong nag-aayang gumala. Eh diba nga, pinagbawalan na akong makipag kita sa kaniya?
[Naman eh! Pasukan na sa lunes, balik nanaman sa dating gawi.] Malungkot niyang turan sa kabilang linya.
"Oh, 'yon naman pala, eh. Hindi ba masth maganda 'yon? Kasthi lagi tayong magkikita stha?" turan ko, idagdag mo pa na magkasama kami sa iisang dorm, mas madalas kami magita. Tapos lagi pa kaming magkakasama ng mga tropa namin sa veranda. Wala doon ang mga chismosa namin na kapit-bahay kaya mas mabuti kung doon nalang kaming mag-uusap.
[Naman, Hades, tagal-tagal na kitang inaaya. Lagi nalang ayaw mo.] Pag mamaktol nito, simula nang sabihan ako ni ina na 'wag munang makipagkita sa kaniya ay talagang hindi ako nakikipagkita. Pero nag-uusap kami, hindi nga lang niya alam na kailangan ko siyang iwasan. Pero wala namang nakakarinig sa amin kapag nag-uusap kami kaya ayos lang.
[Bakit ba ayaw mong lumabas? Ayaw mo mainitan? Ayaw mo makipag salamuha sa tao? May naka-away ka? May iiniwasan ka...?] Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at nilaro ang mga daliri ko.
Tama siya, may inaawasan ako at hindi niya alam na ang iniiwasan ko ay siya. Mahirap kasi, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o hindi. Baka kasi magtmpo siya? O di naman kaya ay mag-iba na ang pakikitungo niya sa akin kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ayaw kong gumala kasama siya.
[Uy, Hades? Andiyan ka pa ba?] Natauhan nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Ah oo... nag sthpace out lang ako." sagot ko sa kaniya at narinig ko siyang humalinghing.
[Hindi mo pa sinasagot tanong ko, bakit ba ayaw mo gumala? Hindi na kita pipilitin, sagutin mo lang 'yong tanong ko.] tanong niya ulit at muli akong nawalan ng isasagot. Nangangapa ako ng tamang salita na isasagot sa kaniya pero parang hindi abot ng kokote ko ang humanap ng akmang salita.
"Ah ano kasthi... bastha! May ano, may pangit kasing tindero doon stha pinuntahan natin dati, na-iinisth ako." ani ko at narinig ko naman ang malakas na paghagalpak ng tawa ni Yago.
[Iyon lang pala!? HAHAHAHA! Hades grabe, 'yon lang pala- ah alam ko na!] Bakas sa boses niya ang saya at galak.
"Ano?" taka kong tanong at sumandal sa headboard ng kama. Mukhang may binabalak
[Ako nalang ang pupunta d'yan, ma dadala ako ng mga CD mula dito sa bahay, movie marathon nalang. Tapos magdadala na rin ako ng miryenda, 'yan ha! Baka naman ayaw mo pa.] Masaya niyang turan sa kabilang linya, napangiti ako dahil sa naiisip kong reaksyon niya ngayon. Malamang ay nakangiti Ito ng abot sa tainga niya.
"Ah ano, kasthi... mag papaalam muna ako okay?" Nag-aalinlangan kong turan,
[Sige, tawag nalang ulit ako.] Paalam niya,
"Ah hindi, ako nalang tatawag, pwede?" tanong ko, bahagyang napakagat sa aking kuko sa daliri.
[Sige, bye!] sagot nito,
"Bye." Nang patayin ko ang tawag ay napabuntong hininga ako. Paano ba 'to? Paano ko tatanungin si ina? Paano ako magpapa-alam?
Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto para puntahan si mama na nasa kusina. Ito namang si Ate Alexa ay nasa sofa lang gamit ang cellphone niya pero buhay ang TV.
Napa-irap ako nang lagpasan ko siya at nagtungo naman sa kusina. Doon ay nakita ko si ina na gamit lang din ang cellphone niya.
"'Na?" Tawag ko, nag-angat siya ng tingin at nang makita ako ay agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.
"Oh, bakit bunsuan? May kailangan ka?" tanong niya na may ngiti sa mga labi. Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko kung kakabahan ba ako o malulungkot dahil alam kong kapag mag paalam na ako ay mawawala na ang mga ngiting iyon sa labi niya.
"Ano po kasthi ina... uhm, 'yong kaklasthe ko po kasthi, pupunta raw dito. Magdadala sthiya ng mga panoorin tsaka miryenda, mag papaalam po sthana ako kung pwede dito nalang kami tumambay?" Na-iilang kong tanong, ang ngiti naman sa mga labi ni ina ay nabawasan pero hindi nawala.
"Pwede naman, sino ba 'yang kaklase mo na .yan?" May namuo nanamang kaba sa akin.
"Sthi... sthi Yago po, pero ina... ano po, hindi kami lalabasth. Hindi rin kami magpapakita stha mga kapit-bahay, dito lang po kami stha loob, matagal na po kasthi sthiya nag-aaya lumabasth pero lahat ng pag-aaya niya ay tinatanggihan ko. Eh, malapit na po kasthi ang pasthukan baka pwedeng payagan niyo na po ako?" Mahaba kong paliwanag, si ina naman ay tinanggal ang salamin niyang suot.
"Sige payag ako anak--" Mapapatalon na sana ako sa saya nang dagdagan niya ang sinabi niya.
"Pero, mag-paalam ka muna kay ama mo." Nahulog ang panga ko sa tinuran ni ina,
"Pero ina, baka hindi pumayag sthi ama, tsaka nastha baranggay hall sthiya, eh." Pagmamaktol ko,
"Edi tawagan mo," sagot ni ina at wala na akong ibang nagawa kundi sumunod.
Baka kasi mag-bago pa ang isip. Mabuti na rin 'yong may masasabi ako kay ama na pumayag na si ina para mas malaki ang chance na payagan niya rin ako.
Bumalik ako ng kwarto at tinawagan si ama. Ilang beses nag ring ang cellphone nito bago siya sumagot.
[Hello? Badong, bakit?!] Matigas na tanong ni ama na sandali kong ikinatawa. Masyado naman siyang hagas, tuwing may tatawag sa kaniya, parang laging may isusugod sa ospital.
"Ah ano kasthi ama, 'yong kaklasthe ko, sthi Yago, pupunta raw dito stha bahay para manuod ng pelikula. Ay hindi naman po kami magpapakita stha mga kapit-bahay, pwede po ba ama?" tanong ko, pumayag ka please!
[Ay sige ba, basta 'wag niyo guluhin ang bahay.] Nanlaki ang mata ko sa sagot ni ama.
"Sthalamat ama, sthige po sthalamat talaga!" Pagkapatay ko ng tawag kay ama ay agad kong tinawagan si Yago para sabihin na pinayagan kami.
[Hello? Pumayag ba sila tita?] tanong agad niya at nagpigil akong mapasigaw.
"Oo! Pumayag sthila ama at ina. Bastha ganito nalang, pagpunta mo rito mag sthumbrero ka at mag masthk ka, ha?" ani ko at hindi kaagad siya sumagot.
[Huh? Bakit naman? Wala naman akong sakit.] ani niya at saka ko lang napagtanto ang nasabi ko., masyado naman akong praning.
Buti nalang ay hindi ako nadulas at nasabing 'wag mag magpapakita sa mga kapit-bahay namin.
"Ah bastha! Para pati kapag bibili ka ng miryenda ay hindi ka maka sthanghap ng alikabok o usthok, okay? Tsaka ano nga pala, uhm... bili ka ng ithe cream... pleasthe." turan ko at narinig ko siyang mag 'hmm' sa kabilang linya.
[Sige sige... bibili ako... see you later.] ani niya at napangiti ako.
"Byee!" sagot ko at ibinaba ang cellphone ko at napatingin sa orasan. Ala una ng hapon, tamang tama para sa ice cream.
A/n:
Donate braincells please, exams week na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com