Chapter Thirty-Three
Hades's POV
"Hades, kumpleto na ba 'yang mga gamit mo? Wala nang naiwan, anak?" tanong ni ina sa akin, ako naman itong tumango lang pero hindi nakatingin sa kaniyang gawi.
Napahagikhik ako nang mabasa ko ang mga pinagsasabi ng mga kaklase ko sa group chat namin, ang kukulit! Parang wala sa kolehiyo!
Lora_kyot:
Excited na akong bumalik sa dorm!!!!
Metamorphosis:
Oo nga! Sana magkatabi ulit tayo!
Anastasia Cute:
Balik nanaman sa dating gawi na maaga ang gising😔
Natawa ako sa chat ni Anastasia, bakit kasi ang aaga nila gumising sa dorm? Sus! Kami nga ni Yago noon aksidenteng gumising ng 6:30am. Medyo puyat kasi kami noong mga oras na iyon, nagkwentuhan pa kami kaya hindi agad nakatulog.
"Hades, tara na! Ano tutunganga ka nalang d'yan? Ako mag aaral doon!" Pag-tataray ni Ate Alexa, napa-ismid ako bago umirap at ibinaba na ang hawak kong cellphone.
"Para naman ang matalino ka para maka pathok doon." Pagtataray ko pabalik at tumayo na, dumiretso ako sa inarkila ni ama na jeep.
Wala akong ginawa buong biyahe kundi mag-cellphone. Ilang minuto natutulog pero cellphone talaga.
to Yago🐵💙:
Pabalik kana sa dorm? Nasaan na kayo?
Message ko kay Yago, ipinatong ko ang cellphone ko sa hita at napabuga ng hangin. Nang tumunog ang cellphone ko ay agad ko itong tiningnan, pag-aakala na si Yago ito.
Pero laking pagkadismaya ko nang sa group chat pala iyon at wala naman akong mapapala sa message na 'yon.
Muli kong tiningnan ang message box namin ni Yago. Ilang araw nang ganito, hindi manlang siya sumasagot? Or seen? May mga ilang message na rin ako sa kaniyang ni-send pero hindi manlang niya magawang basahin o tingnan?
'Baka busy, siguro noong mga nakaraang araw ay nag-iimpake rin sila.'
Sabi ko sa sarili ko at pinagaan ang kalooban ko, kakausapin ko na lamang siya sa dorm. Mas mabuti 'yon at personal. Mas malaya kaming makakapag usap sa dorm. Walang mga chismosang kapit-bahay at walang pake ang mga seniors namin kung magkulitan kami sa veranda ng dorm o di naman kaya ay sa mismong kwarto ng dorm.
Pero ano bang pinoproblema ko? Wala naman dapat akong ika-problema. Tsaka ano naman kung hindi siya mag chat diba? Wala naman siyang obligasyon na mag chat sa akin. Ako na nga itong nangungulit diba? Wala naman ibig sabihin ang lahat, diba?
Diba Hades? Hindi ka naman nasasaktan?
Napangiti ako nang mapait. Sinong niloloko ko?
Lintik Yago, ano nanaman 'to? Ano nanamang ginagawa mo sa akin? Bakit ka ganito? Bakit biglang matapos natin magkita ay hindi kana nagparamdam ulit. Bakit mo ba ipinapadama sa akin ang ganitong pakiramdam? Hindi ko maipaliwanag, napakagulo! Nakakalito! Nakakasira ng ulo!
"Ama, thandali lang po may papapirmahan pa ako." Muntik pa akang mailampas ni ama sa may guard house kung saan ay may papapirmahan pa ako na dorm pass.
Bumaba ako ng jeep at pinapirmahan ang dorm pass ko, proud ako sa sarili sa parte na hindi ko naiwala ito. Kung hindi ay sa pagbalik ko sa dorm demerit agad ako. Parang ang sama naman kung ganun, diba? Kakabalik ko palang sa dorm pero demerit agad?
"Okay na?" tanong ni ama nang makapanhik ako pabalik ng jeep, ngumiti ako at tumango.
Nagsibabaan na kami nila ate at tulong-tulong na ibinaba ang mga gamit ko. Pumasok ako sa loob ng dorm at muling nag papirma.
"Wow ang aga naman ni utoy!" ani ng nanay guard namin at ngumiti ako.
"Meron na po bang ibang dumating?" tanong ko sa nanay guard,
"Ah oo! May ibang higher year na lalaki na sa taas." sagot ng nanay guard at tumango ako.
"Morning po..." Bati ko sa matron na mas sanay namin tawagin na 'nanay'.
"Morning, utoy!" Bati niya pabalik at pinirmahan na ang dorm pass ko.
Hindi naman na talaga umaga, mag lu-lunch na nga, eh. Pero kung ikukumpara sa iba noong unang dating ko dito sa dorm, halos 7PM na nang dumating ang iba. Talagang maagap ang dating ko ngayon.
"'Ma, patulong lang po ako mag dala ng gamit." ani ko sa nanay namin at tumango ito.
Bawal kasing umakyat ang magulang or guardian sa taas pero kapag mga ganito, 'yong bagong pasukan or after sem break or Christmas break. Pwedeng magpatulong mag dala ng gamit.
Umakyat na kami at isa isang may dala ng gamit ko. Sila Ate Mikee at Ella ay hindi pumasok sa mismong dorm kasi nahihiya sila at may mga lalaki.
Pero si Ate Alexa ay sigeng pasok, walanghiya talaga! Hindi man lang nahiya sa ibang year levels. Paniguradong kukursunadahin lang niya ang mga ito.
Pumasok na kami, kagaya noong isang taon ay room B ako dahil V and first letter ng surname ko, hinanap namin ang bed ko at natagpuan ito sa may gitnang parte, mukhang kailangan kong masanay na mainit at mukhang hindi naman ako abot ng electric fan doon.
Inilagay na namin ang mga storage box ko sa ilalim ng bed ko, buti nalang at ang bed ko ay kahoy na pwedeng malagyan ng gamit sa ilalim.
"Hades, pumili kana ng locker mo." ani ni ina na nasa lockers na bit-bit ang plantsado ko na mga damit.
Nang makapili ako at naayos na nang tuluyan ang gamit ko ay bumaba ulit kami, iyong snack box ko sa snack area ay ayos na rin. Ang pang lunch at dinner ko ay nakatabi na rin.
"Hades, anak, mag-iingat dito, ha? 'Wag papagurin ang sarili, mag-aral nang mabuti, okay?" ani ni ina at tumango ako, hinalikan ako nito sa noo at si ama naman ay hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko.
Sumkaay na sila pabalik ng jeep at kalaunan ay umalis na, naiwan na ako rito. Anong gagawin ko sa taas? Eh, wala pa akong kaklase, paniguradong mamayang mga alas tres pa ang nga iyon dadating.
"Nanay, tha garden lang po ako." Paalam ko at tumango si nanay.
Naglakad ako patungong garden, na miss ko 'to. Itong garden na ito na lagi naming pinagtatambayan nila Yago at Rive kasama ang iba pa naming ka-tropa.
Nagtungo ako sa may mga tanim na halaman. Halos wala ng mga bunga o bulaklak iyon, siguro'y pinuti na kaya wala na. Ang lalaki na ng iba at ang iba naman ay namatay.
May nahanap akong kaunting tubig at diniligan ang akin. Hindi na ito ganoon kaganda pero baka sakaling gumanda at lumusog ulit.
Nang magsawa ako sa garden ay bumalik na ako ng dorm at umakyat. Agad akong nagtanggal ng sapatos at ibinagsak ang sarili ko sa kama.
Saan na kaya si Yago? Ibig kong sabihin ay ang bed niya? Hindi ko kasi mga kilala ang katabi ng bed ko. Kinuha ko ang tsinelas ko sa ilalim ay naglakad-lakad.
May mag higher years kasi akong kilala na pero medyo napalayo sila sa akin. Paniguradong mga bagong first year ang katabi ko. Maiingay ang mga 'yon panigurado!
"Ang layo naman..." Bulong ko nang mahanap ko na ang bed ni Yago. Tatlong bed ang pagitan namin kasama pa ang sa gitna ng dorm.
Bumalik ako sa bed ko at nag-cellphone nalang. Pero hindi na ako nagtagal at nakatulog din dahil sa pagod s abiyahe at pagod sa pag-aayos ng gamit.
Nagising ako sa hindi maipaliwanag na init. Doon ko lang napagtanto na tanghali na pala. Bumangon ako at nagtungo sa baba para kumain.
Kinuha ko ang pagkain ko at umupo sa table sa baba. May mga table kasi dito kung saan pwede kang kumain, pero malas mo kung may naka-upo na.
Kumain ako at nag cellphone ng sabay kaya ako natagalan kumain. Nang matapos ako ay uminom ako ng tubig at nagpaalam kila nanay na mag huhugas lang ako ng baunan sa faculty malapit sa dorm.
Nang pumasok ako ay laking gulat ko nang may prof pala doon.
"Good afternoon po sir..." bati ko at tumango lang ang prof.
Naghugas ako at lumabas na ulit, 'yong prof na 'yon. May chance na prof namin ngayong taon. Random kasi ang pagpili, kaya may possibility na iong mga kaklase ko noong first year ay hindi ko na kaklase ngayon.
Pumanhik ako pataas at nahiga sa kama, dumadami naman kami dito. May first year na nga sa tabi ko pero hindi kami nag-uusap. Mataas pride ko bakit ba?
Lumipas ang oras at may mga second year na mga dumating. Maski nga si Elora ay nakita kong umakyat na sa third floor.
Marami na rin ang nag cha-chat sa group chat na nasa dorm na daw sila.
"Hades!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Renz.
"Renth!" singaw kong tawag sa kaniya.
"Na-mith kita grabe!" Para kaming mga bata, napatalon kami nang makita namin ang isa't-isa
"Thino-thino na ang nga natha A?" tanong ko, nalang nasa room A siya 'Amilton' diba?
"Uhm... sila Code, tapos iyong nasa other section last year na basketball player, sino nga siya? Si ano...-
"Lux? Pinthan ni Elora?" ani ko at tumango siya.
"Hala Hades! Nagiging worse 'yong pagkasingaw mo sa 'S'" ani ni Renz at napatakip pa sa bibig ang kamay niya.
"Eh? Grabe naman, okay pa to noong isthang araw." ani ko at lumaki ang mata niya.
"Ayan bumalik na ulit." Masaya niyang sabi at nagtaka ako.
"Alin? 'Yong thingaw ko?" tanong ko at bumagsak ang ekspresyon niya.
"Hindi kasi! Ganito, noon ang pronunciations mo kasi ay may kaunti pang 's', like sthana all." Panggagaya niya sa singaw ko.
"Pero kanina wala na 'yong 's' parang, thana all nalang." ani niya at tumango ako.
"Hayaan mo na wala na tayong magagawa." ani ko at tumango siya.
Bumalik na siya ng room at naiwan nanaman akong mag-isa.
Nabuhayan ako ng dugo nang makita ko si Yago na pumasok kasama ang tatay niya. Hindi muna ako lumapit at hinayaan silang mag-ayos. Pero deep inside me ay gusto ko na talaga siyang kausapin a puntahan.
Nang matapos sila ay umalis na ang tatay niya ay saka ako tumakbo papunta sa kaniya, sobrang laki ng ngiti sa labi ko nang makaupo ako sa tabi ng kama niya habang siya naman itong nag ce-cellphone.
"Huy!" ani ko at hindi siya nag-angat ng tingin pero tumango.
"Huy, Yago! Bakit hindi ka nagrerelpy tha mga chat ko?" tanong ko at umiling siya na animo'y ayaw talaga niya
"Huy! Ano ba-"
"Kakain lang ako sa baba, Hades." ani niya at tumayo, tumingin ako sa phone ko para tingnan ang oras... 6pm... mag di-dinner na rin ako.
Bumaba ako at kinuha ang dinner ko, nakita ko sila Yago kasama si Code at Lux na tawang-tawa. Gusto ko silang samahan kaso parang ayoko na rin, parang hindi ako belong sa kanila sa nga oras na 'to. Ako na ang nakakaramdam na ayaw nilang makasama ako.
Mabilis lang ang pagkain ko, hindi na ako nagpatagal-tagal pa.
Kumakain pa rin sila Yago kaya umakyat na ako para maglinis ng katawan. Kumuha ako ng pantulog at pumasok na sa isang cubicle sa banyo.
Sa gitna ng paglilinis ko narinig kong may pumasok sa kabilang cubicle pero hinayaan ko na.
Natapos akong maglinis at lumabas, inaayos ko ang nga gamit ko panligo at isinabit ang towel ko. Nagulat ko nang bumukas ang pinto ng cubicle sa tapat ko at lumabas si Yago doon na may blankong ekspresyon.
Nakasabit ang towel niya sa balikat, nilampasan niya ako at ipinatong sa sink ang lagayan niya ng sabon bago lumabas.
Lumabas na rin ako at inayos ang hinubad ko, sinubukan ko siyang puntahan pero umalis siya dahilan na magkasalubong kami pero hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang na parang wala ako doon.
Hinabol ko siya, pero hindi ko tinawag. Hindi ako nagparamdam at hindi ako nagpakita na hinabol ko siya, nakita ko siyang pumasok ng room A. Malamang ay pinuntahan niya si Code at Lux. Hindi na ako pumasok at bumalik nalang sa B.
Lumipas ang ilang oras at malapit nang mag 8pm. Bumalik si Yago ng room B at nagtungo sa bed niya. Blankong-blanko lang ang ekspresyon niya. Parang walang ka buhay-buhay? Bakit ganon? May sakit ba siya? May masama ba siyang nararamdaman? Na-iinis ba siya? Kinakabahan ba siya? Galit ba siya?
Hindi ko na kinaya ang mga katanungan sa isip ko at pumunta sa kaniya, nang matigil ako sa harap niya ay alam kong alam niya na andoon ako, tumigil siya sa pagtipa sa cellphone niya pero hindi ako tiningnan at bumalik na ulit sa mag ta-type.
"Yago?" Na-iilang kong tawag sa kaniya, tahimik pa ang dorm, mga higher year din ang katabi niya kaya medyo nahihiya ako.
"Pwede ba tayong mag-"
Ibinaba nito ang cellphone niya, "Pagod ako sa biyahe Hades, matutulog na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com