+2
Hii! Gusto ko lang sabihin na dinededicate ko 'to sa pinakamamahal kong bb kasi birthday niya ngayon. Oo ka birthday ng gaga si Sehun so ayon. Happy Birthday Micah HAHAHA [batiin niyo din siya pakunwaring silent reader kuno 'yan epal epal]
🌸🌸🌸
"Hapi bwirtdey tita bb!" Masiglang bati ni West habang hila hila sa palda ang nanay niya. Ngumiti lang naman nang pilit si Maryllyza sa kadahilanang hindi niya naman kilala kung sino ang may birthday ngayon.
Pinilit lang siya ng abnormal niyang asawa.
At bakit ba parang mas kilala pa ng mga anak niya 'tong kabarkada kuno ng asawa niya? Gaano na ba siya kaclueless sa nangyayari sa paligid niya?
Siguro mga kapanahunan 'yon ng paulit ulit niyang paglilinis ng kape dahil paulit ulit rin itong tinatapon ng mga tiyanak niyang anak. Oo tiyanak ang tawag niya sa mga anak niya.
Paano mga sugpo daw ng demonyo mga anak niya at si Easton ang satanas.
Hot kasi.
Pero, bumalik tayo sa nangyayari na talaga ngayon.
Malapad ang ngiti, dala dala ang ilang kahon ng mga regalo na nakabalot sa pinaghalong pastel pink at blue na kulay na pinagpipilitan niyang rose quartz and serenity daw.
Daming arte.
"Happy Birthday Katok! Tanda mo na liit mo padin mag asawa ka na!" Naningkit ang mga mata ni Maryllyza nang makita niya kung gaano kahigpit ang yakap ng asawa niya sa kung sino mang tinatawag nilang bb o katok
"Mami alam mo ba sabi ni dadi ex niya daw tita bb hehehe" at tignan mo nga naman, ang chismoso niyang anak na si North ay daig pa ang isang high school student kung makabulong sa tenga niya.
May icing na tuloy tenga niya kadiri.
"North peram na ako pephone! Kanina ka pa nagpepephone ako naman!" At naging sakit na rin sa ulo si South na para bang palaging ang laki ng problema sa mundo.
Bakit ba sa hinaba haba ng oras eh ngayon pa nagkagulo ang mga sugpo ni Satanas.
At nasaan ba si satanas?!?!
"Punyeta ka Easton" bulong ni Maryllyza habang pilit na pinaghihiwalay si North at si South ma nagsasampalan, nagsasabunutan, at hindi maintindihan kung anong problema sa mundo.
Saan niya ba pinaglihi 'tong mga 'to!
At lalo pang sumakit ang ulo niya nang tumili si West.
Puta bakla ba anak mo Maryllyza? Mana kay Easton!
"Mami! Kikiss dadi si tita bb! Ihhh di ka na niya lab layas ka na bahay lablab niya na tita bb di na kita mami dun ka na kape hehehe" gagong bata
"Hoy West nanay mo ako ha para kang tanga" bago pa niya mahila si West ay may biglang pumitik sa noo niya.
Si satanas.
"Baby meet Micah, girlfriend ng pinsan ko. Micah meet Maryllyza, baby ko 'yan hihi" parang isang yelo ay biglang natunaw si Maryllyza at namula nang bahagya ang mga pisngi niya. Mahinhin siyang kumaway kay Micah at palihim na kinurot si Easton.
"Aww ang cute niyo naman. So ano, itong tatlong bulilit dito ang iiwan mo muna dito sa bahay Easton?"
Teka? Anong iiwan?! Hindi na-orient si Maryllyza!
"Yup, aalis kasi kami tapos walang magbabantay sa tatlo. Medyo makulit lang silang tatlo kaya kontong pasensya hehe. Nga pala alis na din kami niyan, baby magbabye ka na sa mga tiyanak mo"
Otomatikong pumila ang tatlong makukulit na bata sa harap ni maryllyza at paisa-isang naghintay ng kiss galing sa nanay niya. Samantalang sa tatay nila ay nakipag bro fist lang sila na para bang kabarkada lang nila ang pinagpapaalaman.
Hay nako ang cucute ng mga tyanak na 'to.
"Ano pala micah, pakitago yung kaoe niyo ha? Paalala lang hehe" huling habilin ni Maryllyza bago makipag beso beso at humabol kay Easton na nakapwesto na sa harap ng kotse nila.
Ano kayang nangyari? Hindi ko din alam eh. Basta makikikain na lang ako ng carbonara dito sa birthday ni Micah. Kayo nang bahala sa kung anong iimaginin niyo sa nangyari sa malalanding mag asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com