Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

44

gaby March 16, 2018
So bakit ang bagal niyo?!?!?!?!

"Kasalanan ko bang mabagak signal sa pinas!"

jancarl March 17, 2018
globe bakit ang bagal na ng data dito samin?!?!

"Problema ko ba 'yon? Edi lumipat ka ng bahay!"

maria March 17, 2018
Dami ko na ginastos sa load q di pari  nagloload nang mabilis timeline ni kras 3ggur naq.

"Makiconnect ka sa wifi ng may wifi pati pagkaudlot sa kalandian sakin sinisisi!"

cyriel March 17, 2018
So ano? Di na talaga kayo bibilis? Forever na kayong makupad?

"So ano? Forever na kayong aasa sa load? Panay nalang kayo reklamo? Makipagusap kayo ng personal sa mga taong gusto niyong kausapin!"

"Easton sigaw ka nang sigaw diyan" reklamo ni Raul na kanina pang naririndi sa boses ni Easton.

Kung gaano kaganda mood niya kanina, ganun naman kapanget ang kinalabasan ngayon.

Kamukha niya!

"Wala kang pake okay? Mind your own business!" Sigaw nanaman ni Easton na para bang gigil na gigil sa keyboard niya.

"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Raul sa mga kapwa niya empleyado ngunit pare-parehas lang na kibit ng balikat ang sagot ng mga ito.

Napailing na lamang si Raul at nagdesisyong magpatuloy sa gawain niya. Nang may harang sa tenga pang-sangga sa ingay ng kaibigan niya.

Lingid sa kaalaman ng nila, kaya nagaapoy sa galit ang kawawang Easton ay halos nilamon na ng mga pagrereply sa sandamakmak na reklamo ng customers ang oras niya at tuluyan nang naudlot ang dapat na date nila ni Lyza ngayon.

Minsan na nga lang mapapayag magdate hindi pa niya masisipot.

Buti nalang at nakita ni Macchiato si Maryllyza at nagdesisyong magpalipas ng oras kasama siya nang saglit.

Ano na easton? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com