Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

nineteen.

Official Hashtag: #EveryDay520

     “KAIN TAYONG ICE CREAM!” Sigaw ni Kristine bago tinakbo ang mamang nagtitinda ng sorbetes. Iniwan niya ako sa pwesto naming dalawa kanina habang hawak-hawak ang dalawang lobong binila niya.

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang braso ko sa kanyang balikat, “Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikaw pala 'yong psychologist na tutulong sa akin para matapos na 'tong mga nararanasan ko?”

Ngumisi sa akin si Kristine, “Ah huh! Kaya dapat maipangako mo sa akin na magiging maayos ka. Sayang kagwapuhan mo, no! Bagay kaya tayo.” Malakas na tumawa si Kristine saka ibinigay ang bayad sa dalawang sorbetes na kanyang binili.

“Oo nga hijo, bagay kayo nito.” anas noong matandang nagtitinda ng ice cream. Nahihiya akong ngumiti at mabilis na umiling upang tanggihan ang sinabi niya.

“Asus, hiya ka pa!” pang-aasar ni Kristine at bumaling sa tindero, “Salamat ho tatang! Sa susunod po ulit.”

Masaya kaming nag-libot sa amusement park ni Kristine. Sumakay sa kung anu-anong mga rides at ilang ulit rin nag-pahinga.

“Hatid na kita.” sabi ko kay Kristine at muling kinuha ang bag sa kanya, ako ang nagbitbit non.

“Wow. Manliligaw ka na ba sa doktora mo, ha? Ha, Bastee?” Tatawa tawang sagot nito sa akin at pabirong sinuntok ang braso ko.

Ngumisi ako, “Hindi ah. Gabi na kasi. Mamaya mapano ka pa.”

“Ayie! Kilig naman ako!”

I tsked, “Tumigil ka nga Kristine!” Pinipigilan kong matawa pero hindi niya pa rin ako tinigilan.

Saktong naka-pula ang ilaw ng stoplight. Patawid na sana kaming dalawa nang mabilis na tumakbo si Kristine sa harapan ko. Sesermonan ko sana siya dahil sa kanyang ginawa pero bigla siyang tumingkayad at inabot ang mga labi ko.

Namilog ang mga mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Tumakbo siya at lumingon sa akin bago sinabing, “520, Bastee.”

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Namamalikmata ba ako o baliw na talaga ako. Mukha ni Nadya ang nakita ko noong lumayo sa akin si Kristine. Papalit palit ang mukha nilang dalawa ang nakikita ko. Nakangiting Nadya at nakangiting Kristine hanggang sa mukha na ni Kristine ang huli at pinal kong napagmasdan.

Biglang bumalik ang lahat sa isip ko.

Simbahan.

Ako.

Si Kristine.

Siya ang babaeng pakakasalan ko sa pangyayaring nakita ko!

Si Kristine! Si Kristine na ang mahal ko!

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko na maitaas ang paa ko. Sunud-sunod na maiingay na busina ang narinig ko. Hanggang sa may liwanag na naman na sumalubong sa akin.

Ngunit ngayon, hindi na lang iyon basta liwanag. Isang malaking truck, patuloy na bumubusina pero huli na ang lahat.

Sunod ko na lamang na naramdaman ay ang malakas na pag-bagsak ko sa matigas na aspalto. Kasabay ang maiingay na boses ng mga taong parang nagkakagulo.

“Bastee! Bastee!”

Tawag sa pangalan ko. Oras na siguro para bumalik na sa realidad at iwanan ang nakaraan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com