071
--
He's tired of breathing
Without noticing
Covered with his cold air
He really wants to end this
--
Naglalakad ako sa hallway
at hinahanap si Bluemoon.
Kanina pang umaga, hindi siya
nagpapakita saakin, kahit chat
hindi siya nagpaparamdam.
Nakarinig ako ng bulungan
sa room nila Bluemoon kaya
pagkarating ko roon, puro sigawan
ang naririnig ko. Agad akong
pumunta sa loob at nakita kong
kinukwelyuhan ni Bluemoon si Peter.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Peter! Tama na kasi!"
"Ganyan diba Blue? Palagi mong
pinaparamdam na palagi kami
ang mali?" Nakangisi si Peter at nakikita
ko ang galit sa mga mata ni Bluemoon.
"Tangina 'wag niyo akong
hawakan!" sigaw ni Peter kaya
nagsiatrasan ang Sabgwa na
sinubukang awatin sila.
"Hindi naman ako nagreklamo
na gusto mo si Cane eh. Pero
bakit nagsalita ka tungkol saamin
ni Zerina?"
Nagsitahimikan ang lahat
ng tao sa tanong ni Peter.
"Wala akong sinabi tungkol sainyo."
"Ah talaga? Sinuntok mo
nga ako noon eh. Bakit?
Lahat ba susunod sa'yo?
Galing mo 'no? Tapos ngayon
aalis ka sa Sabgwa. Ganyan
ka ba kababaw?"
Inangat ni Bluemoon
ang kamao niya.
"Bluemoon!" sigaw ko kaya
napatigil siya at napatingin
saakin. Ang kaninang galit ay
napalitan ng sakit nang
makita akong nagluluha.
Akala ko, okay na?
"No," bulong ko pero
hindi pa niya binibitawan
ang kwelyo ni Peter.
"Walang aawat saamin,"
nakakatakot na banta ni
Bluemoon at sinenyasan si Arch
na nasa likuran ko na takpan
ang mga mata ko para hindi makita
ang away nila.
Nanginginig ang buong katawan
ko nang nakakarinig ako ng malalakas
na suntok at sapakan mula sakanila.
Napahawak ako sa kamay ni Arch na
nakatakip sa mga mata ko para humikbi.
"Patigilin mo sila, Arch.. please.."
nagmamakaawa ako at nakakarinig
na ako ng sigawan na itigil nila ang
pag-aaway nila.
"Gusto ka ni Sugarcane,
napapansin mo ba? Tumitingin
ka pa sa iba! Kaya ka nasasaktan eh!"
"'Wag kayong tumigil! Tangina!
Magpatayan nalang kayo!
Nagkahiyaan pa kayo!" Napatigil
ang lahat nang sumigaw si Simon
kaya inalis ko ang kamay ni Arch
at unang hinanap si Bluemoon
na nakahiga sa sahig. Hawak-hawak
pa siya ni Peter at napatigil sila
dahil sa sigaw ni Simon.
"Oh!? Bakit kayo tumigil!?
Pesteng buhay naman oh!
Hindi na kayo mga bata para
mag-away!" Galit na galit si
Simon at nanatiling tahimik
ang buong silid.
Agad akong umalis sa
pwesto ko at pumagitna
kina Peter at Bluemoon.
"Tama na.. please," bulong ko
kay Peter at binitawan niya si
Bluemoon.
Tinulungan ko si Bluemoon
na bumangon at humingi ako ng
tulong kay Arch para alalayin siya
hanggang sa clinic.
Hindi ko mapigilang umiyak
habang dinadaing ni Bluemoon
ang sakit at sugat niya. May sugat
siya sa gilid ng labi niya at may pasa
siya sa gilid ng mata niya.
"'Wag kang umiyak.. walang masakit,"
bulong saakin ni Bluemoon pero
umiling ako.
Nang makarating kami sa
clinic, iniwan kami ni Arch para
asikasuhin ang nangyari sa room.
Pinaupo ko si Bluemoon sa
higaan at napatitig ako sakanya
dahil umiiyak din siya.
Pumababa ang tingin ko
sa kamay niya at hinahawakan
niya ang pulso niya. Kinuha ko
ang kamay niya at nakitang may
dalawang maikling hiwa rito.
Napatigil ako saglit sa paghinga
bago bumuga ng hininga kasabay
ang mahinang hikbi ko.
"Bakit nanaman.." Hinawakan
ko ang pulso niya at pinipigilan ko
na ang sarili ko na umiyak.
Kinuha ko ang towel na nakatupi
sa cabinet at binasa sa malapit
na lababo. Bumalik ako kay Bluemoon
at nilinis ang mukha niya.
"'Wag kang magreklamo.
Walang aawat saamin-
Walang aawat saamin ka
pa ah," sabi ko habang napapadiin
ang pagpikit niya sa sakit. Kumuha
rin ako ng tuyo na towel at
pinunas ko ang mukha niya.
Sunod na rin ang pulso niya.
"Sorry."
"Please.. please.."
Ginamot ko ang sugat niya
at para sa pasa niya at kumuha
ako ng ice at nilagay sa ice pack
para maging cold compress.
Malungkot ko siyang tinitigan
kahit nakapikit siya.
Nakarinig ako ng yapak at
nakita ko si Sugarcane na papasok
at malungkot ko siyang binati. Napabuntong
hininga siya at pumunta sa kabilang
kwarto kung saan sila Simon at Peter.
"Hey.." bulong ni Bluemoon at
hinawakan ang pisngi ko at hinarap
sakanya.
"Totoo bang aalis ka ng Sabgwa?
Iiwanan mo ang mga barkada mo?"
Tanong ko.
Lumungkot lalo ang mukha niya.
"Hindi ako nag-iisip nung sinabi 'yun.
Isa pa, pakiramdam ko, hindi na ako belong
doon."
"Paano mo nasabi,
Bluemoon?"
Napabuntong hininga siya.
"Alam mo 'yung palagi kang
naleleft behind, walang nagtatanong
kung ayos ka lang, 'yung pakiramdam
na ayaw nila sa'yo at pinag-uusapan
ka nila ng palihim. Sa tingin mo,
mags-stay ka pa sa grupo na 'yun?"
Napatahimik ako.
Bakit sobrang pamilyar
saakin ang sakit?
"Paano kung ikaw lang ang
nag-iisip nun?" tanong ko kaya
napatahimik siya.
"Oo, Bluemoon. Mahirap
kalabanin ang sarili mo.
Paano kung sarili mo rin ang
dahilan kung bakit mo iniisip
ang ganyan? Isipin mo. Andiyan
si Arch. Andoon sila Simon.
Sarili mo lang ang sinasabi na
masama sila. Pero ikaw ang
dumistansya. Hindi sila."
Hindi siya umimik at hinawakan
ko ang mukha niya. Mas lalo akong
nanlambot nang hawakan niya ang
kanang kamay ko na nakahawak
sa pisngi niya.
"Pinakinggan mo ba ang side
nila bago ka mag-isip ng kung
ano-ano?" Umiling siya sa tanong ko.
"Si Zerina? Nanay niya ang
dahilan kung bakit balak
magpakamatay ni Mom noon
pero naligtas siya. Galit ako kay
Peter dahil rin nasasaktan niya
si Sugarcane."
Napatitig ako sakanya saglit
dahil sa nalaman ko. Narealize ko
rin na sinasabi niya ang mga
dahilan kung bakit may sama
siya ng loob.
"Si Zerina? At ang Mom niya?
Magkaiba sila, Bluemoon.
Hindi lahat ng mga tao magkaparehas,"
pagdidiin ko at sa tingin niya ay
mukhang naiintindihan niya ako.
"Eh galit ka rin kay Simon dahil
sila na ni Sugarcane?" dagdag
ko at agad siyang umiling.
Ngayon, halatang napapaisip
siya sa mga iniisip niya dati.
"Nakilala na kita eh.
Bakit pa ako magagalit sa
boyfriend ni Sugarcane?
May Vanilla na ako."
Oh. My. Jellyfish.
Hindi ako nakapagsalita at
tila kumulo ang dugo ko hanggang
sa magstuck sila sa mukha ko.
"Kamatis," nakangiting sabi
ni Bluemoon at hinawakan niya
ang magkabilang pisngi ko matapos
niyang ibaba ang cold compress
niya.
Sa sobrang tuwa ko, napayakap
ako kay Bluemoon at literal na
napatili kaya narinig kong
tumawa siya.
Nang napatigil ako dahil
napayakap din siya saakin,
muntikan ko nang makalimutan
ang huli kong sasabihin.
"Patawarin mo ang
sarili mo, Bluemoon.
Patawarin mo rin si Peter pero
halata namang ayaw niyang umalis
ka sa Sabgwa. Talikuran mo na ang
Bluemoon na nakilala ko.
Let's face the positive
side of the world. Deserve
nating sumaya. Maraming
magagandang mangyayari kung
palagi tayong positibo," bulong ko.
Narinig kong sumang-ayon
siya at mas lalong hinigpitan ang
yakap niya saakin.
"Vanilla.."
"Hmm?"
"I loveㅡhoy Peter Piper."
"Ow. Sorry. Nasira ko ba
ang moment niyo?" Lumayo
ako kay Bluemoon at napatingin
kay Peter na nakatayo sa harapan
namin.
"Oo, gago. Halika ka nga."
Tumayo agad si Bluemoon at
napayakap si Peter sakanya.
Nagtawanan sila at naririnig ang
pagsorry nilang dalawa sa isa't-isa.
"Muntikan na akong mahimatay
sainyong dalawa mga walang hiya!"
sigaw ni Simon at sumali sa yakapan
nila Bluemoon.
"Okay na sila. Pumasok na tayo!"
Nagulat ako namg makita ang
ibang Sabgwa na nasa labas ng
Clinic at nakikinig sa nangyayari
sa loob.
"Mga kuya!" sigaw ni Zircon
at nakisali na rin ang kakarating
na Sabgwa sakanilang yakapan.
Hindi ko mapigilang
mapangiti.
Napatingin din ako kay
Sugarcane na nakangiti
habang pinapanood ang kulitan
nila.
"Nakayakap saakin si
Bluemoon! Kinikilig ako!"
sigaw ni Rock kaya nagtawanan
sila.
"Mga baklang 'to!"
sigaw din ni Bartholomew.
Habang pinapanood na
masaya si Bluemoon..
Saka ko naalala ang
mangyayari saakin.
It's time to say goodbye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com