073
👤
[ Now Playing: You Are My Sunshine ]
Flashback.
Napasandal sa dingding
si Bluemoon habang nakikinig
sa usapan nila Moonlight at
Jaydope. "Bakit mo pinayagang
hindi na sa DNA mag-aral si
Morning? Mag-g-graduate
na silang dalawa ni Bluemoon
sa susunod na pasukan,"
sabi ni Moonlight habang
nag-iisip pa si Jaydope kung
ano ang gagawin nila.
"Pero sayang ang opportunity
na ibinigay sakanya para
maging Scholar sa isang
Music and Arts Academy.
Malaking school 'yun at
sobrang dami ng pwede niyang
matutunan sa school na 'yun.
For sure proud ang kuya niya
sakanya."
"Jay, paano kung hindi
masaya si Bluemoon?
Gusto nilang dalawa na
maggraduate sila ng sabay
sa iisang school diba?"
"Hindi sa lahat ng oras
magkasama sila. Kailangan
din nilang maging independent."
Hindi maintindihan ni
Bluemoon ang pinag-uusapan
nila at isa lang ang
pumapangibabaw sa isipan niya.
Iiwan siya ni
Morning.
Pumunta siya sa kwarto
ng kapatid niya at naabutan
niyang nag-iimpake si
Morning. Sa sobrang
pagmamadali, agad niyang
tinago ang bagahe sa ilalim
ng kama niya.
"Kuya!"
Tila natapon ang lahat ng
kasiyahan ni Bluemoon dahil sa
mga nalalaman niya.
"Nakapasok ka pala sa MAA.
Congrats," mapait na sabi
ni Bluemoon at agad lumapit
sakanya ni Morning.
"Hindi.." hindi siya
pinatapos ni Bluemoon.
"Ikaw nagsabi na sabay
tayong ggraduate sa DNA.
Tapos ngayon, pinili mong
sa ibang school ka.
Sa malayo pa."
Natahimik si Morning at
hindi niya alam ang sasabihin
niya. Nakatingin lang siya sa
blangkong ekspresyon ni
Bluemoon na ngayon
lang niya nakita.
"Una na ako. Para
makapag-impake ka na."
"Kuya.. hindi na." Napatigil si
Bluemoon sa sinabi ni
Morning.
"Hindi na ako aalis. Sa DNA
parin ako papasok. 'Wag ka
nang magalit.." hawak-hawak ni
Morning ang damit ni Bluemoon
at nag-iba na ang reaksyon nito.
"Promise?"
"Promise!"
Pero mabilis ang oras.
Masayang nagluluto si
Bluemoon. Hanggang sa
nakapagluto na siya ng almusal
at tinawag si Morning sa
kwarto niya. Wala sila Moonlight
at Jaydope dahil may trabaho
pa sila.
"Nining!" tawag ni Bluemoon sa
kapatid niya.
Pagkapasok niya sa kwarto ni
Morning, laking taka niya kung
bakit bukas at walang laman
ang kabinet. Wala na rin ang
mga libro na palaging binabasa
ni Morning.
"Shit."
Kinuha niya ang jacket niyang
nakasabit sa dingding at
tumakbo palabas ng bahay nila.
Wala na siyang oras para
maghintay pa ng sasakyan
at tinakbo niya ang bus station
na malapit sa mall na hindi
kalayuan sa bahay nila.
Kahit napapagod na siya,
tumakbo siya at hinanap si
Morning sa waiting area ng
station. Tagaktak ang pawis
niya pero mas inuna niyang
hanapin ang kapatid niya.
Sabi niya hindi siya aalis.
Nakita niya si Arch. At
nakita rin niya si Morning.
Malapit na silang umakyat sa
parating na bus.
"Baka magalit ang kuya mo?"
"Baka magalit din si Dad eh..
litong lito na ako, Arch."
"Pero pinili mong sa ibang
school ka mag-aaral."
"Gusto ko na ring
lumayo-layo eh... kuya?"
Nakita siya ni Morning kaya
bago pa tumulo ang luha niya
dahil sa sobrang sakit at galit
na nararamdaman niya ay
tumalikod siya at tumakbo palayo.
"Kuya! Sandali lang!"
Kahit maraming mga sasakyan
ay tumawid parin si Bluemoon.
Bumubusina rin ng malakas ang
mga sasakyan.
"Kuya!"
Hindi parin humihinto si Bluemoon.
"Kuya! Pleaseㅡ"
Nakarinig siya ng isang
napakalakas nabanggaan
kaya napahinto siya. Nanlaki
ang mga mata niya at
unti-unti siyang lumingon.
Nakita niya ang kapatid
na tumilapon palayo at
duguan.
____________________
Ramdam ni Vanilla ang
lungkot ni Bluemoon
habang kinukwento ang
pangyayari. Napayuko
nalang si Vanilla dahil
nasasaktan siya sa
nalalaman niya.
"Agad namin siyang sinugod
sa ospital pero comatose
daw siya. Every month,
nauubos ang allowance ko.
Pati na rin ang ipon ko
para sa bayarin sa ospital.
Nakiusap din ako sa mga doktor
na 'wag sabihin kina Mom.
Pero kung naging kritikal
ang kalagayan niya, papatawagin
na sila."
Sinusuklay niya ang
buhok ni Morning.
Tumayo si Vanilla at
nilapitan si Bluemoon. Hinawakan
niya ang leeg niya. At hinimas
ang pisngi ni Bluemoon gamit
ang hinalalaki niya.
"Magsorry ka sa magulang mo,
Bluemoon. Panigurado,
mapapatawad ka nila kung
malaman nila ang side mo.
Mahal ka nila. Mahal din nila
si Morning." Sabi ni Vanilla.
"Magigising din siya. Magtiwala
lang tayo sa Kanya." Nakuha
niya ang sinabi ni Vanilla.
Tumango siya at hinawakan ni
Vanilla ang kamay ni
Bluemoon. Sinamahan siya
hanggang sa Chapel kung
nasaan sila Jaydope at Moonlight
na nagdadasal.
Kahit kinakabahan si
Bluemoon, nakangiti si
Vanilla kay nagkaroon siya
ng lakas ng loob.
Pumasok siya sa Chapel at
humarap sa mga magulang
niya na nakayuko. "Mom.. Dad..
I'm so sorry.."
Humikbi si Bluemoon
bago sinabi ang lahat ng
nangyari at kung gaano siya
nagsisi sa ginawa't naiisip
niya.
Pinanood ni Vanilla kung
paano nagkukumpisal si
Bluemoon at nang matapos
siya tumayo si Jaydope para
yakapin si Bluemoon.
Tumayo rin si Moonlight
at hinawakan ang mga pisngi
Bluemoon. "Baby, 'wag kang
umiyak. Magigising si Morning,
okay? Magdasal tayo," bulong ni
Moonlight at napatango si
Bluemoon.
"Magigising si Morning,"
sabi ni Vanilla at napatango.
Nakita niyang palapit
sakanya si Arch na hindi mapakali.
"Anong nangyari?"
"Okay na sila." Tinuro ni
Vanilla sila Bluemoon kaya
napangiti si Arch.
"Si Morning? Kamusta?"
"Magigising na," nakangiting
sabi ni Vanilla kaya tumakbo
agad si Arch sa kwarto ni Morning
kung totoo bang gising na siya.
"Hindi pa naman, Vanilla eh!"
Natawa nalang si Vanilla at
tumabi kay Morning na mahimbing
na natutulog.
"Aeon, gising na," bulong ni
Vanilla at nakaramdam siya
ng sobrang panghihina nang
maramdaman niyang gumalaw
ang daliri ni Morning at unti-unting
dumilat.
"M-Morning?" Hindi
makapaniwala si Arch
at napatingin sakanya si
Morning. Bago pa siya
makapagsalita, "Tatawag
ako ng Doctor!" Lumabas
agad si Arch kaya napatawa si
Morning.
Napatingin siya kay Vanilla
at napangiti.
"Binigay ko sa'yo ang lahat
ng lakas ko. Magpalakas ka
lalo ah?" sabi ni Vanilla at saglit
nawala ang mga ngiti ni
Morning.
Kung ang ibang taong
kakagising lang sa isang
coma ay hindi pa makagalaw
at makapagsalita pero dahil
sa lakas na ibinigay ni Vanilla,
naging normal na si Morning.
"Ikaw ang regalo ko sa Kuya
mo dahil okay na siya.."
nanghihinang bulong ni Vanilla.
Pumasok ang mga doctor sa
kwarto kasama si Arch at
bago pa mawalan ng balanse si
Vanilla ay nasalo siya ni Arch at
pinaupo sa sofa. "Ikaw ang
nagpagising kay Morning?"
Aatanong ni Arch kay Vanilla
habang inoobserbahan si
Morning.
Tumango si Vanilla.
"Gising na girlfriend mo.."
"Maraming salamat, Vanilla."
"Morning?"
"Mommy! Daddy!'
Agad tumakbo ang mga
magulang niya kay Morning para
yakapin.
"Mr. And Mrs. Morales,
ngayon lang kami nakaencounter ng
ganito. Nacomatose ng walong
buwan pero paggising ng pasyente ay
walang problema. Please let the
patient stay for a week for an
observation at check-up bago
siya ilabas."
"Salamat Doc."
Lumabas na ang mga
doctor at lumapit na si Bluemoon
sa kapatid niya.
"Kuya.. sorry." Agad napayakap
si Bluemoon at doon nagkaroon
ng group hug.
Samantala si Vanilla,
namamanhid ang buong katawan
dahil wala na siyang lakas.
Pero nakangiti parin habang
pinapanood ang pamilya ni
Bluemoon.
Inayos ko siya.
Bakit sarili ko ang nasira ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com