final
🍧
Bakit hindi pa
ako namatay?
Ilang araw na akong gising
at hindi kumakain.
Namamanhid ang buong
katawan ko at walang
katao-tao sa kwarto kung
nasaan ako ngayon.
Nasa ospital ba ako?
Oh right.
Naaksidente.
Hindi ako makagalaw pero
nagsitulo ang mga luha ko.
Pinatay mo sila, Vanilla.
Dapat mamatay ka na rin.
Naririnig ko nanaman
ang demonyong bumubulong
sa isipan ko.
At simula noong nagising ako,
walang oras na hindi ako umiiyak.
"Help me.." bulong
ko at napahagulgol sa
pag-iyak. Sobrang hirap.
Hindi ko maiangat ang
mga kamay ko para
matakpan ko ang mga
mata ko.
I saw blood.
I saw my life fading.
I saw my tragic life.
"Ayokong mabuhay.."
Napasigaw ako dahil
sa sobrang sakit.
Patay na sila...
Dapat ba akong sumaya?
I don't know..
Should I live?
Bakit pa ako mabubuhay
sa mundong ito? Wala
namang magandang dahilan
para mabuhay.
Nanatili akong nakatingin
sa kisame habang iniisip
ang mga dahilan kung bakit ako
nagkakaganito.
My 16th birthday..
My worst day.
Mama at Papa..
Mga kaibigan ko..
Myself.
Ano pang punto na
nabuhay pa ako? Dapat
namatay na rin ako sa
aksidente!
Let me die.
I don't want to
live anymore!
Please..
Napabuntong hininga
ako at pilit ginalaw ang
katawan ko hanggang sa
mahulog ako at wala akong
naramdaman sa katawan ko.
Napasigaw ako dahil sa bigat
na nararamdaman ko.
Walang nakakarinig sa'yo...
Go on, Vanilla. Saktan
mo pa ang sarili mo.
"Tao po?"
Napatingin ako sa
lalaking nakasilip sa
pintuan at nang makita
niya ako, nanlaki ang
mga mata niya.
"Ohsht! Stay still, Miss!
Tatawag ako ng doctor!"
Sabi niya at dala-dala ang
Jollibee ay tumakbo siya
palayo iniwan ang nakabukas
na pintuan.
I saw people passing
by the hallway.
TSK, people.
Napapikit ako dahil parang
nararamdaman ko na ang
sakit ng katawan ko. Sinubukan
kong galawin ang mga kamay
ko pero pumasok ang mga doctor at
nurse para ayusin at icheck-up
ako.
Tinitingnan ko lang ang lalaking
nagtawag sakanila at hindi
ko alam kung papasalamatan
ko siya pero saka ko narealize na
dapat namatay nalang ako at
hinayaan niya ako.
_____
Tapos na akong icheck-up ng
doctor at sinabi ang mga hindi ko
dapat narinig ulit.
Wala na ang parents mo.
Napabuntong hininga ako
at tinaas ang pulso ko.
Marami-rami na rin ang mga
peklat dahil sa paglalaslas ko.
Hindi naman ako nagkaganito
dahil namatay sila.
Noong nabubuhay pa sila,
palagi nila akong binubugbog,
inaabuso at pinapagalitan. Parang
hindi nila ako anak. Pero at the
same time. Naiinis ako sa sarili
ko dahil nasasaktan ako na
wala na sila.
"Okay ka na? Gusto mong
kumain?" tanong ng lalaki at
inangat ang dala niyang pagkain.
Lumapit siya saakin at
umupo sa tabi ko.
"Kumain ka." Hinanda niya
ang kakainin ko pero nakatitig
lang ako sakanya.
"Ayokong kumain. Umalis ka na."
"Bawal tanggihan ang grasya.
Magagalit Siya." He's different.
Ang gaan ng aura niya at ang
saya-saya ng mga mata niya.
"Umalis ka na. Ayokong
may kasama ako."
Tumingin siya saakin at
ngumiti.
"Kumain ka muna.
Gutom ka."
"Please. Hindi kita kilala
kaya umalis ka na." Ayoko
nang magsalita. Ang kulit!
"Ako si Bluemoon Morales.
At ikaw si Vanilla Gleam.
Kumain ka na. Aalis ako
pagkatapos kong ligpitin
ang kalat mo," sabi niya
habang nakatingin sa
mga mata ko.
Bluemoon?
Bakit sobrang pamilyar?
Parang napanaginipan
ko siya?
"Kilala mo ako..?"
bulong ko.
"Narinig ko sa mga
doctor kanina."
Napatingin ako sa pagkain.
"Hey. Cheer up!
Gising ka na."
"What? How can I
cheer up? Mas pipiliin
ko pang mamatay kaysa
mabuhay. Mabuti pa kayo.
Ang saya-saya niyo! Parang
mga walang problema!
Ang unfair!" Bago pa ako
magwala at itapon ang pagkain
ay napatigil ako dahil
nagsalita siya.
"Problema? Ha? Wala
kaming problema?"
natatawang tanong niya.
"Walang taong walang
problema, Miss. Nasa tao
nalang 'yun kung sosolusyunan
nila o hahayaan nila 'yun na
lunurin sila."
And his words stabbed
my heart.
"Yes. Naisip ko dati na
baka ako lang ang taong
sobrang lungkot dahil sa
problemang hindi ko
masolusyunan pero mali
ako. May mas malungkot
pa pala saakin."
Another stab.
"Vanilla.. I don't know you.
I don't know your story..."
"...but I know the pain.
Been there."
Pinakita niya ang pulso
niya at may peklat din.
"But how..?" Nabasag
ang boses ko at tumulo
ang luhang nabuo sa mga
mata ko. Paano?
Ngumiti siya saakin.
"I met someone. Pero
hindi ko na maalala kung
sino siya or anong pangalan
niya. Hindi ko maalala.
Maybe I'm hallucinating,
that time.. pero I'm facing the
positive side now..."
"I hope you too. Soon."
Bluemoon...
Who are you?
Do I know you?
---
Note: haluuu, this is Maria de Light! Salamat sa pagbabasa nitong story na ito and about sa book two, sorry kung medyo matatagalan pa kasi I'm rewriting PPP, ieedit ang iba kong stories huhuz layk sabog otak pero keri pa. HAHAHA In Lieu po ang book two nitong In Lieu series and iisang book two lang po sila. Kung ipupublish ko na ang book two soon, andoon ang DD, PPP, SBS at HR plus at other Sabgwa. Mas makakabuti pong basahin ang buong In Lieu series kasi connected po ang lilimang stories ko. Mwaps! Labyual!
Btw, may bago akong series, SOUTH ORWELL SERIES. Kung may Delin North (Abgwa, Sabgwa) meron din po akong South HAHAHAHA GEOMETRIC STYLE po ang unang story at hindi po ito tungkol sa math HHAHAHA RomCom plus Heavy Drama // full novel & kalokohan. Completed na po iyooon.
Plus A LITTLE BIT OF YOUR MOON, tungkol ito sa babaeng hindi nakakatulog. Ay basta po ayun HAHAHAHAHA
Iaannounce ko na lang ang book two nitong In Lieu hueheueheu thank you so much!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com