Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

Chapter 03

Imbes na mag-aral ako para sa subject ko, kanina pa ako naggoogle kung nagnonotify ba kapag tinignan mo iyong account o baka makikita mo lang iyon kapag pupunta ka sa mismong LinkedIn account mo at pipindutin mo iyong who's viewed my profile?

Nakaka-bobo naman 'tong LinkedIn.

"Di naman siguro magche-check 'yon," sabi sa akin ni Tin. Kasalanan niya 'to, e. Nananahimik ako. 'Di naman ako tumitingin talaga sa LinkedIn kasi parang Facebook group 'yon ng mga working professional. Don nagpapayabangan iyong mga tao. Sakit lang sa ulo kasi kahit 'di mo gawin e mapapa-compare ka.

"Kahiya lang," sagot ko.

"Daming ginagawa sa PAO. Wala na sigurong time magcheck 'yon don."

"E paano kung meron?"

She shrugged. "Sabihin mo napadpad ka lang."

Tumango ako.

Tama.

Casually lurking lang ako sa LinkedIn. Kaso... kaso si Atty. Marroquin iyong tipo ng tao na mukhang gumagamit ng LinkedIn. 'Di ko siya ma-imagine na gumagamit ng Facebook at nagshe-share ng memes doon.

Tsk.

Bahala na nga.

Baka ito pa ika-bagsak ko dahil 'di ako makapag-aral sa kaka-isip.

Pagdating ko sa school, nakita ko iyong United Nations na nakatambay sa isang gilid. Si Sancho ay seryosong nagbabasa ng codal. Si Niko naman ay nakatingin sa langit na para bang nandon ang sagot sa kung anuman ang problema niya. Si Vito naman ay naka-tingin sa akin na para bang ako ang problema niya.

Lumingon ako sa likuran ko dahil baka iba ang tinitignan ni Vito. Wala naman akong maalala na nag-usap kami na kaming dalawa lang. Una, lagi niyang kasama iyong mga kaibigan niya o kaya si Assia. Pangalawa, pag dumadating ako dito sa school, halos pa-simula na iyong klase.

Ano kaya problema nito?

"There you are!"

Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ako ni Niko. Nawala na iyong ekspresyon sa mukha niya na parang gulung-gulo siya. Naka-tingin na siya sa akin ngayon at naka-ngiti.

"Hinahanap mo ako?" tanong ko, medyo naguluhan dahil wala akong maalala na magkikita kami ni Niko ngayon. Ni hindi nga kami friends sa Facebook. Wala rin kaming number ng isa't-isa.

Ang gulo ng araw na 'to.

Tumango siya. "I noticed that your recitations have gotten so much better... Especially in crim..."

Naka-akbay siya sa akin habang sinasabayan niya akong maglakad.

Napatingin na naman ako kay Vito na ang sama ng tingin sa akin.

"Don't mind him," sabi ni Niko nang mapansin niya na nakatingin ako kay Vito. "As I was saying—"

"May nagawa ba akong atraso kay Vito?" tanong ko kay Niko. Okay naman siyang kausapin ng Tagalog kasi naririnig ko lagi si Assia na Tagalog sila kung kausapin. Kung ako lang, baka nag-English na ako. Mukha kasi talagang foreigner si Vito at si Niko. Si Sancho pwede mo ring pagkamalang Latino, e.

"No, he's just being weird," sabi ni Niko. "Now, back to business."

Kumunot ang noo ko. "Business?"

"Yes," he replied. "I know you have digests. I've seen it."

Ito pa rin?

Digests pa rin?

"How much?"

Napa-buntung hininga ako. "Hindi nga—"

"Name your price."

"One million," pabirong sabi ko pero seryoso iyong tono.

"That's pretty expensive," sagot niya. "Does it include digest for all the subjects? And other reviewers? What are the inclusions?"

Napaawang iyong labi ko. Seryoso ba siya? Kasi ako seryoso na joke lang naman iyong sinabi ko. Pero siya? Sineryoso niya?

Nakakapagduda talaga kung gaano karami ang pera ng isang 'to...

"Sensya na," sabi ko. "Bigay lang kasi sa 'kin 'yon."

"Who gave it to you?"

Kulit naman ng isang 'to.

"Di mo kilala, e."

"Can you ask him if I can have a copy? I can pay," he said. "I know I'm annoying, but you're acing all Crim recits."

Tama naman din siya.

Ang ganda talaga nung table na binigay sa akin ni Atty. Marroquin. Nandon sa important notes part iyong mga trick questions na tinatanong sa amin. Sobrang personalized kasi kahit iyong Memory Aid ng Brent, hindi naman ganito ka-detailed. Saka sobrang haba non kaya nakaka-umay basahin minsan. Iyong binigay sa akin ni Atty. Marroquin, compressed na—ideal sa working student na kagaya ko na hapit lagi sa oras.

"Okay. Tatanong ko," sabi ko tapos nanlaki iyong mga mata niya at napa-ngiti. "But no assurance."

"Okay, okay," he replied. "Thanks, man."

Tumango lang ako sa kanya. Okay din naman si Niko. Sabi ni Assia, sobrang bait daw non. Pero ewan ko kasi parang 'di naman nila pinapansin halos lahat sa klase—minsan lang kapag kailangang mag-usap tungkol sa subjects. Si Assia lang ang kinakausap nila talaga. Dati nga napaisip ako kung nasa polyamorous relationship ba iyong apat na 'yon... pero parang wala naman sa itsura ni Assia.

Pagkatapos nung Persons class namin, gusto ko sanang umuwi na dahil nahilo ako sa dami nung tanong. Okay naman aralin iyong Persons kaya lang ang confusing niya minsan lalo na kapag tinatanong kami tungkol sa different kinds of property regime. Medyo nakaka-hilo siya sa akin.

Medyo maaga pa kaya naman ayoko munang umuwi. Baka kasi gising pa sila Papa.

Ang hirap ng walang sasakyan kaya naman naglakad-lakad muna ako at naghanap ng pwedeng kainan. Mamaya na ako uuwi kapag 'di na rush hour. Masakit din kasi ulo ko kaya baka mag-Angkas na lang ako o kaya Grab kapag 'di masyadong mahal. Ayoko rin kasi ng Taxi kasi minsan nagagalit pa sa akin driver kapag 'di ko alam direksyon papunta sa pupuntahan ko. Ka-badtrip lang minsan.

Pota naman.

'Di ko sigurado kung si Atty. Marroquin ba iyong naka-pila sa may harapan o pinagttripan lang ako ng konsensya ko—o kaya naman ay napaka-lakas lang ni Niko kay Lord kaya talagang dinala niya si Atty. Marroquin sa harap ko para matanong ko siya tungkol doon sa reviewer.

Nag-iisip pa ako kung lalapitan ko ba si Atty. Kasi 'di naman kami friends—established lawyer na siya habang hampaslupang law student lang ako na nanghihingi sa kanya ng reviewer.

Pero mukhang 'di ko na kailangang mag-isip pa dahil biglang may lumapit sa kanyang babae.

Mukhang kasama iyong girlfriend.

Kahit gusto ko sana iyong pagkain dito, lumabas na ako at saka naghanap ng ibang lilipatan. Mamaya nakita pala niya iyong sa LinkedIn tapos ano? Makikita niya ako rito? 'Di ko rin siya masisisi kung isiipin niya na stalker niya ako.

Ang endinng, don ako kumain sa may Jollibee. Okay lang. Masarap pa rin naman.

"Attorney," nabiglang sabi ko nang makasalubong ko siya. Dalawang oras na rin simula nung una ko siyang makita. Akala ko naman naka-alis na siya kaya lumabas na rin ako sa Jollibee.

Medyo kumunot iyong noo niya sa tono ng pagbati ko. Umayos ako ng tayo dahil para naman akong tanga. 'Di naman siya ang may-ari ng Maynila.

"Umuwi na po girlfriend niyo?" tanong ko dahil mas nawweirduhan ako kapag tahimik lang.

Kumunot ang noo niya. "Girlfriend?"

"Iyong kasama niyo kanina—" sabi ko tapos natigilan ako. Taena. Kapag inisip nito na stalker ako, kasalanan ko rin kasi ang bobo ko lang. Hinigop ng Persons ata lahat ng natitirang braincells ko. Sana may natira pa for Obli.

"Kanina?" he asked.

Gusto ko sanang hilingin sa langit na 'wag niyang mapansin iyong sinabi ko, pero medyo impossible. PAO lawyer siya. Malamang matalino. Malamang mapapansin niya iyong sinabi ko. Mas nakakatakot naman kung hindi kasi ibig sabihin may pagka-slow siya. Kawawa naman mga kliyente nito.

"Nakita mo ako kanina?" he asked.

"Nadaanan lang," I said as casually as I could.

"You should've said hi."

"Di naman tayo friends."

He gave a small nod. "Pwede naman," sabi niya. "Ilang taon ka na ba?"

"23," sagot ko. "Ikaw?"

"30," he replied.

"Tanda mo na pala."

"Ikaw 'yung bata," he replied.

"Nagta-trabaho na kaya ako."

"So?"

"So, hindi na ako bata—saka malapit na akong magbirthday."

He gave a small shrug. "E 'di happy birthday."

Taena.

Ang pilosopo.

"Bakit? Bawal ba maging kaibigan mo kapag bata pa?"

"Weird lang," sabi niya. "Ano pag-uusapan natin?"

Kumunot ang noo ko. "Tingin mo sa 23 years old? Ang gustong pag-usapan ay si Peppa Pig?"

Kumunot ang noo niya. "Sino 'yon?"

Napaawang ang labi ko. "Seryoso? 'Di mo kilala si Peppa?"

Umiling siya. "Sikat na baboy ba siya?"

Kulang na lang ay mag-facepalm ako sa kanya.

"Wala ka bang anak?" I asked.

"Kung may anak ako, wala ako sa labas sa kalagitnaan ng gabi."

"Naks... Ideal father naman pala siya."

Tinignan niya lang ako ng seryoso. Kapag siya, okay lang mambara? Kapag ako, titignan niya nang masama? Ayos din, ah.

"Fine..." sabi ko na lang. "Wala kang kapatid?" Umiling siya. "Pinsan?" Umiling ulit siya. "Mga kaibigan na may anak?" Umiling siya. "Wow..."

Kinuha niya iyong phone niya at may tinype doon.

"This?" he asked tapos pinakita niya sa akin iyong screen ng phone niya. Sinearch niya pa talaga si Peppa Pig sa google. Kakaiba din 'to.

Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa phone niya. Nag-deepdive ba 'to kay Peppa sa kalagitnaan ng daan? Ang weird naman kung iiwan ko siya bigla dito kaso ang weird din na nakatayo lang ako doon.

"Umalis na ba 'yung kasama mo?" tanong ko na lang para lang may masabi ako.

Tumango siya. "Kanina pa."

"Ah."

"Also, she's not my girlfriend," sabi niya.

"Okay," sabi ko. "Sasagutin ka din nun."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako sasagutin?"

"Ewan ko. Baka nililigawan mo."

"Dahil lang nakita mo kaming magkasama?"

"Malay ko."

"Jumping to conclusion."

Pota.

Hirap naman ka-small talk nito!

"E 'di friends," sabi ko. "Di ko alam kung anong terms ang ginagamit niyong matatanda."

"Matatanda?"

I nodded. "Sabi mo bata pa ako dahil 23 ako. E 'di matanda ka na dahil 30 ka na."

"Fair enough," he replied. "How are your subjects?"

Sabay kaming naglalakad na. Maingay naman palagi sa Maynila pero dahil 11PM na rin, medyo tahimik na. February na rin kasi kaya medyo malamig ang hangin.

"Okay naman," I replied. "Nakakasagot na rin."

"Nice."

"Pero 'di pa rin ako nagmememorize."

He shrugged. "Up to you."

"Di ko talaga kayang imemorize," sabi ko. "Ubos sa oras. Working student kaya ako."

"Ako rin naman."

Napaawang ang labi ko. "Seryoso?!" Tumango siya. "Paano ka nakahanap ng time? E head ka rin ng BAROPS—"

Taena.

Ako talaga nagpapahamak sa sarili ko!

"I like it better when I'm busy," sabi niya. "I don't like idle time."

Hindi ko alam kung hindi niya na lang pinansin na napa-hinto ako o sa dami ng trabaho niya sa PAO, hindi niya na naisip pa na hindi naman kami close enough para maikwento niya sa akin iyong extra-curriculars niya nung law school.

Mas mabuti pa atang manahimik na lang ako.

"Di ka ba member ng BAROPS?" he asked.

Umiling ako. "Pang third year lang 'yon ata."

"Pwede second year," he said. "Try mong sumali."

"Di ko na kayang isingit."

"Di naman masyadong maraming ginagawa kapag sa MemAid ka lang sumali," he replied na parang walking advertisement siya. "Bibigyan ka pa ng libreng MemAid."

"Isang set?"

He nodded. "Isang set. Sayang din 'yon."

"Pag-iisipan ko..." sabi ko. Parang 5k din ata isang set nung MemAid. Sayang nga rin kung sakali. "Totoo ba na libre lang tuition kapag BAROPS Head?"

He nodded. "One sem lang."

Grabe... Pwede kaya maging mentor 'to? Ang galing. 'Di lang matalino pero parang ang well-rounded din niya.

"Ang galing mo naman, Attorney. Head ng BAROPS tapos vale—"

Fuck.

Minsan talaga dapat i-zipper ang bibig.

"Valedictorian?" he said, continuing my word. "Don't worry—I know you stalked my LinkedIn," he added at parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. 

**

This story is already at Chapter 06 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com