Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 06

Chapter 06

Pasado alas-diyes na pero hindi pa rin gising si Atty. Marroquin. Gusto ko na sana siyang sundutin ng stick para masigurado na buhay pa siya. Ganito pala matulog 'yon? 'Di naman lang nagalaw. Pwede mong pagkamalan na patay, e.

"What are you doing?"

Halos mapatalon ako nang magsalita siya. Naka-squat kasi ako sa may bandang mukha niya. Sinisilip ko lang kung humihinga ba siya. Hindi kasi talaga siya gumagalaw! Malay ko ba kung namatay 'to habang tulog? 'Di naman imposible 'yon. Saka kakaaral ko lang ng criminal law. Puro murder at homicide ang nasa utak ko. Ayoko lang maging real life iyong mga inaaral ko.

Nakatingin siya sa akin at bahagyang naka-kunot iyong noo niya. Natumba ako sa wooden vinyl floor niya sa sobrang gulat. Parang tanga naman 'to!

"Bakit ka ba nanggugulat?!" sabi ko kasi ang bilis ng takbo ng puso ko nang bigla niyang ibukas iyong mga mata niya e halos ang lapit ng mukha ko sa may ilong niya kasi nga sinisilip ko kung humihinga siya.

"Ako pa nanggulat?" he asked.

Hinahabol ko pa rin iyong paghinga ko. "E sino gusto mo? Ako?"

Agad na nanlaki iyong mga mata niya. Tumayo ako saka pinagpag iyong imaginary dumi sa may likod ng shorts ko kahit mukha namang walang dumi sa sahig ni Atty. Marroquin dahil ang linis dito sa condo niya.

"Okay ka na, noh? Uwi na ko," sabi ko kahit ramdam ko pa rin iyong bilis ng tibok ng puso ko.

"Sandali lang," sabi niya.

"Bakit?" tanong ko. "Nagluto lang ako ng lugaw kanina. Hinugasan ko rin 'yung mga ginamit ko. Wala akong ibang ginalaw. Nag-aral lang ako sa dining table mo."

Tumingin siya sa dining table. Kinuha ko iyong isa sa mga reviewer na ipapahiram niya sa akin. Kanina ko pa iyon binabasa and ang ganda nga talaga ng notes niya. Marami namang nagkalat na notes sa law school na libre, pero iba pa rin kapag personalized notes... lalo pa galing sa kanya na grumaduate ng valedictorian. Gulatin ko kaya lahat ng walang bilib sa akin at maging valedictorian din ako?

He gave a small nod. "Salamat."

"You're welcome," sabi ko. "Alis na rin ako. Gabi na," dugtong ko tapos naglakad ako papunta sa may dining table para kunin iyong cellphone ko. Tsk. Weekend nga pala ngayon. Sigurado ang mahal ng Grab ngayon. 'Di naman ako pwedeng mag-Angkas at baka sabay kaming matumba ni kuya sa gitna ng kalsada sa bigat ng dala ko.

"Kumain ka na?" biglang tanong niya.

Umiling ako. "Mamaya na sa bahay."

Lumapit ako roon sa boxes na dadalhin ko. Pano kaya 'to? Tatlong malaking box din 'yon. Sinubukan kong buhatin 'yung isang box. Taena ang bigat naman nito.

"May ano ba dito? 'Yung parang push cart?"

Kumunot ang noo niya. "Pushcart? Parang sa grocery?"

Kumunot din ang noo ko. "Yung parang sa hotel na tinutulak nung bellboy. Ang weird naman ng condo mo kung may pushcart ng grocery dito."

Kumunot din ang noo niya. Contest ba kami dito ng patagalan ng naka-kunot na noo?

"Ikaw nagsabi ng pushcart," sabi niya.

"Kasi hindi ko alam 'yung eksaktong term pero alam mo naman ibig sabihin ko."

"Di ko naman nababasa nasa isip mo."

"Context—" I said and then clicked my tongue. Halos 11PM na. Wala na akong energy makipagtalo sa pilosopo na 'to. Naubos na nung nagluto ako ng lugaw. "Pano ko 'to dadalhin sa baba?" I asked him.

"Luggage cart."

"Ayun!" sabi ko. "Alam mo naman pala iyong term!"

He looked at me like he's half-annoyed and half in disbelief sa mga sinasabi ko. Ganyan din mukha ko kapag nagtetext siya sa akin. Sa aming dalawa, mas nakaka-pikon siyang kausap.

Check ko nga kung may record na 'tong ma-cite in contempt.

"Pano kumuha non?" I asked.

"Tawag lang sa lobby," he replied.

"Tawag ka."

"Pala-utos ka," sabi niya.

"Bakit naman ako ang tatawag? 'Di ko naman condo 'to."

He looked at me and slightly shook his head in disapproval. Ganyan itsura pero inabot niya naman iyong landline tapos tumawag sa baba. Nagrequest lang siya na dalhin sa unit niya iyong luggage cart.

"Pwedeng itanong kung magkano rent mo dito?" I asked.

Ang ganda ng condo niya. Corner-unit ata iyong tawag dito tapos may panoramic view siya sa city and iyong wall ay floor to ceiling na glass. For sure mahal iyong rent niya dito.

"Di ko alam," he replied.

"Sa 'yo 'to?"

Tumango siya tapos naglakad siya papunta sa ref niya. Naka-sunod lang iyong mga mata ko sa kanya. Naka-pajama siya na navy blue at saka puting shirt. Ang simple niya lang tignan kumpara sa kapag nakikita ko siya. Lagi siyang naka-formal attire kasi naka-lawyer mode siya palagi kapag nagtatagpo ang landas namin.

"Grabe... Attorney big time talaga."

"Not really," sabi niya. "Ayoko lang magbayad ng rent."

"Magkano bili mo rito?"

"Matagal na 'to. Mura pa dati."

"Magkano nga?"

"Ten."

"Million?" tanong ko na nanlaki ang mga mata.

"Thousand," he replied, his tone dripping in sarcasm.

"Mamamatay ka ba kapag 'di ka nakapamilosopo ng isang araw?" I asked and he just shrugged as he poured himself a glass of water.

"San ka ba nakatira?" he asked.

"QC."

"Hatid na kita."

"Hindi na. Book na lang ako ng Grab," sabi ko tapos tumingin ako sa presyo. Tanginang 'yan! Five hundred?! Tumingin ako sa kanya. "Sige, pahatid na lang, Attorney."

He looked at me and slowly shook his head in disappointment. Bakit? Bawal na ba magbago ng isip? Ang mahal nung presyo, e. Grabe naman 'yung 500 para lang makauwi ako?

"Kain muna ako," he said.

"Okay," I replied.

Dumating na iyong luggage cart. Iniwan niya muna sa labas ng unit niya. Baka ayaw magasgasan iyong wooden floor niya. Grabe, ang mahal nitong condo niya! Pero ang ganda din kasi. Pero 'di ko rin afford. Sana sa next life ko ay generational wealth baby ako.

Nasa couch lang ako habang hinihintay ko siyang matapos kumain. Ayoko na siya guluhin dahil mamaya mabinat pa 'to at hindi makapasok sa Monday. Nakaka-stress magpa-resched ng hearing.

Habang busy siya sa kung anuman ang ginagawa niya e nasa phone lang ako at nasa Tiktok. Saya kaya magTiktok kaya lang ubos oras minsan kaya 'di ko madalas buksan 'tong app na 'to.

"May tanong ako," sabi ko. Napatingin ako sa may bandang kusina. May niluluto siya. Kakaiba rin 'to, e. Nakita ng may naghihintay e may balak pa atang magluto ng five course meal. 'Di ba uso cup noodles dito?

"What?" he asked while he was still busy stirring whatever it was that he's cooking. Pota ang bango. Ayoko namang manghingi. Sabihan naman ako nito ng patay-gutom.

"Ano opinion mo kay Tulfo?" tanong ko sa kanya kasi napadaan sa FYP ko.

"I don't know him personally, so I can't say," sabi niya.

"I mean sa palabas niya."

"Oh. Okay naman."

"Hindi ka against?"

"Hindi."

"Oh... Okay," sabi ko. "Usually kasi naririnig ko mga lawyer against sila kay Tulfo."

"I mean, if he stops trying to give 'referral' like it means something, then I really don't care," sabi niya. "At the end of the day, sa judicial system pa rin naman bagsak ng mga kaso sa palabas niya. 'Di naman mauuna mga binigyan niya ng referral kuno."

"Di kayo naiinis?"

"Hindi," sabi niya. "Those people just want to be heard. He listens to them—granted that for him, it's business since it generates him money. Bottomline is, the people are heard; he gets his money. Everybody is happy."

Iba rin pala mag-isip si Atty. Marroquin. Mukhang hindi lang siya simpleng pilosopong abogado.

"Besides, mahirap magfile ng kaso saka matagal. Can't blame the people who are just looking for justice."

Kaya siguro siya Valedictorian tapos ako normal na estudyante lang. Ito pala ang difference.

"Kain na," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Kasama ako?"

Tumingin siya sa akin at tumango. "Malamang," he replied. "Alangan namang kumakain ako tapos pinapanood mo lang ako?"

Mamamatay siguro talaga siya kapag 'di siya nakapamilosopo ng kahit isang araw.

Gusto kong ibato iyong tsinelas ko sa kanya pero ang bango kasi talaga nung niluto niya kaya nilulon ko na lang iyong pride ko saka lumapit ako sa dining table.

Grabe, ito dinner niya? Samantalang kapag ako nagutom, cup noodles ang una kong target.

"Di mo ako sisingilin, ha," sabi ko bago ko pa man hawakan. Mahal kaya ng salmon!

Kumunot na naman iyong noo niya. Para sa taong laging naka-kunot ang noo, buti wala pa siyang wrinkles.

"Wala ka ngang pambili ng siopao kaya bakit ko iisipin na may pambayad ka ng salmon?"

Tanginang 'to.

"Poor-shaming," sabi ko sa kanya habang naupo ako. Para siguro akong clown sa paningin niya kasi nagsasabi ako ng poor shaming habang naka-ready na akong isubo iyong salmon.

"Sarap?" he asked like he's taunting me.

"Pinrito mo lang naman 'to. 'Wag kang feeling," I said as I lathered more of the cream sa may salmon. Ang sarap naman nito magluto! Matalino na, nakatira sa magandang condo, tapos magaling pa magluto? Attitude lang problema niya, pero kung ako tatanungin? Mas gusto ko na magkaroon ng attitude problem basta ganito rin buhay ko. Can't hear the haters from my condo on the 42nd floor.

Tahimik kong inubos iyong niluto niya na salmon saka asparagus. Kung close lang kami at mas makapal iyong mukha ko, hihingi ako ng dessert sa kanya kasi nakita ko na may isang box ng cake don sa ref niya.

"Di ka naman siguro gumagawa ng illegal, noh?"

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Kasi alam ko na mataas naman talaga sweldo mo as PAO lawyer pero grabe... 'di pa rin ako maka-move on as condo mo," sabi ko.

"I wasn't able to buy this because of work," sabi niya sa akin. Nakatingin ako sa kanya at ready na makakuha ng wisdom at advice sa kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kasi medyo wala akong clue talaga.

"Both my parents got into an accident and died. I got money from the settlement," dugtong niya. Napaawang iyong labi ko. "I'd rather have them still alive than to have this condo."

Fuck.

Tanginang bibig 'to talaga.

"Sorry."

Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng magulang... pero sa tono ng boses niya, alam ko na sobrang hirap.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. He looked different from the Atty. Marroquin that I knew. For some reason, he looked a bit vulnerable.

"Thank you," he just replied.

Hindi ko na alam bigla kung paano gumalaw. Hindi na rin ako masyadong nakapagsalita hanggang sa makababa kami sa parking kung nasaan iyong kotse niya. Hindi ko kayang magcomment na sobrang ganda ng kotse niya.

"Mauro," bigla niyang sabi habang naka-start na iyong sasakyan pero nasa parking pa rin kami ng condo niya.

"Hmm?" sabi ko kasi iyan na ata pinaka-safe na lalabas sa bibig ko.

"Don't be weird."

Kumunot ang noo ko. Nakatingin siya sa akin habang nakahawak iyong kaliwang kamay niya sa manibela at iyong kanang kamay niya sa may kambyo.

"Just be your usual annoying self."

**

This story is already at Chapter 09 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com