Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Unang exam namin iyong Oblicon at nanlalamig iyong buong pagkatao ko dahil naka-sagot ako... Usually kapag ganyan na naka-sagot ako, nagkaka-gulatan na lang talaga kapag nakita ko na iyong score ko.

"What the fuck was that!" sabi ni Niko nang maka-labas siya sa classroom. Tumingin siya kila Sancho na nagkibit-balikat lang. "Fuck you," sabi ni Niko tapos tumingin sa akin. "It was hard, right?"

Naka-tingin sa akin si Niko na para bang naghahanap siya ng kakampi kaya naman tumango ako at sinabi na mahirap iyong exam. Aba, mamaya sabihin ko na naka-sagot ako tapos lowest pala ako sa klase namin! Si Sancho naman kasi ay magaling talaga sa klase kaya hindi nakaka-bigla na nadalian siya. Ako ay isang hamak na normal na estudyante lamang.

Nang magsimula ng maglabasan iyong ibang mga estudyante, nagmadali na akong lumabas ng school. Alam ko kasi na may iba d'yan ang magdidiscuss ng sagot nila sa exam. Mamaya e ma-stress pa ako kapag sobrang layo ng sagot ko sa sagot nila—ma-badtrip pa ako kay Atty. Marroquin dahil baka mali-mali ang tinuro niya sa 'kin.

Hindi ako nakinig ng music o kung anuman habang pauwi ako. Gusto ko lang manahimik sandali dahil napagod talaga ako sa exam. Kaya dumiretso na rin ako sa 711 para maghanap ng kakainin para pag-uwi ko ay diretso na ako sa kwarto.

"Kamusta ang exam?" tanong ni Papa nang maabutan ko siya sa sala. Weird dahil usually ay tulog na siya ng ganitong oras.

"Okay naman po," sagot ko sa kanya.

Binigyan niya ako ng maliit na tango. "Nagcommute ka pauwi?" tanong niya kaya tumango ako. Nasa casa pa rin iyong sasakyan ko. At this point, kailangan na nila akong bigyan siguro ng temporary na sasakyan dahil pagod na pagod na akong magcommute. "Ano'ng oras tapos ng exam mo?"

"7:30," sagot ko.

"Sunduin na kita."

Kumunot iyong noo ko. "Di ba hanggang 5 lang work mo?"

Tumango ulit si Papa. "Hintayin na kita para 'di ka na mapagod sa commute pauwi."

"Okay po..." sabi ko kahit medyo nagtataka ako. O baka naramdaman niya na iyong pagod ko kasi pagkatapos ng mahabang exam, ang last na gusto kong gawin ay mahirapan pa sa commute. Pwede na rin. Tulugan ko na lang si Papa sa byahe.

Buti na lang at hindi niya na pinansin iyong hawak kong paperbag kaya naka-akyat na ako sa wakas. Naligo muna ako tapos ay naupo ako sa may study chair ko. Binuksan ko iyong laptop saka automatic na naghanap ng sitcom na papanoorin habang kumakain.

'Di ko alam kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko nung magnotify na may pumasok na message tapos nakita ko iyong AVM doon sa notif.

'Day 1 done. Pahinga ka na.'

Binitawan ko muna iyong noodles kahit kanina pa ako takam na takam habang hinihintay ko na maluto.

'Di mo tatanungin kung nakasagot ako?'

'No. I don't want to dwell on negativity.'

'Wala ka talagang bilib sa akin tsk.'

'Of course meron. Ang talino nung nagturo sa yo.'

'Hanggang dito sa QC ramdam yung hangin mo.'

'Just being honest.'

Ang yabang talaga ng tao na 'to—pasalamat siya at matalino talaga siya at magaling magturo kaya hindi nakaka-hiya kapag ganitong nagyayabang siya.

'Nagrereview ka ba? Pahinga ka muna.'

'Yup. Netflix plus creamy seafood cup noodles saka siopao.'

'Ano bang meron sa siopao at gustung-gusto mo?'

'Masarap kaya saka idk comfort food ko na ata kasi ito lagi ko kinakain kapag bokya sa recit'

'Di ka ba natatakot magkasakit sa dami ng siopao na kinakain mo?'

'Ha-ha' sagot ko sa kanya kasi iniimply niya na lagi akong bokya kaya lagi akong kumakain ng siopai. Tsk. Fluent na ata ako sa Achilles V. Marroquin language.

'May lakad ka ba pagkatapos ng exam mo?'

'Lakad? San naman ako pupunta?' sagot ko sa kanya. Kasi ang plano ko talaga once na matapos 'tong exam week ay matulog. Last sem din ay iyon ang ginawa ko. Alam ko na nag-iinuman iyong mga ka-block ko after ng exam kaso mas interesado akong matulog. Besides, okay naman mga classmate ko kasi 'di lang kami pareho ng trip. Si Assia na pinaka-kasundo ko kaso weird naman mag-inuman kaming dalawa. Parang may mali.

'Walang after exam inuman?'

'Meron.'

'Di ka invited?'

Siguro masyado na kaming madalas magka-usap kaya kahit sa text, alam ko na kung ano ang itsura niya kapag sinasabi niya 'yon. At dahil kilala ko na rin siya, alam ko na binu-bwisit niya lang ako talaga. Kung 'di ko ka-close ang nagsabi nito, mas nakaka-irita kasi pakielam mo ba kung ano ang gusto kong gawin after ng exam week.

'Alam mo, kung gusto mo akong ayain after exam week, sabihin mo na lang agad.'

Napa-iling na lang ako habang kinakagat ko iyong siopao ko.

'Haha just checking.'

'Why'

'Baka may lakad ka kasama block mo.'

'E kung meron, ano gagawin mo?'

'E di pagkatapos nila, ako naman.'

Daming alam.

'Di ka magdedemand na ikaw muna?'

'Why? Do you want me to be demanding?'

Kairita ampota. Alam na alam ko kung ano itsura niya kapag sinabi niya 'yan. Naka-tingin siya nang dirteso sa akin tapos bahagyang naka-arko iyong kilay niya na para bang hinahamon niya ako. Alam ko na galawan ng taong 'to.

'Ewan ko sa yo,' sagot ko sa kanya kasi masamang hamunin 'tong si Atty. Marroquin. Ginawang kapitbahay niya lang iyong QC. Palibasa maraming pampa-gas.

'Haha no, seriously, I'm asking kung may lakad ka ba kasama block mo after ng exam.'

'Wala. Matutulog lang ako after.'

'Oh okay.'

'Bakit mo natanong?'

'Kasi kung may lakad ka kasama sila, I'll ask for another date when you're free.'

'Weh?'

'Yes. I want to see you asap of course, but friends in law school is as important.'

'Okay naman sila.'

'Wala kang core group?'

'As in close friends? Wala. Busy ako sa trabaho.'

Nakita ko na nagtype siya tapos bigla niyang hininto. Naghintay ako na magtype ulit siya pero dalawang minuto na iyong lumipas tapos wala pa rin siyang nata-type.

'I mean gusto ko naman magka-close friends syempre pero di ko ka-vibes mga tao sa brent.'

Ewan ko ba. Siguro dapat siniksik ko na lang iyong sarili ko sa SCA dahil pakiramdam ko mas makaka-sundo ko iyong mga tao don. Sabi kasi ni Papa, either SCA o Brent lang ako mag-aral kasi 'yan 'yung top 2 performing law school sa Pilipinas. Bago ako nagdecide, nagtanong-tanong muna ako kung ano ba pinagka-iba nung dalawang school. Sabi sa akin e sobrang seryoso daw sa acads nung mga tiga-SCA (no no surprise kasi almost 100% passing rate sila lagi). Sa Brent naman, okay din passing rate nila pero known kasi 'to as party school at petiks mga tao. Feeling ko mas bagay ako dito dahil petiks ako. Mali pala ako dahil 'di ako maka-relate sa kanya. Kaya si Assia lang din nakaka-usap ko dahil siya lang ata normal na tao sa school na 'to.

'Have you tried na sumama sa kanila kapag may dinner or inuman?'

'Busy nga sa work.'

'Usually after class naman.'

'Pagod na ako kaya gusto ko na umuwi agad.'

'I understand.'

'Important ba na may friends ako na close?' tanong ko sa kanya tapos binasa ko ulit iyong text ko. 'Di ako galit. Nagtatanong lang talaga,' dugtong ko kasi feeling ko galit iyong tono nung text ko kahit nagtatanong lang talaga ako. 'Di ko kasi sigurado kung katulad ko si Atty. Marroquin. Kasi ako parang kabisado ko na iyong tono niya kahit sa text. Hindi ko alam kung ganon din siya sa akin.

'Yeah I know.'

'Alam mo na nagtatanong lang ako?'

'Yes,' he replied. 'I always will assume that we're good until you tell me na may problema.'

'Weh?'

'Yes.'

'Di ka talaga overthinker?'

'Overthinking only exists when there's uncertainty. I'm certain about us, so no room for overthinking.'

Pota talaga 'to.

'But to answer your problem, I think it's important to have a good support system in law school. It will help a lot.'

'Ay akala ko ikaw support system ko.'

Nanlaki iyong mga mata ko nang ma-realize ko kung ano iyong sinend ko sa kanya.

At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong makita na tinatawagan niya na naman ako sa FaceTime.

"Ano?" sabi ko nang sagutin ko iyong tawag niya pero tinakpan ko iyon.

"Let me see you."

Ang daming alam! Ilan kaya naging girlfriend... o boyfriend ng taong 'to? Gay ba siya o bi? Ang dami ko biglang tanong! Pero hindi ngayon ang tamang panahon dahil may exams ako na dapat pagtuunan ng pansin. Mahal ang tuition—repeat one hundred times.

"Wag na," sabi ko."Bakit ka tumawag?"

"Five minutes lang and then I'll end this call," sabi niya sa akin. "You need to focus on your review."

"I know. Kaya nga bakit ka tumatawag."

"Let's stop pretending that you're some innocent child na hindi alam na tatawag ako kapag ganon ang sinabi mo."

"Excuse me?"

"Akala ko ikaw ang support system ko," sabi niya na ginagaya pa iyong tono ko. Tinanggal ko na iyong daliri ko doon sa may camera para makita niya kung gaano naka-kunot iyong noo ko. Bigla siyang tumawa. "Hello," he said, looking delighted with himself because he managed to get me to show my face on camera.

Tsk.

"So, do you have plans with your blockmates o matutulog ka o gusto mo akong makita after exams?"

I shrugged. "Pag-iisipan ko pa," I replied. "Pero baka sumama ako kung may gala with classmates."

Tumango siya. "Okay."

"Di mo nga idedemand na ikaw kasama ko?"

Umiling siya. "Meron pa namang bukas," he replied. "Besides, I already told you that you need to have friends in law school."

"Meron naman kaya lang nakaka-tamad sumama sa mga gala nila kasi mas gusto ko magpahinga saka magastos."

"Nanghihingi ka na naman ng Gcash?"

"Tsk. Hirap naman ka-bonding nito," sabi ko.

Tumawa siya sandali. "Just tell me what you want to do and I'll adjust plans accordingly."

Kumunot ang noo ko. "May plan?"

Tumango siya. "Yes, of course."

"Pwede kong malaman?"

"Baka ma-excite ka at hindi makapagfocus sa exam."

"Tss... baka wala talagang plano."

"You can't taunt me—doesn't work on me."

"Talaga? What if kasama ko si Niko bukas?"

He shrugged. "I already know that you like me very much—I won't be that worried with him."

"Kapal talaga ng mukha mo, noh?"

Tumango siya. "Kasalanan mo rin—you never corrected me kapag sinasabi ko na patay na patay ka sa 'kin."

"Kanina may gusto lang ako sa 'yo. Ngayon, patay na patay na ako? Abogado ka talaga."

Nag-usap pa kami pero na-weirduhan lang ako kasi ang bait niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy e mamamatay na siya kasi ang bait niya bigla. Ganito kasi ako kapag may usually masama ugali tapos bumabait—feeling ko pangitain.

"What?" sabi niya nang titigan ko siya.

"Wala... weird lang. Ang bait mo ngayon."

"Masama ba ugali ko?"

"Minsan."

Natawa siya. "Fair enough," he replied. "It has been a long day," he continued. "No energy to be mean."

"Ano nangyari?" I asked him and for the first time, nagkwento siya sa akin tungkol sa nangyari sa araw niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Kahit na nakikinig lang ako, ramdam na ramdam ko iyong pagod niya. Ang dami nga pala talagang nangyari sa araw niya. Kung ako 'yon, baka kanina pa ako tulog sa sobrang pagod.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya kasi 'di ko alam kung ano ang sasabihin. 'Di talaga ako magaling magcomfort. Naiilang ako. Kahit kay Mauve kapag may sasabihin na comforting 'yon, binabara ko na lang para 'di nakaka-ilang.

Umiling siya. "No energy to cook."

"Wala ka bang instant noodles d'yan?"

Umiling siya. "Hindi ako kumakain ng ganon," sabi niya. "Sorry. It's been ten minutes. I'll end the call para makapagreview ka na."

"Okay..." sabi ko.

He looked at me na para bang nasa harapan ko siya at wala sa FaceTime. "You did good today. Pahinga ka na. Bukas ka na ulit magreview."

Bahagya akong tumango bago pinatay iyong tawag. Mabilis akong pumunta sa GrabFood at nagtype doon ng healthy meals. Ang unang pumasok sa isip ko ay bakit ang mahal maging healthy?! Mas mura bumili ng fastfood talaga. Pero pikit mata na akong umorder ng salmon at saka salad. Isang araw ko na na sweldo 'to.

'Wag ka muna matulog.'

'Antok na ko.'

'Thirty minutes lang,' sabi ko pagkatingin ko sa may restaurant. Preparing naman na 'yung pagkain.'

'Bakit? Pupunta ka ba dito? Wag na. Busy ka sa review.'

'Feelingero ka talaga.'

'Haha e bakit bawal ako matulog pa?'

'Basta.'

'Fine. Ikaw. Matulog ka na.'

'Kumakain pa ako.'

'You and siopao.'

'Yes. It's me and my siopao against the world.'

Nagsabi si Atty. Marroquin na may babasahin lang daw. Nanood naman ako ng Netflix habang nag-e-enjoy sa pagkain ko. Ito ata ang kakainin ko sa mga susunod na araw dahil ang mahal nung inorder ko na pagkain para sa kanya.

After a while, napa-tingin ako sa phone ko dahil nagvibrate iyon. Akala ko ay may text si Atty. Marroquin pero bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ko na voice note iyon.

"Thank you for the food. You didn't have to. Okay na sa 'kin na willing kang makinig sa nangyari sa araw ko. I really appreciate it, Mauro. Good luck on your exams. I can't wait to see you."

Fuck.

Gusto ko na ring matapos iyong exam. 

**

This story is already at Chapter 21 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com