Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 41

Chapter 41

Kahit na nabigla ako sa sinabi niya sa akin, mabilis akong lumapit sa kanya at saka kinuha iyong iPad na hawak niya. Sinubukan niyang 'wag ibigay sa akin, pero mahina pa rin siya kaya mabilis kong naagaw sa kanya 'yon. Inilagay ko iyon sa likuran ko na para bang bata si Achilles na malilimutan niya rin iyong binasa niya dahil tinago ko mula sa paningin niya iyong iPad.

"Wag mong isipin—"

"How can I? You namedropped a lot of people, Mauro!" he said in restrained anger.

"It's done, okay? Nagawa ko na."

I tried to act as casually as I could. Natatakot ako, syempre. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bigla na lang may masamang mangyayari sa akin. Nasa Pilipinas ako. Nabibili iyong batas dito. Alam ko 'yon dahil doon ako lumaki. Iyon iyong nakikita ko kay Papa. Kaya kahit ilang beses sa aking sabihin ni Achilles na magtiwala ako, hindi ko magawa. Kasi iba iyong kinalakihan ko sa gusto kong paniwalaan.

Kaya pa ba ng therapy 'to?

It's a whole fucking childhood to unlearn.

"Why would you do that?" he asked while looking at me like he was waiting for me to provide him with a logical answer.

Naka-tingin ako sa kanya.

Hindi makasagot.

He looked at me. Naghihintay pa rin na may sabihin ako sa kanya na dahilan kung bakit nabaliw ako at inilagay sa Internet lahat ng bagay na 'yon. Kasi alam naman naming pareho na kapag sa Internet, kapag nilagay mo na, nand'yan na 'yan.

Pero sa akin? Internet is an even playing field.

Hindi nila ako pwedeng takutin.

Hindi nila pwedeng basta-basta ibasura iyong reklamo ko.

I could start a fire and it would actually burn—hindi iyong tipo na kaya nilang basta na lang tapunan ng tubig para mamatay.

"Can we not?" sabi ko sa kanya. "Kaka-dating ko lang. Natawag ako sa recit—"

Mabilis siyang umiling. "No," he replied. "We will talk about this. Kasi bakit mo ba 'yon ginawa—"

"Akala ko mamamatay ka, okay?! Hindi ba ako pwedeng magalit o matakot?!"

Nakita ko iyong pagka-bigla sa mukha niya. Simula nung magising siya, pinilit ko na maging kalmado sa harap niya. Kasi ang importante lang naman sa akin ay buhay siya. Ang gusto ko lang naman ay magising siya. Ayoko lang na mag-isip pa siya ng kung anuman pa.

Pero pagod na rin ako.

Nakakapagod mag-alala.

Parang simula nung nakilala ko siya, wala na akong ginawa kung hindi ang mag-alala. It's like I couldn't even fucking breathe for a second. I always looked over my shoulder kung nandyan ba si Papa, kung nakikita niya ba kami?

It was like I was always on the edge of the ledge...

And I finally fell over.

"I'm sorry—"

Mabilis akong umiling. "Hindi mo kasalanan," mabilis na sabi ko sa kanya. Sinubukan kong huminga nang maayos. Ayokong umiyak sa harapan niya. Nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Pagod na akong umiyak kahit wala naman akong kasalanan.

Kasi kahit pagbaliktarin ko man lahat, wala akong maisip na kasalanan ko... kasi kasalanan ba na mahal ko si Achilles? Sapat ba 'yon para gawin 'to lahat ni Papa sa amin?

"Kasalanan ni Papa," sabi ko sa kanya. "Alam ko na siya iyong dahilan kaya nabigay sa 'yo lahat nung kaso na 'yon. Kasi kahit ilang beses mong sabihin sa akin na trabaho lang 'yon, alam ko na hindi mo 'yon kinukuha. Napunta lang sa 'yo 'yon dahil kay Papa. Kaya siya iyong may kasalanan kaya nangyari sa 'yo 'yan. Kaya 'wag mong sabihin sa akin na kung hindi ikaw, may iba. Kasi..." Huminga ako nang malalim. "Tangina, wala akong pakielam kung masama man akong pakinggang dahil dito pero mas gugustuhin ko na may ibang mabaril kaysa sa 'yo. Sila na lang; 'wag ikaw."

Agad na nagbaling ako ng tingin.

Pinunasan ko iyong luha na babagsak na.

"Kaya sorry, pero nandito na. Nagawa ko na. Natatakot ako, oo, pero okay lang. Para lang matapos na din. Kasi ang tagal ko na rin 'tong dinadala. Na tuwing may hawak na kaso si Papa, hindi mawala sa isip ko kung tuwing may napapanood ba ako sa TV na namatay... o kung anumang masamang nangyari, kung may kasalanan ba siya don? Na hindi naman ako iyong may gawa, pero bakit ako iyong may dala?"

Napa-tingin ako sa kanya nang hawakan niya iyong kamay ko. Hindi agad siya nagsalita, pero hinawakan niya nang mahigpit iyon.

"I'm sorry you had to live that way."

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Sorry din sa 'yo," sabi ko sa kanya. "Naka-usap ko iyong kapatid mo," dugtong ko. Nakita ko iyong panic sa mukha niya. Kung siguro dati iyon, magtataka ako... Na bakit ganon iyong reaksyon niya e kausap ko lang naman iyong kapatid niya? Pero ngayon? Naiintindihan ko na.

Mas naiintindihan ko na si Achilles ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano na kinailangan pa naming dumating dito para lang mapag-usapan namin iyong mga importanteng bagay.

"May nagawa ulit ako," sabi ko sa kanya. "Baka magalit ka."

Kumunot iyong noo niya. "Mas malala kaysa sa post mo sa Facebook?"

Nagkibit-balikat ako tapos ay naupo sa may space sa may gilid ng kama niya. Sinubukan ni Achilles na umusod para makaupo ako sa tabi niya, pero umiling ako. Baka masaktan ko pa siya kapag nasagi ko siya.

"Alam mo ba kung gaano ka-unfair iyong batas?"

"I'm familiar," sagot niya.

Mabuti na lang at hindi ako naka-harap sa kanya nang tuluyan kasi baka maiyak na naman ako sa inis sa kung gaano ka-unfair iyong sistema.

"Iyong akala ko mawawala ka na... Tapos... hindi daw ako pwedeng magbigay ng consent... Kinailangan ko pang hanapin iyong sa kapatid mo..."

Tahimik lang si Achilles. Ayaw niya siguro talagang pag-usapan iyong sa kapatid niya.

"Talaga bang galit siya sa 'yo dahil don sa nangyari dati? Na gusto niyang magsettle habang gusto mong ituloy iyong kaso?" tanong ko sa kanya.

Tumango si Achilles. "I understand her," sagot niya. "We were just kids then... Na biglang nawalan ng magulang. She wanted to escape our reality—I wanted to stay. Because our parents couldn't have just died for nothing... I had to believe in justice. Kasi kung hindi... ano? Iyon na lang 'yon? Kakalimutan na lang namin kapalit iyong pera?

"But she made the decision for us. Tinanggap niya iyong settlement. And that haunted me. Na nabayaran kami. Na may katumbas na halaga iyong buhay ng magulang namin," tahimik na sabi niya. "That's why I want to believe in justice, Achilles. I need to believe that the process works. Ayokong mabuhay na naniniwala na nabibili lang lahat. It's a naive thought, but that's what keeps me going. Na hindi lahat, may presyo."

Tumingin ako sa kanya. "I'm sorry," sagot ko. "Alam ko may tamang proseso... pero tama rin naman ako sa ginawa ko. Kasi kilala ko si Papa. Mas kilala ko siya sa 'yo, Achilles. Kahit anong reklamo pa ang gawin natin, walang makikinig. May kaibigan siya sa lahat ng posisyon sa gobyerno. Internet lang ang kakampi ko."

Hinigpitan niya iyong hawak sa kamay ko.

"Natatakot din ako. Hindi ko alam kung bigla na lang ba akong mawawala o biglang bubulagta sa kalsada. Pero siguro gaya mo, kailangan kong maniwala na tama iyong ginawa ko. Kasi kung hindi, ano? Talagang nananalo na lang iyong mga corrupt? Hindi ko kayang mabuhay sa ganong realidad."

Nakita ko na tumango siya.

"Okay," sagot niya.

"Okay?"

"This is going to be a long battle," he told me.

"Makaka-apekto ba 'yan sched ng class ko?" tanong ko sa kanya. Natawa ako sa joke ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Pinatawag ka na ba? Magkaka-admin investigation iyong sa Papa mo."

"Hindi pa," sabi ko. "Pero maraming nagrerequest ng interview sa akin."

Bahagya siyang tumango. "You'll be summoned," sabi niya. "Possibly for a blue ribbon hearing din. This is a big issue, Mauro. Marami kang pangalan na nilagay. Possible na mabuksan lahat nung kaso na hawak ng Papa mo."

Napaawang iyong labi ko.

"You accused your father of impropriety and corruption," sabi ni Achilles. "Gagamitin 'yon bilang ground para ma-reopen iyong mga kaso na involved siya dati."

Bumilis iyong tibok ng puso ko.

"Lahat?"

"Possibly," sabi ni Achilles. "People will grab every chance to get out of jail," dugtong niya. Tumingin sa akin si Achilles. Ang seryoso ng mukha niya. "I know I shouldn't say this pero... kausapin mo iyong Papa mo, Mauro."

Napakunot iyong noo ko. "Bakit?"

"I've been here for a long time, Mauro. I know how this works. Maraming tao ang gugustuhin na patahimikin iyong Papa mo," sabi niya na naging dahilan ng paglabo ng mga mata ko at pagsikip ng dibdib ko. "Talk to him. I'm sure he's just as scared."

Tumingin ako sa mga mata ni Achilles.

"After everything he did... paano mo nagagawang mag-alala sa kanya?"

"Dahil sa trabaho ko. Ewan ko. I defend possible criminals for a living. And the only way I could defend them is if I can see where they're coming from," he said.

"May mga tao na wala lang talagang kaluluwa."

"Haven't met any."

"Talaga?"

Tumango si Achilles. "Even the worst criminals I defended, there's always a reason why they did what they did. It might not make sense to me, pero may dahilan pa rin sa ginawa nila."

"Iba si Papa."

"He's just doing what he thinks is best for you."

"Ikaw iyong best para sa akin."

Nakita ko na namula iyong dulo ng tenga niya. Natawa ako. Ginulo niya iyong buhok ko na pilit ko namang inayos.

"Just talk to him," sabi niya na para bang alam niya na kung ano ang mangyayari. "And then talk to me. Nandito lang ako."

Dahan-dahan ko siyang niyakap. Kailangan ko lang talaga. Nagsisimula ko ng maramdaman iyong epekto ng pagsasabi ko ng katotohanan.

Sabi nga nila, truth is powerful.

Pero bakit parang truth is frightening?

"I'm sorry kasi kaka-gising mo lang, problema na naman dala ko sa 'yo."

"Sanay na ako."

I tried to break the hug para samaan siya ng tingin, pero hinatak niya lang ako ulit para manatili sa yakap.

"You'll be fine," bulong niya na para bang alam niya lahat ng pangamba ko. "Everything will be fine. It will all be over before you even know it."

Hinagod niya iyong likod ko na parang hine-hele ako.

Hanggang sa naka-tulog na ako... at nang magising ako, parang isang malaking bangungot na lang ang nangyari sa buhay ko. 

**

This story is already at Chapter 45 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com