a01
"chan-nim," tawag sa'kin ng isang istudyante dahilan matigil ako dito sa pag-experiment ko. pumasok siya sa lab at may ibinigay na meryenda, laking ngiti ang ibinigay ko sakaniya. "meryenda po," aniya.
"naku salamat," kinuha ko ang supot na naglalaman ng meryenda at inilagay sa malinis na lamesa. tinanggal ko ang gloves ko at nag-hugas ng kamay sa lababo, "nagmeryenda kana ba?"
"hi-hindi pa po," saad niya habang nagkakamot ng ulo. umiling ako at sinamaan siya ng tingin, "hindi ka pa pala nagmemeryenda at binigay mo pa 'to, umupo ka at kumain."
"huwag na po, chan-nim!" namumula pa ang mga pisngi nito. hinila ko siya at pinaupo sa tabi ko, "sige, samahan mo nalang akong kumain."
napilitan siyang tumango dahilan matuwa ako dito kaya wala sa sarili kong ginulo ang buhok niya na agad niya namang kinainis. siya ang isang istudyante na masasabi mong mabait pero loko-loko dahil laging napupunta sa guidance, tsaka kaya lang naman kami nagkakilala dahil sa titser niyang inuutusan siya lagi na pumunta lab ko.
ako pala si chan minami, isang science teacher na laging kulong sa lab, 23 years old at madaling lapitan. itong istudyante na kasama ko ay si park jimin, stem strand at señior high. simula nang nakilala ko siya ay isa siyang matulungin at malalahaning bata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com