59
Lance: hoy gio!
Lance: kahit nandito ako sa canada alam ko ang nangyayari diyan.
Lance: gago ka ilang beses na ba akong nagparaya? pero ilang beses mo na ding sinayang.
Lance: wala ka bang tiwala kay ash? at nagawa mong pagbintangan siyang niloko ka niya.
Lance: alam mo bang sa loob ng isang taon naming magkarelasyon ni ash ni minsan hindi niya ako niloko, ni minsan hindi ko narinig ang pangalan mong sinasabi niya kapag kasama niya ako.
Lance: kilala ko si ashley hindi niya kayang manakit ng taong mahal niya. alam mo bang yan ang pinakaunang dahilan kung bakit ko siya minahal?
Lance: noong dumating ka nakikita ko sa mga mata niya na mahal ka padin niya pero pinanindigan niya ako, hindi niya ako hiniwalayan kahit na bumalik kana dahil ayaw niyang masaktan ako.
Lance: kaya gio wag mong sayangin ang pagkakataon. napapagod din ang tao at baka kapag pagod na si ash wala kana talagang pagasa.
Lance: maswerte ka dahil ikaw ang lalaking minahal niya gio. Sana makita mo naman yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com