Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

04

04



It's already 7:30 in the morning when I decided to go for a walk outside. 

Napagdesisyunan kong bumaba para kumain ng breakfast meron kasi silang breakfast buffet dito. Kumuha muna ako ng pagkain ko bago ako naghanapng mauupuan, hindi naman mahirap maghanap dahil nga 7 AM palang at wala pang masyadong gisng na turista. 

"Good morning, Sir Leo." napatingin ako sa bumati sakin.

 Apat silang babae, hindi ko alam kung saang department sila kaya tumango nalang ako sakanila. 

Umupo sila sa may likuran ko dahil bakante yun. 

"Girl! Andito daw si Ms. Luna!" rinig kong umpisa ng isa sakanila, hindi ako lumingon dahil mapagkamalan pa kong chismoso. 

"So true nga na susunod talaga si Ms. Luna dito!" sagot nung kasama niya, hindi ko kilala. 

"Nalaman niyo ba kung saang room sila nakacheck-in?" 

"Sabi nung isang katrabaho natin katabi daw nung kanila Sir Leo, nakita daw kasi nila pumasok dun si Ms. Mendoza."

"Hindi nila nakita mukha ni Ms. Luna?"

"Hindi daw e, si Ms. Mendoza lang daw nakita nilang pumasok kaninang umaga." 

"Sayang naman no? Kailan kaya magpapakilala yun si Ms. Luna?"

"True! Super mysterious!"

"Yung nangyari pa sa dating secretary! Grabe! Kakilabot!" 

"Hay nako! Kain na nga lang tayo."

"Pogi ni Sir Leo no?"

"True! Balita ko mayaman talaga siya."

Tumayo na ko dahil wala na kong interes sa bago nilang pag-uusapan. 

Naglakad ako papuntang Beach, mamayang 9 AM pa naman yung punta namin Puka Beach. Hihintayin pang magising lahat. 

Lalo na yung si Sam. 

Lasing kahapon, ambaba pala ng alcohol tolerance tapos lakas ng loob ubusin yung bote nung whisky. 

Habang naglalakad ako at tinitignan yung ibang taong naglalakad.  

May mga nakaholding hands, mukhang dito ang honeymoon. Madami ding foreigner. Naka-bikini pa. Sanay na siguro mga pinoy dito. 

Napatingin ako sa bilihan ng souvenir. 

Next time nalang siguro.

* * *

"Andito na ba lahat?" tanong ko sa loob ng van. 

"Si Leila." napalingon ako kay Jin. 

"Di sumabay sayo?" tanong ko kay Jane. 

"Sunod daw siya e." sabi ni Jane sabay kibit balikat. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan yung number niya. Agad naman niyang sinagot. 

"Magpapa-iwan ka ba?" bungad ko sakanya pagkasagot niya ng tawag. 

[Sandali!] sigaw niya kaya naman inihiwalay ko yung cellphone ko sa tenga ko. [No. I'm fine po, sorry din.] rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Napakunot noo naman ako dahil dun. 

Anong ginagawa nito?

"Nasan ka ba?" tanong ko sakanya. 

[I'm helping Ate here. Ate, what's your name?] sabi niya sabay tanong dun sa tinutulungan niya daw. [Soleil.] an angelic voice answered. [Hear that?] sabi naman ni Leila. [I'm helping her fix her things since I accidentally bump into her.] explain ni Leila at nariig ko ang mga kaluskus ng gamit. 

"Bilisan mo iiwan ka namin." sabi ko sakanya. 

[Oo, sandali!] nagmamadali niyang sagot. [Thank you, you can go ahead now.] I heard the angelic voice said. [Welcome!! Sorry po ulit.] rinig ko namang paumanhin ng kapatid ko. [Hey, yo still there?] taong niya sakin. 

"Dalian mo." sagot ko naman. 

[Yeah, ye–] binaba ko na agad ang tawag. 

Para makatakbo na siya agad. 

Ilang minuto ang lumipas, nacheck ko na yung kabilang van at dumating na si Leila.

"Sorry!" nakangiti niyang sabi sakin sabay peace sign. "Ang weird ng babaeng yun, nakasunnies wala namang araw sa loob ng hotel." sabi niya sakin ng nakakunot ang noo. 

"Mamatay na nanghingi ng opinyon mo." sabi ko sakanya at pinapasok na siya sa loob ng van. 

"Sungit." sabi niya sabay irap sakin. 

"Okay na po lahat, Kuya." sabi ko dun sa magddrive.

* * *

"Gago, ang lalim!" sigaw nung isang empleyado na sumulong agad sa dagat. 

Yung mga babaeng empleyado, nagpicture picture muna sila. Syempre, kasama na si Jane. Si Jin yung photographer nila. 

Ako naman nag-order ng shake para sakanilang lahat. 

High tide yata kaya nasabi nung isa na malalim. Nasa bungad pa lang kasi siya hanggang dibdib niya agad yung lalim ng dagat. 

"Kaya ba namin yan?" sigaw nung mga babae dun sa mga naunang lalaki sa dagat. 

"Hindi, dun nalang kayo sa kabila pagbalik natin."

"Kaya yan, kung maarunong kayong lumangoy." kumento nung kasam niya. 

"Sexy nun pre oh!" napatingin naman ako sa may kanan ko, mga nakashades para hindi mahalata na tumitingin sila ng mga chix. 

Napatingin ako dun sa tinuro niyang foreigner. Napa-iling nalang ako nang makitang naka-two piece yung foreigner. 

Very liberated, it is. 

"Leo, bili tayong souvenir dun oh." sabi ni Jane habang nakakapit sa braso ni Jin. 

Tinignan ko naman yung nginunguso niya. Umiling ako, natatamad ako maglakad. 

"Sama niyo nalang si Leila, baka gusto nyang bumili." sabi ko saknila at binuksan nalang yung iPad Mini ko para tignan kung anong gagawin namin ngayon. 

"Ang KJ mo talaga." sabi niya sabay irap. 

"Mamatay na nanghingi ng opinyon mo." sabi ko sabay tawa dahil napalingon siya sakin at sinamaan ako ng tingin. 

Umalis na sila at niyaya nga nila si Leila na tumango agad nang niyaya ni Jin. 

Ang rupok. 

Napa-iling ako at tumingin nalang sa mga sumama na empleyado ng Luna Corp. Hindi pa ito lahat ng empleyado, madaming hindi sumama, mas gusto yata yung day-off kaysa mag vacation. Choice naman nila yan. 

"Leo, swimming ka." napatingin ako kay Sam na basa dahil kakagaling sa dagat. 

"Susunod nalang." sabi ko para tantanan niya ko. 

Wala kong balak maligo dito.Baka mag-nigt swimming nalang ako dun sa pool mamayang gabi. 

Ilang oras ko silang inantay magsawa sa kakalangoy, parang mga bata yung iba kasi naghahagisan tsaka lunuran, tumataawa nalang ako habang pinapanood sila. Hindi din nagswimming si Jin kahit na anong pilit sakanya ni Jane. 

Balak yatang sumabay sakin sa plano kong night swimming. Sinabi ko kasi sakanya nung inaaya niya kong magswimming. Pati si Leila hindi nagswimming, ayaw daw umitim. 

Bobo, hindi naman siya iitim, mamumula lang balat niya dahil sa araw. 

Nagmana kasi siya kay Papa. 

Pagpatak ng alas tres ay nagyaya nang bumalik ang lahat. 

Pabalik sa van ay may napansin akong kakadating lang na S Class na Mercedes Benz. 

"Gago! S Class oh!" rinig kong sabi ni Sam. 

Napatingin ang ibang empleyado at kumunot ang noo. Nanlaki ang mata ni Jin, Jane at Leila nang makita ang S Class na Mercedes Benz. 

That shit cost 11.3 million. 

"Sinong magdadala ng S Class dito sa Boracay?" tanong ni Jane. 

"Some crazy rich human beings." sagot ni Leila at pumasok na sa loob ng van. 

Sumunod naman ang iba dahil hindi naman sila interesado sa kotse, hindi yata nila alam presyo ng sasakyan na yan. Wala pa ring lumalabas na tao mula roon, sobrang tinted nung kotse kaya di makita kung sino yung nasa loob. 

Pumasok nalang rin ako sa van para makauwi na kami, matapos kong i-check kung nasa loob na ng dalawang van lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com