Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

29

Chapter 29



Tapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin ng biglang pumasok si Jin sa loob ng opisina ko.

"I'm done talking to Diego." sabi ni Jin sakin.

Napasandal naman ako sa swivel chair ko at tinignan siyang umupo sa isa sa mga sofa ng opisina ko.

"And?" tanong ko, nanghihingi pa ng ibang detalya bukod sa sinabi niyang nakausap niya na si Diego.

"Maybe we need to talk to him in person." suhestiyon niya sakin kaya naman napaayos ako ng upo at sinandal ang siko ko sa desk ko.

Alam ko nang hindi magpapapigil si Diego. Hindi ko alam kung adulto na ba ang isang yun o hindi dahil hindi ganoon umaakto ang utak niya.

Yes, he's matured when it comes to his business but when it comes to something like this? He always ask for my help because like what his reason is, he don't know what to do. Useless din yung kagalingan niyang maghandle ng business niya kung di naman siya marunong maghandle ng problema niya.

"Okay. I'll just fix my things and we'll go to his place." sabi ko at tumango naman siya at lumabas na ng opisina ko para na rin ayusin yata ang gamit niya.

It's also a good thing na naintindihan ni Jane na may pupuntahan kami kahit na nag-aalala siya kay Jin dahil anong oras na at babyahe pa kami.

Hindi naman kalayuan ang bahay ni Diego dito kaya wala naman siyang dapag ipag-alala kay Jin.

"Ingat kayo." sabi ni Jane at hinalikan sa pisngi si Jin. Hinalikan naman siya sa noo ni Jin.

Nandiri ako sa nakita. Kaya iniba ko nalang ang tingin ko. Iniwan ko ang kotse ko dahil napagdesisyunan naming kay Jin nalang ang gamitin papunta kay Diego.

Kanina pa sila paalam ng paalam sa isa't isa kaya napikon na ko at nakisingit sa pagpapaalam nila na hindi matapos tapos.

"Guys, magkikita pa rin kayo bukas. Wag kayong OA." sabi ko kaya napalingon si Jin at Jane sakin at sabay pa silang tumawa.

At sa wakas ay tuluyan na nga silang nakapagpaalam sa isa't isa ng legit.

Nang makapasok si Jin sa driver seat ay agad niyang pinatakbo iyon patungo sa bahay ng kupal naming kaibigan.

* * *

"Mis amigos!" masayang bati samin ni Diego nang makita kami pagbukas niya ng pintuan ng bahay niya.

"Jódete." agad kong sabi at walang pahintulot na pumasok sa loob ng bahay niya.

Agad naman akong napatigil nang makita si Kyla na naka-upo sa sofa niya at panay ang hikbi kahit nakakatawa naman yung pinapanood nila sa TV.

Nilingon ko ang dalawa na nasa pinto pa rin at nakita kong pumasok na din si Jin at napahinto din nang makita ang nakita ko. Tinignan ko si Diego ng masama.

"Ella está rogando." sabi niya at kumibit balikat pa.

Nag-angat ng tingin si Kyla samin nang marinig na nagsalita ng espanyol si Diego. Nanlaki ang mata niya ng makita ako at agad na napatayo sa kinauupuan niya.

"S-sir Leo!" gulantang na sambit niya habang inaayos ang suot niya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at ako ang naasiwa sa suot niya ngayon.

Is she seducing Diego?

Nilingon ko naman ai Diego at bumaba ang tingin ko sa kung ano ang meron din ako at nakita kong binabati kaming lahat non. I look at him and again he just gave me a shrug. He didn't even try to cover it.

Wala bang kahihiyan ang putanginang to?

"Really now?" I asked but he just groan and roll his eyes at me. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan niya ko ng buntong hininga.

"Kyla, can you go to my room for sec?" malamig na sabi niya kay Kyla kaya lumingon ako kay Kyla and I saw how she flinch.

Tumango lang siya at tahimik na umakyat sa kwarto ng kumag na nasa harap namin ngayon.

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto niya ay agad kong niluwagan ang neck tie na suot ko. Tinignan ko siya ng masama at mabilisang lumapit sakanya bago siya sinapak sa mukha.

Tumagilid ang mukha niya at napaatras kaya agad namang tinulungan siya ni Jin dahil akala nito ay mawawalan ng balanse si Diego at matutumba.

"Leo." malumanay na sabi ni Jin.

Inayos ni Diego ang sarili niya at seryosong tumingin sakin.

"Panagutan mo yun." seryosong sabi ko sakanya.

"Alright, alright! But don't expect me to marry her." sabi niya at tanggal ng kamay ni Jin na nakahawak sakanya.

"Diego, yo-" natigil si Jin sa sasabihin niya dahil nagsalita si Diego.

"Jin, I know. But marrying her is beyond my limit." sabi ni Diego at tsaka naglakad patungo sa sofa at naupo roon. "My obligation is to provide the kid not the mother right?" sabi niya habang nakatingin sa TV.

"You sti-" hindi ulit natapos si Jin sa sasabihin niya dahil bastos si Diego.

"Jin, don't push that idea to me because I won't." sabi ni Diego kaya napabuntong hininga nalang si Jin.

Narinig naming bumukas yung pintuan sa taas at rinig din ang padabog na mga yabag pababa ni Kyla kaya napatingin kami sakanya na tumutulo ang luha na dire-diretsong lumabas ng bahay ni Diego.

Sabay kaming tumingin ni Jin kay Diego.

"What?" iritadong tanong niya.

Naglakad na ako palabas ng bahay niya at sumunod naman si Jin sakin.

"Go after her." sabi ko bago sinara ang pintuan ng bahay niya at naglakad na patungong kotse ni Jin.

* * *

Pagkarating ko ng condo ko ay agad naman nang lumarga paalis si Jin at sinabi pa saking wag ko nang isipin yun. Dahil alam niya daw na magpapakalalaki si Diego.

But I doubt what he said.

We both knew Diego's nature. Hindi niya gustong magpatali kahit kanino. He's a free man.

Kaya buong gabi ay iniisip ko ang magiging kalagayan ng anak niya kung sakaling hindi ipapalaglag ni Kyla ang bata. At sana ay hindi niya gawin ang bagay na yun dahil isa iyong napakalaking kasalanan.

Napahilamos ako sa aking mukha bago napagpasyahang manood nalang buong gabi para mawala sa isip ko ang problema ni Diego. Hindi ko problema pero namomroblema ako dahil dinamay niya ko. Kaya ngayon ni isang dalaw ng antok hindi ko nakuha.

Putangina niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com