Chapter 10 [☆] Guilty
Shana's POV
Kasalukuyan akong nagiging "Nanny" ng Bangtan. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapa-irap.
"Shanaaa~ naiihi po si baby Diminie~" Nag papa cute at nagbababy talk na sabi ni Jimin.
Exagg talaga akong napa-irap "What the heck! Anong tingin mo sakin, iridoro?!" Maarteng sigaw ko sa kan'ya at padabog na umupo sa pang-isahan na sofa opposite Jimin's.
Nawala naman ang pag-aakto nitong parang baby at umirap din saakin "Arte! And correction, Shana, its not iridoro, its inidoro" Mataray na pag-tatama niya saakin.
Nairita naman ako dahil sa sinabi n'ya "Bakla ka ba? Irap ka ng irap" Mataray na tumayo naman sya at lumapit sakin.
Jimin smirked at unti-unting inilapit ang kaniyang mukha sa akin "Ako? Bakla? Halikan kita d'yan eh" I didn't budge instead, I raised one of my eyebrows at him.
"Gago hands off na, asawa na ni Maknae 'yan" Saway ni Namjoon sabay bato ng throw pillow kay Jimin.
Jimin distanced himself and scoffed at me "Ito kasi hyung e" Aniya at bumalik na sa pwesto n'ya kanina. Dinilaan ko naman siya at ganun din ang ginawa niya saakin.
Inilibot ko ang tingin sa sala na ngayon ay occupied ng Bangtan. May kan'ya kan'yang ginagawa. I reached for the TV's remote control " Wala pa ba kayong balak umuwi ha? Sobrang pamemerwisyo na dulot n'yo sa'kin at dito sa bahay namin" Ismid ko sa kanila at inilipat ang channel ng TV.
Napa-kunot ang noo ko when I realized something "Teka, nasaan si hubby ko?" Tanong ko sa kanila habang lumilinga-linga. Parang kanina lang andito s'ya, pati si Yanna din nawala. Well, mawala na talaga sana ang babae na 'yon!
"Hubby mo? Andito" Pilyong sagot ni Namjoon habang tinuturo ang sarili n'ya. Agad ko namang dinampot ang pinaka-malapit na throw pillow at binato iyon sa kan'ya sabay irap "Ewan ko sa inyo"
"Umalis s'ya, hinatid si Yanna" Sagot ni Jin habang busy mag selca sa phone n'ya. Napa-irap nalang ako. Hindi manlang s'ya nag-sabi sa'kin. May karapatan naman ako para malaman kung saan s'ya pupunta lalo na't disoras na ng gabi.
"Tss ihahatid pa kaya naman nun umuwi mag-isa" Padabog at galit kong bulong sa sarili
"Umalis na rin kaya kayo, no?" Naiinis na sabi ko sa Bangtan sabay tayo at patay ng TV.
Agad naman na naibaba ni Hoseok ang hawak n'yang phone "Ayaw mo ba kami dito?" Naka-nguso at halatang nagpapa-cute na ani nito.
"Oo! Ang dami kong liligpitin oh! At dahil 'yun sa inyo!" Sagot ko at tinuro ang kusina kung nasaan ang pinag-kainan naming lahat.
"OA mo naman Shana! 7 na plato lang naman huhugasan mo. Hindi naman kumain si maknae at 'yung jowa n'ya" Ismid na sabat naman ni Taehyung.
Sinamaan ko s'ya ng tingin at inirapan "Duh! Madami na 'yun para sakin kasi pag kami lang ni hubby ang nandito either plato ko lang o plato lang nya ang huhugasan ko! Chupi na nga! Umuwi na kayo!" Pangtataboy ko sa kanila.
Mukhang mga wala pang balak umuwi ang 6 na 'to ah.
"Sige na bumalik na tayo sa dorm, gabi na din naman" Anunsyo ni Namjoon na naging dahilan para umingay ang mga ka-grupo n'ya. "Sige na, mauna na kayo sa van. Tutulungan ko na si Shana mag-hugas at mag-linis"
His members' groans were heard pero sumunod din naman sila kay Namjoon at inayos ang mga inupuan nila at isa-isa ng lumabas. I turned my back at him at nauna ng pumunta sa kusina para mag-hugas. Sumunod naman si Namjoon.
"Buti naman naisipan mong tumulong ano?" Taas kilay kong ani at akmang bubuksan na ang faucet nang paluin niya ang kamay ko at s'ya na ang nag-hugas ng plato.
"Ako na" Aniya. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. My precious plates are in danger! Pero hinayaan ko na s'yang mag-hugas. Mas kawawa na ang kamay ko sa mga gawaing bahay, I can always buy a new set of plates kapag nabasag n'ya ang mga iyon.
Sumandal nalamang ako sa gilid at pinanood s'yang mag-hugas. In fairness, wala pang nababasag.
"So childhood best friend mo 'yung kanina?" Biglang tanong n'ya. Kumuha naman ako ng kaunting bula mula sa lababo. I love bubbles~
"Yep" Sagot ko at inihipan ang kamay ko na may bula.
Namjoon smirked "Lagot ka sa asawa mo" Natatawang aniya habang binabanlawan ang mga plato.
I scoffed "Ano naman? Kaibigan ko 'yon at wala naman kaming ginagawang masama" Mataray na sagot ko sabay ihip ulit ng bubbles.
Nag-kibit balikat s'ya "Bahala ka, seloso pa naman 'yon" Aniya sabay wisik sa'kin ng tubig. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.
"Tss, 'di mag seselos 'yon, walang pake sakin 'yun" Sagot ko sabay wisik din sa kan'ya ng tubig.
"Possessive 'yun. Ang kan'ya, kan'ya lang" At winisikan nanaman n'ya ako ulit ng tubig.
"Tss kay Yanna possessive s'ya, sa'kin hindi" Medyo may lungkot na sagot ko at winisikan din s'ya ulit.
At para kaming dalawang bata na nag-wiwisikan ng tubig sa kusina.
"NAMJOON! TIGILAN MO NA KASI!" I squealed. Ayaw kasi paawat ng bwisit na 'to eh.
"Sabihin mo muna na ang pogi ko" Natatawang aniya.
"Ang pogi ko! Pfft" Pilya at natatawang sagot ko at mas nag-wisikan pa kami ng tubig ni Namjoon.
Tawa kami ng tawa ni Namjoon dahil sa ginagawa naming dalawa, basa na rin kami pareho pero wisikan parin kami ng wisikan ng tubig nang biglang...
Isang tikhim ang narinig naming dalawa ni Namjoon sa likod at pareho kaming napa-harap dito. OMG my hubby is here na!
"Uy maknae!" Bati ni Namjoon at inakbayan ang asawa ko.
"Tinulungan ko lang mag hugas ng plato asawa mo. Sige na, alis na ako. Kanina pa nila ako iniintay" Natatawang paalam nito at akmang paalis na ng kusina nang lumingon s'ya sa'kin at pinang-singkitan ako ng mata "Shana, hindi pa tayo tapos" Seryosong aniya pero pareho lang kaming natawa at umalis na s'ya.
Pareho kami ni Jungkook na pinanood na maka-alis si Namjoon hanggang sa ang tunog ng pag-bukas at sarado ng pinto ang narinig naming dalawa ni Jungkook. Agad naman s'yang humarap saakin at binigyan ko naman s'ya ng malawak na ngiti "Kumain ka na ba hubby baby?" Sweet na tanong ko sa kan'ya.
Kahit hindi maganda ang pag-sasama naming dalawa at iba ang pakikitungo n'ya sa'kin, laking pasasalamat ko kasi hindi n'ya ko sinasapak pag tinatawag ko s'yang hubby baby. Hinahayaan lang n'ya ako.
"Tss. 'Di pa" Sagot n'ya at pumunta sa lamesa.
Agad agad naman akong kumuha ng kanin at ulam at sinerve agad sa kan'ya. "Eto na hubby baby ko~" Malambing na anunsyo ko at inilapag na ang mga pagkain sa harap niya. "Eat well~" Naka-ngiting ani ko muli at umupo na sa harap n'ya.
Naka-titig ako sa kan'ya ng may malawak na ngiti sa mga labi. Bakit ba kasi pati sa pag kain ang g'wapo mo hubby ko?
"Tss 'di ako maka-kain ng maayos" Ismid n'ya ng hindi tumitingin saakin.
"Sorry" Nahihiyang paumanhin ko naman.
OMG ngayon pa kami nagka-moment kung kailan naman ang gulo ng buhok ko at medyo basa pa! Meh, it's okay, i'm dyosa padin naman e.
"Tubig?" Simpleng alok ko nalang sa kan'ya. Tumango naman s'ya kaya tumayo ako at lumapit sa ref at kinuhaan s'ya ng tubig.
"Here" Ani ko sabay lapag ng baso sa lamesa at bumalik sa inuupuan ko kanina.
Tahimik lang kaming dalawa at napansin kong mukhang gusto n'ya ang niluto ko. Syempre time ko na ito kaya tinanong ko s'ya "Uhm masarap ba? Gusto mo pa?" Naka-ngiting tanong ko nang natapos s'yang kumain. Nagulat ako nang tumango s'ya at imbis na lumapit sa lababo ay lumapit sa rice cooker at kumuha pa ng kanin.
Oh my god! Nasarapan s'ya sa luto ko! OMG! Tatandaan ko talaga 'tong araw na 'to! OMG! Kinausap n'ya 'ko! Take note, ng maayos! Hindi n'ya ko sinigawan at hindi s'ya galit! Hindi katulad kaninang umaga OMG!
Nasa kalagitnaan ako ng pag-ngiti nang tanungin n'ya ako na mas lalong nagpa-kilig saakin "Kumain ka na ba?"
OMG mag eend of the world na ba?! Ayaw na ayaw n'ya ko maka-sabay sa pag kain tapos ngayon tinatanong n'ya ako kung kumain na ako?! Can I effin scream?! OMFG kinikilig ako! Hubby can u not?!
Napa-kagat ako sa aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagka-kilig ko pero wala, kinikilig talaga ako. "H-hindi pa" Sagot ko kahit na kumain na talaga ako kasama ang Bangtan kanina. Syempre once in a blue moon lang 'to kaya wag palampasin ang pagkakataon!
"Kumain ka na. Kaunti nalang 'yung kanin baka maubusan kita" Aniya na busy sa pag kain.
Kahit medyo busog ay agad akong tumayo at kumuha ng plato. Naka-ngiti at kinikilig akong kumuha ng kanin at ulam. Nang maka-kuha na ako ng pagkain ay agad akong tumabi sa kan'ya at tahimik na sumabay sa asawa ko kumain.
Pasimple ko namang nilabas ang phone ko, gusto ko sanang picturan na magkatabi kaming kumakain kahit hindi s'ya nakatingin. Mabilis kong pinindot ang capture button ng tatlong beses at agad na tinignan ang mga picture na kinuha ko.
Nanlaki ang mga mata ko. P'wede na ba ako tumili at sumigaw sa kilig? Naka-tingin si Jungkook sa camera, naka-ngiti pa s'ya!
Ramdam ko ang pag-pula ng aking pisngi at mas lalo pa ata itong pumula nang mag-salita ang asawa ko. "Sa susunod kung gusto mo ng picture kasama ako sabihin mo, hindi 'yung pasimple ka dyan" At tumayo na s'ya at inilagay ang kan'yang plato sa lababo.
Hindi ko napansin na naubos na pala n'ya ang pagkain sa plato n'ya. Binilisan ko naman kumain. Base on my peripheral view, naka-sandal s'ya sa may lababo at hindi ko alam kung nakikita ko ba ng tama ang mga bagay dahil naka-tingin s'ya sa'kin.
Teka lang, what's happening on earth?! Mag eend of the world na ba talaga?! Anong nakain n'ya ba't gan'yan s'ya ngayon? Hindi naman s'ya gan'yan sa'kin kaninang umaga at never s'yang naging gan'yan sa'kin!
Okay, this day forwards, itong ulam na 'to na ang laging kong iluluto! Kung alam ko lang na itong ulam na 'to lang ang magpapa-bait kay Jungkook matagal ko na 'tong niluto!
Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo at tumungo sa lababo para hugasan 'yung pinag kainan naming dalawa. I was about to turn on the faucet when Jungkook slightly pushed me aside. Nag-tatakang napa-tingin naman ako sa kan'ya.
"Ako na" Ani n'ya at nag-simula ng hugasan ang plato. Hindi naman ako maka-galaw, na-estatwa ako. Gusto kong ma-feel 'yung moment. Sa loob ng mag iisang taon naming mag asawa, ngayon lang n'ya ginawa 'to.
Pasimple ko nanamang kinuha ang phone ko. Remembrance~ naka-talikod s'ya habang nag huhugas ng plato samantalang ako ay naka peace sign. Wala na akong pakielam kung magulo ang buhok ko. Tatlong beses ko muling pinindot ang capture button.
Agad akong pumunta sa gallery at hindi ko mapigilan ang kilig ko habang tinitignan ko ang mga ito. Gagawin ko ngang lockscreen at wallpaper 'to. OMG i'm so happy! May real pictures din kaming dalawa at hindi ko na kailangan pang mag-edit! Joke hahaha.
Busy ako sa pag-tingin ng mga kaka-kuha ko lang na picture naming dalawa nang bigla s'yang mag-salita. "Sa nangyari kanina..." He trailed off at tinignan ako ng deretso sa mga mata "Sorry"
Natahimik ako at napayuko nang maalala ko ang lahat ng nangyari kanina. Na-bully at napahiya nga pala ako at dahil 'yon sa kagagawan ng magaling n'yang girlfriend na itago nalang natin sa pangalang Yanna the great bitch.
"In behalf of Yanna, sorry ulit. Hindi n'ya dapat ginawa 'yon. And uhm... sorry about your locker and your project" Napa-angat ako ng tingin dahil sa mga sinabi n'ya. Totoo ba 'to? He's sorry?
Binigyan ko s'ya ng isang pilit na ngiti "Wala naman na akong magagawa e"
"Basta sorry. Saan ka nga pala galing kanina? Ba't hindi ka na bumalik? Hindi mo na pinasukan ang iba pa nating subject" Pang-uusisa n'ya at lumapit sa ref. Kumuha naman s'ya ng coke in can at bahagya akong nagulat nang ihagis n'ya sakin ang isa. Buti nalamang ay nasalo ko ito. Nag peace sign naman s'ya.
"Ba't mo naman natanong?" Tanong ko sa kan'ya habang binubuksan ang coke in can na binigay n'ya sa'kin.
"Wala, na-guilty lang ako bigla nung umalis ka ng umiiyak. I was worried nung hindi ka manlang nag-sabi kung nasaan ka na, baka kasi napaano ka na. Sila hyung din, they're worried about you" Sagot naman n'ya at uminom. Napa-ngiti naman ako.
"Ayiie! Concern s'ya sa'kin" Pang aasar ko. Minsan lang mangyari 'to, namnamin mo na Shana! H'wag palampasin ang pagkakataon na medyo maging close kayo.
"Malamang. Pagagalitan ako ng daddy mo pag may nangyari na masama sa'yo" Kibit balikat na sagot n'ya at pumunta sa sala. Agad naman akong sumunod sa kaniya.
Malawak ang ngiti sa aking mga labi at umupo sa katapat niyang sofa "Nakakakilig ka naman hubby! Concern ka sa'kin" Pang aasar ko pa. Sinamaan naman n'ya ako ng tingin sabay inom sa coke in can n'ya. Napa-tawa nalamang ako at napa-iling.
"Kasama ko naman si Kiel kaya okay lang ako. Hindi naman nun hahayaan na may mangyari na masama sa'kin" Naka-ngitining sagot ko sa kan'ya.
Kumunot ang noo niya "Kiel? Sino 'yon?" Tanong n'ya at kumuha ng chips na nasa center table at kinain ang mga ito.
"Oh, childhood best friend ko" Simpleng sagot ko at uminom.
"S'ya 'yung kasama mong lalaki kanina? 'Yung nag-hatid sa'yo?" Taas kilay n'yang tanong sa'kin.
Napahinto ako sa pag inom. Napangiti naman ako.
"Nag seselos ka ba hubby ko~?" Malokong tanong ko sa kaniya. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay.
"Tss 'di no" Naka-simangot sagot n'ya at uminom.
Lumawak naman ang ngiti ko dahil sa sagot at reaksyon n'ya. "Sus~ wag kang mag selos ikaw lang naman laman nito. Ayiie" Sagot ko habang naka-turo sa puso ko.
Nirolyo n'ya ang kan'yang mga mata "Tss as if no. Maka-alis na nga" At tumayo na s'ya at tumungo sa hagdan.
Bago pa man s'ya maka-pasok sa kwarto n'ya ay agad akong sumigaw "H'WAG KANG MAG-ALALA, MAHAL KAYA KITA" Wala siyang naging sagot kundi ang pag-sarado ng pinto ng kan'yang kwarto.
Agad naman akong napa-tingin sa CCTV camera na nasa may taas. Sure ako na na-record n'yan 'yung moment namin ni hubby. Idagdag mo pa 'tong voice record ko. I am so keeping these. Minsan lang mangyari 'to na kina-usap ako ni hubby kaya dapat may remembrance!
Umakyat na ako at papasok na sana sa kwarto ko nang dumungaw si Jungkook sa pinto ng kwarto n'ya which is sa harap ng kwarto ko.
"Kung kaibigan mo lang s'ya, ba't kailangan kayong abutin ng 7:00 ng gabi atsaka ba't hinalikan mo s'ya sa pisngi?" Napa-ngiti ako sa sinabi n'ya.
Sasagot na sana ako nang... masubsob ako sa hagdan.
Fucking shit! Daydream pa kasi Shana! Pasalamat ka wala na si hubby mo! Kung hindi? Nako ang epic! Sure akong narinig ni Jungkook ang pag-bagsak ko sa hagdan kaya agad-agad akong pumasok sa kwarto ko at nag-lock ng pinto.
[EDITED]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com