Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 [☆] Back to basic

Shana's POV

Umaga nanaman, agad naman akong napa bangon para ipag handa ng agahan ang asawa ko. Sabado ngayon at hindi ko pa rin malimutan ang inasal n'ya kagabi after our date. Nakaka pag taka. Bakit biglang nag-iba ang mood n'ya? Iniisip ko na nga lang na kaya siguro s'ya ganon kasi baka sumama ang t'yan n'ya dahil sa kinain namin o baka dahil pagod s'ya. Bumuntong hininga na lang ako at tinali na ang buhok at bumaba na.

Nag simula agad akong mag luto ng agahan. Simpleng sinangag lang at hotdog ang niluto ko. Hindi naman kasi ako usually nag heheavy breakfast. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa ngiti nang maalala ang hinanda n'ya para saakin kahapon. 

I was snapped back to reality when I heard the opening and closing of his room's door and was followed by his footsteps. Awtomatiko namang lumawak ang ngiti sa aking mga labi.

"Good morning hubby! Breakfast is ready!" Masigla at malawak ang ngiti na bati ko sa kaniya pero s'ya ang aga-aga naka busangot at parang naiirita.

"Ang aga naman n'yang kunot sa noo mo, smile naman d'yan hubby" Panunuyo ko sa kan'ya pero sinamaan lang n'ya ako ng tingin.

"P'wede ba Shana? Tumahimik ka!" Nagulat ako ng pag taasan n'ya ako ng boses. Napa yuko naman ako.

"Sorry" Naka yukong paumanhin ko. 

Maya maya lang ay narinig ko ang pag kuha n'ya ng plato at kutsara, ganun din ang ginawa ko, kakain na din ako. P'wede na siguro ako sumabay kumain sa kan'ya, kahapon nga sabay kami e. Pinag handa pa nga n'ya ako ng agahan e.

Tumaas ang kilay ni Jungkook at mukhang mas lalo s'yang nairita "Anong ginagawa mo?" Medyo may galit sa tono niyang tanong saakin.

"Kakain" Sagot ko at umupo na. Nagulat ako at bahagyang napa talon sa kinauupuan ko nang hampasin n'ya ang lamesa.

"AT SINONG NAG SABI SA'YO NA SASABAY KA SA'KIN KUMAIN?!" Sigaw n'ya sa'kin. Napa kunot naman ang noo ko

"Ano bang problema mo? Parang kahapon lang pinag luto mo 'ko, nakipag date ka sa'kin tapos bigla kang magiging gan'yan, akala ko ba okay na tayo?" Frustrated na tanong ko sa kan'ya kasi hindi ko s'ya maintindihan. Mas lalong kumunot ang noo ko when he puffed a puffed a mocking laugh.

" Shan, naririnig mo ba ang sarili mo? Okay? Tayo? Never, Shana. 'Tsaka 'yung kahapon? P'wede bang wag mo ng ipapa-alala? Kinikilabutan kasi ako na naka sama kita at nahawakan ko 'yang mga kamay mo. Ang slow mo talaga e, 'no? Nandito sina Papa kaya kailangan kong gawin 'yun sa'yo dahil kung hindi, malalagot ako dahil naka-abot daw sa kanila ng Daddy mo 'yung tungkol sa'min ni Yanna, kaya kailangan kong bumawi. To cover it up. Don't consider everything as a date, or don't even fantasize na magiging okay tayong dalawa at mamahalin kita. Just thing about what happened yesterday as a fan service" Every word Jungkook spat stabs me in the heart.

"Nakaka walang gana" He spat at tumayo na at dumaretso paakyat sa kwarto n'ya.

Fan service. lang. wow. naman. sakit. sa. heart.

I smiled bitterly. Ayan, ang assuming mo kasi, Shana. Porket nagpa kita ng sweetness sa'yo, ayos na kayo. Porket pina kilig ka lang ng kaunti nagkaka puwang ka na sa puso n'ya. 'Diba dapat lagi mong tatandaan na ikaw ang dahilan kung bakit nagka hiwalay noon si Jungkook at Yanna? Ikaw ang dahilan ng lahat. Oo nga pala, ginagamit ka lang ni Jungkook for the sake of their company. Ilang beses ko pa ba 'yan kailangan ipaalala sa'yo ha? Tapos ano? Iiyak iyak ka ngayon dahil nasasaktan ka? Kung hindi ka kasi isa't kalahating tanga na ipag siksikan 'yang sarili mo sa taong may mahal nang iba. 

Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Tumayo na ako at inilagay sa lababo ang plato ko. Huminga ako ng malalim at napa kapit sa sink "Fan service" Bulong ko sa sarili at pinahid ang luha na pumatak sa mata ko.

I tried to cheer myself up and smiled weakly "Think positive, Shana! Ang swerte mo nga na na fan service ka ni Jungkook! Aba ilang bilyong babae ang nangangarap na sana mangyari 'yan sa kanila haha" Tumatawang sabi ko sa sarili habang pinapahid ang mga luha ko na mukhang walang katapusan sa pag tulo.

"Ang swerte mo" At hindi ko na napigilang mapa hagulgol.

"Ang swerte mo kilala ka n'ya" Napa upo na ako sa sahig.

"Pinag luto ka n'ya kahapon, nahawakan n'ya ang mga kamay mo. Naka sakay ka sa sasakyan n'ya, pinag buksan ka ng pinto at nakapag dinner sa isang maganda at mamahaling restaurant" I cited while laughing bitterly.

"Ang swerte mo kasal ka sa kan'ya. Ang swerte mo" Dagdag ko at niyakap ang mga tuhod at doon umiyak ng tahimik.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nahinto ang pag eemote ko nang mag ring ang telepono. Nanghihina man, I stood up and picked up the call.

"He-hello?" Sagot ko.

[Hi ija!-Teka, may sakit ka ba? Your voice seem sick]- Puno ng pag-aalala na tanong ni Papa; daddy ni Jungkook.

I sniffed and smiled weakly to myself "I'm fine, Pa. Nasobrahan lang po siguro lamig ng aircon ko kagabi. Napa tawag po kayo?"

 [Nako, mag lagay ka ng timer sa aircon mo, ija. Anyway, I just want to ask, na gustuhan mo ba ang date n'yo ni Jungkook kahapon?]- Tanong ni Papa at bakas doon ang anticipation.

"O-opo naman po, Papa! Sobra po" Sagot ko sa masiglang boses. Napaka great pretender mo talaga, Shana!

[Buti naman. Pasensya na ija sa ginawa ng anak ko ha? Hayaan mo, kakausapin ko ulit na hiwalayan na 'yung babaeng 'yun hindi manlang nahiya ang bata na iyon sa iyo]- Ani ni Papa and sighed

"'Wag na po, pa. Hayaan n'yo na po. Okay lang naman po sa'kin. Doon po s'ya masaya eh" Sagot ko at tumingin sa taas kung nasaan ang kwarto niya. Honestly, I want to say yes to Papa pero alam kong mas magagalit lang sa'kin si Jungkook.

[Sigurado ka ija? Aba, ikaw ang asawa tapos papayag ka na may girlfriend ang asawa mo? Parang pinayagan mo na din s'ya magkaroon ng kabit. Hahayaan mo s'ya kung saan s'ya masaya, pero ikaw? Masaya ka ba?]- Bwelta ni Papa. Medyo masakit pero totoo naman ang mga sinabi ni Papa, napa ngiti na lang ako ng mapait.

"Kayo na nag sabi Pa, asawa ako, girlfriend lang 'yun kaya okay lang po. Kailangan ko na pong ibaba 'to Pa, madami pa ho akong gagawin. Bye po" Mabilis na paalam ko, hindi pa nakaka sagot ng babye si Papa, binaba ko na agad ang tawag. Hindi naman sa bastos ako pero mapapa haba pa kasi ang usapan namin kaya mas mabuti ng ibaba ko na. Masyado ng masakit.

I sighed and decided to clean the house. Baka sakaling ma tuwa pa sa'kin ang asawa ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag pupunas ng bintana nang tumunog ang phone ko. Napa kunot naman ang noo ko dun, sino naman kaya ang tatawag sa'kin?

Ibinaba ko ang basahan na hawak ko at inabot ang tumutunog na cellphone ko at nakitang si Sky pala ang tumatawag saakin. Agad ko naman itong sinagot.

"Oh Sky, napa tawag ka?"Sagot ko at inipit sa balikat ko ng phone at pinag patuloy ang pag pupunas ng bintana.

[I just want to say hi and check if you're okay. How are you feeling now?]- Puno ng sinseridad na tanong ni Sky sa kabilang linya. Nap angiti naman ako, ang sweet talaga ng kaibigan ko na 'to.

"Oo, okay na ako. Thank you ha?" Naka ngiting pasasalamat ko.

[It's nothing. Don't worry nareport na 'yung teacher na 'yun. She's fired]- Agad naman akong napa hawak sa phone ko.

"What?! But why? Sinong nag report? And wha? FIRED?! Sana hinayaan nalang!" Gulat at medyo frustrated na sagot ko at napag pasyahan na umupo sa sofa. Nakaka apat na din kasi akong bintana, papahinga muna ako ng saglit, nakaka pagod kaya.

[Actually nagulat nalang din ako. Nakita ko kasi sy'a nung uwian, nag iimpake ng gamit from the faculty room tapos narinig ko nalang sa ibang prof na tinanggal s'ya sa trabaho]- Sagot n'ya. Napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Sky.

"May idea ka ba kung sino ang nag report? Kawawa naman" Naaawang sagot ko.

['Di ko kilala kung sino pero ang alam ko your dad fired her]- Sagot n'ya na mas lalong nagpa taka sa'kin. Sino naman ang p'wedeng mag sabi kay Dad? And paano n'ya nalaman?

"Pero paano nalaman ni daddy?" Tanong ko and decided to wipe the center table.

[Ano ka ba, you and your dad almost own everything. Napaka imposible na hindi n'ya malaman ang nangyari sa one and only princess n'ya. Sorry, Shana but I need to go. See you on Monday]- At binabaan na n'ya ako, mukhang nag mamadali. Napa ismid naman ako, hindi pa nga ako nakakapag paalam e, si Sky talaga!

Napa buntong hininga nalang ako at ini lapag muna sa lamesa ang phone ko at pinag patuloy ang pagpupunas ng bintana nang matapos ko punasan ang center table. Maya maya lamang ay narinig ko ang pag bukas at sara ng pintuan sa kwarto ni Jungkook, awtomatiko naman akong napa tingin sa hagdan at nakita si Jungkook na pababa at todo porma, mukhang may lakad s'ya.

"Hubby, saan ka pupunta?" Tanong ko nang maka baba s'ya. Tinignan n'ya muna ako, 'yung tingin na parang walang gana, ganun at tinaasan ako ng kilay "Hell you care?" Maangas na bwelta niya. Nag init naman ang dugo ko sa tanong at inasal niya.

"Jungkook, baka lang nakaka limutan mo. I'm your wife and I have the rights to know where you're going" Maawtoridad na sabi ko. Aba, anong akala n'ya lagi nalang akong sunud-sunudan sa kan'ya? No freakin way!

Jungkook smirked "Oo nga pala may asawa ako. Sige, mukhang gusto mong malaman kung saan ako pupunta, magdedate lang kami ni Yanna, namimiss ko na kasi s'ya ng sobra. Hindi ko kasi s'ya naka sama kahapon at nakita kahapon. 'Yan, okay na?" Parang nang aasar na sagot n'ya at tuluyan ng umalis. Sinusundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa maka labas na siya ng main door.

AKALA MO IIYAKAN KITA?! AKALA MO LANG 'YUN! Hindi ako iiyak no! Napa buntong hininga lang ako.

"Kailan mo ba makikita 'yung halaga ko, Jungkook? Kailan mo ba ako titignan? Kailan mo ba ako ma-aapreciate?" Malungkot na sabi ko sa hangin habang pinupunasan ang bintana at pinapanood si Jungkook hanggang maka-alis na s'ya ng bahay.

Mukha akong si Cinderella.

"Paano mo nga pala ko makikita? Naka focus ka na sa iba" I smiled bitterly at pinag patuloy na lang ang pag lilinis.

Hay, bat kaya ganun? T'wing nag lilinis ako, feeling ko ako si Cinderella. Lalo na pag nag lalampaso ako ng sahig. Ang alam ko kasi talaga only princess ako ng daddy ko, never n'ya akong pinayagan gumawa ng gawaing bahay kahit minsan gusto kong matuto. Simula talaga nang ma kasal ako sa lalaking may malaking ilong, sobrang pogi at sobrang bias ko na itago na lang natin sa pangalang Jeon Jungkook e naging instant maid ang prinsesang si ako.

Hay buhay, ba't ang ganda ko? Siguro kailangan ko ng sanayin 'yung sarili ko sa ganito. Never namang mag babago 'yung pakikitungo at nararamdaman n'ya sakin, unless andyan si Papa at Daddy.

Lesson learned: Pag sweet s'ya sayo it means inutusan s'ya ni Papa dahil may kasalanan s'ya at kailangan n'ya bumawi. Lagi mong itatak 'yan sa isipan mo Shana, ha?

'Wag mo na nga din pala s'ya intayin mamaya, Shana. For sure, gagabihin ng uwi 'yun at 'wag ka ng mag abala na ipagluto pa 'yun kasi sure ako na naka kain na 'yun.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com