Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15 [☆] Sorry

Jungkook's POV

Gulat na gulat ako pati na rin sila hyung sa inasal at sinabi ni Shana. Napa yuko ako.

Naramdaman ko nalang ang pag-akbay saakin ng kung sino at nag salita "Ano ba nangyari?" Si Jimin-hyung.

"Nakaka panibago 'yung inasal n'ya sa'yo" Umiiling na kumento naman ni Yoongi-hyung.

Napa buntong hininga naman ako at napa yuko muli "Nabalewala kasi 'yung effort n'ya sa anniversary namin kahapon"

I heard someone snort at my retort "Sus, anong bago? E lagi ka namang ganun" Natatawang kumento ni Hoseok-hyung.

"Iba kasi 'yung ngayon hyung, sobrang effort 'yung ginawa n'ya" Frustrated na sagot ko.

Hindi ko maiwasan ang ma-guilty nangyari kagabi, sa ginawa ko sa kan'ya.

"Wait, so 'yung pinost ni Yanna sa IG kagabi na surprise mo daw e, surprise dapat ni Shana sa'yo?" Hindi maka paniwalang tanong ni Jin-hyung. Tumango naman ako bilang sagot.

Kita ang gulat, inis at dismaya sa mukha nila.

"Gago ka pala talaga e. Anniversary n'yo tapos mag dadala ka ng babae sa bahay n'yo" Iiling iling na kumento ni Namjoon-hyung.

"Hindi ko naman kasi alam na may surprise s'ya, edi sana hindi ko sinama si Yanna" Depensang sagot ko at bahagya naman akong sinapak ni Hoseok-hyung sa braso.

"Kahit na! May surprise man o wala, hindi ka dapat nag dadala ng babae sa bahay n'yo lalo na't may asawa ka. Respetuhin mo naman sana si Shana, maknae" Halata ang dismaya sa boses ni Hoseok-hyung.

Hinawakan ni Yoongi-hyung ang balikat ko at tinignan ako deretso sa mga mata "Hindi porket mahal mo ang girlfriend mo e, gaganyanin mo na si Shana. Tao din s'ya, nasasaktan, napapagod at nagsasawa" At nauna na s'yang pumasok sa van.

"Hindi ka na makaka kita ng babaeng katulad n'ya, maknae. 'Wag mo ng saktan. Bahala ka, ikaw din. Magugulat ka nalang, isang araw wala na s'ya sa'yo" Si Namjoon-hyung at bahagya akong tinapik sa balikat at sumakay na rin ng van.

"Habang nasa'yo pa, ingatan mo, pahalagahan mo. Madaming lalaki ang nag hahabol at may gusto sa asawa mo pero hindi n'ya pinapansin kasi nga ikaw ang gusto n'ya. Ikaw din, bahala ka" Kibit balikat na dagdag ni Hoseok-hyung bago sumakay sa van. 

Napa buntong hininga ako sa mga kumento at sinabi nila hyung. At naiwan na akong mag-isa.  Mukhang nasaktan ko talaga s'ya this time, kailangan kong bumawi.

Sumakay na ako sa sasakyan ko. Hindi naman nag lalakad 'yun si Shana dahil may driver s'ya. Ano kayang magandang ibigay sa kan'ya na magugustuhan n'ya?

What if bilhan ko s'ya ng ice cream at mag sorry? Kaso hindi ko alam kung anong favorite flavor n'ya. Kung si Yanna sana isang double dutch na ice cream lang masaya na 'yun.

Kung cake kaya? Ang alam ko mahilig s'ya sa chocolates katulad ni Yanna e, kaso tanggapin kaya n'ya? 'Yung cake nga kanina na inaalok ko sa kan'ya hindi n'ya tinanggap.

Teka nga, bakit ba puro si Yanna ang naiisip ko? Si Shana muna ngayon Jungkook, mamaya na si Yanna p'wede?

Napa-iling nalang ako para maalis ang iniisip ko na 'yon.

Red light kaya ihininto ko ang sasakyan, ayaw ko namang ma-violate 'no! Makaka sira 'yun sa poging imahe ko. 

Habang nag-iintay na mag green light, napa-tingin ako sa kaliwa ko, isang restaurant. Ewan ko pero biglang may naisip akong paraan para maka bawi kay Shana.

Agad kong iginilid ang aking sasakyan at dali daling pumasok sa loob ng restaurant.

Sana magustuhan n'ya 'yung naisip ko.

Shana's POV

Badtrip! Badtrip! Badtrip! Nakaka-inis si Jungkook! Akala ko pa naman pipilitin n'ya akong sumabay sa kan'ya tapos hindi naman pala! Nag papakipot lang ako eh! Hindi ba n'ya ma gets yun?!

"Ma'am dyosa, aba ngiti naman d'yan" Magiliw na sabi ni manong pero naka kunot noo padin ako.

"Ba't gan'yan kayong mga lalake manong? Hindi n'yo ba napapansin na nag papakipot lang kaming mga babae? Na gusto lang namin na pilitin n'yo kami?" Kunot noo kong tanong. 

Bahagya namang natawa si manong sa sinabi ko "Kasi ho ma'am, babae kayo, lalaki kami at seryoso ho, ang hirap intindihin ng mga babae. Sasabihing ayaw pero ang totoo naman gusto, kaya kaming mga lalaki hindi namin alam kung saan kami lulugar" Natatawang sagot n'ya sa'kin.

"Kahit na manong. Dapat iniintindi n'yo kami" Kunot noong pamimilit ko.

"'Yun nga ho, ma'am. Kung mahal talaga kayo ng isang lalaki, kahit anong hirap n'yong intindihin, iintindihin at uunawain kayo. Ang sabi nga nila, mahirap basahin ang mga babae, pero kung tapat ang pag mamahal nila sa inyo, kahit na anong hirap n'yong basahin, babasahin at babasahin nila kayo, mahal ka n'ya e" Naka ngiting sagot ni manong at hindi ko naman naiwasan na manlumo.

Napa buntong hininga ako "Oo na manong, hindi na n'ya ko mahal. Kailangan talagang ipamukha sa'kin? Oo na si Yanna lang naman iniintindi n'ya e, kailan bang naging ako?" Malungkot na sabi ko

Bahagya akong sinilip ni manong sa rear mirror at napa-iling ng kaunti "Ma'am, seryoso ho ano, isang katulad n'yo na binabalewala pa ni sir. Parang itinapon n'ya ang isang mamahalin at naiibang dyamante para lang sa isang simpleng bato. Hindi n'ya alam kung ano ang sinasayang n'ya" 

Napa ngiti naman ako sa sinabi ni manong.

"Buti ka pa manong nakikita mo kung ano ang halaga ko. Sa tingin mo, dapat ko na bang ipa tingin mata n'ya? Mukhang may deperesnya na e" Natatawang kumento ko na naging dahilan upang matawa din si manong.

Hay nako, buti pa si manong kahit papa'no naiintindihan ako. Sasabihan ko nga si dad na dagdagan sweldo n'ya.

Maya maya lamang ay nasa tapat na kami ng back door.

"Salamat manong" Naka ngiting pasasalamat ko nang bumaba ako ng sasakyan. Itinaas lang n'ya ang suot n'yang sumbrero at umalis na.

Hindi agad ako naka pasok sa bahay dahil may fan girls ni Jungkook na napa daan sa bahay.

"OMG girl! Ang laki talaga ng bahay n'ya ano?"

"Oo nga e! Ilang beses na tayong dumadaan dito pero ni isang beses hindi man lang natin s'ya nakita"

"Kaya nga e. Busy siguro sa practice or nasa school pa o baka busy sa date nila ni Yanna"

"Grabe ang s'werte talaga ni Yanna"

"Mas s'werte kaya magiging asawa n'ya! Shemay! Jeon Jungkook na 'yun oh!"

"Gaga! Kaya nga s'werte si Yanna e, s'ya lang ang one and only magiging Mrs. Jeon"

At tuluyan na silang umalis. Ang lalakas ng loob ninyong pag-usapan 'yan sa harap ko!? Anong si Yanna ang one and only Mrs. Jeon!? Duh! Ako kaya! Leche 'tong mga 'to.

Pumasok na ako ng bahay at as usual, wala pa s'ya. Ano pa nga bang ineexpect ko?

Wait, ang alam ko hindi s'ya sasama kay Yanna ngayon e, nasaan s'ya?

Ah, baka kasama ang Bangtan. Na miss n'ya siguro 'yung mga ugok, lagi kasing si Yanna iniisip e.

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag palit ng damit. 

Hay ang tahimik ng bahay. Well lagi namang ganito e. 

Because the silence is killing me, I immediately reached for my phone and dialed Aila's number. Wala pang tatlong ring ay sinagot na n'ya.

[SHANAAA! I MISS YOUUUU]- Agad kong inilayo sa tenga ko ang phone, sigawan daw ba ako?!

"Oo na! Kailangan talagang isigaw?!" Asik ko sa kaibigan at humiga sa sofa.

[Hoy gaga! Pag pumasok talaga ako bukas pepektusan kita!]- Galit na sabi naman n'ya. Napa kunot ang noo ko dahil dun.

"Hala? Ano nanaman ba ginawa ko?" Nag tatakang tanong ko sabay patong ng paa ko sa sandalan ng sofa.

[Nakita ko 'yung IG post ni Yanna! Nyeta napunta sa wala 'yung pagod ko! Lalo naman 'yung pagod at effort mo! Nako talaga Shana!]- Nanggagalaiting sabi n'ya sa kabilang linya.

"Tsk 'yun na nga, ichichika ko dapat sa'yo kanina kaso absent ka" Malungkot na sagot ko.

[Hay nako! Kailangan mo talagang ichika sa'kin 'yan! Teka ba't ka pala tumawag? Miss mo 'ko 'no? Ayiiie! Si Shana namimiss ang kagandahan ko~]- Nanlalambing na sabi n'ya. Agad namang sumama ang itsura ko.

"Eww wala kang kagandahan, 'wag kang mangarap" Ismid ko at umirap.

[Whatever! Hmmp!]- Ismid niya. Bahagya naman akong natawa.

"Oo nga pala, may performance presentation tayo sa P.E next week. Tayong dalawa nalang partner" Ani ko at tumayo sa pagkaka higa at pumunta sa snack cabinet sa kusina.

[Ganun? Sige, practice nalang tayo sa sabado. Sige andito na si mom bye!]- Nag mamadaling paalam niya. Hindi pa ako nakakapag paalam ay ibinaba na n'ya ang tawag. Hay nako, lagi nalang nila akong binababaan ng tawag.

Napa iling nalamang ako at kumuha ako ng mangkok at nag lagay ng koko crunch. Pagka tapos ko ay bumalik na ako sa sofa at binuksan ang TV.

Itinuon ko nalang sa TV ang atensyon ko habang kumakain. Nasa kalagitnaan ako ng pag tawa at pag kain ng koko crunch nang biglang may kumatok sa main door. Lumapit naman ako at binuksan ang pinto. 

And Jungkook's home.

Hindi ko s'ya pinansin at agad na bumalik sa p'westo ko at tumawa nalang ulit.

"Shana, may pagkain na?" Tanong ni Jungkook na nasa kusina.

Napa rolyo naman ako ng mga mata nasa kusina na e.

"Mukha ba akong kaldero? Tignan mo d'yan" Cold at mataray na sagot ko at pag dukot ko sa plato ko wala na itong laman.

Tumayo ako at pumunta ng kusina para kumuha ng panibagong batch ng coco krunch.

Base on my peripheral view, Jungkook raised one of his eyebrows "'Yan lang kakainin mo?" Taka at taas kilay na tanong n'ya habang pinupuno ko ang mangkok na hawak ko.

"P'wede ba? 'Wag mo akong pakielaman" Malamig na sagot ko muli at ibinalik sa cabinet ang box ng coco krunch at bumalik na sa p'westo ko kanina.

Umupo ako sa sofa at nanood nalang ng tv. Ipinatong ko sa center table ang paa ko habang nasa may hita ko naman 'yung mangkok. Myghaaaad!This is life!

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang tumabi sa'kin si Jungkook. Wow, last time I checked, I am the last person he wants to see. I mentally rolled my eyes at hindi nalamang s'ya pinansin at itinuon nalang ang panonood sa tv.

"Shana" Hindi ko napigilan ang bahagyang pagka gulat nang tawagin n'ya ako. Buti nalamang ay hindi masyado halata iyon at hindi s'ya pinansin. BAHALA KA D'YAN!

Pakipot mode: ON

"Shana" Tawag n'ya ulit sa'kin pero this time may kasamang kalabit na.

"Shana, pansinin mo naman ako" Tawag ulit n'ya habang paulit-ulit akong kinakalabit sa braso. Padabog kong tinabig ang kamay n'ya at tinignan s'ya ng masama at inirapan. Bahagya akong lumayo sa kan'ya at nanood nalang ulit.

Tumigil si Jungkook sa pangungulit saakin, akala ko tuluyan na talaga s'yang sumuko sa pangungulit pero nagulat ako nang biglang mamatay ang TV. Marahan naman akong napa lingon sa kan'ya.

"Ano bang problema mo?!" Galit na asik ko sa kan'ya.

"Buti naman at pinansin mo na ako. Get ready, aalis tayo" Naka ngiting aniya at tinapon ang remote ng tv sa sofa sa kabila.

Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Jungkook, si Shana ako, hindi Yanna" Galit na sabi ko sa kan'ya sabay irap.

"Alam kong si Shana ka. Bilisan mo na, aalis tayo" Aniya habang naka tingin sa kaniyang wrist watch at parang nag mamadali

I smiled bitterly "Okay, I get it. Na-utusan ka ba ni papa o ni daddy? Nakita ba nila 'yung IG post ni Yanna?" Naka ngising ani ko.

"Hindi mo na kailangan gawin 'yan" Galit na dagdag ko at tumayo na. Aakyat nalang ako sa kwarto ko.

"Shana" Tawag n'ya nang akmang aalis na ako at hinila ang kamay ko na naging dahilan upang mapa harap ako sa kan'ya.

Punyeta naman e! Galit ako! Nag papakipot ako oh! Pero punyeta kinikilig akoooo! Ang lapit n'ya sa'kin, dagdag mo pa 'yung fact na naka titig s'ya sa'kin! OMG meh is kilig like OMGGGGGG. Tinititigan lang n'ya ako OMG talagaaa.

We both remained silent for a few minutes not until Jungkook broke the silence.

"Sorry" Seryosong paumanhin n'ya. Talagang nanlaki ang mga mata ko nang hilahin n'ya ako papalapit sa kan'ya at yakapin.

Kung may mas pula pa sa kamatis ako na siguro 'yun.

"Hindi ko naman sinasadya na mabalewala 'yung effort mo e. Sa totoo lang, I really appreciate it kaya nga gusto kong bumawi sa'yo, kaya kita niyayaya lumabas. Hindi 'to utos o ano, gusto ko lang bumawi" Paliwanag niya.

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi ako maka kilos, miski nga ata pag hinga ay hindi ko magawa dahil sobrang kinikilig ako.

"O-okay, mag bibihis na ako"I tried my best to sound calm kahit na deep inside sobrang gusto ko ng sumigaw sa kilig.

Bigla namang naging awkward 'yung atmosphere kaya agad s'yang kumawala sa yakap at parang nahihiya, hindi rin s'ya maka tingin sa'kin ng deretso.

"Uhm bi-biilisan mo. Dito lang ako" Nag mamadaling sabi n'ya at agad na tumalikod at umupo sa sofa. 

Tumalikod na ako at hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil sa kilig. Umakyat na ako sa taas at nag-ayos ng sarili. I wore a simple dress and applied some light make-up on.

Hindi ko talaga maiwasang kiligin dahil nag sorry s'ya at idagdag mo pa 'yung fact na na-appreciate daw n'ya ang effort ko. 

Sign na ba ito na nag kakaroon na ako ng lugar sa puso n'ya? O to the M to the G! Sana nga! Hay nako, asa pa, Shana! Si Yanna lang mahal n'yan gaga ka. Guilty lang s'ya kaya ka n'ya inaaya ng date, no more, no less. Hahaha saquette ng beri slight </3

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com