Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 [☆] Rumor

Shana's POV

Umaga nanaman, kailangan ko nanaman magising sa katotohanan na sobrang ganda ko at may pasok kami ngayon.

Agad akong bumangon at nag handa ng agahan namin ni Jungkook.

Nang tapos na ako mag handa ng agahan, agad na akong naligo. Pagka tapos kong mag ayos, bumaba na agad ako para kumain.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Jungkook nang maabutan ko s'yang may nilalagay sa sink.

"Oo tapos na" Sagot n'ya. Tumango lang ako at umupo na sa lamesa. Ako naman ang kakain.

"Na sobrahan ka sa toyo" Kumento niya.

Agad namang namula ang mukha ko. Shemay naman! Agad kong tinikman ang niluto ko. Medyo napa dami nga ang toyo.

"Bilisan mo na kumain d'yan, sabay na tayo pumasok" Sabi ni Jungkook. Agad naman akong napa tigil sa ginagawa ko dahil sa sinabi n'ya.

Agad akong napa lingon sa kan'ya na may ningning sa mga mata at malawak na ngiti sa labi.

"OMG TALAGA?!" Tuwang tuwa na tanong ko sa kan'ya.

"Bilisan mo na. Hindi raw makaka punta 'yung driver mo ngayon, may sakit daw 'yung anak n'ya. Alangan naman na hayaan kitang ibangga 'yung sasakyan mo kaya sumabay ka na sa'kin" Kibit balikat na sagot naman niya.

"Sa sala lang ako" Paalam niya at umalis na.

Sa sobrang kilig ko hindi na ako naka kain ng ayos. Agad kong inilagay sa sink 'yung pinag kainan ko at hinugasan ito. Pagka tapos ay nag toothbrush ako and we're ready to go!

"Tara" Naka ngiting yaya ko sa kan'ya nang maka punta ako sa sala kung nasaan siya.

Nauna naman mag lakad saakin si Jungkook. Wow! Ang gentleman! Please don't forget the sarcasm!

Alam kong hindi n'ya ako pag bubuksan ng pinto kaya ako na lang mag bubukas para sa sarili ko.

Akmang sasakay na ako sa shot gun seat nang mag salita siya "Susunduin ko pa si Yanna, dun ka sa likod" 

Napa hinto naman ako dahil dun at awtomatikong napa taas ang aking kilay.

"Isasabay mo si Yanna?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Oo, girlfriend ko 'yun e. Ano, sasakay ka pa ba?" Walang gana na sagot niya. 

Mas napa taas naman ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.

"E paano naman ako na asawa mo?" Mataray na tanong ko sa kan'ya.

"Isasabay rin" Kibit balikat at simpleng sagot niya.

I scoffed at him "'Yan kayong mga lalake e, ang hilig n'yong pinag sasabay kaming mga babae! Hindi na! Hindi na ako sasabay! Mag lalakad na lang ako!" Sabi ko at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan n'ya at agad na tumalikod.

Narinig ko naman na pinaandar n'ya na ang makina ng sasakyan at umalis.

"Walang hiya! Nag papakipot lang ako e! Aish!" Inis na sabi ko sa sarili at dumaan na sa likod ng bahay.

Hay nako, heto tuloy ako, nauwi sa pag lalakad. Tch.

Almost 20 minutes din akong nag lakad at nang pag pasok ko sa gate, nag tinginan na silang lahat saakin.

Tsk iba talaga ang ganda ng isang Shana Xigrid, miski babae napapa lingon. Well, minus the bulungan na rinig na rinig ko naman.

"Grabe, ang landi pala talaga ni Shana"

"Palibhasa nililigawan nila Sky e"

"Well, Sky na 'yun tapos si Kiel pa pero OMG ang landi! The nerve!"

"Si Kiel sa park tapos si Sky hahalik sa noo tapos pupunta sa bahay ni Jungkook? Kakaiba talaga"

"Grabe, akala ko lalaki lang 'yung gan'yan"

Mga bulung bulungan ng mga estudyante. Napa kunot naman ang noo ko dahil dun.

Ano nanaman bang ginawa ko?!

"SHANA!" May sumigaw sa likod ko.

And there I saw Aila. Tumakbo s'ya papalapit saakin at nang huminto s'ya, hinihingal na s'ya.

"Kailangan... mong makita 'yun" Hinihingal na sabi n'ya at hinawakan ang wrist ko at tumakbo.

Takbo lang kami ng takbo at kita ko sa mga estudyante na nadadaanan ko 'yung masasamang tingin nila.

Pumasok kami ni Aila sa may stadium at nawindang ako sa naka lagay sa may mini stage.

"Shana the great bitch"

'Yan 'yung naka paskil sa pinaka taas at puno ng pictures.

May mga pictures namin ni Kiel nung nasa park kami kahapon, nung hinahawakan ko 'yung kamay n'ya. At iba pang pictures na magka sama kaming dalawa.

May pictures din namin ni Sky, nung hinalikan n'ya ako sa noo, nung karga n'ya ako nung napilayan ako at madami pang iba.

Parang compilation ng mga picture namin ni Sky at Kiel.

At ang pinaka malaking picture na nag-iisa sa gitna e 'yung nasa backdoor ako, papasok ng bahay namin ni Jungkook.

Agad na napa balik ako sa reyalidad nang makita ko sina Kiel at Sky na pinupunit 'yung mga picture na naka dikit.

"'Wag" Pag pipigil ko dun sa dalawa. Napa lingon naman sila saakin pati si Aila.

"Anong 'wag? Gaga ka ba?" Galit na sabi ni Aila. Napa ngisi naman ako.

"Who the fuck did that?" Hindi maka paniwalang tanong ni Namjoon at bakas din ang inis at galit dito. Doon ko lang din napansin na nasa likod ko na pala s'ya.

Hindi lang pala 'yung Bangtan ang nasa likod ko, pati halos lahat ng estudyante.

"Who ever did this, you're pathetic" Sabi ko at humarap sa lahat.

Isa lang naman ang pwedeng gumawa nito e.

"You're just telling everyone that my life is better than yours" Naka ngising dagdag ko habang naka tingin kay Yanna at ipinak krus ang mga kamay sa dibdib.

"So you're telling everybody you're a true bitch?" Sabat ni Yanna habang naka taas ang isang kilay.

Lumapit ako sa kan'ya.

"Wow, look who's talking. 'Wag mo akong itulad sa'yo. Dyosa ko, aso ka, ang layo ng deperensya nating dalawa" Matapang na sagot ko.

Hinawakan ni Jungkook ang braso ko at pumagitna saamin ni Yanna na naging dahilan para mapa-atras ako ng kaunti.

"Hindi naman yata tama na sabihan mo ng gan'yan ang girlfriend ko, Shana" Aniya.

Akmang sasagot ako kay Jungkook nang mapa sigaw ang lahat nang suntukin ni Kiel si Jungkook. Agad ko namang hinila palayo si Kiel kay Jungkook. Tumulong naman sina Sky at ang Bangtan para maawat 'yung dalawa

Nang malayo namin sila sa isa't isa, Kiel spat "Nakaka gago ka alam mo 'yun?" Nag pupumiglas na asik ni Kiel.

"Mas nakaka gago ka, tangina" Sagot naman ni Jungkook. Nakita kong napa ngisi si Kiel.

"Gago, alam ko na 'yung totoo. Ano, gusto mo sabihin ko nang magka-alaman tayong lahat dito?" Pang hahamon ni Kiel. 

Agad ko naman s'yang tinignan ng masama.

"Ano? Papayag ka na lang na laging gan'yan, Shax ? Nakaka gago na 'to e" Sabi n'ya saakin.

Hindi ako umimik, tinignan ko lang s'ya. 'Yung tingin na nangungusap na tama na please.

Nag igting ang bagang ni Kiel "A jerk like you don't deserve Shaxi" Kiel said on gritted teeth while looking at Jungkook. Padabog n'yang tinanggal ang pagkaka hawak sa kan'ya ni Sky at lumabas na ng stadium.

Narinig ko naman ang bulung bulungan ng mga estudyante dahil sa nangyari.

"Totoo? Anong totoo?"

"Don't tell me sila rin ni Jungkook?! "

"What the fuck?! What kind of sorcery is this?!"

"Plot twist, prosti talaga si Shana"

Hindi ko kinaya 'yung huling nag salita. Napa tingin ako sa lahat.

"Who said that?" I tried my best to sound calm pero nakaka puno na sila.

"Bakit? Malay mo totoo. Kaya ka nilalapitan ni Sky, Kiel at Jungkook is for pleasure" Narinig kong kumento ng kung sino.

Agad ko namang hinawakan ang braso ni Aila nang makita kong susugudin na n'ya ito.

"Alam mo, sa totoo lang, kaya ka lang naman matapang dahil sa daddy mo" Dagdag pa nito.

"Brat ka 'diba? Ano? Papatalsikin mo na rin ba ako dito kagaya nung ginawa mo dati sa prof natin?" Dagdag nanaman nung babae.

Ayan nanaman yung bulungan nila. Nakaka-inis na.

"Hindi ba kayo tatahimik?!" Sigaw ni Aila. Sa sobrang lakas nag echo ito sa stadium.

" Alam mo ikaw, sobra ka na mag salita e. Bakit, sino ka ba para pag sabihan ng gan'yan si Shana? You know her name not her story so shut the fuck up before I fuckin smash your face on the ground. Wala kang karapatan husgahan ang kaibigan ko kasi classmate ka lang namin. Wala kang alam" Madiin na sabi ni Aila.

"Please do mind your own business, missy. 'Wag kang maki sawsaw dito because you know nothing. Not a single detail" Mataray na sabi ko doon sa babae habang naka tingin ng deretso sa mga mata niya.

"And one more thing, isipin mo na lahat ng gusto mong isipin, wala naman akong pake e, as long as alam kong wala akong ginagawang mali at wala akong tinatapakang tao. 'Yung about sa prof natin? If I know isa ka sa naki tawa noong pinahiya n'ya ako. How ironic life is, isa ka sa nag sasabing 'no to bullying' pero tignan mo 'yung ginagawa mo ngayon" I spat at her with disgust at tumalikod na. Inayos ko na ang dala kong bag at nag umpisa ng mag lakad.

"By the way, mag ingat 'yung bitch na gumawa n'yan. Papunta na si karma, mas bongga pa d'yan 'yung pasabog n'ya" Naka ngisi kong sabi kay Yanna at tumingin sa CCTV na malapit sa may mini stage.

"Who ever bitch did that will pay" Madiin na sabi ko at bakas sa mukha ni Yanna ang gulat habang naka tingin sa CCTV.

Tumalikod na ako at lumabas.

Nawalan na ako ng gana pumasok. Ayaw ko namang umuwi kaya napag pasyahan kong sa rooftop pumunta.

Habang nag lalakad sa hagdan hindi ko mapigilan ang paunti-unting luha na pumapatak sa mata ko.

Pwede ba mamaya na kayo lumabas?! Pag nasa rooftop na ako atsaka kayo lumabas! Walang hiyang mga traydor na luha 'yan.

Nang nasa may pinto na ako ng rooftop kumuha ako ng papel, ballpen at tape.

May dyosang nag eemote sa loob, walang papasok.

Sinulat ko 'yan sa papel at dinikit sa pinto. Mahirap nang masarahan ng pinto, mamaya hindi ako maka labas.

Agad akong pumasok sa loob at umupo sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko at doon umiyak. Wala namang makaka rinig sa iyak ko dito kaya I cried and cried.

Wala naman akong pake sa sasabihin nila saakin e, pero ang masakit kasi 'yung mas kinampihan pa ni Jungkook si Yanna kesa saakin. Ni hindi n'ya nga ako nagawang ipag tanggol kanina.

Napa ngiti ako ng mapait, ba't nga ba n'ya ko ipag tatanggol? Asawa lang naman n'ya ako, girlfriend n'ya 'yun. 'Yun mahal n'ya, ako hindi.

Pero sana kasi kahit kaunting concern lang naman, kahit kaunti lang. Pero wala e.

"Oh" Napa-angat ako ng tingin sa nag salita sa likod ko at doon ko nakita si Aaron.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba nakita 'yung magandang note ko sa labas?" Humihikbi hikbing tanong ko sa kan'ya.

Umupo s'ya sa sahig, sa tabi ko at tinignan ako. Maya maya ay inabot n'ya ulit saakin 'yung panyo niya. Hindi ko ito kinuha kaya kinuha n'ya ang kamay ko at inilagay ang panyo doon.

"Sorry" Paumanhin niya ng hindi ako tinitignan.

Napa kunot naman ang noo ko dahil dun.

"Ako 'yung tinutukoy ng daddy mo na look out n'ya" Pag papatuloy niya at tumingin saakin.

"Ako din ang nag sumbong sa daddy mo nung napagalitan at pinahiya ka ng prof" Dagdag niya.

"At oo alam ko ang lahat" Aniya muli.

"Sorry pero kailangan 'tong malaman ng daddy mo. Tuloy mo lang pag-eemote mo d'yan, aalis na ako" Sabi n'ya at tumayo na. Agad naman akong tumayo at pinigilan s'ya.

"'Wag... 'Wag mong sabihin 'to kay daddy" Paki-usap ko habang naka tingin sa kaniya.

"Sorry pero kailangan 'to malaman ng daddy mo. Ayaw n'yang umiiyak o nasasaktan ka" Aniya at tinanggal ang kamay ko na naka hawak sa kamay niya.

"Isa pa, deserve ng asawa mo ang isang sapak sa ginagawa n'ya sa'yo" Pag papatuloy n'ya habang umiiling iling pa. 

Hinawakan ko muli ang kamay n'ya para pigilan s'ya. Hinarap n'ya ako.

"Please, Aaron, dodoblehin ko ang bayad sa'yo ni dad 'wag mo lang sabihin 'to please?" Pag mamakaawa ko sa kan'ya

Bumuntong hininga siya "Hindi ko naman 'to ginagawa dahil sa bayad ng dad mo. Hindi ko lang kasi talaga makaya na ginagan'yan ka niya- nila. Like WTF ikaw na 'yang binabalewala n'ya" Seryosong sabi n'ya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay n'ya at nangungusap na wag sabihin.

Bumuntong hininga ulit siya at tinanggal ang kamay ko.

"Tss oo na, hindi na. Palalagpasin ko 'to, pero sa susunod hindi na. Aish, malalagot ako nito. Sige na, mag emote ka na ulit d'yan" Sabi n'ya at tumalikod na.

Hindi pa man s'ya nakaka limang hakbang, tumigil siya at hinarap ako ulit "Pero hindi ko palalampasin 'yung may gawa nito sa'yo" Dagdag n'ya at tuluyan ng lumabas.

Kaya pala laging and'yan si Aaron, siya 'yung look out ni dad.

Ewan ko ba, parang wala na ata akong ma-emote. Ayaw ko naman pumasok kaya dito na lang ako. Mamaya na ako uuwi, wala namang mag hahanap saakin e.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya agad ko itong kinuha.

From: Ailalalala

Nahuli na kung sino ang gumawa nun. It's Yanna at na-guidance na s'ya. Hindi ko pa alam kung anong parusa n'ya pero ang pagkaka rinig ko posible daw na expulsion pero ang alam ko pag-uusapan pa.

Binalik ko ang phone ko sa aking bulsa. Told 'ya, iba talaga ang karma.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com