Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36 [☆] Outing

Shana's POV

Kasalukuyan akong nag iimpake ng gamit para bukas. At oo, agad agad. Nakapag paalam na ang Bangtan kanina sa manager nila at pinayagan naman sila. Inaayos na ng manager nila ang accomodation namin for three days and two nights. I admit, I'm excited.

"Noona" Napa lingon at napa hinto naman ako sa pag-iimpake nang marinig kong tinawag ako ni Ryan.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kaniya.

Kinukusot ni Ryan ang kaniyang mata samantalang ang kapatid niya ay mahimbing pang natutulog.

"Good afternoon" Nakangiting bati ko sa kan'ya and kissed his head. Itinaas ni Ryan ang kaniyang kamay na parang nag papakarga.

Agad ko naman siyang kinarga "Okay ba ang tulog mo?" Tanong ko habang sinusuklay ang kaniyang buhok. Tumango naman si Ryan at niyakap ang leeg ko.

"Noona, I'm hungry" Bulong niya at mas hinigpitan ang yakap sa aking leeg.

"Gutom ka na? Okay" Sagot ko at lumabas na kami ng kwarto.

Agad kaming dumaretso sa kusina. Wala ng Bangtan sa sala, baka nandoon sila sa kwarto nila o baka ay umuwi na.

Nag kibit balikat na lang ako at ini-upo si Ryan sa may lamesa.

"Anong gusto mo kainin?" Tanong ko habang inaayos ang buhok niya.

Still in a daze, Ryan answered "Choco pie"

"Choco pie? Walang choco pie sila noona, chocolate lang meron e. 'Yun na lang?" Ani ko habang patuloy na sinusuklay ang kaniyang buhok. Inaantok pang tumango naman si Ryan kaya kinarga ko ulit s'ya at binuksan ang ref para hanapin ang chocolate. Nang makita ko na ang cudbury, agad ko itong kinuha at binigay sa kan'ya pagkatapos kong buksan.

"Oh, hi Ryan" Bati ni Hoseok kay Ryan.

Napa lingon ako sa kaniya at bahagyang nginitian. Hindi pinansin ni Ryan si Hoseok dahil busy s'ya kumain. Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa tawa ng mahina.

"Andito pa pala kayo. Akala ko umuwi na kayo" Naka ngiting ani ko as I scoop Ryan up at pumunta sa sala.

And a wild Bangtan well, less Jungkook appear. Nasa sala silang lahat.

"Hi Ryan" Bati nila rito pero hindi sila pinansin kasi nga abala kumakain. Hindi ko ulit napigilan ang sarili na mapa tawa ng bahagya.

"Ryan" Tawag ko sa kaniya.

"Nae?" Sagot ni Ryan na hindi ako nililingon.

"Ano ba 'yan! Pag kami dedma, pag ikaw may sagot? Nakaka hurt! My poor heart" Drama ni Taehyung na akala mo'y nasasaktan pa.

"Noona!" Iyak ni Bryan sa taas na naging dahilan para mapa lingon kaming lahat sa taas.

"Si Bryan!" Bulalas ko at agad na binigay si Ryan sa Taehyung dahil s'ya ang pinaka malapit saakin at tumakbo sa taas.

Agad kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at nadatnan kong karga na ni Jungkook si Bryan pero umiiyak pa rin ito.

"Noona" Humihikbing sabi niya nang makita ako. Napa lingon naman si Jungkook saakin at lumapit.

"Andito na si noona, don't cry na" Pag papatahan ko at kinuha si Bryan kay Jungkook at bahagyang isinayaw.

Nang medyo kumalma na si Bryan ay lumabas na kami ng kwarto at bumaba.

"Bryan" Medyo nag-aalalang sabi ni Ryan at inabutan ng chocolate si Bryan. Humihikbing kinuha naman ni Bryan ito at maya maya lamang ay tuluyan na siyang kumalma.

Abala ang kambal sa pag kain ng chocolate nang maka rinig kami ng busina sa labas. Andito na si Travis. Agad kong pinunasan ang bibig ng kambal at inayos ang kanilang mga bag.

They both kissed my cheek and waved good bye to Bangtan at inihatid ko na sila kay Travis.

Sa bahay na nag hapunan ang Bangtan at pagka tapos nun ay umuwi na rin sila para makapag impake.

Kinabukasan, alas k'watro pa lang ng umaga ay gising na ako. Ako kasi ang inutusan nila na mag handa ng pagkain at mamayang alas sais ang alis namin.

Ang alam ko, ako at ang Bangtan lang, niyaya ko naman si Aila at pinayagan naman s'ya. Bale 9 lang kami sa outing na ito, pero dinamihan ko na rin ang hinanda ko. Almost 5:30 na ako natapos mag ayos ng kakainin namin, agad naman akong umakyat sa kwarto ko para maligo.

Tapos na akong maligo at naka-ayos na rin ako, nasa sala na kami pareho ni Jungkook at iniintay ang van.

Maya maya lamang ay may narinig kaming busina sa labas. Agad kong hinila ang maleta ko at lumabas ng bahay. Ito na nga ang van ng Bangtan.

Nilingon ko si Jungkook na nilolock ang bahay at nang na-lock na talaga, sabay kaming lumapit sa van. Si Jungkook na ang nag bukas ng pinto and wow. What a surprise!

"Babe!" Masiglang bati ni Yanna na kumakaway pa. Napa tingin ako kila Namjoon at lahat sila ay naka busangot.

"Paano mo nalaman na may outing kami?" Kunot noong tanong ni Jungkook kay Yanna.

"Secret ko na 'yun kung paano hihi and oh! Sinabi ko rin kila Kiel at Sky na sumama. Mas masaya ang outing kung madami tayo" Naka ngiting sagot ni Yanna.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa-irap at inilagay na lang sa likod ang maleta at mga gamit ko. Agad naman akong pumasok sa van at umupo sa tabi ni Taehyung, Namjoon at Jimin, samantalang si Jungkook ay sa tabi nina Yanna, Jin at Hoseok.

"Hindi ko talaga alam na sasama 'yan" Bulong ni Jimin saakin.

"Alam mo ba, na nagulat na lang kami nung sinundo namin si Aila kasi andun sina Sky, Kiel at Yanna" Dagdag naman ni Taehyung. Napa tingin ako kila Jungkook at Yanna na kasalukuyang magka holding hands. Napa-irap ako dahil dun.

"Ano ba 'yan guys, ba't ang tahimik n'yo? Ba't ayaw n'yong mag sounds? Maganda 'yun sa roadtrip!" Ani ni Yanna na busy sa pag hahanap ata ng magandang kanta sa kan'yang cellphone.

"Shut up. Hindi na magiging maganda ang roadtrip at outing na 'to kasi andito ka" Mataray na bulong ni Aila.

Bahagya ko namang nilingon ang kaibigan at napa-iling.

"Nakaka walang gana mag-enjoy. Tulog na lang tayo" Walang emosyon na sabi ni Yoongi at tinakpan ang kaniyang mukha.

Medyo inaantok ako dahil maaga akong nagising kanina. Matutulog na lang muna ako. Ipinikit ko ang mata ko at agad naman akong hinila ng antok.

Nagising na lang ako sa pag tapik ng kung sino sa pisngi ko. Unti-unti ko namang minulat ang mata ko at nakita ko si Namjoon, napa sandal pala ako sa kan'ya kanina nung naka tulog ako.

"Andito na tayo?" Tanong ko at luminga-linga.

"Oo, kadadating lang" Sagot niya atsaka na nila binuksan ang pinto ng van at isa isang bumaba. Kan'ya kan'ya naman kami sa pag kuha at pag dala ng aming mga maleta.

"Wow, kaninong bahay 'to?" Manghang tanong ni Aila habang tinitignan ang bahay na tutuluyan namin.

"Nirentahan lang namin" Natatawang sagot ni Hoseok at pumasok na kami sa loob.

"Apat na kwarto lang ang meron kaya share share na lang tayo. Tatlong tao sa isang kwarto. Bale Shana, Aila and Yanna kayo ang magkaka sama since kayong tatlo ang babae" Pag didistribute ni Hoseok ng kwarto.

Ohkay... Makaka sama ko sa isang kwarto ang girl friend ng asawa ko sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Great! Just great!

"Jungkook, Sky at Kiel kayo magkaka sama. Taehyung, Jimin at ako. Jin-hyung, Namjoon-hyung at Yoongi-hyung. 'Yan ang makaka sama sa kwarto" Dagdag ni Hoseok. Tumango naman kami at umakyat na sa kan'ya kan'yang kwarto.

Saakin binigay ni Hoseok ang susi kaya ako ang nag bukas ng kwarto namin nila Yanna. Well, malaki s'ya at maganda.

"OMG walang kama? We're going to sleep on the floor?!" Maarteng reklamo ni Yanna nang maka pasok s'ya.

Wala ngang kama pero may mga kutson naman na ilalatag.

"Ang arte! Edi umuwi ka na sa inyo kung ayaw mo matulog sa sahig! Ang arte nito" Ismid ni Aila at nilagpasan si Yanna.

Binuksan ko ang cabinet na malaki at andito 'yung kumot at unan. Agad ko namang nilagay sa isang tabi ang maleta at gamit ko.

"Geez! Ba't kasi dito pa ako nasama sa room n'yo?" Mataray na sabi nanaman ni Yanna.

"Geez! Ba't kasi may hipon na naligaw dito?" Pang momock ko at binuksan ang bag na dala ko na may mga pagkain.

"Dapat kasi 'yung hindi kasama umalis na. Hipon ka gaga, hindi sardinas kaya 'wag mong ipag siksikan 'yang sarili mo dito kasi in the first place hindi ka belong" Mataray na dagdag ni Aila.

Pinag krus ni Yanna ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at tinaasan ang isa niyang kilay "Go tell that to your bestfriend. Hindi s'ya mahal ni Jungkook kaya 'wag n'yang ipilit at ipag siksikan ang sarili n'ya. Bye bitches" At lumabas na si gaga.

Umirap na lamang ako sa ere at tumayo na para dalhin ang mga pagkain sa lamesa, sakto naman at andito na sila. Mukhang tapos na sila mag-ayos ng gamit nila sa mga kwarto nila.

"Kain na tayo" Naka ngiting anunsyo ko at nilapag ang bag sa lamesa at isa isang nilabas ang mga tupperware na may pagkain.

"Nanay na nanay talaga si Shana" Natatawang kumento ni Taehyung at nauna ng umupo sa lamesa. Sumunod naman 'yung iba at nag umpisa na kaming kumain.

"Shaxi, ang sarap mo na pala mag luto" Puri ni Kiel.

"Naalala mo ba nung nag try kang mag bake kila Aila dati?" Natatawang panimula ni Sky.

"OMG I remember! You almost burn our kitchen! Tapos umiyak ka nun kasi napaso ang kamay mo" Natatawang sabi ni Aila. I just gave her a death glare and rolled my eyes.

"Hindi naman kaya masarap" Napa lingon kami sa nag salita. Sino pa ba? Malamang ang intrimitida na si Yanna.

"Edi 'wag mong kainin, duh" Ismid ni Aila at umirap.

"Hindi masarap? Halos kalahati na nga lang 'yang nasa tupperware na nasa'yo?" Taas kilay na sabi ni Taehyung kaya napa tingin ako sa tupperware n'ya. Oo nga, kaunti na lang ang laman. Napa ngisi ako.

"Share kaya kami ni Babe, duh" Sagot n'ya sabay irap. Hindi ko na lang s'ya pinansin at kumain na.

Tapos na kaming kumain at kasalukuyan kong hinuhugasan ang pinag kainan namin.

"Kailangan mo ng tulong?" Napa lingon ako sa nag salita, si Sky.

"Hindi na, kaya ko na" Naka ngiting sagot ko at pinag patuloy ang pag huhugas.

Naramdaman ko ang pag lapit ni Sky saakin at inakbayan ako "Na-miss kita"

"Regalo ko?" Natatawang ani ko.

"Pwede na ba 'yung pag mamahal ko?" Natatawang sagot naman niya.

Nag make face ako at bahagyang winisikan siya ng tubig "Korni mo" Umiiling at natatawang sabi ko.

"Basted nanaman" Aniya habang umiiling. Winisikan ko ulit siya ng tubig at pinag patuloy na ang pag huhugas habang naka akbay s'ya sa'kin.

Nang tapos na akong mag hugas bumalik na kami sa sala.

"Tara, ililibot namin kayo sa Busan" Naka ngiting anunsyo ni Jimin at sabay sabay kaming lumabas ng bahay.

Napa tingin ako kila Jungkook at Yanna. Nasa bewang ni Yanna ang kamay ni Jungkook, samantalang si Yanna naman ay yakap na yakap kay Jungkook. Tsk, bwisit.

"Naka busangot ka nanaman" Sabi ni Sky na naka-akbay sa'kin. Nasa medyo likuran kaming dalawa.

"Hindi lang maganda ang view" Iritang sagot ko sabay irap sa dereksyon nila Yanna.

"May na-isip ako. Ano, game ka?" Malokong sabi ni Sky as he wiggle his eyebrows. Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Tumbasan natin ang sweetness nilang dalawa. Tignan din natin magiging reaction ng asawa mo" Naka ngising sabi ni Sky. Napa ngisi din ako.

"Sige ba, game" Sagot ko. Nakita ko ang pag tingin ni Sky kila Yanna at sabay kaming napa-evil laugh ng mahina.

Oplan pag selosin si Jungkook. Ay, kapal baka mag selos. Enjoy na enjoy nga s'ya na kalandian si Yanna e oh. Tsk. Partida, gusto na DAW n'ya ako n'yan ah. Tch.

[EDITED]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com