Five
Point of View: Jimin
Bumaba ako ng aking sasakyan at bumaba pumasok ako sa isang bar na lagi kong pinupuntahan. Ito na nga ata ang tirahan ko, Ito ang takbuhan ko sa lahat ng problema ko.
"Magandang gabi sir" bati sakin ng isang waitress
"Walang maganda sa gabi" inis kong sabi sakanya "Nakahanda naba ang table ko?" tanong ko
"A-ah, Meron kasing isang babae na ayaw umalis doon sa favorite place niyo sir" isa kasi ako sa mga regular nilang costumer at alam nilang gabi gabi ay nandito ako, Kaya kaylangan araw-araw malinis ang table ko.
"Ano?! Diba sabi ko naman sainyo ayokong may ibang naupo doon!" galit na sigaw ko sakanya
Napatungo lang naman siya "Pasensya na sir, Mapilit kasi yung babae"
"Tss. Walang kwenta!" sabi ko at iniwan na siya
Pumunta ako sa aking pabortong pwesto, Hindi kasi masyadong maingay ang pwestong ito kaya naman dito ko lagi gustong umupo, Wala din masyadong tao kasi pinakadulo nadin ito. Pagkarating ko doon ay tama nga ang sinabi ng waitress meron ngang isang babae, Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula saakin.
Makikita mo sa mesa na ang dami na niyang nainom mahahalata modin sakanyang mga galaw ay kaunti nalang ay matutumba na siya. Mga babae talaga, Alam naman nilang hindi nila kaya mag-iinom pa sila ng ganyan.
Napangiti nalang ako ng saglit kong maalala si Step, Sa bar kasi na ito kami unang naging mag-kaibigan. Sa mesa din nayan siya nakaupo noon at lasing na lasing din siya. Pero kahit na lasing na lasing siya noon ay napakaganda at nakakaakit padin ang kanyang itsura.
Napansi ko naman na matutumba na yung babae kaya naman agad ko siyang sinalo, Napatingin ako sa kanyang mukha na napakaamo, Teka nga siya yung kaklase ko ah. Napatingin naman ako sa suot niyang jacket, Akin yung jacket na suot niya. So, siya nga yung babaeng nakabunggo ko kanina sa may school.
"H-hey" bati niya saakin, Inayos ko naman siya ng upo "Shinushundan mo ba ahsko" bigla naman akong natawa dahil sa pagsasalita niya kaya naman nakunot ang kanyang noo "Ashnong nashkakatawa?" tanong niya
Umiling iling naman ako sakanya "Wala naman, Bakit ka nga pala nasa lugar nato? Hindi mo ba alam na delikado sa isang babae kagaya mo ang mag-isa lang sa ganitong klase ng lugar" sabi ko sakanya
"Edi shamahan mo asko" sabi niya, Kukunin niya sana ang isang bote pa ng alak ngunit inunahan ko na siya dito at ako na ang uminom ninto "Aish! Bumili ka ng sharili mong alak" inis niyang sabi
"Lasing kana, Andami mo nang nainom" sabi ko sakanya
"Kaya nga ako pumunta sa lugar nato para uminom at maglashing" sabi niya at kinuha ang isa pang bote sa mesa na may laman, Hindi ko na naman siya pinigilan pa.
Ilang sandali pa ay naubos na ang laman ng mga bote, Malapit nadin siya matumba kaya naman hinawakan ko siya "Aslam mo, Shana lagi nhalang ako nandito" sabi niya, Nagulat nalang ako ng bigla siyang umiyak "Kasi dito walang taong nakakakilala sakin, Walang taong manghuhusga saakin" dugtong niya, Pinunasan ko naman ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Iuuwi na kita sainyo" seryoso kong sabi sakanya
Umiling-iling naman siya "Ayoko umuwi sa bahay, Andun yung mga taong sumira sa buhay ko"
"Saan kita dadalhin?" kunot noong tanong ko sakanya
"Iwan mo nalang ako di--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa sobrang kalasingan.
Napailing nalang ako dahil sakanya, Saan ko siya ngayon dadalhin? Hindi ko naman alam kung saan ang bahay niya, Hindi ko naman siya pwedeng iwan nalang dito dahil konsensya ko kapag may masamang nangyari sakanya. Aish! Problema talaga kahit kailan ang babaeng ito.
Saglit akong napahawak sa ulo ko, Sa totoo lang ngayon lang ulit ako namublema sa isang babaeng hindi ko naman masyado pang kakilala. Kinuha ko ang bag niya at isinabit ito sa aking balikat, Dahan dahan ko siyang binuhat. Sa bahay ko nalang siya iuuwi.
Tumigil ako sa waitress na nakausap ko kanina "Babalik nalang ako bukas para bayaran lahat ng nainom niya" sabi ko
"Ah, Okay po sir. Ingat kayo sa pag-uwi" sabi niya. Tinanguan ko lang naman siya at lumabas na.
Sinakay ko siya sa aking sasakyan at pinaandar na ito. Nang makarating na kami sa aking bahay ay binuhat ko siya papasok at inakyat sa kwarto ni Step hiniga ko siya sa kama at hinayaan nalang matulog.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto ni Step, Ilang taon nadin simula ng magkaroon ng tao dito, Ilang taon nadin simula ng may humiga sa kama niya.
Point of View: Stephan/Lexia
Napahawak ako sa ulo ko "Sh*t ang sakit ng ulo ko" reklamo ko. Tanga kasi bakit uminom ako ng napakadami. Aish!
Napaikot ako ng tingin ng mapagtanto kong hindi pala ito ang aking kwarto, Dahil maliit ito kung ikukumpara sa aking kwarto. Sh*t, Saan ako dinala ng lalaking iyon?
"Ayokong umuwi sa bahay, Andun yung mga taong sumira ng buhay ko"
"Saan kita dadalhin?"
"Iwan mo nalang ako dit-"
Napapalo ako sa noo ko, Paano kung hindi pala siya ang nag-uwi saakin dito? Paano kung hindi niya ito bahay? Paano nga kung iniwan niya ako kagabi sa bar! Ghad! Humanda ang lalaking iyon saakin kapag may nangyari saaking masama.
Natigil naman ako sa pamumublema ng mapansin ng aking mga mata ang isang frame na nakasabit sa dingding, Isang marriage picture. Larawan ito ng isang magandang babae at ni Jimin? Napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkagulat, Kinasal na siya? Kasal na siya? Ohmy!
Napatingin naman ako sa pinto ng bigla itong magbukas at iniluwa nito si Jimin, Napatingin din naman siya sa larawan na nakasabit sa pader, Makikita mo sa kanyang mga mata ang sakit at pait.
Muli naman siyang napatingin saakin "Masakit ba ang ulo mo?"
"A-ah, Oo" sagot ko
"Bumaba kana at nag-handa ako ng kape para mawala yang hangover mo" seryoso niyang sabi at umalis na
Agad din naman akong sumunod sakanya pababa, Umupo siya sa isang upuan mula at umupo naman ako sa katapat na upuan niya.
Tahimik lang kaming nakain ng bigla siyang magsalita "Wala sanang makaalam sa lahat ng nalalaman mo tungkol saakin" seryoso niyang sabi habang patuloy na kumakain
Tumango tango naman ako sakanya "Asan nga pala siya?" tanong ko
Nakita ko naman na nagbago ang kanyang ekpresyon at napalitan ng kalungkutan "Wala na siya, Iniwan na niya ako" nakatungo niyang sabi
Bigla naman akong naguilty dahil sa tanong ko, Gaga Stephan bakit mo pa tinanong sakanya "S-sorry. Hindi ko naman alam"
Napatingin naman siya saakin at ngumiti ng pilit "Wala ka namang kasalanan, Kaya wag kang mag-sorry"
Tumango-tango nalang ako sakanya "Pwede ko bang malaman ang pangalan niya?"
"Stephanie, Stephanie Paula Park" malungkot niyang sabi
Ngumiti naman ako ng pilit "Ang ganda ng pangalan niya, Kasing ganda niya"
Natawa naman siya "Wala kang maiihusga sakanya, Siya na ang pinaka-perpektong babae na nakilala ko" nakangiti niyang sabi, Ngayon ang ngiti niya ay hindi na pilit totoo na ito.
"Siguro mahal na mahal mo siya" tanong ko sakanya
"Oo, Higit pa sa buhay ko" sagot niya
"Ang swerte naman pala niya na naging asawa ka niya, At ang swerte mo din sakanya" nakangiti kong sabi. Sa nakita ko kaninang larawan ay ang saya saya nila, Ang swerte nila sa isa't isa at bagay na bagay sila.
Natawa naman siya "Ako siguro swerte ako sakanya, Pero siya hindi siya naging swerte saakin" himinga siya ng malalim bago tumingin saakin "Alam mo bang may nagsabi saakin na parehas kayo ng asawa ko? Pero ang sabi ko sa kanila malaking malaki ang pinagkaiba niyo. Siguro nga may pagkakapareha kayo pero, Pero para saakin nagiisa lang siya, Para saakin siya lang ang babaeng perpekto na nakilala ko at wala ng iba pangtutulad sakanya." sabi niya
Napatungo naman ako dahil sa sinabi niya, Hindi pa nga kami masyadong magkakilala hinuhusgahan na niya agad ako? Kagaya lang siya ng iba, Hindi pa nila nakikilala ang isang tao pero panay panghuhusga na agad ang ginagawa nila.
✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘
Vote & Comment (:
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com