Special Chapter
Dahil maraming nabitin sa Ending gumawa ako ng special chapter para sainyo. Maikli lang to ah. Sana hindi kayo mabitin!
Point of View: Stephan
Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng biglang may bumagsak na mga roses petals mula sa taas. Napatingin naman ako ngunit wala namang tao. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa classroom.
Hindi pa man ako nakakalayo ng may mahulog na naman mga petals mula sa second floor, muli akong napatigil at napatingin sa taas ngunit gaya kanina ay wala pading tao. Huta! Napailing naman ako dahil sa naisip ko. Pakana na naman niya siguro ang mga to.
Simula ng naging kami walang araw na hindi siya nagbibigay ng bulaklak o nagbibigay ng kung ano-ano. Walang araw na hindi niya ako sinasabihan ng 'i love you' 'mahal kita' buong-buo na ang araw ko kapag naririnig ko yung mga salitang yon mula sa bibig niya.
"Stephan! Stephan! Stephan!" parang mga tangang sigaw ng dalawa kong kaibigan
Lumapit sila saakin at ngumiti na parang mga timang "Stephan, hulaan mo?" nakangiting sabi ni Skyler
Oo si Skyler Kim yung babaeng halos isumpa kona at yung babaeng galit na galit saakin ay kaibigan kona ngayon. Nagkaayos na kami pati nadin si Tita maayos na ang pamilya ko. Pwede na nga akong mamatay dahil natupad na lahat ng gusto ko.
Tinaasan ko naman siya ng kilay "Mukha ba akong manghuhula?"
Inirapan naman niya ako "Gaga! Sige sasabihin kona, kami na ni Jin!" kinikilig niyang sabi
Muli ko namang tinaas ang kaliwang kong kilay "So?"
Hinampas naman niya ako sa braso "Sama mo! Hindi ka manlang nagkunwaring may pake ka at masaya ka saakin! Kapatid mo ako kaya pwede ba maging masaya ka naman!" naiinis niyang sabi
Tumingin naman ako kay Wendy at sabay kaming tumawa. Jusko! Sarap talagang pag-tripan ng isang to. Epic kasi lagi ng mukha niya kapag naiinis o nagagalit siya.
"Grabe! Ang epic talaga ng pagmumukha mo Skyler!" sabi ni Wendy habang tawa padin ng tawa
"Hahahaha! Tanga ka Wendy hindi mo kinuhanan ng picture yung mukha niya!" sabi ko naman
Mukha naman siyang nainis dahil sa ginawa namin kaya naman tumigil na kami "Pero masaya ako para sayo!" nakangiti kong sabi at niyakap siya
"Salamat! Napakasaya ko ngayon!" masaya niyang sabi
Tumawa naman kami at nagyakapan kaming tatlo "Ano tara na?" tanong ni Wendy
Tumango naman kami at naghawak-hawak kamay sa paglakad ngunit natigil kami ng may muling bumagsak na petals mula sa second floor. "Wow! Ang ganda!" manghang-manghang sabi ni Wendy
"Oh my gosh! Sino ang may gawa nito? Ang ganda" sabi naman ni Skyler
"Ako!" napalingon naman ako sa aking likod ng marinig ko ang isang pamilyar na boses
Tinulak-tulak naman ako ng dalawang impakta "OMG! Ang sweet talaga ng pandak nayan" bulong ni Wendy
"Gosh! Sana gawin din saakin ni Jin to" sabi naman ni Skyler
Hindi ko naman sila pinansin at sakanya. Hinampas ko ang dibdib niya "Ano na naman ba to?" tanong ko sakanya
Hinalikan naman niya ako sa pisngi "Ayaw mo ba?" nakasimangot niyang sabi
Pinitik ko naman siya sa noo "Wag ka ngang maarte diyan. Malamang nagustuhan ko!" sabi ko sakanya at niyakap siya
"Grabe! Nilalanggam kami!" napatingin naman ako mula sa taas at lumabas ang tatlong niyang kaibigan na si Jhope, Suga at V
So, Sila pala yung mga gagong nagkakalat ng petals dito sa hallway. Mga siraulo!
"Mahal na mahal kita Stephan!" bulong niya sa aking tenga
Napangiti naman ako "Mahal na mahal din kita Jimin" bulong ko sa kanyang tenga
Humiwalay naman siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko "Tara pasok na tayo? Baka pagalitan na naman tayo ng bitter natong prof" sabi niya
Tumango naman ako sakanya "Pero bago tayo umalis bayaran mo muna yung ginawa ko" sabi niya
"Huh? May bayad ba yon? Magkano?" tanong ko
Pinitik naman niya ako sa ilong "Hindi pera ang kailangan ko kundi ito" sabi niya at hinalikan ako sa aking labi
Nginitian ko naman siya at magkahawak kamay kaming lumakad papuntang classroom. Sa isang buwan naming magka-relasyon at mag-kasama masasabi kong buong buo na ako nang dahil sakanya. Hindi ko siguro kakayanin kung mawala siya sa buhay ko. Dahil ang alam ko ngayon siya na ang buhay ko, sakanya na umiikot ang buong buhay ko.
Point of View: Wendy
Habang nakikinig kami sa lecture ni prof ay hawak kamay kami ni Jungkook. Isang taon na kami sa relasyon namin at masasabi kong siya na ang pinaka-loyal at mabait na boyfriend sa buong mundo.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako sa pisngi "I love you" sabi niya matapos niya akong halikan sa pisngi
Nginitian ko naman siya "Landi mo talaga. Makinig ka nga kay prof"
Sumimangot naman siya "Wala bang i love you too?" tanong niya
Inirapan ko naman siya "Wala"
"Eh?"
"Anong eh? taeh?" pangaasar ko
Binitawan naman niya ang kamay ko "Ewan ko sayo! Bahala ka" sabi niya
Hala? Napikon naman agad. Sinundot sundot ko ang bewang niya "Oy! Pikon naman agad to. Sorry na"
Hindi naman niya ako pinansin at nanatili lang nakatingin sa unahan. Grabe! Napakapikunin talaga ng lalaking may malaking ilong nato. "Oy! Eto naman tampo agad. Sorry na"
Tiningnan naman niya ako ng seryoso "Mahal mo ba ako?" seryoso niyang tanong
Kinabahan naman ako sa tanong niya "S-syempre" sagot ko
"Talaga?"
"Oo nga!"
"Patunayan mo nga" nakangisi niyang sabi
"Ano? Paano?" tanong ko
"Kiss mo ako" sabi niya at ngumiti ng napakalapad
Kinurot ko naman ang ilong niya "Siraulo ka talaga!" sabi ko
Sa isang taon naming mag-karelasyon hindi ko pa siya nahahalikan sa labi dahil ayoko pa. Hindi pa ako handa at pinangako ko sa sarili kong ibibigay ko lang ang first kiss ko sa lalaking siguradong makakasama kona habang buhay. Sinabi ko na yon sakanya pero makulit padin siya. Hindi naman sa hindi pa ako sigurado sakanya pero gusto ko pang umabot muna kami ng tatlong taon para siguradong-sigurado na ako sakanya.
Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa noo "Joke lang! I love you"
Ngumiti din naman ako sakanya "I love you too"
Point of View: Skyler
Nandito kaming dalawa ni Jin sa canteen. Napagdisisyonan kasi naming wag munang pumasok sa unang klase namin dahil napaka-sungit ng prof namin. Hindi din kasi naming kaklase sila Wendy at Jungkook pati nadin sila Jimin at Stephan. Sila Jhope at V naman tamad din silang pumasok at nakatambay lang sa may mini garden ng campus. Si Rapmonster at Suga iba din ang course nila saamin.
"Say ah" sabi niya
"Ah!" sabi ko naman at sinubo ang hawak niyang burger
Pinunasan naman niya ang gilid ng labi ko "Ayan" nakangiti niyang sabi
Sinubuan ko din naman siya ng spaghetti "Saan mo gusto pumunta sa first monthsary natin?" tanong niya
Natawa naman ako "Hindi pa nga tayo nagwe-weeksary monthsary na agad?" natatawa kong tanong
Tumango-tango naman siya "Dun din naman tayo pupunta! Tapos anniversary tapos ikakasal na tayo"
"Sure ka ba?" tanong ko
Tumango-tango naman siya "Oo. Pangako hindi kita lolokohin" sabi niya habang nakataas pa ang isang kamay
Hinalikan ko naman siya "Pangako yan ah!"
"Oo. Pangako!"
E N D
A/N: Boring! Sorry na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com