Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Ten

Point of View: Jimin

"Bro! Parang body guard kana nitong si Stephan ah" natatawang sabi ni Jin 

Sinamaan ko naman siya ng tingin "Hyung? Wala kang pake, Humanap ka ng ibang taong mapagtri-tripan mo wag ako" asar kong sabi sakanya

Nagtawanan naman silang lahat "Pero masaya ako para sayo, Hyung" sabi ni Jungkook

Kunot noo ko naman siyang tiningnan "Masaya para saan?" tanong ko 

"Masaya ako dahil bumabalik kana sa dati, Tumatawa kana at nakikipag-asaran kana ulit saamin. Dalawang taon kayang nawala ang Jimin Hyung na mahal ko" sabi niya 

Binato ko naman siya ng tinapay na kinakain ko "Bakla mo! Paano mo nasasabing mahal mo ko kung nasa harap ka ng girlfriend mo" sabi ko sakanya 

Tinawanan naman niya ako at hinalikan sa pisngi si Wendy dahilan para mamula ito "Siya lang ang babaeng mahal ko! Pero kayong mga Hyungs ko, Kayo ang mga lalaking mahal ko" sabi niya at umasta na parang bakla 

Isa-isa naman siyang binatukan ng mga Hyungs namin "Yuck! Hindi ako napatol sa bakla. Diyan kana lang sa Girlfriend mo" sabi ni Suga 

Kumain nalang ako habang pinapanood sila, Sa totoo lang namiss kodin ang masasayang asaran at tawanan namin. Napatingin naman ako kay Stephan na nakikitawa habang sinasaktan nila Jhope Hyung si Jungkook. 

Hindi ko alam kung paano at bakit pero simula ng nakita ko siyang sinasaktan ni Skyler ay nagbago na ang tingin ko sakanya. Siguro dahil naaalala at nakikita ko sakanya si Stephanie kaya napalapit na din ang loob ko sakanya. Siguro tama nga sila Wendy na marami silang pagkakatulad.

"Jimin, Sa isang araw na ang birthday mo ah? Anong plano mo?" napatingin naman ako kay Rapmonster Hyung 

"Hulaan ko, Doon ka na naman sa puntod ni Stephanie magce-celebrate?" sabi naman ni Jhope 

Tumango-tango naman ako sa kanila "Oo. Pupuntahan ko siya tapos lilibre ko kayo" sabi ko 

Nagliwanag naman ang mga mata nila dahil sa sinabi ko "Talaga?!" masayang sabi ni Wendy 

"Oo. Pero gusto ko tayo-tayo lang." sabi ko sa kanila 

"Malamang alangan namang isama natin buong mundo sa pagc-celebrate ng birthday mo" pabarang sabi naman ni Jin 

Binato ko naman siya ng tinapay na hawak ko "Wag kang tanga Hyung! Ang ibig kong sabihin wag niyo ng ipagkalat sa iba" sabi ko sakanya

Tumingin naman ako kay Stephan na tahimik lang na kumakain, Kanina ang saya niya tapos ngayon bakit bigla siyang tumahimik "Stephan" tawag ko sa pangalan niya, Tumingin naman siya saakin "Sama ka ah! Aasahan kita" sabi ko at ngumiti sakanya 

Bigla namang nalungkot ang mga mata niya "Hindi ako makakasama, Pasensya na" sabi niya 

"Huh? Bakit naman? First time mo makakasama samin sa pagce-celebrate ng birthday ni Jimin tapos hindi kapa sasama" sabi naman ni Wendy 

"Oo nga naman! Tsaka isang beses lang naman yon sa isang taon" sabi naman ni Jhope 

"Sumama kana kasi" pagpipilit naman ni Jungkook

Umiling-iling naman siya "Hindi talaga pwede" malungkot niyang sabi 

"Bakit ba hindi pwede?" tanong naman ni Taehyung

"Sa isang araw kasi ang kaarawan ng pagka-matay ng Mommy ko kaya hindi ako pwedeng magsaya. Tsaka isa pa pupuntahan ko siya sa puntod niya kaya pasensya na kayo kung hindi ako makakasama sainyo ah" malungkot niyang sabi

"Ah. Ganon ba? Sayang naman pala" nanghihinayang na sabi ni Rapmonster 

"Oo nga. Gusto pa naman sana naming makasama ang babaeng nakapag-balik sa aming kaibigan" sabi naman ni Jin 

Napatingin naman ako sakanya ng masama "Ano bang sinasabi mo Hyung?!" inis kong tanong sakanya 

"Totoo naman ang sinasabi ko ah? Tumatawa kana ulit dahil kay Stephan, Nagkakaroon kana ng paki-elam sa paligid mo dahil sakanya. Bumalik na yung dating kaibigan namin nang dahil kay Stephan" paliwanag niya 

"Oo nga! Ang talino mo Jin ah!" masayang sabi ni Wendy "Tsaka isipin niyo, Baka sila na talagaa ng destiny?" parang tangang sabi ni Wendy habang kinikilig 

Nasamid naman si Stephan dahil sa sinabi ni Wendy "Baliw! Paano naman kami naging Destiny?" tanong niya 

"Hindi niyo pansin? Parehas niyong binago ang buhay ng isa't isa. Dahil kay Stephan nagbalik ang dating Jimin at dahil naman kay Jimin nagbago ang buhay ni Stephan, Hindi na siya nabu-bully" masayang sabi ni Wendy 

Hinalikan naman siya sa pisngi ni Jungkook "Ang talino talaga ng Baby ko!" sabi ni Jungkook

"Alam niyo mga siraulo kayo! Diyan na nga kayo" sabi ko at tumayo na para iwan sila 

Pero bago pa man ako umalis ay biglang nagsalita si Jhope "Bro, Siguro panahon na para buksan mo ulit ang puso mo! Panahon na para palitan mo si Stephanie" sabi niya 

Natawa naman ako sa sinabi niya "Kailan man, Walang babae ang makakapalit kay Stephanie" sabi ko at tuluyan ng umalis

Point of View: Stephan

"Kailan man, Walang babae ang makakapalit kay Stephanie" sabi ni Jimin bago umalis 

Siguro, Mahal na mahal niya talaga si Stephanie kaya hindi niya ito kayang kalimutan. Gaya nalang ng pagmamahal ko sa Mommy ko, Sobra ko siyang mahal kaya hindi ko siya kayang palitan, Kaya hindi ko kayang matanggap si Tita bilang bago kong Mommy.

"Hanggang ngayon hindi padin niya kayang kalimutan si Stephan" sabi ni Taehyung 

"Hindi naman talaga madaling kalimutan si Step, Kahit ako hinding-hindi ko siya makakalimutan. Crush ko kaya siya non" sabi naman ni Jungkook 

Nakatikim naman siya ng batok kay Wendy "Siraulo ka! Yung bestfriend ko pa talaga ah. May asawa na yon noon at patay na siya ngayon. Wag kang g*go" sabi ni Wendy 

Hinalikan naman siya ni Jungkook sa pisngi dahilan para mamula siya "Sorry na! Tsaka dati pa naman yon, Hindi pa kita kilala" malambing na sabi ni Jungkook

"Pero alam niyo may naisip ako" napatingin naman silang lahat kay Taehyung

"Mantakin mo may isip ka pala" mapang-asar na sabi ni Rapmonster 

Inirapan naman siya ni Taehyung "Gaya mo naman ako sayo Hyung!" sabi niya "Eto yung naisip ko para makalimutan ni Jimin si Stephanie, Paibigin ni Stephan si Jimin gamit ang mga katangian na taglay ni Stephan" sabi niya 

Ako? Papaibigi ko si Jimin? Luh, Anong alam ko sa mga ganyan? Baliw na sila.

"Oo nga noh, Tsaka isa pa maraming pagkakatulad si Stephanie kay Stephan" sabi naman ni Suga 

Tumingin naman silang lahat saakin "Ang tanong papayag ba si Stephan sa plano?" 

Umiling-iling namana ko sa kanilang lahat "Ayoko! Hindi ko gagawin ang gusto niyo" 

Nag-puppy eyes naman saakin si Taehyung, Ohmy! Ang cute niya "Pumayag kana. Tsaka alam naman naming may gusto ka kay Pandak" sabi niya 

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya "Wala akong gusto sakanya noh!" pagtatangi ko 

"Sus! Satin satin lang naman eh. Tsaka ayaw mo baka magustuhan kadin niya" sabi naman ni Jhope 

"Oo na. May gusto ako sakanya ng kaunti pero hindi ibig sabihin non gagawin kona ang gusto niyo. Gusto ko magustuhan niya ako bilang ako hindi bilang katulad ko ang ugali ng Stephanie nayon" sabi ko 

Gusto ko ay mahalin niya bilang si Lexia Stephan Jonson hindi bilang Stephanie Paula Park, Dahil minahal ko siya bilang Jimin Park.

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘

A/N: Five Chapters nalang matatapos na siya! Yehey!

Comment & Vote!

Enjoy!




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com