Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

#CTG51 Chapter 51

It... almost felt like a nightmare. Almost like I knew what was happening, but I couldn't move... I felt trapped inside my own body and I couldn't respond to the people who were talking to me.

"Stubborn... You've always been so stubborn..." Dad's voice said. I felt him touching my face. "Wake up, Charisse Faith. You can't die like this. You can't leave me with your brothers."

I felt my tears forming.

Pero hindi ako maka-galaw.

Hindi ko mabuksan ang mga mata ko.

"You can hear me," Dad said. "I'm sorry this happened to you... I'm sorry your dad wasn't there to protect you... But I promise you that whoever did this to you will pay..."

I felt him kissing the top of my head...

And then I felt myself falling asleep again.

Hindi ko alam kung gaano akong katagal na ganoon. But one day, I could finally open my eyes... and I immediately saw Joey. She looked surprise to see me open my eyes.

"Cha," she said, quickly coming to my side.

I felt so disoriented. I tried to ask for water, but I couldn't get a word out from my mouth. Mabilis akong inabutan ni Joey ng tubig. She began to talk, but I couldn't understand a thing.

"Jia, patawag naman si Dr. Revero," Joey instructed the nurse. She was looking at me and I couldn't quite pin the emotion on her face. "Tinawagan ko na si Iñigo, okay?" she said.

My lips parted.

Iñigo...

Agad akong napa-tingin at napa-hawak sa baby ko.

It felt... empty.

My whole body began to tremble at the realization. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko. Joey tried to calm me down, but I wouldn't stop crying.

'Yung baby ko...

Wala na 'yung baby ko...

Ni hindi ko pa nga alam kung ano 'yung pangalan niya... kung babae ba siya o lalaki...

"Cha..." Joey said. "Cha, please try to calm down... Baka biglang bumukas 'yung mga stitches mo..."

Hindi ako maka-hinga.

Biglang dumami iyong tao sa kwarto.

They were all trying to tell me to calm down, but I couldn't calm down. Paulit-ulit kong naiisip iyong baby ko... Kung paano siya nasaksak at nawala dahil sa 'kin... Dahil hindi ko siya inalagaan... Dahil hindi ako nag-ingat...

"Calm down..." the doctor said as I saw a needle puncturing my skin.

And I drifted to sleep again.

Hindi ko alam kung gaano akong katagal na naka-tulog. Nagising ako nang maka-rinig na naman ako ng mga boses.

"Naka-usap mo ba si Jax?" I heard Iñigo ask.

"Hindi pa... Nag-aalala na nga rin sila Mama sa kanya kasi ayaw pa ring tumigil kahit binaba na 'yung verdict," Joey replied.

"I'm sorry..." Iñigo said.

"Yeah... but I trust Jax. Hindi 'yun titigil."

"Nasabi... nasabi mo na ba sa kanya 'yung sa baby?" Iñigo asked.

"Hindi pa... bago ka dumating, nagising na siya tapos hindi siya tumigil sa pag-iyak," Joey replied. "Pero mas mabuti siguro na ikaw na 'yung magsabi sa kanya para mapag-usapan niyo na rin. Pero dahan-dahanin mo kasi hindi pa totally healed 'yung sa saksak niya... Kailangan niyo ring kausapin si Dr. Revero dahil may organs na nadamay. Hindi kasi ako 'yung doctor niya, pero kung may kailangan kayo, sabihin niyo agad sa 'kin, okay?"

I opened my eyes.

"Nasan 'yung baby ko?"

Gusto kong malaman kung nasan siya.

Gusto ko siyang makita.

Kahit iyon lang.

"Cha..." Iñigo said, holding my hand.

I looked at him. I couldn't see him clearly because of the tears in my eyes. "Yung baby natin..." I said. I couldn't breathe again. Gusto ko lang makita 'yung baby ko. Gusto ko siyang mahawakan. Gusto kong magsorry sa kanya dahil hindi ko man lang siya na-protektahan...

"Iñigo, 'yung baby natin—"

"Wala na 'yung baby, Cha."

Natigilan ako sa tono ng boses niya.

I looked at him.

"I told you... I begged you... Bakit hindi ka nakinig sa 'kin? Bakit kahit isang beses hindi mo magawang makinig?"

Mabilis kong pinunasan iyong luha mula sa mga mata ko.

"Are you serious?"

"Bakit hindi ka marunong makinig, Cha?"

"Alam ko kasalanan ko... pero nawalan din ako ng anak, Iñigo. Hindi ba pwede na bago mo ako sisihin—"

His jaw clenched as tears of frustration fell from his eyes. Kitang-kita ko iyong galit sa mga mata niya. Sa ilang taon na nagsama kami, ngayon ko lang siya nakita na ganito.

"Gusto kong sisihin 'yung sarili ko, Cha, pero hindi ko magawa kasi alam ko naman na ginawa ko lahat para protektahan ka, kayo ng anak natin, pero tangina kahit isang beses hindi mo man lang naisip 'yung baby! Puro ka Jax! Puro ka kaibigan! Pano naman ako?! Lagi na lang ako 'yung nag-a-adjust! Paramdam naman na priority mo ako kasi ako, lagi kitang priority!"

I felt my blood rising from what I was hearing from him. I wanted to stand up and slap him, but I couldn't move. Tears continuously fell from my eyes. I was so frustrated. I was so mad. Alam kong kasalanan ko... pero bakit kailangan niyang sabihin ngayon?

"Hindi ko gusto—"

"Hindi mo gusto? Pero iba 'yung ginagawa mo, Cha! Gusto mong makita 'yung baby? Kasi ako nakita ko... Nakita ko kung gaano pa siya ka-liit, Cha... Ni walang laban 'yung baby natin... Namatay siya ng ganon lang... Ni hindi ko man lang—"

Agad siyang tumalikod sa akin at sinuntok iyong pader.

"Sana ako na lang 'yung namatay."

Napa-tingin siya sa 'kin.

"Sana hindi na lang ako nagising," ulit ko.

Agad siyang humakbang palapit sa akin pero mabilis akong umiling habang pinapahid ang luha ko.

"Alam ko naman na kasalanan ko... pero bakit kailangan mo pang ipa-mukha sa 'kin, Iñigo?"

Pilit akong tumingin sa kanya.

"Sorry. Sorry kung gusto kong tulungan sila Jax. Sorry kung ganoon akong klaseng kaibigan. Buong buhay ko kasi kinukumpara ako sa ibang tao, pero sila 'yung unang beses na pinaramdam sa 'kin na hindi kumpetisyon lahat sa buhay. Na kaibigan ko sila. Na nandyan din sila para sa 'kin. Pasensya na, Iñigo, hindi ako kagaya mo na okay lang na mag-isa—"

"Tangina naman, Cha!"

"Wag mo akong sigawan," I said, glaring at him.

"Paanong hindi ako sisigaw?! I felt like you fucking lied to me! You promised me! You promised me na titigil ka na! Pero pumunta ka pa rin! Pakiramdam ko wala kang pakielam sa 'kin kasi kahit minsan hindi ka naman nakinig—"

"Kung maibabalik ng pagsigaw mo 'yung baby—"

His jaw clenched.

"This... This could've all been avoided, Cha... Kung sana nakinig ka lang sa 'kin... Pero sino nga ba ako? Hindi ko nga alam kung ano tayo hanggang ngayon... Kung hindi ka pa nabuntis, hindi ka pa papayag na magpakasal. Para akong gago na isip nang isip kung ano 'yung lugar ko sa buhay mo. Ni hindi ko magawang magtanong kasi takot ako sa 'yo. Takot ako na baka kung ano 'yung sabihin mo. Palagi na lang ganon. Tangina nakaka-pagod."

Tears just continued to flow.

Parang ang tagal niyang inipon.

Lahat ng sama ng loob niya sa akin.

"Puro ka Jax... Sorry to break this to you, Cha, but you're just his friend... Hindi ka niya priority. Hindi ka si Katherine. Pero ako... tangina, kaya kong gawin lahat para sa 'yo pero isang paki-usap ko lang ni hindi mo magawa... Ang sakit nun sa 'kin. 'Yung anak natin..."

Tumingin ako sa kanya, hinintay na matapos siya.

Ang dami niya palang problema sa akin.

Hindi ko alam.

Ganito ko pala siyang pinapa-hirapan.

"Sabi mo... Sabi mo gusto mo ng pamilya... 'Yung hindi gaya ng pamilya mo... Pero bakit hindi ko makita, Cha? Bakit hindi mo kami pinili ng anak natin?"

I pursed my lips and begged myself not to cry, but I couldn't will the tears to stop from falling. Tuluy-tuloy lang sila sa pagbagsak. Gusto ko silang tumigil. Ayoko ng umiyak. Wala na akong lakas.

Akala ko kay Iñigo ako kukuha ng lakas pero mali ako.

Pagod na rin pala siya sa 'kin.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya. "Tapos ka ng isisi lahat sa 'kin?"

Hindi siya nagsalita.

Kita ko pa rin iyong galit sa mga mata niya.

"I didn't go there to get stabbed, for your fucking information. Hindi ko ginustong masaksak. Hindi ko ginustong mamatay 'yung anak mo. Imbes na matuwa ka na buhay pa ako, mas inuuna mong sisihin ako sa bagay na hindi ko rin naman gusto. Akala mo ba gusto ko? Ganon ba ako ka-walang puso sa tingin mo? Kasi nasasaktan ako, Iñigo. Kung pwede lang... Kung pwede lang na ako na lang 'yung mamatay—"

He wrapped me in his arms.

"Sana ako na lang 'yung namatay."

"No, hindi iyon 'yung ibig kong sabihin..."

Pilit ko siyang tinutulak palayo sa 'kin, pero hindi ko magawa.

"Ganyan pala 'yung nararamdaman mo... bakit hindi mo sinabi dati pa?"

"Cha..."

Pilit ko siyang nilayo sa 'kin.

"Bitawan mo ko..." pagod na sabi ko.

"Ayoko," umiiling na sabi niya. "Galit lang ako pero ayokong mamatay ka, Cha. Sorry. Hindi ganon 'yung ibig kong sabihin."

"Bitaw, Iñigo. Please."

Pero hindi siya gumalaw.

"Ayoko. Mahal na mahal kita, Cha. I'm sorry. Hindi ko gusto 'yung mga sinabi ko. Galit lang ako. Nasaktan lang ako. Mahal kita. Sorry. Please."

But I just wanted him to let me go.

Hindi lang siya 'yung nawalan ng anak.

Pero mas nauna niya pa akong sinisi.

"Bitawan mo ako... Please..."

I felt so weak.

I felt something ache.

Hindi ko na alam kung ano.

Parang masakit na lang sa akin ang lahat.

Lumuwag iyong yakap niya. Sabay kaming napa-tingin sa mabilis na pagpula ng suot ko. I quietly wiped the tears from my eyes as I removed the ring from my finger.

I looked at Iñigo and I saw the fear in his eyes.

"Let's not get—"

"No," he said, shaking his head. He kneeled and held my hands as he profusely shook his head. "No. I'm sorry. Nagkamali ako. Kasalanan ko lahat. 'Wag ka ng magalit."

I couldn't even see him clearly with the tears blocking my eyes...

But I could see one thing clearly.

We got it wrong.

He's so scared of me... I felt like I knew it all along, but I never really bothered... How often he'd thank me... How he'd always ask for my permission... Akala ko ganoon lang talaga siya... Pero nang marinig ko lahat mula sa kanya...

Takot siya sa akin.

He's just... so scared of me.

Gaano karami iyong bagay na hindi niya masabi sa akin dahil takot siya? Dahil iniisip niya agad na magagalit ako? Bakit ganon? Bakit hindi niya na lang sinabi sa 'kin? Akala ko sobrang okay kami... I thought we had it easy...

Maybe we did.

We really had it easy.

Because he's scared of me that he always gives in.

Pero ayoko nun.

I wanted an equal... not someone who's so scared of me that he wouldn't even call me when I'm clearly in the wrong...

"I'm sorry, Cha. Sorry... Sorry talaga... Please 'wag ganito... Nawala na 'yung baby natin... 'Wag mo namang gawin sa 'kin 'to, please..."

Pakiramdam ko lahat sa akin ay masakit. Pilit kong inabot sa kanya iyong singsing pero hindi niya iyon kinukuha. He just kept on apologizing and telling him that he was wrong.

Napa-tingin ako kay Joey na napa-tulala habang naka-tingin sa amin.

"Please... Get him away from me..."

Joey nodded and tried to pry Iñigo away from me. "Iñigo, labas ka muna."

"No—"

"Kailangang tignan 'yung tahi ni Cha," she said. "Dumudugo na naman. Baka magkaroon ng problema—"

Iñigo looked at me. "I'm sorry, Cha... I'm sorry... Mali lahat ng sinabi ko. Kasalanan ko lahat ng 'to. Karma ko 'to sa lahat ng ginawa ko dati... Sorry... Kasalanan ko... Wala kang ginawang mali..."

God, what did I do to him?

Why was he this scared?

"I'm sorry—"

"Iñigo, stop..." I begged of him. "You're right—"

"No. Mali ako. Sorry," he cut me off.

I pursed my lips.

For years... for years I thought we had it easy...

But it was only me who had it easy...

"I can't get married right now..." I said, holding the ring that he refused to take.

"I know... Hindi muna tayo magpapakasal... Naiintindihan ko..."

"No—"

"I'll get out of the frat, Cha. Magreresign na ako sa trabaho. Gagawin ko lahat, pero please 'wag ganito. 'Wag mo namang gawin sa 'kin 'to. Ikaw lang 'yung—"

"My God! Listen to me!"

He nodded. "Yes. Yes, Cha. Nakikinig ako—"

"You're not listening! You're just scared!"

Umiling siya. "Hindi totoo 'yan. Mahal na mahal kita—"

"Let's not get married yet—"

"Okay... Hindi ngayon... Maghihintay ako—"

"Just... just fucking take the ring, Iñigo..." I begged him.

"Hindi tayo magpapakasal ngayon, sige... pero 'wag mong ibalik sa 'kin 'yan... Binigay ko na sa 'yo 'yan..."

I shook my head.

I didn't want that on my finger.

It would remind me of everything he said and everything we lost.

Para akong mababaliw... kapag naiisip ko iyong nangyari... iyong sa baby... na nung panahon na akala ko ay mamamatay na ako, si Iñigo ang unang pumasok sa isip ko... na hindi ko siya kayang iwan...

Tapos ganoon ang sasabihin niya sa 'kin.

Ang sakit-sakit.

Ang sama niya.

Kahit bawiin niya, kahit magsorry siya, hindi ko maaalis sa isip ko 'yun... para akong mabibingi tuwing naaalala ko...

"Ayokong magpakasal ngayon. Gusto kong mag-isip. Gusto kong pag-isipan lahat ng bagay. Gusto kong lumayo—"

Fear washed over his system.

"Lumayo? Aalis ka? Iiwan mo ko?"

"I need to think—"

"Then let's think together!"

"Just please listen to me..." nahihirapan na sabi ko.

Para kaming bumalik sa dati.

Na hindi na naman siya nakikinig.

"Let's take a break for now... please..." I begged. Ayoko muna siyang makita. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. Parang bumabalik lahat ng sinabi niya sa 'kin. "Please leave the apartment... Pero kung ayaw mo, ako na lang 'yung aalis—"

Umiling siya. "Cha naman... Nawalan ako ng anak... Wala na akong kaibigan... 'Wag namang pati ikaw..." mahinang sabi niya sabay ng pagbagsak ng luha niya. "Maawa ka naman..."

I felt a stabbing pain.

It hurt... so badly...

I just wanted him to leave.

With the last of my strength, I threw the ring at him.

Pagod na rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com