50
3rd Peron's POV
"Diba siya yung gwapo sa Chess Tournament galing FU?"
"Oo nga no ang gwapo niya"
"Sino kaya hinihintay niya?"
"Baka girlfriend niya"
"Ang swerte naman ni Girl pag ganun"
"Oo nga"
Bulong-bulongan ng mga babaeng lumalagpas kay Hunter. Sa kasalukuyan ay nakasandal siya sa harap ng locker mismo ni Savannah maiging naghihintay sa kanyang pagdating. 5:00 ng hapon na at alam ni Hunter na sa ganitong oras ang uwian ni Savannah kaya naman tutuk siya sa kanyang relo.
Bago pa man pumunta si Savannah sa locker niya ay nakita ni Abbigail si Hunter sa tabi ng locker niya na tabi lang ng locker ni Savannah. Inayos ni Abbigail ang kanyang sarili bago lumapit si sa kanyang locker at nakangiting lumapit kay Hunter.
"Hi Hunter you're here?" sabi ni Abigail.
"Well Yeah" Casual na sabi ni Hunter.
"Are here perhaps here to see me?" Wika ni Abigail at matamis na ngumiti.
"No, Actually I am here to fetch Savannah and might ask her for a date. Do you think she would like that?" Sabi ni Hunter. Napatiklop ang bibig ni Abby at pakiramdam niya gumuho ang kanyang mundo.
"You are her best friend right? Can you tell me what places or any restaurant that does she prefer to go? I might take her there if she wants too" Sabi ni Hunter pero hindi ito pinakinggan ni Abby.
"Just ask her" Seryosong sabi ni Abby at umalis.
Bago pa man siya umalis ay biglang dumaan si Savannah at nagulat sa presensya ni Hunter. Lumingon si Savannah sa gawi ni Abby at nakita niya itong umirap bago siya tuluyang umalis. Sinundan muna ni Savannah ng tingin si Abby bago ito lumayo at ibinalik ang paningin kay Hunter. Lumapit si Hunter sa kanya at hindi namalayang inagaw ang bag niya at siya mismo nagbuhat nito. Nagulat naman ang lahat na nakapalibot sa kanila maliban lamang kay Hunter. Hindi na nagreklamo si Savannah dahil iniisip niya yung anong nararamdaman ng bestfriend niya.
"Let's go" Sabi ni Hunter at hinawakan si Savannah sa pulsuhan papalayo papunta sa parking lot. Natulala naman si Savannah sa pangyayari. Ligid sa kanyang kaalaman ay inilalabas ni Abbigail ang kanyang galit sa loob ng kanyang kotse.
"Ako dapat yun" Sabi ni Abigail sa isip-isipan niya at isinara ang kumao sa inis habang inaalala ang mga sinasabe ng mga taong nadaanan niya paalis.
"Wow ang swerte ni Savannah"
"Oo nga boyfriend niya pala yun? Grabe ang sweet nila"
"Oo nga eh, ang sweet nila kanina. Binuhat ba naman nung lalaki yung gamit niya. Nakakakilig kaya"
"Shut up!" Sigaw ni Abbigail at pinaandar ang kotse.
——————————
Sa parking lot naman ay dumiretso ang dalawa sa sasakyan ni Hunter. Pinauna na ni Hunter paupuin si Savannah sa tabi ng driver seat at nilagay ang bag nila sa passenger seat.
"Bakit mo yun ginawa?" Kalmang sabi ni Savannah.
Tinitigan siya ni Hunter at ngumiti ito. "Yung kanina? Well your backpack looks heavy"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. B-bakit mo to ginagawa?" Tanong ni Savannah.
"Ito na rin yung way na pasasalamat ko sayo dahil sinamahan mo ako sa last check up ko sa hospital" Sabi ni Hunter.
"So nasaan ang bahay niyo?" Sabi ni Hunter.
"Ituturo ko nalang yung daan" Sabi ni Savannah
Habang nagmamaneho ay napalibutan ng katahimikan sa kotse. Doon binuksan ni Hunter ang player at agad tumugtog ang paboritong kanta ni Savannah. Napangiti si Savannah at kinanta ang isa sa mga paboritong kanta na may konting sayaw. Tumawa ng mahina si Hunter sa ginagawa ni Savannah. Isa sa dahilan ay cute ito at pangalawa ay parang may sarili siyang mundo at parang wala itong pakialam sa mundo.
"Which reminds me, may gusto ka bang puntahan? Or anything?" Sabi ni Hunter.
"Bakit anong meron?" Tanong ni Savannah sa kanya.
"I wanted to spend time with you" Deretsong sagot ni Hunter at hindi mapigilang tumibok ang puso ni Savannah.
Mali ito! Wika ni Savannah sa kanyang sarili.
"A-ah..A-no. Huwag nalang kasi dumudilim na atsaka hinihintay na ako nila mama at papa eh" Sabi ni Savannah.
Nakaramdam ng konting panghinayang si Hunter pero nirespeto niya parin ang desisyon ni Savannah. Huminto si Hunter sa tapat ng bahay ni Savannah. Bababa na sana si Hunter para buksan ang pinto ni Savannah pero tumanggi siya at kusa itong bumaba.
"Thank you nga pala sa pagsundo. Ingat ka" Sabi ni Savannah at kumaway. Ngumiti lamang si Hunter at isinarado ang bintana paalis. Pumasok si Savannah sa kanyang bahay. Sa pagpasok ay nakita niya agad ang kanyang ama na seryosong nakatingin sakanya na may hawak na dyaryo.
"Sino yun?" Seryosong sabi ng kanyang ama.
"Kaibigan ko po" Sabi ni Savannah.
"Kaibigan o Ka-ibigan?" Nakangising sabi ng kanyang ama.
"Daddy naman eh!" Pagmaktol na sabi ni Savannah.
"Yieeeee, ELLEN YUNG ANAK NATIN MAY MANLILIGAW NA" Sigaw ng kanyang ama at inakbayan si Savannah.
Dumating ang kanyang ina sa sala na galing kusina at umiyak.
"Mommy naman eh" Sabi ni Savannah.
"Sa wakas may manliligaw ka na anak" Sabi ng kanyang ina at itinaas ang parehong kamay at lumuhod na parang nagpapasalamat sa diyos.
"Mom naman ang O-OA niyo" Sabi ni Savannah.
"Magkaibigan lang kami" Sabi ni Savannah.
"Diyan nagsisimula yan. Ayieeee" Pang-asar ng kanyang ina habang hinahawak-hawakan ang braso si Savannah gamit ang hintuturo.
"Dapat lang may manliligaw ka na Savannah. Dalaga ka na eh" Sabi ng kanyang ama at tumango lamang ang kanyang ina.
"Atska gusto ko na magkaapo. Gusto ko Sampo" Dagdag ng kanyang ama at pinalo ng ina niya ang asawa sa braso. Only Child lamang si Savannah kaya sakanya umaasa ang kanyang magulang na magka-apo.
"Bata pa ang anak mo Paul! Gusto mo bang mabuntis ng maaga yang anak mo?!" Sabi ng kanyang ina. Lumapit naman ang kanyang ama sa kanyang ina at niyakap ito sa likod at pinatong ang mukha sa balikat.
"Ikaw talaga Honey. Joke lang naman. Syempre ayaw kong mabuntis ang anak natin ng maaga. Sorry na Honey. Smile na. Masmaganda ka kapag hindi ka galit" Sabi ng kayang ama sa asawa.
"Matitiis ba kita Paul?" Sabi ng kanyang ina.
Pinagmasdan ni Savannah ang kanyang magulang. Namangha siya dahil 50+ na taon gulang na ang kanyang magulang ay hindi nawawala ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Gusto rin maramdaman ni Savannah kung paano ba siya mahalin ng isang lalaki, kagaya ng pagmamahal ng kanyang ama sa kanyang ina.
"Oh Mommy at Daddy. Baka naman magkaroon ako ng kapatid diyan sa ginagawa niyo" Biro ni Savannah at binatohan naman siya ng kanyang ina ang hawak-hawak na sandok pero nakaiwas siya.
"Basta wag kang mabuntis. Boypren lang muna. Klaro?" Sabi ng kanyang ina.
"Yes Ma'm" Tumayo naman ng maayos si Savannah at ipinatong ang kamay sa noo na parang sundalo at umakyat sa kwarto niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com