Chapter 1
Chapter 1
(Alys' POV)
"What the heck is wrong with you?!"
Omg sabi na nga ba, masama ang pakiramdam ko dito kay Kei eh! Kei Chui nga! Bakit siya nandito sa NYU?! Akala ko ba sa Russia siya pupunta? Hello! Ang layo naman ng Russia sa New York!
Medyo naglakad ako palayo sa kanya. Umagang umaga kasi, nagagalit na agad siya sa akin. Wala pa nga akong ginagawa eh... Kakagising ko lang tapos kumain lang naman ako... Tapos nagsisisigaw na siya. :(
Naglakad siya palapit sa akin habang ako naman, naka clutch yung kamay sa comforter. Natatakot ako kay Kei! Sobrang scary niya! Ano ba ang nagustuhan ni Sheen dito? Gusto ba niya yung mga nakakatakot na babae?
"Alys Zyril Perez," sabi niya na nakakatakot. Jusko, Alys! Breathe in, breathe out. Kaya mo yan!
Medyo mahina lang yung boses ko kasi scared pa din ako kay Kei... "B-bakit?"
Nakataas yung kilay niya tapos tumingin siya sa pinagkainan ko.
T^T
Kasi naman. Hindi ako marunong mag wash ng dishes!! Hindi naman kasi ako naghuhugas sa bahay kasi nandun naman sila Manang! Tsaka nung nasa condo ako, may dish washer naman. E dito, walang dish washer! Ano naman gagawin ko? Huhuhu.
"Uhm... tatapon ko ba yung plato?"
Inirapan niya ako tapos naupo siya sa bed niya. "You're hopeless. Why are you even here?"
Sinuklay ni Kei yung kamay niya sa buhok niya tapos tinanggal niya yung boots niya. Grabe, ang pretty pretty ni Kei! Swear! Pwede ko na siyang maging girl crush. Yung buhok niya, naging blonde na, tapos mas pumuti pa siya tsaka pumayat siya. Basta super pretty niya! May boyfriend na kaya siya? Kasi ang alam ko, hinihintay siya ni Loves... Sana wala pa. Alam ko kasi na mahal na mahal ni Loves si Kei kahit na mala monster siya.
Dahan dahan akong naupo sa kama ko. "Dito ako mag aaral?"
Tinaas niya yung kilay niya. "Are you effin' kidding me? You? Alys Perez? The lowest in our batch?"
Grabe! Binabawi ko na yung sinabi ko! Kahit na ang pretty niya, ang sama ng ugali niya! Sana nakamove on na si Loves sa kanya!! Grrr!
"Grabe ka naman, Kei. Mataas naman yung grades ko last sem..." sabi ko. Totoo naman, mataas yung grades ko. Kaya lang naman ako lumipat dito kasi na din pakiusap ni Mommy. Ewan ko ba sa kanila ni Dad, ayaw yata nila ng anak sa Pilipinas, e. Tignan mo si Dane, nasa Cali. Ako, nasa New York. Gusto yata nila ng long distance relationship. Weird.
Natanggal na niya yung boots niya pati yung leather jacket niya. Tignan mo, chicks na chicks na si Kei! Gusto ko din maging ganyan. Puro sweater lang ang dala ko eh. Sana makapag shopping ako dito. Huhuhu. Gusto ko din magmukhang rockstar!!
"Whatever."
Lumapit ako dun sa plato tapos tinapon ko sa labas. Tsk. Bibili na nga lang ako ng mga disposable. Ayoko talaga mag wash ng dishes. No.
Pagbalik ko, nakalatag na lahat ng books ni Kei, laptop, study lamp. Ayos! Ready na si Kei mag aral. Tumabi ako sa kanya. Siguro naman hindi niya ako kakagatin, di ba?
"Kei..." sabi ko. Ang cutie ni Kei. Nakasuot pa siya ng glasses! Bibili din ako niyan. Ano ba 'to? Nagiging idol ko na si Kei!
"Oh?"
"Ano'ng course mo?"
Tumingin siya sa akin. "First, Alys, the term course refers to the 'subjects.' The proper question is, 'what is your degree program'."
Tumango ako. Grabe! Ngayon ko lang nalaman yun. Hehehe. Alam na kaya ni Drake yun? Gawin ko ngang trivia sa kanya yun!
"So, ano ang degree program mo, Kei?" Tanong ko sa kanya. Omo! Pareho pa pala kami ng degree program, sabi niya. Hehehe. Alam na! Kaya lang nakakuha na yata ng advance subjects si Kei dito kasi dito na siya since last sem... Hahabol na lang ako.
Nagtuloy na magstudy si Kei. Umagang umaga, nagsstudy na siya. Lumabas muna ako para mag jogging, ang sarap kasi mag jog dito sa Central Park. Ang lamig lamig.
Kinuha ko yung earphone ko tapos nagpalit na ako ng shorts, sweater, at running shoes. Nagtext ako kay Drake, hindi pa nagrereply, e. Siguro natutulog pa 'yun. Mahilig na mag beauty sleep yun, e. Good for the skin daw! Daming alam ni boyfriend!
-Singing radio head at the top of our lungs, with the boombox blaring as we're falling in love. Got a bottle of whatever but it's making us drunk, singing here's to never growing up.-
Namimiss ko na sila Aya, Kent, Sheen, lahat ng friends ko! Haaaay. Pero sabi naman nila sa akin, susubukan daw nilang magbakasyon dito. Love na love ko talaga sila! Sabi din sa akin ni Drake, magkakaron din daw ako ng friend dito. Maghintay lang daw ako tsaka magsalita daw ako minsan, baka daw kasi mapagkamalan akong pipe.
Habang nagjjog ako, may sumabay sa akin na babae. Hmmm?
-Call up all our friends, go out this weekend. For no d-amn reason, I don't think we'll ever change. Meet you at the spot, half past ten o'clock. We don't ever stop and we'll never gonna change. Say, won't you stay forever, stay if you stay forever. Hey, we can stay forever young.-
Nagsmile siya sa akin kaya nagsmile na lang din ako. Huminto muna ako sandali. First time ko kasi magjog. Ewan ko ba bakit ako nagjog dito, siguro dahil ayoko sa room dahil hindi ako pinapansin ni Kei. Pati wala din akong kilala dito kaya mas okay magjog, hindi ako forced na makipag usap sa peoplets.
Kinuha ko yung phone sa side pocket. Uyyy. Nagtext si Boyfriend!!
From: The Drake Palma Way
Call me.
OMG OMG! Wait!!
calling...
The Drake Palma Way
"Drakey!!"
("Tss. Missed me?")
"Oo kaya. Hehehe. Namiss mo ako?"
Grabe! Sobrang love na love ko si Drake. Iiyak talaga ako pag nagbreak kami. Kasi naman, bakit kaya ganun? Sa totoo lang, wala talagang ginagawa si Drake para magkaganito ako. Pero grabe, kahit simpleng tingin niya lang sa akin, nagvvibrate talaga ang puso ko!
("I don't know. I'm liking this set up, actually.")
"Ha?! Why naman?! Ayaw mo ba akong makita??"
Grabe. :(
("Yes. Because I'm tempted whenever I'm near you.")
O______O
"GRABE KA, DRAKE SEBASTIAN PALMA!! YUNG KATAWAN KO LANG BA ANG HABOL MO?!"
Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya. Tignan mo 'to! Simula nung umalis ako, lagi na siyang natatawa. Nagiging comedian na talaga ako!
("I was kidding. I'm busy here. I was with Dad the whole day. What's up with you?")
"Eto, nagjjog. Kakapagod pala 'to."
("Stupid. Of course. Did you meet your roommate already?")
Sheez. Si Kei nga pala. Sasabihin ko kaya kay Drake? Oo na lang! Para pwede din ako magreklamo sa mga nararamdaman kong pang aalipusta sa akin ni Kei!
"Si Kei Chui..."
Hindi nagsalita si Drake. Anyareh?! Na shock din ba siya? Na shock din kasi ako!!
May bigla akong narinig magsalita sa background pero hindi ko masyadong marinig. Sino ba yun?
"Drake? Still there?"
("Ah, yes. What were you saying?")
Sinabi ko ulit sa kanya yung about sa kay Kei nga. Jusko, Lord, sana po magkasundo kami ni Kei. Gusto ko naman po talaga siyang maging friend nung nasa SCA pa lang kami kaya lang po hindi po talaga ako makalapit sa kanya dahil po sikat siya sa school, ako po hindi po masyado pero cute naman po ako. Sana po ngayon na roommate na kami, maging close na po kami.
("Kei seems good. You should befriend her.")
"Oo naman. Hehehe. Drake?"
("Hmm?")
"Pwede ka bang magbakasyon dito? Bakasyon naman, di ba? Kahit one week lang?"
Napahinto siya ng ilang seconds. ("Why? I said I'll visit you on Thanksgiving. Can't wait?")
Hindi niya siguro ako namimiss. Kasi nanjan naman si Shaira. Haaay. Pero sabi naman ni Shaira, ittry niya daw na wag harutin si Drake pero kahit na! Alam ko naman na deads na deads si Pugits sa boyfriend ko. Delikado pa din!
"Kasi naman--- ano ba yan! Bakit namatay?! Tsk."
Binaba ko na yung phone kasi hindi na ako maka contact. Haay. Magwowork kaya kami ni Drake? I mean, mahirap ang LDR, di ba?
--
(Tripp's POV)
"Tripp, tara na! Libot tayo sa NYU!"
Naman o! Binato ko nga ng unan. Umagang umaga, nangungulit na naman 'tong hampas lupang 'to. Sampid na nga siya dito sa apartment, ang kulit kulit pa. May bahay naman dito nanay niya, bakit nagsusumiksik siya dito sa apartment ng tatay ko? Labo talaga ng pamilya ng mga Palma. Hindi ko maintindihan minsan.
Nagtalukbong ako ng kumot tas tumalikod sa kanya. Centralized kasi yung bahay, ewan ko ba kung bakit. Malamig na nga sa labas, dito din sa loob, malamig. Sira yung temperature adjustor kaya sa tingin ko, malapit na kaming mamatay sa frost bite dito.
"Ewan ko sa'yo, Tofer. Umalis kang mag isa," sabi ko. Ayoko nga umalis ngayon. Gusto ko lang matulog ng matulog. Magsisimula na yung klase sa isang araw at kinakabahan ako. Wala din kasi akong kilala dito. Nagbabakasyon lang ako dito kaya wala din ako kaibigan. Pati matatalino mga tao sa NYU, kailangan ko mag aral ng mabuti para pagbalik ko sa Pinas, mas magaling na ako kay Drake. Yun lang naman gusto ko sa buhay kasi nasa kanya na si Zyril.
Kinuha ni Tofer yung susi niya tas nagsuot siya ng running shoes. Problema nun? Tsk.
Pagkatapos ng ilang oras, bumangon na din ako. Nagluto ako ng kakainin ko, buti na lang wala dito yung asungot, nakakain ako ng maayos. Pero lumabas ako sandali dahil sa Starbucks. Leche naman kasi, bakit di sila nagdedeliver? E di sana mas madali yung buhay ko.
Nung madaan ako sa park, parang nakita ko si Zyril? Tama ba? Tsk. Baka namamalik mata lang ako, nasa Pinas kaya si Zy. Ano naman gagawin nun dito, e patay na patay yun sa pinsan ko. Hay labo ng buhay. Sarap magbigti minsan.
Kumain na ako tapos pumunta ako sa library. May listahan na ako ng mga libro na kailangan pero wala nung isa, e. Kahit online wala akong makita. Labo. Ano yun, ancient na libro?
"Miss, I got this first," sabi ko dun sa blonde na babae.
Humarap siya sa akin. Shet chicks 'to!
"Are you finished ogling at me?" Labo. Sungit din. Ayoko na. "I need this book. I'll borrow it from the lib," sabi niya.
"Kailangan ko din yan! Bwisit naman." Sabi ko. Hindi naman maiintindihan nito, mukhang Amerikana eh.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Excuse me?"
"Wala. Sige, sa'yo na yan. Pasalamat ka maganda ka."
Ngumiti siya sa akin tapos kinuha niya yung libro mula sa kamay ko. "Thanks."
Ha? Naintindihan niya ako?! Akala ko ba Amerikana? Ay shet ang labo ng buhay!
--
(Aya's POV)
"Kent naman..."
Hindi pa din ako pinapansin ni Kent. Grabe naman magtampo 'to! Para di lang ako nakasama sa dinner, e... Valid naman yung reason ko, natatakot ako.
Nagpatuloy lang siya sa pag aadvance study niya kasi magssummer class yata siya? Ewan, di ako sigurado. E may balak na kaming dalawin si Besh sa New York tapos etong KL na 'to, nagbabalak naman mag summer! Lakas tama!
Umupo ako sa tabi niya tapos sumandal ako sa balikat niya. "Bee... Sorry na..."
Hehehe. Hindi siya nakatiis kasi humarap siya sa akin at sinarado yung mga libro niya. "Aya, alam mo naman na ikaw lang talaga yung babae na ganito nagtagal sa akin, diba?" sabi niya tapos tumango ako. Ang tagal na namin ni KL, magsisix months na! Akalain mo, natagalan ko ng six months ang pagiging ultra super duper mega clingy niya?! "Gusto lang naman kita ipakilala sa parents ko... Bakit ayaw mo?"
Humarap din ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay niya. Medyo improving na kami, dati nandidiri ako pag hinahawakan ni Kent yung kamay ko, buti di na ganun ngayon. Mehehe.
"Kasi naman... sure kang ipapakilala mo ako? I mean, ako? Si Gabriella Pineda, seryoso ka, papakilala mo ko sa magulang mo?" sabi ko sa kanya. Seryoso. Di ba siya natatakot na ma turn off magulang niya sa akin? Medyo wala akong manners, e. Hehehe. Hindi lang talaga sanay.
Hinawakan niya din yung kamay ko tapos ngumiti siya. Nako nako! Ayan na naman yung ngiti niya! "Bakit naman sila matatakot sa'yo? Dahil ba mukha kang gangster? Dahil ba minsan para kang may topak? O baka naman dahil minsan bigla ka na lang nanununtok? Di ba hindi naman sila dapat matakot sa'yo?"
=_____=
"Gusto mo bang di na tayo umabot sa pitong buwan? Ibbreak kita, right here, right now!!"
Nagpout naman si KL. Yuck. Kadiri lang di bagay!! "Bee naman. Lagi mo na lang panakot sa akin yan."
"E kasi dun ka lang naman natatakot."
"Kasi nga mahal na mahal ni Kent si Aya. Di ba? Hehehe."
"Ewan ko sa'yo," sabi ko. "Magpapasched na ako ng flight. Anyareh ba sa'yo?"
Napahinto naman siya sa pagyakap sa akin. "Tuloy na ba talaga?" Tumango ako. "Hindi ako makakasama, Bee... Kailangan ko mag summer kasi hindi inooffer yung subject ng first sem. Mahuhuli ako sa curriculum."
Hindi ko naman magawang sigawan si Kent, no! Kung ako hindi medyo seryoso sa pag aaral, etong si Kutong Lupa, seryoso mag aral yan kaya hindi talaga ako sumasabay pag may exam yan. Parang yun kasi ang bisyo nito, mag aral. Weird no? Weird din kasi siya.
"Pero, Bee, promise mo sa'kin hindi ka magkaka crush kay Sheen pag pumunta kayong US, ha?"
Binatukan ko nga. Daming alam!
--
(Drake's POV)
"Kamusta exam?" Dad told me as I return to home from the school.
"It was easy," I said while I went to the kitchen to get my Banana milk. Alys was always drinking her Strawberry milk. I had to find my own drink so I resort to making Banana milk my favorite drink.
Dad tailed me. He's like a stalker. He's annoying. "Kailan daw malalaman resulta?"
I shook my head. I didn't know when but I'm sure I aced it. The exams were easy, most of the questions they asked, I have already read somewhere. That's why I like reading.
Dad sat down on the chair in the dining room. The maid prepared my dinner. Tita Katrina's missing, but I like it. I don't like it when she's around. I feel like I'm being unfaithful to Alys. I haven't even told her I moved back here.
"Sabi sa akin ng Tito Tristan mo, dun daw sa flat niya nakatira si Tripp at Tofer?"
Tofer? That annoying guy. He's really loud and annoying. I think Tripp's being downright annoyed. Serves him right for being there while I'm here.
"Malapit pala sa dorm ni Alys yun. Teka, alam mo bang nagddorm si Alys?" I nodded. "Nako, buti na lang at mataas pala ang grades ni Alys last sem kaya nakapasok sa NYU. Pati inayos mabuti nila Dana at Andy yung essay at paper ni Alys."
I looked at him. "And so?"
He just smiled at me. "Wala, anak. Kahit na sobrang talino mo, dito ka lang sa Pilipinas. Ayoko ngang malayo sa'yo."
"Clingy. You're disgusting."
After dinner, I went upstairs. I actually came from Shaira's condo. She was avoiding me like I'm a plague. It's weird because she's my best friend. I told her to stop acting like I'm dead. I don't care if she likes me, she will always be my friend. I told her to stop liking me because it will do her no good. She said she'll try but it will be hard because I'm so handsome. This is why I hate my face, but I like my face when Alys is drooling at me.
I opened my laptop and checked my mail.
From: [email protected]
Hi, Drake! Nakita ko si Alys kanina, ganda ng girlfriend mo, bro! Crush pala siya ni Tripp? Hehehe. Mas love ko si Tripp sa'yo eh! Bleh!!
Tss. I really need to go to New York.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com