15th
Tamara's POV
After akong tanungin ni Hugh ay nginisian nya ako nang hindi ako maka-sagot.
" Poor thing "- Umiiling na sabi nya.
" Just a piece of advice Tamara "- Ani nya na nakapagpa-taas ng kilay ko.
" Alam kong matalino ka kaya wag kang tanga. Wag mong ipagsiksikan yang sarili mo kay Deus. Alam naman nating dalawa na si Talia parin ang mahal nya "- Naka ngising sabi nya.
I took a step forward towards him and smiled at him sweetly bago ko sya sinampal ng malakas.
" Just a piece of advice Hugh. Alam kong matalino ka kaya wag kang tanga. Kesa mag sabi ka ng kung anu-ano saakin, bat di ka nalang mag isip ng paraan para maging proud sayo ang parents mo ? "- I fired back. This time, it's my turn to smirk at him. I turned my heels and walked away.
I'm trying my best to be nice to him despite sa mga ginagawa nya kay Deus pero grabe sya. Sobrang grabe.
Agad akong pumasok sa canteen at nag hanap ng pwedeng kainin. Nang wala akong makita, nauwi nalang ako sa pag bili ng ice cream. Tinitignan nga ako ng cashier dahil ang aga-aga ice cream binili ko, eh wala naman akong makitang pwedeng kainin.
Palabas na sana ako nang mag labas na sila ng iba pang pagkain kaya napa-balik ako at nang makita ko ang sopas eh agad akong umorder.
" Salamat po "- Pasasalamat ko nang ibigay sakin ang sopas. Agad akong umupo sa upuan at kumain.
Maya-maya lang eh pumasok na din si Hugh sa canteen at umupo sa harap ko, iba na yung aura nya, parang mas naging dark ganun. Inirapan ko lang sya at kumain.
Napa-hinto ako nang ipatong nya ang kamay nya sa lamesa at makita na namumula ang kamao nya.

" What happened ? "- Nag aalalang tanong ko at kinuha ang kamay nya sa lamesa.
" Don't act as if you care "- Malamig na ani nya at binawi ang kamay nya.
" I do care Hugh. What happened ? "- Seryosong sabi ko. Sumandal lang sya sa upuan nya at hindi ako tinignan.
" Hugh Ezekiel Saavedra "- Tawag ko sa buong pangalan nya. Iritang tumingin naman sya sakin.
" What happened ? Bat ganyan ang kamay mo ? Kanina pa ba yan o ngayon lang ? Patingin nga "- Sunud-sunod na sabi ko at tinignan ang kamay nya. Imbis na ipakita sakin ito eh, tinago pa nya lalo.
Hindi ulit nya ako sinagot, imbis ay pinag krus nya ang kamay nya at tumingin sa labas.
Dahil sa inis ko, tumayo ako at tumabi sa kanya tsaka kinuha ang kamay nya.
" Ouch "- Inda nya nang pisilin ko ang kamay nya. Agad nya itong binawi at parang pinagpag.
" Kelan pa yan ? "- Seryosong tanong ko. Nakita ko ang pag irap nya.
" Kanina lang "- Bored na sagot nya. Kinuha ko ulit ang kamay nya.
" Ano bang nangyare dito ? "- Mataray na tanong ko. Hindi nya ako sinagot kaya tinaasan ko sya ng kilay.
" You punched the wall didn't you ? "- Taas kilay na tanong ko sa kanya. Umiwas lang sya ng tingin.
Bumuntong hininga ako.
" Sorry "- Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.
" I think i said too much. I'm sorry "- Dagdag ko.
Wala akong narinig na sagot galing sa kanya. Tumayo na ako at hinila sya.
" Hindi ka pa tapos kumain "- Kunot noong sabi nya at tinignan ang mangkok ko ng sopas. Nag kibit balikat lang ako at hinila na sya.
" Saan ba tayo pupunta at parang nagmamadali ka ? "- Iritang sabi nya.
" Gagamutin natin yang kamay mo "- Sagot ko.
Napa hinto ako nang makitang parang sira yung pader at yung sasakyan sa tapat eh sira yung side mirror.
" You did this ? Hindi naman yan ganyan kanina ah "- Hindi maka-paniwalang ani ko.
I heard him tsked.
" Tara na "- Naiinis na sabi nya. Umiling ako at hinila na ulit sya papasok ng hospital.
Agad kaming lumapit sa desk ng mga nurse.
" Excuse me, pwede nyo ba syang gamutin ? "- Tanong ko at hinila si Hugh para mapakita sa mga nurse.
Bigla namang kinilig ang mga nurse. Oo nga pala. Model itong kasama ko. I mentally rolled my eyes at them, bigla kasi silang nagpa-cute.
" Ano po bang nangyare ? "- Tanong nung babaeng nasa harap namin at nilalagay pa ang buhok sa tenga.
Mukha namang naiirita si Hugh sa nurse.
" Pahiramin nyo nalang to ng kit. Sya nalang gagamot sakin "- Naiiritang sabi ni Hugh at umalis tsaka umupo sa upuan.
" Sorry. Pahiram nalang ng kit "- Naka ngiting sabi ko. Ngumuso yung nurse.
" Ma'am, sorry but hindi po namin pwedeng i-allow na gamitin nyo ang kit. Nurses lang po ang pwede "- Sabi nung nurse at tumayo.
" Besides, nurses po ang may alam kung paano gamutin ang mga sugat "- Dagdag nya at nakita kong may kinuha syang kit sa parang cabinet.
" Nurses lang daw ang pwede "- Sabi ko kay Hugh at umupo sa tabi nya, hindi naman actually katabi kasi may dalawang upuan na nasa pagitan naming dalawa.
" Ano pong nangyari sir ? "- Tanong nanaman nung nurse habang nilalagay sa may tenga nya yung buhok nya.
" Let me see your hands nalang po "- Sabi nung nurse at umupo sa tabi ni Hugh.
" Tch i want Tamara to do it not you "- Sabi ni Hugh at inirapan yung nurse.
" Pero hindi po pwedeng gumamit ng kit ang hindi nurse "- Sagot naman nung babae.
" Then be it. Hayaan ng ganito yung kamay ko "- Mataray na ani ni Hugh at pinag krus ang mga kamay.
" But sir "- Mahinang pag protesta nung nurse.
Napa kagat ako sa pang ibabang labi ko. Naguguilty ako dahil feeling ko, dahil sa mga sinabi ko kaya sinuntok ni Hugh yung pader.
Alangan naman na pabayaan ko din yung kamay nyang ganyan diba ?
" Marunong ako ng first aid "- Sabi ko na naging sanhi ng pag taas ng kilay ng nurse.
" So ? "- Mataray na sabi nya. Nang mapansin nyang natarayan nya ako eh napa yuko sya.
" Just let me do it. He'll get it checked later "- Pamimilit ko.
The nurse sighed in defeat and stood up.
" Paki balik nalang po "- Sabi nya at walang ganang umalis.
Sinundan ko ng tingin yung nurse hanggang sa makapasok sya sa loob at pag lingon ko eh lumipat na si Hugh sa tabi ko.
" Bilisan mo ah "- Pag uutos ni Hugh saakin. Inirapan ko sya at binuksan ang kit.
Sisimulan ko na sanang gamutin ang kamay nya nang maramdaman kong nag vvibrate ang phone ko.
Agad ko itong sinagot nang makitang tumatawag si tita.
" Yes tita ? "- Bungad ko nang sagutin ang tawag.
[ Where are you iha ? ]- Tanong nya sa kabilang linya.
" Uhm... Nasa baba po. Bakit po ? May problema po ba ? "- Tanong ko at bigla akong kinabahan.
[ No, wala iha. Gising na si Deus and he's looking for you ]- Napa tayo ako nang marinig iyon.
" Really tita ? Pabalik na po ako dyan wait "- Nag mamadaling sabi ko at pinatay ang tawag. Akmang aalis na ako nang may humawak sa kamay ko.
" Where are you going ? Gagamutin mo pa kamay ko "- Kunot noong sabi ni Hugh.
" I'm sorry but gising na si Deus. Tatawag nalang ako ng nurse para gumamot dyan sa kamay mo "- Nag mamadaling sabi ko at akmang lalapit na sa desk nang mag salita si Hugh.
" No need "- Malamig na ani nya at binitawan ang kamay ko tsaka nauna ng mag lakad.
Dahil nagmamadali ako, sinarado ko lang ang kit at pinatong sa desk ng mga nurse.
" Bakit nga ba di pa ko nasanay ? Lagi nyo naman akong iniichapwera pag involved na si Deus "- Umiiling na sabi nya.
" Akala ko this time ako naman. Si Deus parin talaga "- Mapait na dagdag nya at naunang pumasok sa elevator.
" Hay Deus. Tangina ang swerte mo naman. Lahat umiikot sayo "- Ani nya habang naka tingala.
I suddenly feel guilty. I feel bad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com