25th
Tamara's POV
Ang sabi, sa library daw. Ewan sobrang creepy kasi halos lahat i-mean karamihan sa nadadaanan kong estudyante ay nag bibigay sakin ng roses. Pero hindi ito katulad ng unang rose. Wala itong papel, as in rose lang.
Umakyat ako dahil ang room or section for accounting books ay nasa 2nd floor.
Lahat ng estudyante ay naka-tingin sakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko para maka-rating sa 2nd floor.
Bago ako pumasok sa room, nahagip ng mata ko ang librong pinapahanap sakin.
May heart na candy lollipop naman ito sa ibabaw. Lumapit ako sa table at nilapag muna ang mga bulaklak sa lamesa at binuksan ang libro.
Ang sabi page 143 daw kaya agad kong hinanap ito. Nang pagka-bukas ko ay may nakita akong light blue na sticky note.
Empire café, third table from your right. Window side.
Kumunot nanaman ang noo ko. Anong pakulo ba to ? Tumayo na ako sa upuan at dinala ang mga bulaklak na binigay sakin kanina at ang lollipop. Akmang aalis na ako nang tawagin ako ng librarian.
" Yes po ma'am ? "- Magalang na tanong ko at lumapit sa desk nya.
Naka ngiting nyang inabot sakin ang isa pang lollipop.
" Pinapabigay nya "- Naka ngiting sabi nya.
Wala sa sarili ko itong kinuha. Katulad ng unang rose, may papel na naka rolyo sa stick nito.
" Ma'am kanino po ba to galing ? "- Nag tatakang tanong ko habang tinatanggal ang papel na nasa stick ng lollipop.
" Won't tell you~ you better find it yourself "- Naka ngiting sagot nya habang nasa screen ng computer nya ang tingin.
Napa nguso naman ako at binasa na ang nasa papel.
Don't keep me waiting. Hurry up.
Napa-rolyo naman ang mata ko sa nakita ko. Ibinulsa ko ang papel at umalis na ng library.
Pagka-labas ko ng library ayan nanaman ang mga estudyanteng nag aabot sakin ng lollipop. Ghad ! Ang dami ko ng dala ! Wag naman sana nilang dagdagan !
At dahil puno ng bulaklak ang kanang kamay ko, at ng lollipop ang kaliwa. Hindi ko ma-pull yung pinto ng cafe. Buti nalang nakita ako ng isang server kaya sya ang nag bukas ng pintuan para sakin.
" Thank you "- Pasasalamat ko at dumaretso sa 3rd table sa kanan ko sa may window side.
At ang naabutan ko sa table ? Isang envelope lang.
Nakakainis na ah ! Akala ko naman may maabutan na akong tao dito para sana ihampas sa kanya tong mga bulaklak dahil ang dami nyang alam !
Kunot noong ibinaba ko mga dala ko sa table at kinuha ang envelope.
Smile before you open. Alam kong inis ka na pero, magugustuhan mo naman yung surprise ko ;)
" Tch, smile your ass. Pinapagod mo akong hinayupak ka ! "- Asik ko tsaka padabog na binuksan ang envelope.
Dahil sa sobrang lakas siguro ng pag punit ko sa gilid ng envelope ay may tumalsik na kung ano galing dito.
Agad ko itong hinanap at napa-hinto ako nang makita kung ano ito.
Susi ng sasakyan.
Agad akong umayos ng tayo at tinignan ang envelope. May picture ng sasakyan at gusto kong tumalon sa sobrang tuwa.
Isang chevrolet camaro. Ang dream car ko.

Tinignan ko ang likod picture at may naka sulat.
You like it ? :) it's all yours. Regalo ko yan for you. But wait ! Hindi pa yan ang surprise ko haha. Punta ka sa condo ko. See you there princess.
Ps. actually the car was from your parents. Ang sabi nila ibigay ko daw sayo para matuwa ka hahaha
-Deus
Awtomatiko akong napa-ngiti nang makita ang pangalan ni Deus sa baba. Hindi ko na pinansin yung ps nya. Kunyare nalang wala akong nabasa.
Napa tingin ako sa picture at niyakap ito and squealed. Wala na akong pake kung pinagtitinginan na ako. Ghad ! I just can't ! Ghad ! Yung dream car ko !
Inilagay ko ang envelope at ang picture sa bag ko at hinalikan yung susi ng sasakyan at tuwang-tuwa na kinuha ang mga roses at lollipop na nasa lamesa at umalis ng cafe.
Agad akong tumakbo papuntang parking lot. Wala na talaga akong pake sa paligid ko. Yung mga estudyante, kusa ng naggi-give way. Good.
I turned left at awtomatiko akong napa hinto. Ghad ! My baby's stunning ! Dahan-dahan akong lumapit sa sasakyan at hinawakan ito.
" WAAAAA MY BABY ! "- Sigaw ko at niyakap yung sasakyan. After kong yakapin yung baby ko, lumapit na ako sa pintuan at binuksan ito.
Good thing may license na ako, sasakyan lang talaga ang wala hahaha.
I immediately started the engine at hindi ko mapigilang mamangha. Ngiting-ngiti kong pinaandar ang sasakyan ko at lumabas ng school.
Ngi-ngiti ngiti akong nag drive papuntang condo ni Deus.
Grabe, noon hindi sya nag eeffort ng ganito. Pag hindi kami okay, kapag may LQ kami ako ng ako parin ang unang nag sosorry. Never naging sya. Sya natitiis nya akong hindi kausapin ng isang buong buwan, pero ngayon. Grabe i just can't believe this.
Is this really it ? Nagugustuhan na ba talaga nya ako ?
Agad kong ipinark ang sasakyan ko nang maka-rating ako sa parking lot.
Agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang unit nya.
Agad akong pumasok sa loob ng unit nya pero wala akong naabutan na tao.
" Deus ? "- Tawag ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob.
Dahil wala namang sumasagot, palabas na sana ako nang may mahagip ang mata ko na kahon sa may sala.
Lumapit ako dito at may nakitang sticky note.
Change into this. I'll wait for you at the rooftop.
Binuksan ko ang box at ang nasa loob ay isang itim na dress. Inilabas ko ito sa box at inilapit sakin tsaka ako lumingon sa salamin na andun. Awtomatiko naman akong napa-ngiti.
Agad akong pumasok sa kwarto at nag palit. After kong mag bihis ay inayos ko ng kaunti ang sarili ko tsaka humarap sa salamin.

Nang ma-satisfy na ako sa look ko ay lumabas na ako ng unit ni Deus at sumakay ulit ng elevator papunta sa pinaka taas na floor at mula dun ay maghahagdan na ako paakyat ng rooftop.
Hindi ko napansin na pa-gabi na pala. Parang ang bilis lang ng araw.
Lumabas na ako ng elevator kaya inakyat ko na ang hagdan. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay napansin kong medyo naka-bukas ito. Papasok na sana ako nang may marinig akong nag salita. Na-estatwa ako sa narinig ko.
" I missed you Deus. I missed you so much "- Narinig kong sabi ng isang babae.
Unti-unti kong binuksan ang pintuan ng rooftop at sinuguradong hindi ito gagawa ng ingay.
At nang mabuksan ko na ng tuluyan ang pinto ay biglang nanlambot ang tuhod ko. Buti nalang ay naka-hawak ako sa may hawakan ng pintuan.
Sina Deus at Talia. Magkayakap.
Biglang bumuhos ang luha ko nang marinig ko ang sinabi ni Deus kay Talia.
" I missed you more. Ngayong nasakin ka na. Hindi ko hahayaang mawala ka pa "- Ani nya habang yakap ng mahigpit si Talia.
No. Hindi to pwede. Nananaginip lang ako diba ? Please wake me up from this nightmare.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com