Present 63
· ꕥ · ──────
Dairy
Hindi ko magalaw ang pagkain ko
dahil nasa tabi ko si Bronze. Kanina
pa siya napapatingin sa akin
matapos akong madapa dahil sa
pagtutulak nila Music saakin.
"Ilang buwan lang kayo rito?"
tanong ni Tita Pepper na kasalukuyang
kumakain at nakikipag-usap kina Tita Gold.
On the way pa lang sila Dad, at
halos ng katropa niya ay nandito.
Sila Dad at Tito Verse lang wala pa.
"Mga apat? Lima?" hindi sure na sagot
ni Tito Monie matapos hiwain ang
chicken fillet ni Tita Gold para diretso kain.
Hindi ako nakinig sa usapan nila.
Wala rin akong maintindihan.
"Ayaw mo bang makita ako?"
seryosong tanong ni Bronze
sa tabi ko habang kumakain
ng Fried Chicken.
Napalunok ako. Hindi ako makasagot dahil
parang nakakaramdam ako ng hiya matapos
noong magclassmate pa kami at tinatawag
ko siya na Bulag Pipi Bingi.
"So sinong merong boyfriend or
girlfriend sa inyo?" Napatingin kaming
lahat kay Tito Monie kaya nawala
sa isipan ko ang tanong niya.
Agad nagtaas ng kamay si Music.
"Baby pa kita. Bawal pa." Napanguso si
Music nang napayakap si Tita Selena
sa kanya at hinahaplos ang buhok niya.
"Ako!" Nagtaas ng kamay si Simon
at balak sanang kunin ni Tito Justin
pero agad tinuro ni Simon si
Sugarcane. "Hi babe. Hehehe."
Nag-asaran sila at nakita ko si
Peter na literal na napairap. I don't know.
"Heh!" sigaw ni Sugarcane at
natawa nalang silang lahat.
"Nga pala. Si Bronze, naka
500,000 mahigit na followers sa
youtube dahil sa mga vlog niya?"
Napatingin ako kay Bronze na nasa
tabi ko sa sinabi ni Tito Jaydope.
Hindi ko alam!
"Opo." Ngumiti si Bronze at
hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Sinabihan ko ang mga subscribers ko na magkakaroon ng vlog dito sa Pilipinas."
Namangha ang iba samantala ako hindi makapagsalita. Wala akong alam! Kaya
nagtaka ako kung bakit ang daming
likers niya sa dp niya. Noong binuksan
ko ulit ang facebook ko.
"Nasaan Dad mo?" tanong ni
Tito Monie sa akin. "Papunta na po siya."
Ito ang ayoko. Pagkatapos kong
magsalita tatahimik saglit.
"Nasaan si Morning?" tanong ni
Tito Monie matapos niyang nakita
ang reaksyon ko. Hindi kasi ako
sanay sa mga ganito. Hindi naman ako
sila Sugarcane na sobrang daldal na
pwede nang gumawa ng nobela.
"Nag-aaral sa isang Music and
Arts Academy. Kalayuan eh.
Scholar siya roon," sagot ni Tita
Moonlight. "Hindi pa namin siya
nacocontact dahil bawal ang phones
sa kanila," dagdag ni Tito Jaydope.
"Stop torturing me, Dairy. Talk."
Napatingin ako kay Bronze at
atlast may lakas loob na akong magsalita.
"Bakit hindi mo sinabi saakin na
Vlogger ka?" naiinis kong tanong
sa kanya at napansin kong may sauce sa
gilid ng labi niya. Kumuha ako ng
tissue at pinunasan ang labi niya.
"Siniseen mo lang ako eh. Matapos
kong maging busy sa studies at
pagvvlog." Napairap ako at padabog
na nilagay ang tissue sa lamesa. "Kahit na."
Kumunot ang noo ko nang nakita ulit
ang ngiti at nilapit ang mukha niya saakin.
"Alam kong nahilig ka sa panonood
ng mga vlog dati." Umiwas ang tingin ko.
Dati. Tumigil ako sa kakanood ng Vlogs
sa Youtube noong nalaunch ko ang app ko.
"Pero mukhang pag-upload ko
ng first vlog ko, naging busy ka na."
Napanguso siya at biglang may
tumulak ng ulo ko at nahalikan ko ang
ibaba ng mata niya.
Wtf!
"Atlast! Hay nako, Anak.
Andyan na Baby Tanso mo oh."
Si Dad! Si Dad ang tumulak sa akin!
"Dad!" sigaw ko at inaasar kami
ng mga nandito.
"Ayieee. Namumula siya!" sabi pa ni Mom
bago umupo sa tabi ko. Gusto kong
umalis dito pero nakangisi saakin
sila Weeya. Inaasar ako.
Wtf.
"Asan na ang pasalubong ko?"
"'Yung Gloxi?"
Nagtawanan na naman sila at
kahit nasa kusina si Tito Genie rinig na
rinig hanggang dito ang tawa niya.
"Baby Oil." Wala ako sa sarili
nang napatingin kay Bronze na ganun
parin ang posisyon. Ngumuso ulit siya kaya
sa sobrang inis ko pinahiran ko siya
ng sauce ng sweet and sour.
"Tito Monie, Tito Chim,
Si Dairy at Bronze oh!"
sigaw ni Deity habang tinuturo kami.
"SHIP!" Nagfinger heart si Mom
kaya pasimple akong umirap.
Nasstress na ako kaya sunod-sunod
ang pagsubo ko sa pagkain ko.
Hindi pa ako nangangalahati sa
pagkain ko nang mawalan ako ng gana.
Nakatitig saakin si Bronze. Pinapanood ako
kanina pa. "Ilan na ang Vlogs mo?" tanong ko at
binigay niya saakin ang phone niya.
Binuksan ko 'yun at napanganga ako
sa wallpaper niya. Picture ko sa snapchat
na may flower crown sa ulo. Sinend ni Music.
Automatic na sumama ang pagtingin ko
kay Music at agad nagtama ang paningin
namin kaya pasimple siyang umiwas ng tingin bago sumubo sa kinakain niya.
Tsk.
"Tingnan mo sa youtube." Pinindot ko
ang Youtube at napanganga ako sa dami ng notifications doon at agad akong pumunta sa
mga uploaded videos at napapikit ako nang makita ang mga mukha niya roon at may
halos isang milyong views.
Meron siyang 609,623 subscribers!
Bigla akong napadilat nang nilagay
ni Bronze ang baba niya sa balikat ko
habang tinutulungan akong kalkalin
ang phone niya. Hindi ako makahinga.
Ang sarap batukan itong lalaking 'to.
"Gusto mong manood?"
"Ayoko."
Never akong manonood ng vlogs niya.
Wala akong balak.
Wala na ako sa mood.
See you soon. :)
Naalala ko ang letter ni The One.
Siya kaya si The One? Kinalkal ko
ang phone niya at wala siyang app ko.
Malamang. Malalaman niya agad na ako
ang gumawa ng Dear Dairy kasi,
ako lang ata ang may Dairy na pangalan.
Chineck ko ulit. Wala talaga.
Hindi siya si The One?
Kung hindi siya..
Sino?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com